Epilogue
10 years later...
Laxxus POV
SA LUMIPAS na sampong taon, naging matunog ang pangalan ko sa larangan ng pag-aabogado. Oo, isa na akong ganap na abogado ngayon. Kakapanalo ko lang sa isang kaso noong nakaraang linggo.
Maraming nangyari, marami akong napagdaanan bago muling abutin ang mga pangarap ko. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral at dahil na rin sa tulong ni Attorney Mishel noon sa akin ay nabuhay akong may hinahawakang prinsipyo't dangal.
Ngayon, may event akong dadaluhan sa isang sikat na hotel. Maraming mga mayayamang bisita ang pupunta kaya naghahanda na rin ako. Pilit kong inaayos ang aking kurbata ngunit hindi ko iyon maayos.
Lumingon ako sa pinto kung saan nakita ko ang pagpasok nang aking minamahal na asawa na siyang ikinangiti ko.
"Hon," tawag ko sa asawa ko.
Ngumiti siya sa akin at natatawang lumapit sa kinaroroonan ko. Oo, may asawa na ako at dalawang taon na rin kaming kasal. She's a strong woman, sweet and kind. She has also this smile that everyone loves most specially me. She's Faith Araxxel Rodriguez Sarmiento, my loving wife.
"Hindi mo pa rin naaayos ang kurbata mo, hon," She said, laughing while fixing my tie.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay at ipinatong iyon sa aking balikat. Iniyakap naman niya ito sa aking batok kaya napahawak ako sa kaniyang beywang at tinitigan siya. Nakatingala ito sa akin dahil hamak na mas matangkad ako sa kaniya.
"Kaya nga ikaw ang gusto ko laging gumagawa nito, hon." sambit ko.
Pinalobo nito ang kaniyang pisngi dahilan ng pagtawa ko. Hindi pa rin nagbabago ang pagpa-pa-cute ng asawa ko.
"Such a cutie, hon." usal ko.
Natapos na ang pag-aayos niya sa aking kurbata kaya hinalikan ko siya sa kaniyang noo. Ramdam ko ang mumunting pagtawa niya na siya rin pagyakap ko sa kaniya.
"Hmm, male-late ka niyan, hon kapag hindi ka pa nag-ayos," She mumbled.
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya, ramdam ko kasi ang kaligtasan sa mga bisig niya. Siya kasi ang tipo ng asawa na tanggap sa iyo lahat lahat kahit ano pa ang pinagdaanan mo sa buhay, kung saan ka nagsimula at mga karanasan na nangyari buong buhay mo.
I found the safest place of my life-my wife as she spends the rest of her life with me. She will always be my safest destination, my peace, and my freedom. That's how I love her that much and I am grateful for having her in this journey of life.
"I love you, wife." bulong ko sa kaniyang tainga.
Humigpit rin ang pagyakap niya sa akin. "I love you so much, hon."
Lumipas ang ilang minutong pagyayakapan ay naghiwalay na rin kami pero hindi pa rin namin binitawan ang isa't-isa.
Nakatitig lang ako sa kaniya. "Parang ayaw ko na lang dumalo sa event, hon." natatawang usal ko sa kaniya.
"Nah, that's an important event, hon. You should be there. Don't worry about me."
"I'm gonna miss you," pangungulit ko. " Ah, huwag na lang pala ako dadalo sa event na iyon, mukhang boring kapag wala akong kasama na asawa." natatawang pang-asar ko sa kaniya.
Sinapak nito ang aking dibdib dahilan para mapaatras ako na agad rin naman niyang akong dinaluhan at hinalik-halikan sa aking pisngi at labi. I smirked at her, naka-isa ako sa kaniya ngayon.
"Anong oras na, hon. You need to go," pilit niya. "Kung hindi lang ako buntis sa panganay natin sasamahan kita pero hindi naman ako puwedeng mag-byahe ng mahaba," She said, nakanguso pa.
Yeah, she's pregnant with our first child kaya hindi siya maaaring bumyahe dahil malapit na itong manganak. Isang buwan na lang at masisilayan na namin ang bunga nang aming pagmamahalan.
Ayaw ko siyang iwan pero importante ang event na iyon pero tinawagan ko na rin sila Aling Berna para sila na muna ang magbantay sa asawa ko.
"I'll go ahead, hon. Take care. If something bad happen o kahit ano man 'yan, tawagan mo ako, hmm?" I muttered.
Inihatid ako nito sa labas ng bahay at bago ako sumakay sa kotse ko ay hinalikan ko muna siya.
"I love you, wife." sabi ko at hinalikan ang labi niya maging ang umbok ng kaniyang tiyan. "I love you, son."
Sumakay na ako sa kotse, pinaandar iyon at sinimulang tahakin ang daan patungo sa event. Nakita kong kumaway pa siya sa side mirror kaya napangiti na lamang ako at dumiretso na dahil kapag tinignan ko pa siya baka bumalik lang ako roon at hindi na siya iwan.
Ang event ay gaganapin sa Makati, sa Shangri-La hotel. Isa ako sa representative sa Law Firm na pinagtratrabahuan ko kaya importanteng dumalo ako roon. Pagkalipas ng isang oras ay nakarating na ako sa mismong event. Ipinarada ko muna ang kotse at nagtungo na sa lobby para makapasok na sa loob.
"This way, sir." sambit ng usherette.
Sumunod lang ako sa kaniya at namangha sa loob ng hotel. Malalaking chandelier ang nasa kisame, makintab rin ang kanilang sahig at ang buong interior ng hotel ay nakakaakit.
Naglibot muna ako hanggang sa makasalubong ko ang isang abogado mula sa firm na pinapasukan ko.
"Hey, Attorney Lim," bati ko sa kaniya.
"Oh? Attorney Sarmiento, narito ka pala. Kanina ka pa hinahanap ni Judge Enrile." imporma niya.
Umawang ang aking labi, bakit naman ako hinahanap ng matandang iyon. Ano na naman ang kailangan niya sa akin?
"O sige, Attorney. Nasaan ba siya at baka may kailangan iyon sa akin." usal ko.
Itinuro niya ang daan patungo sa direksyon ni Judge Enrile at kumurap-kurap ako nang may kasama itong kasing-edad ko lang siguro na babae. Umiwas ako nang tingin at nagpasalamat kay Attorney Lim bago nagtungo kay Judge Enrile.
Nahihiya akong lumapit ngunit linakasan ko ang aking loob dahil ang isang abogado, hindi dapat nahihiya sa harap ng ibang tao.
"Excuse me, Judge Enrile?" pagtawag ko sa atensyon niya.
Lumingon ito sa akin at nginitian ako. Lumingon rin sa aking gawi ang kasama niyang babae.
"Oh, Harris! Mabuti at nakadalo ka," usal niya.
"Of course, dadalo po ako. Hindi naman po ako maaaring tumanggi sa imbitasyon niyo, Judge Enrile." nakangiting sagot ko bago bumaling sa babae. "Oh? Anak niyo, Judge?" tanong ko.
Napatawa lang ito. "No, she's my niece." He answered.
"Oh, uncle! Who's he?" tanong ng babae.
"Yexia, this is Attorney Harris Sarmiento. A fine and well-mannered man in my firm." pagpapakilala niya.
Nakita ko ang malawak na pag-ngiti nito sa akin tila inaakit niya ako sa ngiti niyang iyon. I just smirk at her. I already found my happiness kaya hindi na epektibo sa akin ang pag-ngiti niya.
"Hello, Miss Yexia. Nice to meet you," usal ko at inilahad ang kamay ko sa kaniya.
Nag-a-alangan pa ito kung tatanggapin niya ba ang kamay ko o hindi pero sa huli ay nakipag-kamay rin siya sa akin.
"N-Nice meeting you... Attorney!" nauutal na sabi niya.
Mabilis kong inalis ang aking kamay at namulsa na lamang habang nakikipag-usap kay Judge Enrile. Ipinakilala niya ako sa mga mayayaman na bisita nito. Selebrasyon pala nang pagdating ng kaniyang pamangkin na si Yexia. Nagbakasyon raw kasi ito at sa muling pagbabalik niya ay isa na siyang sikat na CEO sa sarili niyang kompanya.
Nag-excuse ako sa kanila para magtungo sa hardin ng hotel. Inilabas ko ang aking cellphone at tinawagan ang asawa ko para kamustahin siya. Pasado alas diyes naman na nang gabi pero susubukan ko pa rin siyang tawagan.
Ilang ring pa ay inangat na rin niya ito. Okay naman daw siya at walang masakit kaya nakahinga ako nang maayos.
"I love you, wife. I'll be home at midnight. You sleep already, okay?" sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Babalik na sana ako sa loob ng hotel ngunit naharang ako ni Yexia na may hawak na wine glass.
"Oh? Hi, Attorney!" bati niya at inabot sa akin ang isang baso ng alak na hawak niya.
Namulsa lang ako at hindi ko iyon tinanggap. "No, thanks. I don't drink." sagot ko.
Napatawa naman siya at uminom sa wine glass niya. Lumapit siya sa akin na siyang ikinakunot ng aking noo. She's acting like a bitch.
"Come on, Attorney! I know you like me, too." She snorted.
Natawa ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko siya gusto kung iyon ang ipinagpapalagay niya. I don't like her at all. I hate her guts and we just meet few hours ago. I don't want to tarnish my name with her.
"Look..." I scratch my forehead, "Miss Yexia, stop babbling nonsense because I don't give a fuck about what you are talking." madiin kong sambit sa kaniya.
Naging seryoso na ang aking mukha nang hawakan niya ang aking braso na mabilis kong iwinaksi iyon.
"I already found my safest place, Miss. I already have a wife, so stop what you are doing!" malamig kong usal sa kaniya param magtigil siya sa ginagawa niya.
Iniwan ko na siya roon at dumiretso na lamang sa parking lot ng hotel. Tinahak ko ang daan pauwi sa asawa ko. Nang makarating ako roon ay mabilis akong pumasok sa loob at tumungo sa kwarto namin ni Faith.
Niluwagan ko ang aking kurbata nang maabutan ko siyang mahimbing na natutulog sa aming kama. Nagbihis muna ako bago tumabi sa kaniya at niyakap siya.
"I love you, wife. My safest place will always be you, hon." bulong ko sa kaniyang tainga bago ko siya hinagkan ng halik sa labi at noo.
My life is miserable back then. I experienced a lot of pain and cruelty from people. I was traumatized by what had happened but I found my safest place. I found someone to have and to hold me forever. I will never be lost. The life of having an unwanted justice is already ended because I already achieved the justice I prayed for.
This is me, Laxxus Harris Sarmiento- was once a victim of rape and now, peacefully having a normal life but the pain of the past will remain in my mind and heart.
The end.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro