Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11: Kicked out

Laxxus POV

KINABUKASAN ay pumasok ako sa paaralan na masakit ang aking ulo. Naabutan ko sa classroom si Jin at Yesha na masinsinang nag-uusap. Hindi ko sila gaanong marinig dahil tila sila ay nagbubulungan.

Lumapit ako sa kanila kaya natahimik silang dalawa.

"Anong pinag-uusapan niyo?" seryosong tanong ko sa kanila. "Ako ba ang pinag-uusapan niyo?"

Nagtinginan silang dalawa, tila may itinatago sa akin. Napakunot ang aking noo nang bigla na lamang silang tumawa.

"Wala, Laxxus! Para ka naman tanga, pare." wika ni Jin habang nagpipigil ng tawa.

"Sama ka ulit sa likod ng school, Laxxus. May bagong nadiskubre si Jin na kaka-adikan nating tatlo." sambit nito sa akin.

Nawala ang aking pag-aalinlangan sa kanilang pag-uusap kanina. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

"Mamaya na, Yesha. Masakit pa ang aking ulo dahil uminom ako mag-isa kahapon," naiiling kong sagot. "Pero kung ano man ang sinasabi mo diyan na kaka-adikan, game ako diyan!" masigla kong sagot.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumating ang aming guro. Nakatulugan ko ang kaniyang klase at wala akong pakialam kung ibagsak niya ako sa subject na ito. Lumipas ang ilang oras ay ginising ako ng mga kaibigan ko.

"Tara na, wala si Bb. Clara, pinatawag sila ng principal." nakangiti at excited na sambit sa akin ni Jin.

Inayos ko ang sarili ko kaya mabilis kaming lumabas sa room. Tinignan muna namin ang paligid kung may nagkalat na CCTV. Mabuti na ang nag-iingat kaysa ang mahuli ng mga guro.

Kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon sa likod ng paaralan. Nagsindi ako ng yosi at sinimulang hithitin iyon habang nagsisimula rin magsindi ang mga kaibigan ko.

"Laxxus, baka gusto mo ng bagong raket?" tanong ni Jin sa akin.

"Ano naman? Baka naman illegal?" giit ko.

Natawa si Jin, "Gago! Nakaka-high lang siya. Tipong talagang kaka-adikan mo."

"Totoo? Masubukan nga." walang alinlangan kong sagot.

Ibinigay nito sa akin ang isang pakete ng maliit na plastik. Para siyang pulburon at napaka-pino. Sinubukan kong gamitin ang ibinigay nito sa akin. Hindi ko alam pero mukha siyang droga na nakikita ko sa TV pero ipinagsawalang bahala ko iyon.

"Alam niyo ba, marami na akong nabentahan niyan," sambit sa amin ni Jin. "Halos kalahati ng estudyante dito sa eskwelahan ay gumagamit niyan, kaya kung napapansin niyo ang iba ay laging nakangiti at tila walang kaproble-problema," dagdag pa niya.

Napasinghap ako, "Hindi ba delikado, Jin? Baka mahuli tayo,"

"Hindi, Laxxus! Magtiwala ka lang kasi."

Hinayaan ko ang kanilang sinasabi. Sinunod ko ang kanilang mga payo pero sa araw-araw naming ginagawa iyon, nahuli kami ng aming guro at maging ang principal. Tila naulit ang pangyayaring ninakaw ko raw ang gamit ng isa kong kaklase noong elementarya.

"Anong ginagawa niyo? Ano ito? Sigarilyo? Alak? Droga?!" sigaw ng principal sa amin.

Napailing ang dalawa kong kaibigan. "H-Hindi po sa amin iyan, Ma'am!" pagsisinungaling nilang dalawa. Tumingin ito sa akin, "K-kay Laxxus po iyan, Ma'am! Nakita po namin!"

Napakunot ang aking noo. Inilaglag ako ng mga kaibigan ko. Napatingin ako ng tuluyan sa principal.

"H-Hindi po... hindi po ako," naiiling na sagot ko. Kinakabahan ako. "Hindi ko po magagawa iyan." itinuro ko ang dalawa, "Sila po ang nagbigay niyan sa akin. Maging iyong droga na sinasabi niyo, sila po ang may pakana niyan!" giit ko pa.

Kinuha ng principal ang aking bag at kinalkal iyon. Nagulat ako nang may makita akong isang pakete ng droga roon. Hindi ko maintindihan pero parang mali. Sinet-up ako ng dalawa para palabasin na ako ang may sala sa lahat.

Wala akong lulusutan, nakita nila ang nilalaman ng aking bag. Sinubukan kong humingi ng tulong sa mga kaibigan ko pero wala silang ginawa kung hindi ang ipagdiinan ako.

"You are kicked out, Laxxus! Hindi ko i-to-tolerate ang ganitong klaseng estudyante sa paaralan na ito! Sayang, isa ka pa namang iskolar. Sinayang mo ang kinabukasan mo," malamig na turan sa akin ng principal.

Napatingin ako sa aking mga kaibigan at tila humihingi ng tawad ang kanilang mga mata pero masamang tingin lang ang ipinukol ko sa kanila.

"Wala kayong kwentang kaibigan, mga manloloko at makasarili!" bigkas ko bago tuluyang umalis roon.

Napatalsik ako sa aking paaralan, sinubukan kong habulin ang principal namin para magpaliwanag at para na rin sabihin ang ginagawa ng mga kaibigan ko.

"Ma'am! Makinig po kayo sa akin, parang-awa niyo na po," pagmamakaawa ko.

Lumingon ito sa akin, "Kahit na anong gawin mo, hindi na mawawala na isa kang pariwarang bata, Laxxus. Sinisira mo ang pangalan ng eskwelahan." pagbibitaw salita niya.

"Ma'am, si Jin... si Jin po ay nagpupuslit ng droga! Maraming estudyante rito ang gumagamit ng ibinebenta niyang ilegal na droga!" pagsusumbong ko. Natigilan siya sa paglalakad. Akala ko may pag-asa na akong hindi mapatalsik pero nagkamali ako.

"Wala akong nakitang dahilan para mapatalsik sila, Laxxus. Sa iyo ko nakita ang droga, sigarilyo at alak na iyon. Kaya hindi mo sila maaaring ipagdiinan kung ikaw ang may kasalanan," mahabang sambit niya at iniwan na ako.

Napaluha na lamang ako. Nais kong sumigaw, nais kong makipagsuntukan pero hindi ko magawa. Tangina! Nakaramdam ako ng pagsisisi sa nangyari sa direksyon ng buhay ko. Hindi ko alam, isang ilegal na droga pala iyon.

Maraming mga estudyante ang naglabasan sa kanilang klase. Ang iba ay dinaraanan lamang ako na tila walang pakialam sa akin. Sa kabilang banda naman ay maraming nagbubulungan patungkol sa nangyari.

"Sayang, matalino pa man din siya."

"Nakakaawa, paano kaya siya napasok sa ganiyang klase ng buhay, 'no?"

"Hindi talaga maaaring mag-aral sa ganitong eskwelahan ang mga mahihirap. Nagbibigay sila ng kahihiyan sa ating paaralan."

Iyan ang mga naririnig ko sa buong paligid na hindi ko pinakialaman. Tama naman ang sinasabi nila pero hindi nila alam ang iba ay na-impluwensyahan na rin pero sabagay, anong magagawa ko kung mayaman ang kinakalaban ko. Walang akong panama sa kanila lalo pa at sila ay ma-pera at may kapit sa lipunan.

Binasa ko naman ang student handbook pero mas pinili kong sundin ang sinabi nila, nasilaw ako sa perang ibinibigay nila sa akin. Hindi ko lubos akalain na ganito pala ang aking sasapitin. Mali pala ang paghangad kong magkaroon ng maraming pera kasi kung alam ko lang, sa simula pa lang hindi ko na pinasok ang ganitong klase ng buhay.

Putangina, kung nakinig lang ako sa bawat pangaral sa akin ni Aling Berna. Putangina, hindi ko na alam ang gagawin ko. Napatingala na lang ako sa makulimlim na kalangitan upang humingi ng kapirasong kasagutan sa kung bakit ako nagkaganito pero wala. Hindi ko ito desisyon, pinili ko itong tahakin kahit na alam kong mali.

Maya't-maya pa ay bumuhos ang malakas na ulan, tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Nararamdaman ko pa rin ang bawat nakakasulasok na titig sa akin ng mga estudyante sa paligid ko kaya napatawa na lang ako ng pilit.

"Baliw na yata siya, mukhang maluwag na ang turnilyo sa utak."

"Tumatawa mag-isa, baka dalhin na sa mental ang isang iyan."

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako sa aking paaralan. Umuwi akong may luha sa mga mata at puno ng pagsisisi ang aking damdamin. Ngayon, wala na ang aking pag-aaral. Wala na ang mga pangarap na nais kong makamtan sa buhay. Binigo ko ang aking magulang maging si Aling Berna.

Nang magdapit hapon, lumabas ako dahil tila hinahanap ng aking katawan ang droga. Hindi ko kayang pigilan na hindi makatikim ng ganoon. Naghanap ako ng maaari kong pagbilhan dahil marami naman akong na-ipon na pera mula sa mga dati kong kaibigan.

Isang lalaki ang lumapit sa akin at sinabi nitong may ibinebenta siya. Binili ko iyon sa halagang isang libo. Dumaan rin ako ng alak at sigarilyo noong umuwi ako. Nang maka-uwi sa bahay ay mabilis kong isinara ang lahat ng pinto at bintana.

Inilapag ko iyon sa may lamesa. Sinimulan kong tunggain ang alak at nagsindi ng yosi kasabay ng paghithit ko sa drogang aking nabili. Nagpakalango ako hanggang sa maging doble ang aking paningin at may bulto ng tao akong nakikita kaya pilit ko itong inaabot. Tuwing magsasalita ako ay bigla na lamang itong mawawala at maglalaho na parang bula na sanhi sa biglaan kong pagtawa.

"Sino ka ba?" tanong ko. "Narito ka ba para husgahan ako?" dagdag kong tanong pero hindi siya sumagot. Bigla na lang itong nawala sa aking paningin.

Pilit kong inaabot ang kaniyang pinagmulan at nangangapa sa aking dinaraanan pero nagising lang ako sa katotohanan nang hindi ko inaasahan ang pagbangga ko sa pader.

"Tangina!" pagmumura ko, habang sinasampal ang sarili ko. Minsan pa ay bigla ko na lamang sasabunutan ang aking sarili na hindi ko alam ang dahilan. Bigla na naman akong tatawa kapag natapos kong saktan ang aking katawan.

Hindi ko alam pero mabilis ko na namang tinungo ang lamesa kung nasaan ang droga.

"Nasaan na iyon?" tanong ko habang aligaga sa paghahanap niyon. Nang mahanap ko ay humithit agad ako at muli na namang natawa sa sarili.

May parte sa akin na hindi alam ang gagawin at may parte rin na dapat ko ng itigil iyon. Ngunit mas nanaig ang desisyon na humithit pa ng ilang beses kasabay ng pag-inom at paninigarilyo. Hinintay ko na lang na sumuko ang aking katawan hanggang sa hindi ko na namamalayan ang pagbagsak ko sa aking kama at tuluyan na nga akong inagaw ng kadiliman.



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro