Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26: Warrant of Arrest

Atty. Mishel Marrey's POV

ISANG BUWAN naming hinintay ang issue for Warrant of Arrest para kay Zach Versoza at ngayon, tagumpay ang plano naming iyon. At first, the motion was denied so, I decided to seek remedy from the Department of Justice. It was a big help because the city prosecutor finds probable cause. He issued a resolution spelling out the reasons for such findings that we used to file an information in Court with the recommended bail. And thank God, dahil sa isang kapit ko sa loob ng korte, nagbigay agad ang judge nang Warrant of Arrest.

Naghihintay kami ngayon ni Laxxus dito sa loob ng presinto. Pabalik-balik siyang naglalakad at tila hindi mapakali.

"Kumalma ka, Laxxus." singhal ko rito.

Alam kong kinakabahan siya dahil muli niyang makakaharap si Zach Versoza maski ako ay kinakabahan rin at ngayon ko lang ito naramdaman. Hindi ko alam kung anong klaseng kaba itong nararamdaman ko, kung kaba ba na bigatin ang taong kinakasuhan namin o kaba na nanggigigil sa kalapastangan niyang kumitil ng buhay.

"Paano... paano ako kakalma, Attorney?" nagsusumamo at ramdam ang kaba sa kaniyang tinig. "Kung 'yong taong gumahasa sa akin ay makikita ko ulit ang pagmumukha niya." He added.

Tumango-tango lang ako dahil naiintindihan ko ang kaniyang nararamdaman pero hindi dapat siya magpakita ng takot para sa taong iyon.

"Please, huwag mong ipakita na mahina ka at huwag mong ipakita na natatakot ka sa kaniya, Laxxus," pakiusap ko. "Masasayang lahat ng pinaghirapan natin sa loob ng isang buwan na paghihintay."

Naupo ito sa aking tabi at humugot nang malalim na paghinga. "W-Walang hiya siya, Attorney. Inapakan nito ang pagkatao ko at ang dignidad ko," gigil nitong sambit sa akin. "Tangina! Iyong puri ko dinungisan niya kahit sobrang dungis na nang pagkatao ko..." basag ang boses na pagpapatuloy niya.

Hinagod ko ang kaniyang likuran. Nakikita ko sa kaniyang mata ang pagpipigil nito ng kaniyang luha. Labis kong napagtanto na kahit madumi at bayaran siyang tao, may takot pa rin ito kapag siya ay na-agrabyado.

"Hayaan mong batas ang lumitis sa kaniya. Makakamit rin natin ang hustisya para sa sarili mo, Laxxus. Narito lang ako na handa kang tulungan."

Tumingin ito sa akin, bakas sa kaniyang mata ang galit dahil wala itong emosyon. "Sana lang makamit ko ang hustisyang iyon at sana... nasa tabi pa rin kita pagkatapos ng lahat ng ito."

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi naman ako mawawala kung sakali sa tabi niya ngunit bakit parang may ibang kahulugan ang kaniyang sinabi?

Bumilis ang tibok ng aking puso. Posible kayang mahulog ako sa kaniya kahit na mas matanda ako ng tatlong taon sa kaniya? Posible kayang magustuhan niya ako kahit hindi pa namin masyadong kilala ang isa't-isa?

"L-Laxxus..." tanging sambit ko, " ano ba ang ibig mong sabihin?" kinakabahan kong tanong.

Pilit itong ngumiti. "Wala, Attorney. Hayaan mo na lang, tutal ganoon naman talaga ang bagsak ko. Magiging mag-isa ako hanggang sa kamatayan ko." naiiling na sagot niya.

Hindi ko siya maintindihan. Ano ba ang pinagsasabi niya? Ayaw niyang linawin kung ano iyon, tangina! Ang gulo rin niya! Ang daming katanungan sa aking isipan ngunit hindi na ako muling nakakibo nang marinig namin ang pagwawala ng isang tao sa bungad ng presinto.

Kumunot ang aking noo, napatayo nang pumasok ang pulis bitbit ang lalaking- Zach Versoza? Mabilis na napatayo sa aking tabi si Laxxus. Pumasok ang ibang pulis at mahigpit na hinawakan si Versoza na hanggang ngayon ay nagpupumiglas pa rin.

"Tangina! Pakawalan niyo nga ako!" sigaw niya. "Wala akong kasalanan kaya bakit ako nandito?!"

"Hindi po namin kayo maaaring pakawalan, sir dahil mabigat po ang paratang sa inyo ng taong ginahasa niyo," paliwanag ni SPO4 Romualdez.

Kumunot ang noo nito nang mapansin kaming dalawa ni Laxxus sa gilid. Bumunghalit pa ito ng malakas na tawa bago muling nagsalita.

"Siya ba?" baling niya sa mga pulis. "Siya ba ang nagsumbong sa inyo?"

Kumunot lalo ang aking noo. Sa tono ng pananalita niya at sa pagbanggit niya ng salitang iyon ay tila naganahan ako sa muling pag-apak ko sa korte. Base sa kaniyang ekspresyon, hindi maipagkakailang mayroon itong sira sa kaniyang utak.

"Ano naman kung ako ang nagsumbong? Nababaliw ka na, Versoza! Pagbabayaran mo ang mga kasalanan mo!" galit na sigaw ni Laxxus. Wala na ang kalmadong mukha niya kanina. Tila napuno nang dugo ang kaniyang mata na nakatingin sa gumahasa sa kaniya.

"Hindi... wala akong ginawa sa iyo!" sikmat nito.

Gigil na gigil si Laxxus sa aking tabi. Akma niya sana itong susugurin nang pigilan ko siya at yumakap sa kaniyang beywang upang mapakalma siya. Nagpupumiglas lamang siya ngunit mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya.

"L-Laxxus, t-tama na..." mahina kong pagsusumamo, "Please, tama na."

Ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga hanggang sa maging normal na ito. Tumingin siya sa akin na nanlulumo ang kaniyang mukha. "I'm sorry..." paumanhin niya.

"Oh, I see. Who is this beautiful and sexy woman, Laxxus? Is she your new client?" rinig kong pang-insulto nito kay Laxxus. "Pe-perahan mo na naman ba? Aba! Ang swerte mo naman, Laxxus." patuloy niya.

Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao ni Laxxus maging ang pag-igting ng kaniyang panga dahil sa inis na nararamdaman. Natakot ako nang mag-iba ang kaniyang boses na ngayon ay kasing lamig na ng yelo.

"You don't have the right to insult this woman..." He said, looking intently at me, "...beside me," tuloy niya. "She's my lawyer and I hate the fact that someone like you is insulting and eye fucking raping her." Bawat salita nito ay madiin at may galit.

Natulala ako sa kaniyang sinasabi. Imbes na ako ang magtanggol sa kaniya ay siya pa ang nagtanggol sa akin sa lalaking nasa harap namin na animo'y hinihubaran na ako sa kaniyang mapanuring tingin.

Nagsalita na ako dahil bilang abogado ni Laxxus. "If you don't mind, I will sue you with Sexual Harassment and as a lawyer, it is unlawful in my part, Mr. Versoza." malamig kong sambit.

"Sexual Harassment, Rape... what else Attorney?" hamon niya. "What's the use of litigating me if I can manipulate the law?"

"How you manipulate the crimes you did?" I smirk at him. It hit the point because I can see how his eyes became furious. "Oh, I'm sorry to bubble your crimes." I laughed a bit.

Hindi ito nakapagsalita. Masama lang siyang nakatingin sa akin. "Did it hit your ego, Mr. Versoza?" kapagkuwan ay muli kong tanong sa kaniya.

"No." matapang na sagot nito. Aba! Kapag lalong inasar, lalong tumatapang pero lumalabas ang tunay na baho nito. Umaalingasaw sa loob ng presinto ang kaniyang kawalang-hiyaan.

"Oh?" napaawang ang aking labi, "see you in court, then." I smirk.

Hindi na ito muling nagsalita dahil ipinasok na siya sa loob ng interrogation room. Nakahinga ako nang maluwag dahil tila naging mabigat ang aking pakiramdam habang kaharap ko siya.

"A-Are you... okay?" tanong ni Laxxus.

Ngumiti ako sa kaniya, "I am fine, no need to worry."

Tila hindi ito nakumbinse kaya tinaasan niya ako ng kilay. "You look pale, are you sure you're okay?"

I sighed deeply and look at him thoroughly. "I'm sure, Laxxus." sabi ko. Nakita ko ang paglambot ng kaniyang ekspresyon. He's really handsome, I can't deny the fact that someone will fall for him. I shouldn't be the hindrance but I can't help it to imagine if he's mine and someone is admiring him. Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko sa araw-araw na nakakasama ko siya.

Am I falling? I asked myself. Maybe or maybe not but I will take the risk if I am destined to love him or not.

No matter what he have been through, I always accept him even if we win his case or not.

"I'm sorry, Attorney..." He mumbled before hugging me as I hugged him back.

"It's alright... it will be alright, Laxxus." I answered.

I'll do everything to win this case, Laxxus. I will fight for your dignity and rights as a person... as a human being that was sexually assaulted. I'll give the justice you deserve.




To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro