Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21: Two years

Laxxus POV

TWO YEARS had passed, isa na akong ganap na prostityut sa Club na pinapasukan ko. Sa edad na disi-nwebe ay nagsimula lang ako sa prostitusyon pero ngayon, isa na akong regular na mananayaw para sa mga bigatin na tao. Mapalalaki man o babae, kumikita ako kahit konting giling lamang sa pribadong silid na nakahanda para sa mga customer ko.

Naghahanda na ako para sa muling pagsayaw ko sa Club. Maraming tao ngayon, dagsaan ang mga estudyante at iilang mayayaman na politiko. Politiko? Napangisi ako, mga walang kwentang politiko kaya napadpad sila rito sa Club para lang maghanap ng paglalabasan ng init ng katawan. Hindi sila makontento sa kanilang mga asawa.

Napailing na lang ako at inayos ang aking sarili. Nagtungo ako sa likod ng stage at sinenyasan ako ng DJ na umentrada na. Huminga muna ako ng malalim at isina-isip na para sa sarili ko ang ginagawa kong trabaho.

Palabas akong sumayaw, naghiyawan agad ang mga tao. Dahil sa suot kong maskara, malaya kong natititigan ang mga mukha ng mga tao na naka-upo sa harapan ng stage. Masaya silang nagtatawanan habang dinuduro ang aking puwesto. Napangisi na lamang ako at patuloy silang inaliw sa pamamagitan ng paggiling at pag-kunyapit sa metal na railings sa entablado.

Makalipas ang ilang minutong pagsasayaw ay tumigil ako hudyat para magtapon ng pera sa entablado. Tumayo silang lahat at iwinagayway pa ang limpak-limpak na pera bago iyon ihagis sa akin.

Mabilis kong pinulot iyon habang nagpapasalamat ang DJ. Napangisi na lamang ako nang mahakot ko na lahat ang perang itinapon nila sa akin. Ang prostitusyon ay daan ko para umangat sa buhay. Hindi ko pwedeng iwan ang trabahong sinimulan ko dahil ito ang nagpapayaman sa akin sa araw-araw.

Bumalik ako sa aking dressing room at mabilis na tinanggal ang maskara. Inilapag ko ang perang hawak ko at pinakatitigan iyon ng mabuti. Isang biyaya, kahit katawan ko ang kapalit.

"Sobrang dami na naman ng iyong pera ngayong gabi, Laxx!" nagulat ako nang may magsalita sa aking likod. Paglingon ko ay si Kuya Mikel lang pala na nakangiti lang sa akin.

Napailing lang ako. "Sus! Kulang pa nga 'yan, Kuya. Maghahanap pa ako ng bibiktimahin mamaya," pahayag ko.

Humalakhak siya. "Hindi talaga ako nagkamali na ipasok ka sa ganitong trabaho, alam ko kasing kailangan mo ng malaking pera para sa sarili mo."

I just shrugged my shoulder. Binilang ko ang perang nalikom ko. Halos umabot na naman sa singkwenta-mil ang aking kinita. Masayang masaya ako. Binigyan ko nang tip si Kuya Mikel, limang libo rin iyon. Masaya siyang lumabas sa aking dressing room. Sumunod naman na pumasok si Manager at sinabi sa akin na huwag muna akong uuwi dahil maraming bigatin ngayon ang pupunta sa Club.

Nagbihis na lang ako ng suot kong damit nang pumasok ako sa Club. Umidlip ako saglit at hinayaan ang sarili na magpahiniga. Napagod ako sa pagsayaw at sa pagbigay aliw sa mga politiko kanina.

Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong humahalik na siyang nagbigay kiliti sa aking leeg. Napamulagat ako at mabilis na itinulak ang isang tao kaya napa-upo ito sa sahig.

"Ouch!" sambit niya habang hawak ang paa na tila natapilok sa aking biglaang pagtulak.

Damn!

"Tangi- Roxxane?" patanong kong sambit ng matukoy ko kung sino ang humahalik sa aking leeg. "What the fuck are you doing in my room?!" singhal ko.

Tumingin siya sa akin na may lungkot sa kaniyang mata. "Bawal ba akong pumasok sa silid mo?" naka-nguso niyang tanong.

Napahilot ako sa aking sentido. "Ano ba kasing ginagawa mo rito? Hindi ba ang sabi ko, walang papasok sa loob ng silid ko na walang paalam?" inis kong bulyaw sa kaniya.

"Hindi mo ba ako tutulungang tumayo?" nakanguso pa rin nitong usal.

Ini-abot ko ang aking kamay sa kaniya para tulungan itong makatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.

"I'm sorry, mukhang na-istorbo ko ang pamamahinga mo," paumanhin niya.

Hindi siya masasaktan kung hindi siya pumasok sa aking silid. Katangahan kasi pinapairal ng babaeng ito. She's Roxxane-a dancer in this Club. She's currently studying at UP. Mag-isa lang rin niya sa buhay kaya siya mismo ang nagpapaaral sa kaniyang sarili.

Mas nauna siyang narito pero hindi ko siya madalas makitang sumayaw dahil ako palagi ang isinasalang nila. Pero ngayon, mukhang kinakailangan niya talaga ng pera kaya siya narito ngayon.

"Hindi mo naman na-istorbo, ang akin lang ayaw ko na may pumapasok sa aking silid." pahayag ko. "Tsaka, anong ginagawa mo rito? Hindi ba't may night class ka?" kapagkuwan ay tanong ko.

Umiling siya. "Hindi ako pumasok, Kuya dahil kailangan ko nang pambayad sa tuition ko," nakayukong sagot niya. Yeah, Kuya na ang tawag niya sa akin since mas matanda ako sa kaniya. At 'yong halik na ginagawa niya ay normal na iyon sa akin.

Damn! Pati ba naman sa pag-aaral ay liliban siya para lang kumita ng pera? Hindi na lang niya sabihin sa akin na kailangan niya ang pera.

Kunot- noo ko siyang tiningnan. Bakas ang lungkot at pagod sa kaniyang mukha. Nangangayayat na rin ang kaniyang katawan. "Hindi ba, sinabi ko na sa iyo kapag kailangan mo nang pera, sa akin ka lumapit?" anas ko.

Tumingala ito sa akin. "Nahihiya po akong magsabi, Kuya."

"Tsk!"

Kumuha ako nang sampung libo sa aking wallet at ibinigay sa kaniya. "Oh, pang-tuition mo," abot ko sa kaniya ng pera.

Ngumiti ito sa akin. "Salamat, Kuya! Ang bait mo talaga!" sambit niya. "Para kitang sugar daddy!" dagdag niya at akma sana akong yayakapin pero iniharang ko ang aking kamay sa kaniyang harapan.

"Hindi ako matanda para maging sugar daddy mo at tinutulungan lang kita para hindi ka gumaya sa akin," pahayag ko. "Umuwi ka na," dagdag ko.

Umiling lamang ito sa akin.

"Dito muna ako, Kuya! Hindi na lang rin ako papasok, e." nakangiwing sagot niya.

Aba! May balak pang tumambay ang batang ito! Sa edad na bente-uno, nagpapaaral ako ng isang dalagita. Oo, at prostitusyon ang pinasok ko pero hindi naman ako matapobre para hindi tumulong sa kapwa ko.

"Ayaw mong umuwi? Sige, wala kang allowance sa susunod na buwan. Ano, deal?" taas kilay kong tanong.

Bagsak ang balikat niyang umirap sa akin. "Fine! Uuwi na, Kuya!"

Kailangan pang takutin bago umuwi, e. "Bubwit, mag-ingat ka sa daan. Marami pa naman ngayong rapist!" pang-iinis ko sa kaniya.

"Ulol mo, Kuya! As if na hahayaan mong may mangyari sa akin!" She fired back.

"Umuwi ka na nga! Huwag ka nang maraming satsat, bubwit!" sigaw ko sa kaniya.

Mabilis naman itong tumakbo palabas sa aking silid. Napahilot na lang ako sa aking sentido. Tinignan ko ang oras at pasado alas onse na ng gabi. Hindi na siguro ako sasayaw kaya inayos ko na lang ang gamit ko bago tumungo sa opisina ni Manager Felix.

"Uuwi na ako, Manager. Gusto ko nang matulog, e." imporma ko sa kaniya.

Tumango-tango lang ito sa akin. "O siya sige, mag-ingat sa pagmamaneho."

Lumabas na ako sa kaniyang opisina. Maingay pa rin ang buong Club. Marami pa rin akong nakikitang nagsasayawan sa dance floor. Napailing na lang ako dahil ganito naman talaga ang ginagawa ng mga tao lalo kapag may problema at depressed sila sa kanilang buhay.

Lumakad na ako patungo sa parking lot at sumakay sa hindi kamahalan kong kotse. Bago umalis, inilibot ko pa ang aking tingin sa buong paligid ng Club. May ibang nagsilabasan at mayroon rin nakikipaghalikan maski sa gilid na sa tingin ko'y estudyante pa sa karatig na eskwelahan. Naka-uniporme pa man din ito at talagang inilalabas ang kalandian kahit saan.

"Damn! Mayroon naman bakanteng silid sa loob ng Club bakit hindi sila doon mag-make out. Punyawang mga bata!" mahinang sambit ko at bumunghalit ng tawa. Umalis na rin ako roon pagkatapos kong masaksihan ang kamunduhan na ginagawa ng mga kabataan na 'yon.

Habang tinatahak ang daan ay sumagi sa aking isipan sina Aling Berna at Carlo. Mabigat man sa damdamin na hindi ko sila muling makikita dahil sa nangyari dalawang taon na ang nakalilipas. Wala na rin akong naging balita sa kanila at pinutol na rin nila ang komunikasyon sa akin. Hindi ko naman iyon ginusto ngunit taimtim akong humihingi ng tawad sa kanila sa aking nagawa.

Sana lang ay hindi ko pagsisihan ang desisyon na pinili ko-ang ipagpalit ang tiwala nila sa akin sa pagiging prostityut ko.

Patawad, Aling Berna at Carlo. Pero mas nanaisin ko ngayon ang bagong buhay ko kaysa ang makinig sa payo niyo na hindi ko naman ikakayaman. Bulong ko sa aking isip.




To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro