Chapter 18: Bagong Trabaho
Laxxus POV
TATLONG BUWAN na ang lumipas buhat noong magpunta ako sa Club at ngayon ay naghahanda na ako para magbigay serbisyo sa mga customer ngayon. Biyernes ngayon at nakita kong maraming estudyante ang nasa loob, ibig sabihin maraming customer, maraming pera ang mapupunta sa akin.
Inaayos ko ang aking damit nang biglang pumasok si Manager Felix na tinaasan ako ng kilay.
"Bilisan mo na riyan, Laxx at magsisimula ka na sa trabaho."
"Yeah, I will!" sagot ko sa kaniya at nagmadali na. Oo marunong ako sa wikang ingles ngunit hindi naman ako nagsasalita niyan noon dahil ngayon, sa trabaho kailangan kong magpakitang gilas para dumami ang pera ko, para mahikayat ang mayayamang babae.
Lumabas na ako pagkatapos at naghanap ng mga estudyanteng maaari akong bigyan ng pera. Napangisi ako sa nang matagpuan ang isang sopistikadang babae na umiinom mag-isa sa counter. Bago ako lumapit sa kaniya ay inilibot ko muna ang aking tingin sa loob. Karamihan sa mga estudyante ay nagsasayaw na ngayon at ang iba naman ay nakikipaglandian sa gilid.
Napailing na lamang ako bago pumunta sa bago kong target. Nginitian ko ang bartender.
"Dalawang whiskey, please." order ko rito.
Tumingin ako sa babae na namumula na ang mukha, halatang lasing na ito.
"Are you alone?" Tanong ko rito. Inangat lamang niya ako nang tingin at pinakatitigan ako. Hindi siya nagsalita kaya natawa ako. Naningkit lamang ang kaniyang mata.
"Who are you? Would you like me... to touch you?" She then, asked.
I smirk on what she had said. "5,000, can you afford my bet?" naniniguradong usal ko.
Napatawa ito na siyang ikinabigla ko. Wala namang nakakatawa sa aking sinabi. "Is there something funny, Miss?"
"You're cute... and handsome!" bulalas niya. "I know you can rock my world in just a snap, Mister."
I brushed my hair up using my fingers before holding her hands and caressed it. I tried to flirt with her, trying to get some luck tonight because I was smitten by her presence.
"Enough with the chitchat, hon! Gusto mo ba ng serbisyo ko o hindi?" pursigido kong tanong sa kaniya.
Sa bigtime na mga customer rito sa buong Club, siya lang ang nakita kong lasing na mahinhin pa rin ang galawan. Hindi ako propesyunal pagdating sa ganito dahil nagsisimula pa lang ako pero parang ang bilis ng oras na matuto ako sa ganitong gawain.
"I want your service, Mister..." She said. Kinuha nito ang wallet sa ibabaw ng lamesa kaya sumimsim ako sa whiskey na in-order ko. Tila naghugis puso ang aking mata nang maglabas siya ng sampung libo roon.
Napalunok ako nang i-abot niya iyon sa akin, "Would you let me... touch you?" She said, huskily.
Hindi ako sumagot, tanging ngiti lang ang aking iginawad sa kaniya. Ramdam kong lasing na siya kaya dadalhin ko na lamang siya sa exclusive na kwarto rito sa Club. Walang sabi-sabing inakay ko siya papunta sa kwartong iyon. Hinayaan ko lang siya na kumunyapit sa aking baywang at haplusin iyon habang naglalakad kami paakyat.
"Don't be kinky, hon," I said, huskily. "Baka mahulog tayo kapag ganiyan ka," dagdag ko pa.
Bumunghalit lamang ito ng tawa. Hindi ko na alam kung lasing pa ba siya o hindi na. Namumungay rin ang kaniyang mata. Nang makarating sa loob ng kwarto, nakita ko pang sumilip roon si Manager Felix at nag-thumbs up lang ito sa akin habang nakangiti.
"Hmm... walang duda, gwapo ka nga..." She mumbled while her eyes is close.
Sumilay ang kaunting ngiti sa aking labi. Inilapag ko siya sa isang malawak na higaan at hinalikan ang kaniyang noo, kunwari ay interesado ako sa kaniya.
"Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko bago ako pumasok sa ganitong trabaho," wika ko. Hindi naman ito sumagot at nang tingnan ko ang kaniyang mukha ay mahimbing na ang kaniyang tulog.
Napangisi na lamang ako sa aking napala. Ganito ang buhay ko, bibigyan ko sila ng whiskey na may halong pampatulog para makahakot ng pera gabi-gabi. Magka-iba ang sahod ko kay Manager Felix sa aking sariling serbisyo sa mga customer niya sa Club.
Iniwan ko na ang babae roon habang may ngisi sa aking labi. Lumabas ako ng silid at tinungo ko ulit ang ibabang bahagi ng Club upang maghanap pa ng mga mayayamang tao. Nakasalubong ko pa si Kuya Mikel na siyang waiter ngayong gabi. Nginitian lamang namin ang isa't-isa.
Naghanap ako ng maaari kong landiin at huthutan. Nakita ko sa dulo ang isang babae na mag-isang umiinom. Nakatulala lamang itong nakatingin sa kawalan kaya akma sana akong lalapit nang may biglang humila sa akin sa gilid.
Napakunot ang aking noo nang mapansin na si Manager pala ang humila sa akin.
"May problema, Manager?" tanong ko sa kaniya.
Sumilay lamang ang ngisi sa kaniyang labi bago tapikin ang aking balikat. Nagtataka ako sa kaniyang ikinikilos tila may mali roon o talagang mali lang siguro ako nang inaakala.
"Wala namang problema, Laxx. Ang lakas nga ng kita ng Club dahil sa iyo," masayang sambit niya.
Napaismid ako. Hindi ako naniniwala na ako ang dahilan kung bakit malakas ang kita ng Club gabi-gabi. Ilang minuto ang lumipas ay nailang na ako sa pagkakahawak niya sa aking balikat. Dahan-dahan ko iyong tinanggal at kunwari ay natatawa.
"Sus! Hindi naman ako ang dahilan, Manager. Talagang maganda ang serbisyo ng Club sa mga tao." sagot ko sa kaniya.
Nagkibit-balikat ito at nagpaalam na sa akin ulit dahil may aasikasuhin pa siya sa kaniyang opisina. Napailing na lamang ako at sumandal sa railings at pinagmasdan ang mga taong nagsisiyahan sa dance floor.
Maingay, mausok, maraming naglalandian especially ang mga kabataan na sa tingin ko ay wala pa sa tamang edad pero may VIP card na para makapasok sa ganitong klaseng Club sa lungsod.
Habang sila ay pinagmamasdan, may biglang tumapik sa aking likuran at pagtingin ko rito ay si Kuya Mikel lang pala. Tapos na siguro ang kaniyang trabaho kaya narito na siya sa pwesto ko.
"Tapos na duty mo, Kuya?" pasigaw na tanong ko sa kaniya. Hindi naman ako sigurado kung tapos na shift niya dahil suot pa rin niya ang uniporme ng waiter.
"Hindi pa, nagkataon lang na may sumalo sa trabaho ko kaya malaya akong nakakalibot ngayon sa Club," sigaw niya pabalik sa akin.
"Ah akala ko naman tapos na shift mo, e!" sigaw ko ulit, "Ako kasi hindi pa ako tapos sa trabaho ko," dugtong ko.
Tumango-tango lamang siya sa akin bago ako ngitian kaya ngumiti rin ako pabalik sa kaniya. Parang ang weird ng ikinikilos nila ni Manager Felix pero hindi ko na lamang iyon masyadong inisip.
Nagpaalam na lang ako sa kaniya dahil oras ko na para sumayaw sa entablado. Bilang prostityut sa Club na ito ay kailangan ko pa rin sumayaw para mas lalong mabighani ang mga customer.
"And for today's dancer of the night, no other than Laxx! Please give him around of applause, everyone!" imporma ng DJ.
Lumabas na ako sa may entablado at nagsimulang gumiling. Malambot naman ang aking katawan at kaya kong gawin kung ano ang ini-u-utos sa akin. Sumayaw ako, gumiling at maraming naghiyawan. Hapit sa aking katawan ang sando kong puti kaya itinaas ko ang laylayan nito para makita ang nahulmang tinapay sa aking tiyan.
Naghiyawan ang mga tao at nakita ko ang pagkindat ng isang babae sa harapan. Tinapunan ako ng mga tao ng pera at pinulot ko iyon habang sumasayaw pa rin.
"Gwapo mo, Laxx!"
"Akin ka na lang ngayong gabi!"
"Wohooooo! You're freaking hot!"
Rinig ko ang kanilang pag-cheer sa akin na ikina-ngisi ko lang. Lumipas ang sampung minuto na pagsasayaw ay natapos na rin ang trabaho ko ngunit humirit pa ang ibang guest kaya lang tinanggihan ko na iyon.
Mabilis akong tumungo sa dressing room ko at binilang ko ang perang nakuha ko kanina mula sa pagtapon nila ng pera sa entablado. Napangisi ako nang higit na sumobra ito sa kinita kong sampong libo kanina.
"Nice! Sarap maging malaya at mabuhay, basta may pera." naiiling kong sambit sa aking sarili.
Mayroon pa lang pera kapag katawan ang ginamit. Kung ganito lang buhay ko noon ang kaso, paslit pa ako sa panahon na iyon. Walang magagawa ang talino ko noon kompara ngayon. Ginagamit ko ang talino ko at dumidiskarte para mabuhay kahit kapit pa sa patalim ang trabahong pinasok ko.
Sumandal ako sa upuan at ipinaypay ang pera sa aking katawan.
"Yayaman ka rin, Laxxus. Konting tiis pa," mahinang usal ko sa aking sarili.
Lumipas ang ilang minuto ay nag-ayos na ako ng aking gamit dahil pasado alas dos na nang madaling araw. Nakalikom ako ng higit tatlumpong libo mula sa pagsasayaw at sa pakikipaglandian kanina.
Nang makapag-ayos ako sa aking gamit ay eksakto namang pumasok si Manager Felix habang may ngiti sa labi at ang kaniyang mga kamay ay nasa kaniyang likuran.
"Mukhang masaya ka, Manager." sambit ko rito.
Pasayaw-sayaw pa siyang lumapit sa akin.
"Anong meron at tila sobrang saya mo, Manager?" nagtatakang tanong ko.
"Kasi... kasi kumita lang naman ang Club ng higit isang milyon ngayong araw at dahil iyon sa iyo! Ikaw ang dinadagsa ng mga bigatin ngayon, Laxx!" tuwang-tuwa ito habang ipinamamalita ang nalikom na pera.
Napakamot ako sa aking batok. Ang baba talaga ng kaligayahan ng tao kapag pera na ang pinag-uusapan. Sabagay ganoon rin naman ako pero mukhang makakabili na rin ako ng sarili kong sasakyan kahit 'yong second hand lang na kotse para hindi ko na hinihiram ang kotse ni Manager Felix.
"Katulad po ng sabi ko, Manager, hindi ako ang dinadagsa ng mga tao kung hindi ang magandang serbisyo na ibinibigay natin sa mga customer," litanya ko sa kaniya.
Umiling lang ito at mula sa likuran niya, iwinagayway niya sa aking ang kaniyang kamay na may hawak na pera.
"At para sa sahod mong singkwentamil kada gabi..." tumigil ito dahil binilang niya ang perang ibibigay sa akin, "...ito ang parte mo at may sampung libong sobra pa 'yan!" abot niya sa akin ng pera.
Kinuha ko iyon at nagningning ang aking mga mata. Pagod at puyat man, sobra-sobrang pera na ang napunta sa akin ngayong gabi.
"Shit! Maraming salamat, Manager! Hayaan mo at makakabili na rin ako ng murang kotse para hindi na ako manghiram pa sa iyo."
Kumindat lang siya sa akin at tumango. Nagpaalam na ako sa kaniya dahil inaantok na rin ako. Nag-taxi na lamang ako at pagkaraan ng ilang minuto, nakarating na ako sa lugar na tinitirhan ko. Nilakad ko na lamang papasok sa iskinita ang bording house na tinutuluyan ko.
Ngiting-ngiti pa ako nang makahiga sa aking kama.
"Pera lang pala ang katapat ng lahat ng sakripisyong ginagawa mo para sa sarili mo, Laxx." usal ko sa aking sarili, "kapit patalim man ang trabahong pinasok mo, masaya ka pa rin dahil kumikita ka." dugtong ko pa.
Prostitusyon man ang trabahong inalok sa akin, wala na akong pakialam kahit pa katawan ko ang gamitin ko para yumaman. Hindi na mahalaga sa akin ang pagbabagong buhay kung sa prostitusyon ko lang malalasap ang tunay at kumikinang na kayamanan.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro