Chapter 8
Ave P. O. V.
Pinagmamasdan ko ang madilim na kalangitan, maaga pa pero dumidilim dahil sa malakas na ulan na paparating.
Rinig ko ang pagbukas ni papa sa telebisyon. Kaya lumapit ako sa kanya at tumabi.
"Hindi ka papasok?" He asked.
"Nah, i already told to my co office na magpapahinga ako." Matamlay kong sagot at tinoun ang pansin sa telebisyon. Kinuha ni papa ang remote ng telebisyon at nilipat ni papa sa ibang channel.
"Magandang umaga, kakapasok lamang ng balita, isang bilanggo na si Kenzo Emel Vergarra ay napatay ng kapwa bilanggo, kasaklap-saklap ang sinapit Ng binata dahil sinunog ang kan'yang katawan—" Napahawak ako sa dibdib ko.
"Hindi." Tanging salitang lumabas sa bibig ko.
Parang nabibingi ako ng sariling kalabog ng dibdib ko at hindi ko mapigilang manginig sa kabang nararamdaman.
Agad kong hinanap ang Susi Ng sasakyan.
"Anak! Saan ka—" Hindi na ako makinig Kay papa agad akong lumapas at lumapit sa kotse, sumakay ako at pinaandar ang sasakyan.
"Hindi Ka pweding mamatay Kenzo!"
Tuluyan ng kumawala ang luhang pilit kong pinipigilan. Parang ang puso ko ay tinutusok Ng maraming karayum.
Mabilis ang pagpapatakbo ko, napansin ko ang pagtunog Ng phone ko pero patuloy parin ang pagmamaneho ko. Nilingon ko ang phone ko at pangalan ni Wukas ang nakalagay sa tumatawag. Hininto ko ang kotse at umiiyak Na hinampas ang manubela.
Nanginginig ang kamay ko habang kinuha ang phone at sinagot si Wukas.
"Sabihin mo sa akin na nagkakamali lang sila Wukas, please sabihin mo—"
"It's true Ave." My breath caught in my throat when Wukas spoke.
My chest tightened. Blood pounded in my ears and my heart thudded in my chest. My hands shook, my feet tingled, and my vision disfigured, I cried harder, my chest growing tight as bile rose in my throat.
I hung up the call.
"Kenzo.." I whispered, tears streaming from my eye's.
I started the engine, I don't know but—si Caleb ang nasa isip ko.
—
Huminto ako sa harap ng gate, may mga pulis car sa labas. Pinunasan ko ang luha ko, bumuntong hininga, pilit pinipigilan ang pagpatak Ng luha ko. My hand were shaking as went out in my car.
Marahan ang paglakad ko, nasa harap ako Ng mansion pero ang luha ko ay pumatak na Naman, agad ko itong pinalis at pilit ngumiti, ayokong Makita ako ni Caleb na ganito.
"Hindi totoo yang sinasabi nyo! Buhay si Tito!" Rinig kong sigaw ni Caleb.
Napahinto ang sa harap ng pinto Ng Makita kong nagwawala si Caleb.
"C-caleb." Tawag ko sa kanya at nilingon nila akong lahat.
Tumakbo sya at yumakap sa bewang ko.
"Tita Ave, Hindi pa patay si Tito Diba? Nagsisinungaling lang sila sa akin di'ba?"
I cleared my throat.
"Tama sila Caleb." I whispered.
Agad s'yang lumayo sa akin at nanlilisik ang matang tinitigan ako.
"Mga sinungaling kayong lahat! Tito promise to me, he will back! He promised to me that he will stay by my side." He shouted.
Lumapit ako at pilit s'yang niyakap. Nagpupumiglas sya pero mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.
"Shhh! Tahan na Caleb." Sambit ko at nanghihina nya akong niyakap.
"Buhay pa sya di'ba?" Pinilit Kong ngumiti at tumango. Sinubsob nya ang mukha nya sa balikat ko. Naririnig ko ang mahihina n'yang hikbi, dahilan para tumulo ang luha ko.
I want to spend more time with you, Kenzo. But damn! Why did you leave us?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro