Kabanata 13
"I don't want to explain dahil ayoko na isipin mo na nagdadahilan lang ako. I did what I did," Mariing sambit ko habang nakayuko. Ginawa ko ang lahat para maibaling sa iba ang hinala ni Hoax ngunit hindi sapat iyon. That's not the point, I betrayed Mirae, that's it.
Mirae rose up as she faced me. "I want your explanation. Alam kong may rason ka kaya mo nagawa iyon. I want to know your reason why."
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tuluyang nakapagdesisyon.
Nagangat ako ng tingin. I started when I met her eyes. "Sinabi sa akin ni Hoax ang nangyari sa kapatid niya. He told me what happened. He told me what the Universe did to his sister," Marahang sambit ko habang inaalala ang lahat. "Noong una hindi ako naniwala. I know you, hindi mo magagawa ang sinasabi ni Hoax. Hindi ka mandadamay ng inosenteng tao para lang sa kagustuhan mo. Kahit may ebidensya si Hoax na ang Universe ang gumawa noon ay hindi ako naniwala." Tears started rolling down my cheeks. I bit my lower lip to suppress a sob coming out of my mouth.
"But you know what? Unti-unti kong nakita." I stopped when I felt a bit lump on my throat. "You're desperate, Mirae. Gagawin mo ang lahat makuha lang ang gusto mo." Patuloy na umaagos ang aking mga luha habang ako ay titig na titig sa kanya.
"Naisip ko baka tama si Hoax, ikaw nga ang may gawa noon sa kapatid niya. Ipinarape mo siya pagkatapos ay pinatay! Hindi ko alam kung ano ang iniisip mo noong mga oras na 'yon but what you did was horrible!" Hindi ko na napigilan na hindi mataas ng aking boses. She frowned while still looking at me.
"Hoax wants justice, k-kaya sinabi ko na miyembro ka ng Cosmos b-but believe me pinagsisisihan ko iyon. Lalo noong nagtanong siya sa akin kung ikaw ang Universe. S-sinabi ko na hindi, ginawa ko ang lahat, Mirae para hindi ka niya paghinalaan dahil nagsisisi ako. I'm sorry, kasalanan ko kung bakit niya nalaman ngayon." Muli akong yumuko at pinunasan ang mga luhang naglalandas sa aking pisngi ngunit muling nagbabagsakan ang mga luha roon. If only I didn't tell Hoax. Siguro ay hindi niya paghihinalaan si Mirae. Hindi nila malalaman na si Mirae ang hinahanap nila.
"I know I'm desperate! I killed his sister!" Gulat akong napaangat ng tingin kay Mirae dahil sa sinabi niyang iyon. "Nandamay ako ng inosente na buong buhay kong pinagsisisihan. Pero hindi ko magagawa ang sinasabi niyo. I'm not that desperate! Bakit ko siya ipaparape?" Mariin akong napapikit at bahagyang napailing. Kilalang-kilala ko siya, dapat ay alam kong hindi iyon magagawa ni Mirae. I shouldn't have doubted her.
"Tell me, Astrid, ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin? Yes! I killed her. Ako mismo ang bumaril sa kanya dahil alam na niya na ako ang Universe na hindi ko rin alam kung paano nangyari pero hindi ko magagawang ipagahasa siya! I killed her, pero hindi ko magagawang ipababoy siya." A tear rolled down her cheek. Agad niyang pinalis iyon, kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. I can feel a big lump on my throat as I repeatedly sobbed.
Why did I even betrayed her? Why the hell am I selfish? Why can't I be selfless? Because of what I did, Mirae's life is in danger. Hindi lang kay Mirae kung hindi pati na rin ang buhay naming lima. They did nothing but good things to me, especially Mirae. Yet I betrayed not only her but the whole Cosmos.
Hindi magkamayaw ang aking mga luha sa paguunahang bumagsak galing sa aking mga mata.
I shook my head. "I'm sorry, h-hindi ko alam." I don't know anything yet I judged her. My sorry would do nothing but I want her to know how sorry I am.
I don't know why Hoax though that her sister was raped. Or if she's really raped then it's not Mirae's fault. It's no one's fault but the rapist's.
We both turned our eyes on the door when we heard something. May kumatok roon at natanto ko kung sino iyon nang marinig ko ang kanyang boses.
"Milady!" It was Dasher in a bit shaky tone.
Agad na nagtungo sa pinto si Mirae upang buksan iyon. Nasisiguro ko na ilang sandali pa ay masisira ang pinto sa pagpipilit ni Dasher na makapasok.
Pinalis ko ang aking mga luha na para bang mapapalinaw noon ang aking nanlalabong mga mata.
Mirae opened the door. Bumungad sa amin sila Creed at Archer na inaalalayan si Dash. Looks like Dasher drank all the drinks on the bar. His eyes were bloodshot while his hair and dress shirt's disheveled.
"Sober up. Bukas mo kausapin si Mirae," Pigil ni Creed kay Dasher.
"What do you want?" Mirae asked. I walked near them and stopped at the back of Mirae.
"Milady! I'm sorry." I frowned as I heard Dasher.
Nilakihan ni Mirae ang bukas ng pinto at sinabihan ang dalawa na ipasok si Dash. Nang makapasok ay humiga ito sa kama ni Mirae.
"Iwan niyo muna kami," Mirae muttered. Agad naman akong lumabas kasunod ng dalawa.
Sa dining room dumiretso and dalawa kaya naman wala sa sariling napasunod din ako roon. I was wiping my tears when Archer turned to me. "You good?" Pabulong na tanong niya sa akin.
I nodded as I gave him a smile.
"Sure?"
"Yes," I answered as I sat on the chair in front of Creed. Sa tabi naman niya ay si Archer.
I suddenly remembered Crizzette. "Creed," I called.
He hummed as he looked at me. Si Archer na nasa tabi ni Creed ay napabaling din sa akin.
"Crizzette asked me something." He attentively looked at me. "She's asking about her mother. Can't you remember her? I mean, Crizzette's mother?" Nananantyang tanong ko.
His jaw clenched as he answered. "I can't."
I frowned as I looked at him with full of frustration. I saw Archer was about to speak. Agad ko siyang inunahan. "Why? Nakakaalala ka na, bakit hindi mo 'yon matandaan? You cheated on Lavinia yet-" I realized what I've said when Creed cutted my words.
"Fuck off! I won't cheat on Vinia." My eyes widened as his voice thundered.
"Creed!" Saway ni Archer.
Para namang natauhan si Creed ng dahil doon. Mariin siyang napapikit kasabay ng pagigting ng kanyang panga. "Fuck," He whispered. He gently massaged the bridge of his nose as he looked at me. "I'm sorry."
"I'm sorry," I muttered. Wala akong alam sa nangyari sa kanila, hindi ko dapat sinabi iyon.
Dumako ang tingin ng dalawa sa aking likuran kaya naman napalingon din ako roon. I saw Mirae walking towards the kitchen. Pagbalik niya ay mayroon na siyang dalang towel at basin. Walang salita siyang bumalik patungo sa silid.
Bumaling ako sa dalawang lalaking nasa aking harapan nang mawala sa aking paningin ang bulto ni Mirae.
"Anong ginawa ni Dasher?" Dash kept on saying sorry to Mirae. Bago umalis si Dasher ay maayos pa silang dalawa ngunit ngayon ay ganito ang nangyayari.
"I saw how Mirae's expression changed after seeing something on Dasher's phone." Si Creed ang sumagot sa akin. Iyon din ang napansin ko. Then Mirae suddenly left after that, saying she'll go somewhere. Sa palagay ko ay hindi lang simpleng bagay ang pinagtalunan ng dalawa.
"Dasher won't do something that will harm her. Kung ano man ang ginawa ni Dash ay makabubuti iyon kay Mirae."
My eyes narrowed as I turned to Archer. "May alam ka ba? What did he do?"
Kahit si Creed ay napabaling kay Archer, tila naghihintay sa isasagot niya.
He defensively shrugged his shoulders off. He even raised her hands. "Wala, inosente ako."
I just raised my brow up on him.
Archer turned to Creed. "Are you sure it's okay for us to attend that mafia gathering?"
"Hmm. Besides, Mirae already agreed. We're safe, it's a truce day and the theme's masquerade. Kaya alam ko rin na papayag si Mirae."
"How about the Devaughnes?" Hindi imposibleng makaharap namin sila sa araw na iyon. "Hindi ba delikado para kay Mirae? Lalo na ngayon na nalaman nila na si Mirae ang pumatay kay Aleesha," I continued. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang aking dibdib dahil sa aking nagawa. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may mangyayaring masama kay Mirae dahil sa nalaman ng mga Devaughne.
"We're still not sure if they'll attend. Baka magbago ang isip nila. But don't worry about them, they know the word truce."
Napatango ako roon. Marunong tumupad sa usapan ang mga Devaughne.
The next day, I was preparing before going to my cafe when Archer suddenly barged in my room, wearing a tidy dress shirt and a suit.
"What?"
"Where are you going?" Bungad niya sa akin.
Napakunot ang aking noo ngunit sa huli ay agad akong sumagot. "At the cafe, why?"
"Ihahatid na kita. The Devaughnes tried to get Mirae," He informed. Bahagya akong natigilan doon. Matapos ay kinuha ko ang aking mga gamit ay sumabay sa paglabas ni Archer.
"Creed already called someone. Nasa baba na sila, they're currently cleaning Mirae and Dasher's mess."
"'Wag na, Kuya told me he'll fetch me." I don't know what's with him. At the middle of the night he called saying he wants to drive me to the cafe the next day. Sa huli ay pumayag na lang ako sa gusto niya.
"Alright," He answered as he gave me a nod.
"How about you? Where are you going?"
"Sa firm."
"Sabi na eh! Unat na unat huh, lakas maka-attorney!" I muttered, pertaining to his dress shirt and suit.
He chuckled as he playfully whispered. "Kunwari lang."
Humalakhak siya at napailing na lamang ako roon. Someday, I want to watch him inside the court. Gusto kong makita kung paano siya magseryoso o kung nagseseryoso ba siya. Maliban kay Mirae ay si Archer ang pinakamalapit sa akin. Most of the time, Creed's uptight and I understand him. Si Dash at Archer ang palabiro kaya naman magaan ang loob ko sa kanila lalo na kay Archer.
The elevator opened at the parking lot of the building. Iginala ko ang aking paningin ngunit hindi ko na nakita ang aming mga tauhan. Kuya sent me a message saying he's already here. Agad kong nakita ang sasakyan niya. I saw him leaning on it. Nang nagtama ang aming mga mata ay agad siyang nagtungo sa aking direkyon.
Nang makalapit ay agad akong humalik sa kanyang pisngi.
"Bakit naman bigla mong naisipan na ihatid ako?" I asked.
He shrugged as he placed his hands on his pocket. "Nothing, I just want to."
My eyes narrowed while directly looking at him. "Kuya!" I groaned.
"What?" Natatawang sambit niya. "Alright, I just missed you, Cel."
Napalabi ako at ibinuka ang mga braso. Agad naman siyang lumapit at napayakap sa akin. I hugged him tightly as I whispered. "I missed you too, Kuya."
"Don't call me Kuya," Sambit niya, kasabay noon ang puting kotse na mabilis na bumabaybay patungo aming direksyon. Ilang metro na lamang ang layo nito sa amin at nasisiguro ko ang pakay noon.
My eyes widened as Kuya looked at his back. Agad na bumalik sa akin ang kanyang tingin at mabilis na ipinulupot sa akin ang kanyang mga braso. Napako ako sa aking kinatatayuan. "K-kuya." All I can hear is my heart ramming my ribcage.
I felt his arms around me tightened. "Shh, you'll be safe, Cel," He whispered and a tear rolled down my cheek as I tightly shut my eyes off.
I gasped as I heard a loud screech. Agad akong napadilat dahil doon. My eyes enlarged when I saw a familiar car. Galing iyon sa bandang kanan kung saan nakapark ang ibang kotse at binangga ang kotseng dapat na tatama sa amin.
Gumilid ang puting kotse kaya't hindi man lang iyon dumikit sa amin. I frowned as I looked at the familiar car. Umatras ito at ilang beses pa noong binangga ang puting kotse hanggang sa magkasira-sira ang gilid noon.
"Fuck," I cursed when I realized that it's the driver's seat side. Hindi ko alam kung buhay pa ang nasa loob noon. Muling umatras ang pamilyar na kotse at binangga ang puting kotse. Matapos ay agad na sumibad ang kotseng iyon at nawala sa aking paningin. I saw the plate number of the car and it confirmed everything.
__________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro