Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Ave P. O. V.

As I brushed my hair, I heard a footsteps outside my room.

"Anak pweding pumasok?" Boses ito ni Papa, hindi ko maiwasang mapangiti

"Opo pa." Sagot ko at pinagpatuloy ang pagsusuklay sa buhok ko.

Binuksan nya ang pinto at agad na pumasok, lumapit sya sa akin. Nakita ko itong ngumiti dahil sa repleksyon galing sa salamin.

"Ang ganda naman ng anak ko." Sambit nito at kinurot ang pisngi ko.

"Tsk, ako pa ba Papa. Saan pa ba ako magmamana." Tumawa sya sabay kuha ang suklay sa kamay ko at sinuklay ang buhok ko.

"Nak, hanggang kailan mo sya pahihirapan? Hanggang kailan mo sya titiisin?" Tanong nito, alam ko kong sinong tinutukoy nya, si Kenzo.

"Hindi kaba naawa sa kanya Ave, Abogado ka di'ba, dapat pinapakinggan mo ang panig nya." I smiled.

Sa mga araw na hindi sya makakapunta dito ay sa wakas nakapag isip na ako ng maayos.

Na kung si Kisses ay malandi, mag kaiba sila ni Kenzo. Alam kong mahal ako ni Kenzo ramdam ko iyon at kung totoong gusto nya yung nagyari hindi sya babalik dito para kapalan ang mukha nya para lang malalapit sa pinto ng kwarto ko.

"Tama ka pa." Sagot ko.

"He love you so much Ave, I can see it in his eyes." Bulong ni Papa.

"Alam ko po papa kaya pupuntahan ko sya, kailangan kong malaman ang totoong nangyare." Bulong ko.

"That's my girl." Sambit nito at inabot sakin ang Susi.

Napangiti ako ng basagi ng paningin ko ang singsing na binigay nya. Hindi ko man lang natanggal kahit galit ako sa kanya.

"Ano pang nginingiti mo d'yan, Dalian mo na!" Sambit n'ya at tinulak ako palabas ng bahay. Napatingin ako sa relo ko, alas tres palang naman ng hapon.

——

Hininto ko ang kotse sa harap ng gate, marahan akong pumasok sa villa, Hindi naka lock ang main door Kaya hindi ako mahirapan, lumakad ako ng walang ingay at deritsong tinungo ang kwarto nya.

Tanging ang ingay lang ng pinto ang umalingawngaw sa buong  silid.

May tao ba dito? Bakit ang dilim?

"K-kenzo.." nanginginig ang bibig ko habang sinasambit ang pangalan nya, magulo ang sahig, mga nakalakat na basag na bote at mga damit.

"Kenz—" niyakap nya ako patalikod.

"I miss you." Ramdam ko ang hininga nya sa batok. Hinarap ko sya at niyakap.

"Me too, I'm sorry." Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya para hindi kumawala ang hikbi ko.

"No, I'm sorry. Even she just force pero dapat hindi ko sya hinayaan—" I kissed him.

"Wag nalang natin pag usapan yan." Bulong ko at ngumiti.

Tinitigan nya ang mga mata ko, na parang binabasa kong anong laman ng utak ko. Bumaba ang tingin nya sa labi ko, napalunok ako dahil sa lagkit ng titig nya. Bumaba ang mukha nya at marahan akong hinalikan, tila na estatwa ako sa kinatatayuan ko, ramdam ko ang pagbuhat nya sa akin at marahang binaba sa kama, napahawak ako sa batok nya habang sinasabayan ang banayad n'yang halik. Tumigil sya at tinitigan ulit ang mga mata ko.

"Te amo tan mala." He whispered and kissed me, full of passion and desire.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro