Chapter 18
"Coffee hun?" She asked and I shook my head at tinuon ang pansin ko sa newspaper.
"May problema ba?" Tanong nito at niyakap ang leeg ko.
"Wala." Sambit ko at hinarap sya.
"Basta sabihin mo lang ha." Bulong nya at hinalikan ako, kakalas na sana sya ng hawakan ko ang bewang nya at sinunggaban sya ng halik.
Natigilan kami ng tumunog ang phone ko.kinuha nya ito at binigay sakin.
"Hello?"
"Tito! Help me Tito-ahh!!"
"Caleb?" Nilingon ako ni Ave na nag aalala.
"Nakalimutan mo yata ang isa mo pang alaga Kenzo." Damn it's Jason.
"Scott! Wag Kang magkakamaling saktan si Caleb." Kalmado kong sambit.
"Dalhin mo si Ave, at makukuha mo sakin si Caleb ng walang kahit anong gasgas."
"Damn you Jason—" kinuha ni Ave sakin ang phone.
"Ako lang naman ang kaylangan mo diba? Wag mong sasaktan ang bata. Dadating ako." Natigilan ako dahil sa sinabi nya.
"Hintayin mo ako, sa abandonadong gusali na yan." Sambit ni Ave at saja binaba ang kanyang telepono.
Pilit kong kinukuha ang phone ko pero nilalayo ni Ave sakin ito. Naupo nalang ako at tinitigan sya Ng masama.
Umupo sya sa harap ko at napahilamos Ng sarili n'yang kamay.
"Ako lang ang kailangan nya—"
"Sa tingin mo papayag akong babalik kapa sa kanya?!" I shouted.
"So ano? Hahayaan nalang natin si Jason na saktan si Caleb? Ganon Kenzo?!" Sigaw nito.
Naiiyak nitong napasapo sa noo nya.
"Ako lang ang haharap sa kanya." Matigas kong sambit at tumayo, bumaba ako sa basement para kumuha Ng baril. Agad akong dumeritso sa garahe ang sumakay sa kotse.
"Kenzo nag iisip kaba?! Maraming tauhan si Jason!" Sigaw ni Ave sa labas Ng kotse.
"Ave, listen to me—" I sighed.
"Laban ko lang to." Bulong ko at pinaandar na ang kotse.
Mahigpit ang pagkakahawak Konsa manubela dahil sa galit, ayokong pumagitna sa isang posisyon. Wala akong isasakripisyo sa kanilang dalawa, ililigtas ko si Caleb para hindi mapahamak si Ave.
Hininto ko ang kotse sa harap ng abandoned building. Gaya ng narinig ko sa pinag usapan nila. Tahimik ang paligid, nagmasid ako bago bumababa at pumasok.
"Hindi ikaw ang inaasahan kong dadating." Sambit ni Jason na nakatago sa madilim na parte Ng building.
"Asan si Caleb." Sambit ko.
"Nasaan muna si Ave." Nakangising sambit na baliw sa harap ko.
"Nandito ako." Nilingon ko ito.
Damn Ave bakit kapa sumunod!
"Oh Darling! You always surprised me!" Sambit nito at lumapit kay Ave.
Napayukom ang kamao ko ng makita ang paglalakbay ng kamay n'ya sa katawan ni Ave. Nakita ko ang pag impit ni Ave ng siniil sya ni Jason.
"Isa pang kabastosan Jason, pagsisihan mo!" Sambit ko habang tinitutok ang baril sa ulo nya, kalabit nalang ang kulang para bumulagta ang hayop na toh sa harap ko.
Natatawa nitong tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Kahit kailan sagabal ka talaga Kenzo, Ave alam mo bang sya ang superhero na nagligtas sayo nung araw na gagahasain na sana kita." Parang baliw nitong sambit.
"Manahimik kang bwiset ka—"
"Ikaw ang manahimik Mr. Vergarra." Sambit ng Kong sino sa likuran ko, ramdam ko ang dulo ng baril na nakatutok sa batok ko.
"Wukas?!" Gulat na sigaw ni Ave.
"Ibaba mo ang baril!" Utos n'ya. Biglang nagsilitawan ang mga tauhan ni Jason, nakita ko ang isa sa tauhan nya na hawak si Caleb habang tinututukan Ng baril sa ulo.
"Ibababa mo na ang baril mo o sabog ang ulo ng dalawang pinakamamahal mo?" Sambit ng lalaking mukhang adik habang nakatutuk ang dulo ng baril nya sa ulo ni Ave, nakita ko ang pagpikit nya at panginginig Ng kamay n'ya.
Dahan-dahan kong binababa ang baril ko at tinaas ang kamay ko sa ere.
"Yan, masunuring Kenzo." Sinikmuraan ako no Jason. Napangisi ako habang nakatuwid parin ang pagtayo.
"Parang babae ka kung sumuntok." Nakita ko ang pag Ka inis nya Kaya pinaputukan nya ang paanan ko.
"Please Jason wag!" Sigaw ni Ave at lumuhod sa harap ni Jason.
"Ave tumayo ka! Hindi dapat niluluhudan ang baliw na yan." Sigaw ko. Hinila nya ang buhok ni Ave, kita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya, inambahan ko ng suntok si Jason ngunit hindi pa man nakakaabot ang kamao ko may matigas ng bagay na sumama sa tagiliran ko. Natumba ako at napadura Ng dugo.
"Tito! Stand up! Your a brave man right?! Stand up, save Tita Ave." Sigaw ni Caleb.
"Kenzo!" Rinig ko sa boses ni Ave, alam kong umiiyak sya dahil pumiyok sya.
Pinilit kong tumayo ngunit may isang palo na naman dahilan para mapaluhod ako.
"Welcome sa mundo ng mga taong may sira ang ulo, Kenzo." Sambit ni Wukas at may matigas na bagay ang tumama sa ulo ko.
"Kenzo!!" I heard her calling my name, and my vision went back, diminishing all the pain.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro