Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: Bugbog

Flashback...

Laxxus POV

DALAWANG araw na buhat nang hindi umuwi ang aking magulang. Wala rin alam si Aling Berna kung saan sila nagtungo. Nasa kusina ako nang biglang bumukas ang pinto kaya lumingon ako.

Nakita ko ang aking Ina na lupaypay ang katawan at tila ginahasa sa kaniyang hitsura, kasunod nito sa kaniyang likuran ang aking Ama na puro pasa ang mukha.

Ano ang nangyari sa kanila? Iniwan ko ang pinggan na pinagkainan ko at dinaluhan silang pareho.

"Nanay, Tatay, ano po ang nangyari sa inyo?" tanong ko. "Saan po ba kayo galing?"

Hindi sila umimik. Rinig ko ang mabilis na paghinga ng aking Ina. Hindi ko mawari kung ano ang problema. "Ayos lang po ba kayo?" kapagkuwan ay tanong ko ulit.

"A-Ayos lang..."

Pinaupo ko silang pareho sa sira-sirang sofa bago kumuha ng tubig na maiinom. Nang maibigay ko iyon sa kanila ay nagsalita ang aking Ama kaya natigilan ako.

"Laxxus, kung ano man ang nakita mong itsura namin ng nanay mo ngayon, huwag mong ipagsasabi sa iba." usal nito.

"Ano ba ang nangyari? Saan ba kayo galing?" naiiyak kong tanong. "Dalawang araw po akong naghintay, akala ko iniwan niyo na ako..."

Nagsalita si Nanay, "naghanap lamang kami nang trabaho ng tatay mo. Magpahinga ka na roon at maaga pa ang iyong klase kinabukasan," aniya ni Nanay.

Ngumiti lang ako ng pilit sa kanila kahit alam kong may hindi sila sinasabi sa akin kaya inintindi ko na lamang. Nagtungo na ako sa aking silid at humiga. Pinakinggan ko ang buong paligid. Nakarinig ako ng bulungan mula sa kabilang silid.

"Maling trabaho ang pinasok mo, Berto!" inis na wika ng aking Ina. Anong trabaho ba iyon?

"Wala na akong maaaring pwedeng pasukan, Erlinda. Tanging iyon lamang ang ibinigay sa akin, natatakot rin ako." sagot naman ng aking Ama.

Bumangon ako sa aking higaan at sumilip sa maliit na butas sa dingding namin. Nakita ko ang hawak ni Tatay na isang baril.

"Berto, p-pinatay mo ba ang Mayor ng kabilang distrito?" muling tanong ni Nanay na siyang ikinabigla ko.

May pinatay si Ama at iyon ang bagong trabaho niya. Mabilis akong napaatras at nagsumiksik sa aking higaan. Yakap ko ang aking binti habang pinapakinggan ang kanilang bangayan. Hindi ko lubos maisip na kayang patayin ni Ama ang Mayor sa kabilang distrito.

"Mali ang ginawa niya, Erlinda. Pumapatay rin siya ng mga inosenteng katulad natin, kaya kinakailangan ko siyang iligpit dahil iyon ang utos sa akin," muling sambit ni Tatay.

"Pero mali ka rin, Berto! Pinatay mo ang tao kahit walang kasalanan sa iyo!" pigil inis na rinig kong sambit ni Nanay.

Hindi umimik si Tatay, natahimik ang kabilang silid kaya maingat akong lumabas sa aking silid, nakarinig ako nang kaluskos mula sa labas kaya dahan-dahan akong nagtago sa gilid ng bintana.

"Hanapin niyo ang mag-asawang iyon dahil kailangan nilang pagbayaran ang kasalanan nila," rinig kong sambit ng lalaki mula sa labas.

Napatakip ako sa aking bibig. Natakot para sa aking magulang maging sa aking sarili. Muli ko silang pinakinggan ngunit tila wala na sila sa labas. Sa ibang direksyon na yata sila nagtungo kaya nakahinga ako ng maluwang.

Bumalik ako sa aking silid at muling humiga sa kama at natulog na. Paggising ko sa umaga, naabutan ko na nagtitimpla ng kape ang aking Ina. Nakaupo na rin sa hapag si Tatay na tila wala lang ang mga pasa sa kaniyang mukha.

"O, gising ka na pala. Maupo ka na at ipaghahanda na kita," masuyong sambit ng aking Ina. Sinunod ko siya ngunit may halong pagtataka sa aking mukha na bumaling kay Tatay.

"Ano po ang nangyari sa inyong mukha, Tatay?" tanong ko.

Uminom ito sa kaniyang kape bago ako tignan, "hindi mo na kailangan malaman, Laxxus." malamig na sambit nito.

"Saan po kayo nanggaling? May trabaho na po ba kayo?" sunod sunod ko ulit na tanong.

Nagitla ako nang pabagsak na ilapag ni Nanay ang pagkain sa lamesa, batid ko ang pagkainis sa kaniyang mukha.

"Kumain ka na lang,"

Hindi ako sumunod sa sinabi ni Nanay bagkus itinabi ko ang pagkain sa gilid. Hinampas ni Tatay ang lamesa kaya doon na ako napapitlag. Batid ko ang galit sa kaniyang mukha at matatalim na tingin sa akin.

"Kapag sinabing kumain ka, kumain ka na lang! Huwag mo akong sagarin, Laxxus!" gigil na sambit nito.

Hindi na ako nakapagpigil pa kaya padabog rin akong tumayo. "Saan ba kasi kayo galing sa loob ng dalawang araw?!" sigaw ko rin sa kanila. "Dalawang araw akong naghintay sa inyo,"

"Aba't sumasagot ka ng bata ka! Halika rito!" sigaw sa akin ni Tatay na mabilis nakalapit sa akiin at hinila ako patungo sa aking silid.

Itinulak niya ako sa aking higaan at mabilis na hinugot ang sinturon sa kaniyang baywang. Mabilis niya iyon inihampas sa akin at tumama sa akin likuran.

"Walang hiya kang bata ka! Akala mo hindi ko malalaman ang ginawa mong pagnanakaw sa gamit ng anak ni Mrs. David."

Napaiyak na lamang ako sa sobrang sakit. "H-Hindi ko naman kasalanan..." depensa ko sa aking sarili, "Tatay sila po ang naglagay niyon sa aking bag,"

Sinuntok ako ni Tatay sa mukha. "Wala akong anak na magnanakaw!" sigaw niya.

Wala rin akong Ama na mamamatay tao! Gusto kong isigaw ang katagang iyan ngunit hindi ko na lamang ginawa. Ihahampas pa sana sa akin ni Ama ang sinuturon niya ngunit may narinig kaming sirena ng pulis. Humagulgol lang ako at nahihirapan na rin sa paghinga.

"Pasalamat ka't may mga pulis," wika niya.

Tinapunan ako ng tingin ni Nanay ngunit tanging mantsa lang ng galit ang nakita ko sa kaniyang mata at ang hindi ko maipaliwanag na pag-aalala.

"May pulis sa tapat, Berto..." rinig kong wika ni Nanay. "kinabahan ako,"

"Huwag kang kabahan, Erlinda. Basta huwag kang magkakamali sa mga isasagot mo sa kanila,"

Rinig ko ang pagbukas ng pinto at pinapasok ni Nanay ang mga Pulis. Tahimik lang ako sa loob ng aking silid, pinipigilan ang aking hagulgol.

"Magandang araw, Mr. and Mrs. Sarmiento," bati ng Pulis.

"Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo, ser?" tanong ni Tatay.

Dahil sa kuryusidad, sumilip ako sa munting pintuan ng aking silid. Nakinig ako sa kanilang pinag-uusapan. Alam kong bawal ngunit kailan ko rin malaman ang mga bagay bagay.

"Maaari po ba namin kayong imbitahan sa presinto. May ilang katanungan lamang po kami na itatanong sa inyo tungkol sa kaso ng pagpatay kay Mayor Alaxon sa kabilang distrito," paki-usap ng Pulis.

Nakita ko ang pagkabigla ni Nanay at Tatay. "S-Sige po, ser."

"Siguraduhin niyong katotohanan ang inyong sasabihin kung ayaw niyong maranasan ang impyerono," rinig kong turan ng isang Pulis. Pinagmasdan ko ang kanilang mga mukha, maging ang pangalan sa kanilang damit ngunit walang nakalagay. Hindi naman siguro mangmang ang aking magulang na hindi iyon napapansin.

"T-Teka... h-hindi, wala kayong warrant of arrest!" sigaw ni Nanay. "h-hindi kayo mga Pulis..."

Ngunit, walang nagawa ang aking magulang nang tutukan na sila ng baril.

"Sumama na lamang kayo kung ayaw niyong masaktan," rinig kong sabi pa ng isa.

Kusang sumama ang aking magulang at bago muling maisara ang pinto, sumulyap sila sa akin na tila namamaalam. Tahimik lang ako hanggang sa makaalis sila at doon na lamang ako humagulgol sa apat na sulok ng aking silid.

Wala akong nagawa, nais kong magsumbong ngunit hindi rin makatarungan ang ginawa ng aking magulang kaya nanatili na lamang akong tahimik sa barong-barong namin na bahay. Hindi ko alam kung ano nga ba ang totoong pangyayari. Naisip ko, kapag nagsumbong ako, wala rin lang akong mapapala at hindi lang rin papalayain ang aking magulang. 

Hindi ko lubos na akalain na papatayin ni Tatay si Mayor Alaxon. Posible kayang inutusan siya para gawin iyon?  Maraming katanungan sa aking isip na wala naman akong nakukuhang sagot kapag tikom lang ang aking bibig. 




To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro