Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

XX










WALANG-IMIK na nag-eempake si Bridgette ng damit ni Zion. Isang linggo na mula ng ma-discharge ito sa ospital at kababalik lang ni Jake at sinusundo na ito.

Wala na siyang nagawa ng ipagpilitan nitong iuwi si Zion sa Pilipinas dahil knowing that guy ay marami itong koneksyion at kakilala, baka kapag inilaban niya ito sa korte ay matalo lamang siya kahit siya pa ang ina ni Zion.

"Mom..." tawag sa kaniya ng anak niya na hindi niya namalayang nakapasok na pala sa kwarto nito.

Lumingon siya rito at nginitian ito.

Naupo ito sa tabi niya at lumungkot ang mukha.

"Hey what's your problem baby?" Hinawakan niya ang baba nito upang makita niyang mabuti ang mukha ng anak niya.

Natutuwa siya dahil napakabilis ng paggaling nito mula sa sakit na akala mo ay hindi ito dinapuan ng ganun kalalang sakit dahil napaka-sigla na nito.

"I want to be with Dad, but Mom I don't want to be away from you..." Niyakap siya nito.

Niyakap niya rin ito at hinagod ang likod nito at saka iniharap ito sa kaniya.

"I don't want that too baby, but your Dad is really eager to be with you and I cannot do anything about it. Don't worry I'll visit you there once a month. Okay?" Pilit niya itong nginitian upang hindi na ito malungkot. Siya man ay ayaw din sanang mawalay sa anak niya pero wala siyang magawa.

"Why don't you go with us?" Tanong nito na ikinagulat niya. Napatitig siya sa mga mata ni Zion, nakikiusap ang mga ito.

"I doubt if your Dad wants that idea baby..." Pero napaisip siya sa sinabi ng anak niya.

"I'll talk to him!" sabi nito at dali-daling tumakbo palabas ng silid.

Tatawagin niya sana ito pero tuluyan na itong nakalabas.

Naiwan siyang tulala roon.

NAPALINGON si Jake sa huma-hangos na si Zion palabas ng silid niya at papunta ito sa kaniya. Sinalubong niya ito ng ngiti at agad na kinandong pagkalapit na pagkalapit nito sa kaniya.

"Does your things already packed?" tanong niya rito.

Hindi agad ito sumagot at nilaro ang bulsa ng suot niyang polo.

"Ahm Dad..." umpisa nito.

"Yes?" Nakangiting tanong niya sa anak niya.

"What if Mom come with us?" tumingin ito sa mga mata niya at tila nanantiya.

Napakunot naman ang kaniyang noo sa tanong nito. Marahil ay inutusan na naman ng babeng iyon ang anak niya.

Manggagamit talaga...

"We don't need her---"

"But I need Mom, Dad." Nag-puppy eyes ang anak niya at pinahaba ang nguso na tila nagpapaawa.

Napa-buntung hininga na lang siya bilang pagsuko.

"Okay fine. If she wants too. Don't push her to come with us son what if his boyfriend got angry?"

A smile curved into his lips.

"I doubt that Dad. Okay, I will tell Mom to pack her things now... " at tumakbo na ulit ito pabalik sa silid nito.

Napapa-iling na lang siyang sinundan ng tingin si Zion at nagpakawala ng buntung hininga saka tumayo upang tawagan ang sekretarya niya para magpabili pa ulit ng isa pang ticket.

TAHIMIK na nakatanaw si Bridgette sa labas ng bintana ng eroplano. Napapayag daw ni Zion na isama siya sa pag-uwi nila ng Pilipinas.

Baka isang buwan lang ang itagal niya sa Pilipinas bago siya umuwi. Nagpakawala siya ng buntung-hininga.

Napatigil siya sa pagmumuni-muni ng may bumulong sa kaniya.

"Can I seat on your lap instead Mom?"

Ngumiti siya saka tumango. Agad naman itong kumandong sa kaniya at isiniksik ang mukha nito sa leeg niya.

Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

PAGMULAT ng mga mata ni Brigette ay nasa Manila na raw sila at naghahanda ng mag-landing ang eroplanong sinasakyan nila.

Umayos siya ng upo. Wala na si Zion sa kandungan niya, nasa kandungan na ito ng Ama nito.

Kinilik ni Jake ang anak niya at siya naman ay tahimik lang na sumunod sa mga ito.

Pagbaba pa lang nila ng eroplano ay may dalawang lalaki na agad ang nag-aabang sa kanila upang bitbitin ang mga bagahe nila.

Tahimik lang siyang sumunod sa mga ito hanggang sa tumigil sila sa isang kulay itim na BMW. Ipinagbukas siya ng pinto ng isang lalaki.

"Salamat," bulong niya saka sumakay sa loob ng kotse. Sa passenger seat silang sumakay na tatlo at ang dalawang lalaki naman ay nasa harapan.

"Saan tayo Sir?" Tanong ng isa sa mga lalaki pagkatapos isara ni Jake ang pinto.

"Sa bahay," walang-gana nitong sagot at pumikit na. Si Zion naman ay tahimik lang na nakaupo habang naglalaro sa psp nito.

Tiningnan niya ang itsura nito sa rearview mirror, tila napagod ito sa byahe. Hindi kaya ito nakatulog sa biyahe?

Hindi niya inaasahang magmumulat ito ng mata at nakita nitong nakatitig siya rito. Agad siyang nagbawi ng tingin at kunwari ay tumingin sa labas ng bintana.

Shit!..

Sa kabilang banda ay napangisi naman si Jake bago ulit pumikit. Napagod siya ng husto sa kanilang biyahe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro