Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19: Aling Berna

Aling Berna's POV

MAHIGIT sampong buwan na ang lumipas buhat nang umalis si Laxxus rito sa aming baryo. Lagi kong ipinagdadasal ang batang iyon at sigurado akong mas gumwapo ang mukha niya.

Ngayon, luluwas kami ng Maynila para doon manirahan. Nagkaroon ng magandang trabaho si Carlo kaya naisipan naming lumipat sa lungsod. Naayos na namin lahat ang aming gamit na dadalhin. Hinihintay na lang namin ngayon ang inupahan naming truck para maghakot ng aming gamit.

"Oh paano na 'yan Berna, baka pagbalik mo mayaman ka na," tudyong sambit ni Rosita-ang kapitbahay kong tsismosa.

"Hindi ko naman pinapangarap maging mayaman, Rosita dahil aanhin ko ang yaman kung hindi ako marunong lumingon sa aking pinanggalingan," sagot ko sa kaniya. "Tsaka, hindi naman yaman ang basehan kung magtutungo ka sa lungsod, e." dagdag ko pa.

Tumango ito, "sabagay, tama ka naman..."

Hindi na lang ako nagsalita dahil dumating na ang truck. Iniwan na rin naman niya ako matapos naming mag-usap at magpaalam sa isa't-isa.

"Paki-ingatan ang gamit namin, Manong!" sigaw ko sa nagbubuhat. "Baka may mabasag ka at ipabayad ko pa sa iyo 'yan!"

Ngumiti lang ito sa akin. "Huwag kayong mag-alala, Misis. Iingatan po namin ang mga gamit niyo!" sigaw pabalik ng kargador.

Natigilan naman ako sa kaniyang sinabi. Nanlaki pa ang aking mata nang kumindat ito sa akin. Ano, feeling mo teenager ka, Berna? Tanong ko sa aking isipan.

Iwinaksi ko ang aking iniisip dahil lumapit sa akin ang pamangkin kong si Carlo, buhat ang kaniyang itim na bag.

"Handa ka na bang harapin ang realidad, Nay?" tanong niya sa akin habang nakaakbay sa aking balikat. "At handa ka na rin bang makita si Laxxus?" karagdagang tanong nito.

Natulala ako, naalala ko si Laxxus. Ang batang iyon... kamusta na kaya siya?

"Sino ba naman ang hindi, Carlo. Makikita ko na rin sa wakas ang lungsod na dati'y pangarap ko lang," tumigil ako at lumanghap ng hangin. "Tsaka, syempre excited na akong makita si Laxxus. Itinuring ko na rin iyon bilang tunay na anak, e." maluha-luha kong sambit.

Tumango-tango lang ito bago ako akayin papunta sa truck at tinulungan akong umakyat. Lumipas ang ilang minuto ay tinahak na namin ang daan palabas sa aming baryo. Tahimik lamang kami sa sasakyan, tulog si Carlo at wala akong maka-usap.

Tumingin ako sa labas ng bintana at dahil bukas ang bintana ng truck, ninamnam ko ang simoy ng hangin. Pinagmasdan muli ang magandang tanawin dito sa aming probinsya hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas sa aming baryo.

Mayayakap na rin ulit kita, Laxxus. Konting tiis na lang, hijo. Sambit ko sa aking isipan.


Laxxus POV

MAAGA akong nagising dahil pupunta ako sa palengke. Bumaba ako sa at naabutan ko si Manang Nez na kumakain ng agahan.

"Magandang umaga, Manang Nez!" masayang bati ko.

"Oh, magandang umaga rin, hijo. Mukhang late ka umuwi kagabi ah?" tanong nito bago sumimsim sa kaniyang kape.

"Ah, hindi naman po, Manang. Pasado alas onse lang akong naka-uwi kagabi dahil maagang natapos ang trabaho ko," nakangiting sagot ko.

Hindi naman na ito nagtanong pa kaya nakahinga ako ng maayos. Nagtimpla na lamang ako ng aking kape at naupo sa may sala. Nagbasa ako ng diyaryo at nagimbal ako sa nakalimbag doon.

Naitupi ko ng marahas ang diyaryong hawak ko kaya napatingin sa akin si Manang Nez.

"May problema ba, hijo?"

"W-Wala... wala po, Manang!" anas ko.

Hindi ako makapaniwala sa balitang iyon. Patay na si Mara at noong isang gabi lang ito nawala. Posible kayang pinatay siya ng kaniyang ama-amahan? Tanong ko sa aking isipan.

Hindi mawala sa akin ang nakakagimbal na litrato nito. Sira ang kaniyang damit at tila ginilitan ang kaniyang leeg. Napalunok ako't napahawak sa aking dibdib. Hindi kaya... ginahasa siya at pagkatapos niyon ay pinatay? Napailing ako, iwinaksi ang isipin na iyon sa aking isipan.

Mabilis kong inubos ang aking kape at lumabas. Nagtungo ako sa palengke ngunit nabangga ko ang isang lalaki- ang ama-amahan ni Mara. Nakakunot ang kaniyang noo na tumingin sa akin. Nakakatakot ang kaniyang mata.

"Bobo ka ba o sadyang bulag? Tignan mo ang dinadaanan mo bata!" galit na singhal niya.

Aba! Ako pa ang may kasalanan. Siya nga itong hindi tumitingin sa dinadaanan niya. Papatulan ko talaga ito kahit mas matanda siya sa akin wala akong pakialam lalo sa katulad niyang walang kwentang Ama!

"Pasensya," maikli ngunit seryosong sambit ko. "Kasalanan mo naman, tatang!" mahinang dugtong ko.

"Ano? May sinasabi ka, bata?" matapang na tanong niya.

Kung sino pa ang may kasalanan, siya pa itong matapang. Nagsukatan kami nang tingin. Binigyan ko siya ng isang malamig na titig bago nagsalita.

"Nagawa mo ngang gahasain ang sarili mong anak, ikaw pa itong putanginang matapang," sambit ko, may bahid ng inis sa aking tono.

Sino siya para gahasain ang anak nito? Tangina, babae iyon, e. Hindi man niya sariling dugo't laman, matuto siyang rumespeto.

"Anong sinabi mo?!" galit na tanong niya at hinaklit ang ako sa leeg. Napangisi ako sa kaniyang ginawa, batid ko ang na lasing ito dahil na rin sa naamoy ko ang kaniyang hininga.

Napailing ako, "Baka gusto niyo akong bitawan, tatang. Hindi ka magandang i-hemplo sa mga bata sa iyong harapan," nakangising sambit ko.

Tila nabigla ito sa aking sinabi at mabilis akong binitawan. Inilibot niya ang kaniyang tingin kaya lalo akong napangisi. Imbes na magalit ako sa kaniyang reaksyon ay parang matatawa pa ako.

Naglalagablab sa galit ang kaniyang mata na tumingin sa akin. "Magdahan-dahan ka sa pananalita, bata. Baka sa susunod, tigok ka na." puno ng pagbabanta nitong sambit.

Napaubo ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko pinakitang natatakot ako. Ikinuyom ko ang aking kamao upang pakalmahin ang aking sarili.

"Ikaw ang magdahan-dahan, tatang dahil baka isang araw, nakakapit ka na lang sa likod ng malamig na rehas," malamig kong sambit bago siya iwan roon.

Nagdiretso ako nang lakad patungo sa bilihan ng gulay. Bumili ako ng pang-pakbet at dumaan na rin ako ng kalahating kilo ng karne ng baboy. Naglakad na rin lang ako pauwi dahil mas trip kong maglakad kaysa ang sumakay pa sa traysikel.

Nang makauwi, nabigla ako nang may mga gamit sa harap ng pinto. Nagkibit balikat na lang ako dahil baka may bisita si Manang Nez. Pumasok na ako at didiretso na sana sa kusina nang makita ko ang dalawang bulto ng tao sa sala. Kaharap nito si Manang Nez at nang makita ako ay tumitig siya sa akin bago tawagin ang aking pangalan.

"Oh, Laxxus, may naghahanap sa iyo," sambit niya.

Magsasalita pa lang sana ako nang lingunin ako agad ng bisita- "Aling Berna..." agap ko.

"Laxxus, hijo!" wika niya at patakbong lumapit sa akin para ako ay mayakap. Mabuti na lang at nailapag ko ang aking pinamili sa sahig at niyakap ko ito ng mahigpit.

"Kamusta na po, Aling Berna? Bakit kayo naparito? Paano niyo nalaman ang kinaroroonan ko?" magkakasunod kong tanong.

Humiwalay siya sa aming yakap bago haplusin ang aking pisngi. "Ang gwapo mo na, hijo..." sabi niya habang hinahaplos ang aking mukha.

Hindi pa rin nagbago si Aling Berna. Mapagbiro pa rin siya't kwela. Kaya mabuti na lamang at naisipan nilang lumuwas rito sa Maynila. Nagpaalam sa amin si Manang Nez dahil may aasikasuhin ito. Bumisita lang sila Aling Berna at mamayang hapon ay lilipat sila patungo sa tinutuluyan ni Carlo.

Masaya ako para sa kanila at masaya akong makita silang dalawa. Habang nagluluto ay nagku-kwentuhan kami nila Aling Berna at Carlo. Marami raw pinagbago ang aming baryo ayon sa kanilang salaysay. Nakangiti lamang ako habang masaya silang nagku-kwento tungkol sa aming baryo na ngayon ay dinarayo na ng mga turista.

"Siya nga pala, Laxxus, anong trabaho mo, hijo?" kapagkuwan ay tanong ni Aling Berna sa akin.

Natigilan ako sa paghalo ng aking niluluto. Lumingon ako sa kaniyang gawi upang sagutin ang kaniyang tanong. "Sa Club... doon po ako nagtratrabaho," mahinang sagot ko.

Nabigla siya sa aking sagot. Napahawak pa ito sa kaniyang dibdib. Napakamot na lang ako sa aking batok.

"Laxxus... hijo, baka ilegal ang trabaho mo." mariing singhal niya sa akin.

Napangiwi lang ako, "h-hindi naman po..." pagsisinungaling ko.

"Mabuti naman at hindi nang iniisip ko ang iyong trabaho, hijo," usal niya. "baka bumalik ka na naman sa dati mong buhay kung saan mag-bunga na naman ang kadiliman sa iyong isipan."

Tumango-tango na lamang ako. Pagkatapos maluto ng ulam para sa tanghalian ay naghain na ako at sabay-sabay kaming kumain.

Pagkalipas ng tatlong oras na pagku-kwentuhan ay umalis na rin sila patungo sa tinutuluyan ni Carlo. Nginitian ko silang pareho at umalis na sila sa tinutuluyan ko. Napangiwi ako at mabilis na umakyat sa aking silid upang magpalit ng aking damit at kinuha ang aking gamit dahil papasok na ako sa trabaho.

Pasado alas sais y medya nang makarating ako sa Club. Nakasalubong ko pa si Kuya Mikel na nginitian lamang ako. Nagdiretso ako sa aking silid para ilagay ang mga gamit ko roon.

Nagtungo rin ako sa opisina ni Manager Felix para doon muna tumambay habang naghihintay ng customer. Nagku-kwentuhan lamang kaming dalawa tungkol sa mga bigating mga customer na nagtutungo rito sa Club.

"Galingan mo, Laxx. Sigurado akong malaking pera na naman ang iyong ma-i-uuwi mamaya," sambit niya.

Tumango na lang ako at naglaro sa aking selpon at nang magsawa ay bumalik na ako sa aking silid para magbihis. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsimulang mag-ingay ang buong Club.

Lumabas ako at sumandal sa railings, tinanaw ang mga tao sa paligid. Dagsaan ang mga estudyante mula sa karatig na eskwelahan malapit sa kinatatayuan ng Club. Napangiti ako nang makakita ng maaari kong huthutan ngayong gabi. Mabilis akong bumaba at tinungo ang pwesto ng customer na nakita ko kanina.

Umiinom siya nang Tequila mag-isa. Masakit sa ulo ang alak na iyon kaya nagulat pa ito nang maupo ako sa kaniyang tabi at ipalibot ang kamay sa kaniyang maliit na beywang.

"Hey there, lady. Let's have a drink," sambit ko.

Tumingin lamang ito sa akin. "No, thanks. I can manage to drink alone, Mister." She answered, annoyed.

I smirk at her, "I am smitten by your precious face kaya lumapit ako rito't samahan ka na uminom, Miss."

She just shrugged her shoulders before sipping her glass of Tequila. Nakatitig lamang ako sa kaniya at pangiti-ngiti kapag tumitingin siya sa aking gawi. Napansin kong hindi niya pa rin tinatanggal ang kamay ko sa kaniyang beywang kaya mas lalo akong napangisi.

"I like your dress," maikling usal ko at hinaplos ang beywang niya.

Nakita kong natigilan siya sa pag-inom at tumingin sa akin. Patay malisya akong umiwas sa kaniya.

"You like my dress but you are fucking caressing my waist?" She said, questioning.

She even motioned my hands kaya mas lalo kong pinisil ang kaniyang beywang dahilan para paluin niya ang aking braso. Tumawa na lang ako sa kaniyang reaksyon.

"Gusto mo rin naman," angil ko.

She raised her brow, "I don't even like it... nor like you!" singhal niya sa akin.

Mabigat ang kaniyang paghinga dahil ramdam ko iyon. Hindi ako nagpatalo sa kaniya, mas pinisil ko at hinaplos ko pa ang kaniyang beywang patungo sa kaniyang maselang parte kaya umawang ang kaniyang bibig.

"S-Stop..." sambit niya.

I smirk at her, "don't you like it? I can feel that you love what I am doing, honey." I said, huskily.

"F-Fine! I like it!" pagsuko niya. "I want to touch you right now," She said, flirting.

Tila nabaliktad ang ikot ng mundo. Dapat ako ang lumalandi sa kaniya pero sa pananalita niya ay tila ako ang nilalandi niya. I sighed deeply as I continue caressed her waist.

Hinawak niya rin ang aking hita pataas sa aking sandata. Napasinghap ako na siyang ikinatawa lamang niya. Uminom muna siya sa alak na nakasalin sa baso niya bago niya ako sinunggaban ng halik sa aking labi.

I kissed her back, kumapit ang kaniyang mga braso sa aking leeg. We kissed, torridly. Walang masyadong tao sa kaniyang kinauupuan kaya wala kaming pakialam kung maghalikan kami buong magdamag.

Hindi ako naging prostityut para walang kikitain na pera. Huminto ako sa halikan naming iyon at hinabol pa ng kaniyang labi ang aking labi.

"Mahal ang bayad ng mga halik ko, Miss." malamig kong sambit.

Hindi naman siya nagreklamo, mula sa pagkakakapit sa aking leeg, kinuha nito ang kaniyang wallet at naglabas ng limang libo. Nagningning ang aking mga mata. Ini-abot niya iyon agad sa akin at mabilis kong tinanggap ang pera.

"Is that enough?" She asked.

I nod my head. She pulled me again for a kiss and I kissed her back. Nakita kong dumaan si Manager at si Kuya Mikel sa aming gawi kaya kinindatan lang nila akong pareho.

We kissed torridly hanggang sa ako na ang tumapos niyon. Nagpaalaam na ako sa kaniya dahil may trabaho pa akong gagawin. Nagalit pa ito dahil bitin siya sa aming ginawa pero tanging ngiti at pasalamat na lang ang iginawad ko sa kaniya.

This is my life. My night life, actually. Kapit patalim, pero maganda ang kinikita gabi-gabi.

Carlo's POV

Inutusan ako ni Nanay Berna na sundan sa trabaho si Laxxus. Iniwan niya ako sa kung saan malapit sa tinutuluyan ng kaibigan ko. Inabangan ko siyang lumabas hanggang sa pagsapit ng alas sais y medya ay nakita ko itong sumakay sa isang makintab na kotse sa tabi ng daan. Kumunot ang aking noo kaya mabilis akong sumakay sa traysikel at pinasundan ang sasakyan.

Makalipas ang kinse minuto, nakita kong pumarada ang sasakyan nito sa harap ng isang mataas ng building. Nakaparada kami sa medyo malayo sa sasakyan na sinakyan niya kanina. Nagbigay ako ng pamasahe sa drayber at naglakad patungo roon.

Ibinaba ko ang aking sumbrero para hindi niya ako makilala agad. Nang makapasok siya ay pumasok na rin ako. Inilibot ko ang aking tingin, hindi ko na kasi siya nasundan nang makapasok ito sa isang silid.

Naghintay ako hanggang dumako ang alas syete at nagdagsaan ang mga estudyante na palagay ko ay kolehiyo at high school pa lang. Mas lalo akong kinain ng aking kuryusidad tungkol sa trabaho ni Laxxus.

Nanatili ako sa gilid. Nag-oobserba at hinahanap ng aking mata si Laxxus. Isang nakakagimbal na rebelasyon tungkol sa trabaho ni Laxxus ang aking nasaksihan. Nakita ko siyang nakikipaghalikan sa dulo at ini-abot ng babae ang pera sa kaniya.

Anong klaseng trabaho ang pinasok niya? Bakit ganito? Bakit may pera? Prostitusyon ba ang pinasok nitong trabaho? Maraming katanungan sa aking isipan na walang sagot at kasiguraduhan.

Nag-obserba pa ako at hindi lang iyon ang aking nalaman. Isa siyang kinagigiliwan ng mga tao rito gabi-gabi at dinadagsa siya dahil sa kaniyang kakisigan at ka-gwapuhan. Hindi ako makapaniwala na sa ganitong paraan ng trabaho ay papasukin niya.

Nadis-appoint ako sa ganitong trabaho ni Laxxus. Bagsak ang aking balikat patungo sa aking tinutuluyan. Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba ito kay Nanay Berna. Tiyak kong magagalit ito ng sobra pero kailangan niyang malaman ang tungkol kay Laxxus upang hindi na ito muling bumalik sa kaniyang nakaraan.

"Hindi ko gustong pakialaman ka, Laxxus pero kailangan namin ipaintindi sa iyo na mali ang pinasok mong trabaho..." bulong ko sa hangin.




To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro