Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Ave P. O. V.

Nagising ako dahil sa tatlong katok galing sa pinto ko. Alam kong si papa yun kaming dalawa lang naman ang tao dito sa bahay.

"Anak nandito sya." Pabulong na sabi ni papa.

"Pa, sabihin mo wala ako." Sambit ko at niyakap ang unan. Sobra isang linggo na akong hihiga higa lang dito sa loob Ng kwarto ko, wala akong ganang magtrabaho o lumabas man lang. Pero kahit ganon sinusubukan ko paring himanap ng lead tungkol sa pagkawala ni Clara.

Ayokong makita ang pagmumuka nya, nasisira lang ang araw ko pati narin ang makapal na pagmumukha ni Kisses.

"Anak naman isang linggo ng pabalik balik dito ang tao." Sambit nito.

"Edi sabihin mo wag na s'yang bumalik." Inis kong sambit, may naririnig akong ibang yapag.

"Kenzo, ikaw na munang bahala dito." Rinig kong sabi ni papa. Inis akong tumayo at kinuha ang headset ko, ayokong makinig sa mga paliwanag nya, ayokong magpakatanga.

Umupo sya sa harap ng pinto kagaya ng palagi n'yang ginagawa.

"Ave." Rinig ko sa paos n'yang boses.

Hindi ako sumagot, palagi naman.

"Kamusta kana? Sana maayos ka lang." He whispered.

Humiga ako sa kama at tumalikbong ng kumot. Pinipigilan ang emosyon ko, parang nadudurog ulit ang puso ko habang naririnig ang boses nya.

"I miss you." I heard him, sobbing.

"I was just a misunderstanding Ave." Tuluyan ng kumawala ang mga luha ko.
Sinubsob ko ang mukha ko sa unan para hindi nya marinig ang hikbi ko.

"Hindi ko gusto yun, she forced me."

Napahawak ako sa dibdib ko, Isang linggo na pero nasasaktan pa rin ako habang naalala ang ginawa nila.

"Ave please, listen to me."

"Pa!" I shouted.

Agad akong tumakbo sa banyo at sinara ito, doon ako humagulhol sa iyak. Hinahampas hampas ang dibdib kong namamanhid na sa sakit. Napa upo ako habang pilit iniimpit ang hikbi ko.

"Kenzo, siguro hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ang mga paliwanag mo sa anak ko. Hayaan mo muna s'yang mag isip ijo."  Rinig kong sabi ni papa.

Kumatok si papa ng lumipas ang ilang segundo.

"Lumabas na sya anak." Marahan akong tumayo at hinarap ang sarili ko sa salamin.

Ang laki na nga eyebags ko. Inayos ko ang sarili ko, bumuntong hininga at lumabas sa banyo. Lumapit ako sa bintana at nakita ko sya papasok sa  kotse nya. Nakita kong binuksan nya ang pinto at lumingon sa gawi ko. Agad akong nagtago sa kurtina.

Yumuko ito at tuluyan ng pumasok sa kotse nya.

Lumakad ako sa kama at pabagsak na humiga. Hinawakan ko ang phone ko para subukang kumalap ng impormasyon tungkol Kay Clara.

"Tawagan ko kaya  si Kyrie." Bulong ko sa sarili ko at Dinayal ang number nya.
In just two ring she pick up.

"Hello Ky, any important about Clara?" I asked.

I heard her sighed.

"Ave, we found Clara." She answered.

"Really?!" Di makapaniwala kong Sabi, sa wakas ligtas na rin ang kaibigan ko.

"W-we found her dead body."

"What? You must be kidding me, Diba Clara nasa tabi ka lang ni Kyrie eh prank to." Natatawa kong sambit.

"No Ave I'm not kidding, she's gone." Natigilan ako dahil sa narinig ko.

"Nakita ang katawan nya sa isang tambakan ng basura, sira ang hymen Ave, ginahasa sya." Rinig ko ang paghaguhol ni Kyrie sa kabilang linya.

I hung up the call, Hindi ko kayang marinig ang pag iyak nya, at ang mga sasabihin nya pa. Niyakap ko ang tuhod ko at hinawaang ramagasa ang mga luha ko.

Bakit nangyayare sakin toh? Hindi pa  nakakaahon ang puso ko sa unang sugat may nakasunod na naman.

Natigilan ako when my phone buzz.

"Hello?" Sagot ko kahit di ko pa nakikita ang number.

"Your next Averill my love."

"Jason?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro