Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

I entered the hospital's restroom as I locked the door. Napalabi ako nang maisip ang aking pinaplano. I'm not like this, well maybe sometimes.

I'm not as cruel as Mirae when it comes to situation like this, I am worse than her. I can't accept what happened. Hindi ko matatanggap na ganoon na lang ang nangyari kay Dasher.

I saw Karylle Damaso in her uniform. She's looking at me with confusion in her eyes. I just gave her a smile. I'm still wearing my ivory gown but I can manage. Akmang lalagpasan niya ako nang haklitin ko ang kanyang braso gamit ang isa sa aking kamay at ang isa naman ay nakahawak sa aking purse.

"M-ma'am?" She asked. Puno pa rin ng pagtataka ang mga mata.

"Who the hell are you working for?" Marahang sambit ko upang maintindihan niya ang bawat salitang aking binibitawan.

"Huh? Sa mga A-Alterio, Ma'am."

Napakunot ang aking noo. Ilang sandali ay nakuha ko ang sinabi niya.

"I know, Miss," Sarkastikong sambit ko. "'Wag mo 'kong gawing tanga."

Napalunok ang nurse at paulit ulit na umiling. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Pilit siyang kumakawala ngunit lalo kong hinigpitan ang kawak sa kanyang braso.

Kinalmot niya ako at itinulak kaya naman nabitawan ko ang kanyang braso. Nagtungo siya sa pinto at sinubukan buksan iyon. "Tulong!" She shouted.

Agad kong kinuha ang aking baril na ngayon ay nasa loob na ng aking purse. Ikinasa ko iyon at doon na natigilan ang nurse. I pointed the gun towards the woman. Nakatayo siya sa tapat ng pinto ngunit hindi siya makagalaw doon.

"Now you wanna run?" Ngising sambit ko. "Run then, Miss Damaso. Run!"

"Wala akong alam!" She shouted. She raised both of her hands as she slowly turned to me. "W-wala akong alam," Her voice trembled. Bakas sa kamay niya ang panginginig at ang takot sa mga mata.

"Did you know that Dr. Alterio died?" I asked while still pointing the gun towards the woman's direction.

Her eyes widened as she blinked. Bahagyang napakunot ang kanyang noo at marahang umiling. "A-ano?"

"A few minutes after you injected something on him, he died!" I tilted my head. Matalim ko siyang tinitigan. "What do you want me to think? A coincidence?" I muttered using a slow and full of sarcasm voice. Napangisi ako at marahang umiling. "I don't believe in that."

Tumungo ang babae at marahang umiling. "H-hindi ko alam."

Napakunot ang aking noo at pinagmasdan ang bawat ekspresyon niya.

"G-galing sa head namin 'yung gamot na ininject ko kay Doc Alterio. Wala akong a-alam."

I walked near her. Mariin siyang napapikit nang idinikit ko ang dulo ng aking baril sa kanyang noo.

I leaned on her ear and whispered. "Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo." Idiniin ko ang dulo ng aking baril sa kanyang noo at nagpatuloy. "Hindi mo magugustuhan kapag binalikan kita," Marahan at mariin ang pagsambit ko sa bawat salita. I want her to understand every word I'm saying.

Matapos ay lumayo ako sa kanya at ibinalik sa loob ng purse ang aking baril. I gave her a wide smile as I nodded. Nilagpasan ko siya at tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

I looked around to see the majority of the people wearing black, some were wearing white. Yet I know they're all feeling the same emotion I have right now. Pilit akong ngumingiti sa mga nakikiramay ngunit agad ring napapalis iyon.

We're inside the funeral house. The lights were bright, I can clearly see how melancholic the place is.

Its Dasher's funeral wake. The venue's full of people related to him. Tito Jax and Tita Mella were seated in front near Dasher's urn.

I never got a chance to see Dasher for the last time. When I went to the morgue a few hours after he died ay hindi ko na nadatnan ang katawan niya roon.

He's cremated. Si Mirae ang nagasikaso roon dahil hindi kaya nila Tita na asikasuhin iyon. I can still remember her exact words.

"Kasal ng anak ko ang gusto kong pagplanuhan at hindi ang burol niya, Astrid." That's what she said.

Dasher once told Tito he wants his body to be cremated if he'll die. Kaya naman kahit ayaw ni Tita ay hindi na niya tinutulan iyon.

Kami nila Mirae pati na ng mga pinsan ni Dash ang nagaasikaso sa mga bisita. Tumutulong din si Creed at Archer kahit halata na mga wala ito sa sarili dahil na rin sa pagkagulat sa nangyari.

Mom and Dad's already here. Ganoon din ang pamilya ni Archer. While Tito Kristoff and Tita Merida, Creed's parents can't make it today. Sigurado akong bukas sila naririto kung hindi ngayon. Si Tita Miranda naman ay paparating na ayon kay Mirae.

I went at the back of the funeral house to make a coffee. Nadatnan ko roon si Archer. He's leaning on the countertop while holding a cup of coffee and looking at nowhere. Paminsan minsan siyang sumisimsim doon at napapabuntong hininga.

I cleared my throat to get his attention. Hindi naman ako nagkamali at agad siyang napalingon sa aking direksyon.

"Astrid," He called my name as he gave me a smile. Hindi umabot sa mga mata niya ang ngiting iyon.

I walked towards him as I snatched the cup of coffee from his hand. Hindi naman siya umanggal at hinayaan ako.

I leaned beside him as I sipped on his coffee. I started coughing as I turned to Archer. "Iced coffee ba 'to?"

"Huh?" Wala sa sariling baling niya sa akin. "Hindi." He even shook his head.

"Bakit malamig?"

Kinuha niya sa aking ang kape at sumimsim doon. He drew his eyebrows together in a frown. "Bakit malamig?" Balik tanong niya sa akin na agad kong ipinagkibit balikat.

There was a deafening silence between the two of us after a few minutes. I heard him heaved a deep sighed as he turned to me and asked. "What happened?"

Ito ang una naming paguusap matapos ang nangyari kay Dash. He's not on the hospital when Dasher died. Palagay ko ay wala pa ring nakapagsabi sa kanya kung ano ang nangyari.

"D-Dasher's-" Napahinto ako at napakagat sa pangibabang labi nang maramdaman ang panginginig ng aking boses.

Archer's attentively eyeing me. "He's okay, I think." I cleared my throat as I swallow the big lump on it. "Then a few minutes after a nurse injected something on him, he flatlined." Paliit nang paliit ang aking boses ngunit sapat iyon upang marinig niya.

"The doctors tried to revived him but-" I shook my head as I nibbled my lower lip. I felt a tear fell on my cheek. Agad ko iyong pinalis. Akala ko ay ubos na ang aking mga luha. "He didn't make it." Napatakip ako ng aking bibig upang pigilan ang mga hikbing nagpupumilit lumabas doon.

I can't imagine Cosmos without Dasher. I can't visualize a night with only the stars giving light on the sky. I can't imagine the universe without the moon.

"Tangina." I gasped when Archer cursed using a deep voice that seemed to vibrate along my nerves. His eyes were bloodshot as I see fury on them.

"Nasaan 'yung nurse?"

"I already talked to her. Mukhang wala siyang alam sa mga nangyayari. But I already ordered someone to follow her."

"What's her name?" His eyes darted on me.

"Karylle Damaso." I saw his jaw clenched. "Arch, there's a possibility that she's innocent," I continued.

"The hell I care," Sambit niya bago ako tuluyang iniwanan.

My lips parted as I shook my head. Pinalis ko ang mga luhang naglalandas sa aking pisngi. Nang naramdaman kong kalmado na ang aking sarili ay agad akong bumalik sa centro ng funeral house upang asikasuhin ang mga nakikiramay. Higit na mas marami ang tao roon kumpara kanina.

I tried giving them a cup of coffee. Kumuha ang iba habang ang iba ay tumanggi. Nang naubos ang laman ng tray na dala ko ay iginala ko ang aking paningin. I saw Tita Mella, still weeping. Nasa tabi naman niya si Tito. Nakita kong naroon na rin sa tabi nila si Tita Miranda at pilit na inaalo si Tita Mella.

Dumako ang aking tingin malapit sa entrance ng funeral house. I saw Creed's ex-fiancee or fiancee, whatever, near the entrance. Our eyes met as I started walking near her direction to assist her but she immediately signalled that I don't have to as she shook her head.

Bahagya ko siyang tinangguan at binigyan ng ngiti.

I turned my back on her. Nakasalubong ko naman ang babaeng pinsan ni Dasher at binigyan ako ng ngiti. She's some years younger than me. "Magpahinga ka na muna, Ate. Kami na muna ang bahala rito."

I sighed as I gave her a smile. "Sige, lalabas lang ako sandali." I nodded at her. Kinuha niya mula sa aking kamay ang tray na walang laman. Agad ko naman iyong binigay.

I walked towards the exit located beside the entrance of the funeral house.

Bumungad sa akin ang ihip ng malamig na hangin. I looked up at the dark sky as I started walking towards my car. It's parked near the entrance with the visitors cars. Nakilala ko ang kotse sa kaliwa ng aking sasakyan. Its Mirae's car.

Nang makarating ako sa tapat ng aking kotse ay sumandal ako sa pinto sa tapat ng driver's seat.

I looked at the sky as I started dialing Kuya's number.

His phone's just ringing for a minute but he isn't answering it. Napabuntong hininga ako at tinigilan ang pagtawag. Akmang papasok ako sa loob ng aking kotse nang makarinig ako ang pamilyar na boses.

"Where are you going?" Agad akong napalingon sa pinanggalinan noon. Makita ko ang dalawang pamilyar na bulto na lumabas ng funeral house.

"My daughter's kidnapped. Fuck it!" Meydo malakas ang pagkakasabi kaya naman malinaw kong narinig iyon. Namilog ang aking mga mata nang nakilala kung sino ang dalawa. Creed and Mirae.

Creed's walking back and forth while Mirae's massaging her temple. May sinabi si Mirae ngunit hindi ko na iyon narinig.

Bahagya akong nagkubli nang makitang patungo sila sa aking direksyon.

"Someone entered our house and forcefully took my daughter. Dad said that one of the kidnappers mentioned the word Universe that's why I'm sure that it's mafia related." My jaw parted at his statement. Crizzette's kidnapped? Sino naman ang kukuha sa bata?

"How about Tito and Tita? Sinaktan ba sila?" Mirae asked. Malapit sila sa aking kinatatayuan kaya naman malinaw ko ng naririnig ang kanilang usapan.

I saw Creed shook her head. "Wala silang sinaktan." So their motive is to get Creed's daughter.

Hindi nila ako napapansin, siguro ay dahil na rin abala sila sa problema at medyo madilim sa aking kinatatayuan.

"I'll reveal my identity." Muntik na akong lumabas sa aking kinaroroonan upang tutulan ang balak ni Mirae.

"Are you insane?" Rinig ko ang nagpipigil na si Creed.

"What? The other mafia groups were guessing kung sino ang Universe. First, Rozelli. They thought that Dasher is the Universe kaya nila iyon ginawa kay Dash!" I almost gasped after hearing her words. Rozelli ang dahilan ng pagkamatay ni Dash? Damn.

"Then now ano? Ikaw naman? Hindi pa natin alam kung anong mafia ang kumuha kay Crizzy but maybe they kidnapped your daughter because they thought you are the Universe!" Mirae continued. I saw Creed shaking his head, hindi sangayon sa sinasabi ni Mirae.

"Kayo ang sumasalo ng mga dapat ay sa akin! If they knew that I am the Universe ako sana ang nasa sitwasyon ni Dasher ngayon! If they knew hindi nila kukunin ang anak mo!" Pasigaw na sambit ni Mirae. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa aking kinatatayuan.

"I won't let you," Mariing sambit ni Creed at nagtungo palihis sa aking direksyon. Hinabol siya ni Mirae at agad na pinigilan.

"Mirae hahanapin ko ang anak ko. Kung ipipilit mo ang sinasabi mo-" He sighed. "Try harder 'cause I won't let you do what you want."

"Intindihin mo ang sinasabi ko Creed!" Pilit ni Mirae na nakapagpakunot ng aking noo.

Kahit sa dilim ay nararamdaman ko ang talim ng mga titig ni Creed. "Intindihin mo rin ang sasabihin ko. Hindi ko hahayaan na sayangin mo ang ginawa ni Dash. He pretended that he's the Universe in front of Rozelli. He sacrificed his life for your safety tapos ay ano ang gagawin mo? Sasabihin mo sa lahat na ikaw ang Universe? Para saan ang ginawa ni Dasher? Fuck it! Hindi ko hahayaan na sayangin mo ang sakripisyo niya."

"Creed," Mirae called.

"Kami ni Archer at Dash, we're willing to sacrifice even our lives just to protect you and Astrid! He did that to protect you. Please Mirae, listen to me. Don't be stubborn, hindi ko na alam ang gagawin ko kung isa na naman sa atin ang mawawala." Tuluyang natapos ang usapan ng dalawa. Creed left. Mabilis na sumibad ang kanyang kotse at hindi na iyon nasundan ni Mirae.

I was left with my mouth parted. Nanuyo ang aking lalamunan dahil sa mga narinig.

__________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro