CHAPTER 8
CHAPTER 8
Third Person's POV
"Wala na tayo iba makitang information. Punta kaya tayo sa Devin University? Baka may makuha pa tayong ibang information" suhestiyon ni Trace.
"Tara. Apple, tuma--" natigilan si Neil nang makita niyang mahimbing na natutulog si Apple.
"Paano niya nagawang makatulog habang nakaupo? Hindi ba siya nangangalay," komento ni Seven. Napabuntong hininga si Neil.
"Iwan niyo na lang siya dito. Babalik pa naman kayo mamaya," sambit ni Rain.
Bago sila umalis hiniga muna ni Neil si Apple sa iuupuan nila kanina saka ito kinumutan.
"Alis na po kami," paalam nila Trace.
"Pasundo na lang tayo doon kila kuya mamaya," sabi ni Seven pagkasakay nila ng taxi.
"Itetext ko sila," tugon naman ni Trace.
"Kailangan niyo ng permit bago makapasok," sambit ng guard nang sibukan nila pumasok sa university.
"Matanong-tanong na lang tayo sa mga dumadaan na student," suhestiyon ni Neil.
"Excuse me Miss. Kilala mo po ba si Cathleen Alonzo? Ito po larawan niya," tanong ni Trace. Umuling ang babae bilang tugon.
"Sige. Salamat," pagpapasalamat ni Trace bago muli magtanong sa iba.
"Si Cathleen ng nursing yan ah. Ano kailangan niyo sa kanya?" tanong ng lalaking pinagtanungan ni Seven.
"May importante kaming sasabihin sa kanya pero ayaw kami papasukin ng guard. Kilala mo ba siya?" tanong ni
Seven.
"Kaibigan niya ako. Wala siya dito. Tatlong araw na siyang hindi pumasok," tugon ng lalaki.
"Alam niyo ba kung saan namin siya makikita?" tanong ni Trace.
"Hindi eh. Try niyo tanungin si Gail. Siya pinakaclose kay Cathleen. Baka alam niya. Ayun siya," turo nito sa babaeng kakalabas lang ng gate.
"Salamat."
"Miss sandali!" habol ni Neil sa babae sabay hawak sa balikat ng babae. Mabilis na tinapik ng babae ang kamay niya saka ito tinignan ng masama.
"Sorry. May itatanong lang sana ako. Natakot ba kita?" tanong ni Neil.
"Ah! Hindi. Pasensya na. Ayoko kasing hinahawakan ako ng hindi ko kilala. Ano kailangan niyo?" tugon ni Gail.
"May itatanong lang kami tungkol kay Cathleen. Pwede ka ba namin makausap saglit?"
Biglang namutla si Gail nang marinig niya ang pangalan ng kaibigan niya.
"Kasamahan niya ba kayo? Pinadala ba niya kayo para saktan ang kaibigan ko? Hindi ako papayag na makuha niyo siya. Poprotektahan ko si Gail mula sa masasamang kamay na katulad niyo," galit na sabi ni Gail habang nakatingin ng masama kila Neil na ikinagulat nila.
"Mali ang iniisip mo. Wala kami masamang gagawin sa kanya. May itatanong lang talaga kami. Mababait kami," pagpapakalma ni Trace dito ngunit nagdududang tingin lang ang tinugon ni Gail.
"Kung ayaw mo magsalita hindi ka namin pipilitin. Pero gusto ko malaman mo na nandito kami para tulungan ang kaibigan mo. Tara na," sabi ni Neil sabay lakad paalis.
"Totoo ba talaga sinasabi niyo. Hindi ba niya kayo kasamahan?" tanong ni Gail habang nakatingin sa likod nila Neil.
"Kasamahan nino?" nagtatakang tanong ni Seven.
"Wala talaga kayo alam. Sumunod kayo sa akin," tugon ni Gail.
Nagtunggo sila sa isang coffee shop na malapit sa university.
"Bata pa lang kami magkaibigan na kami ni Cath. Lagi kaming magkasama simula noon hangang sa bigla na lang siya nagbago. Nagsimula ito pagkatapos namin makilala namin si Chase sa isang bar noong nakaraang buwan. Simula noon lagi na sila lumalabas. Halos hindi na kami makapag-usap dahil palagi na lang sila magkasama," pagkukwento ni Gail.
"Si Chase ba yung tinutukoy mo kanina?" tanong ni Seven.
"Oo. Nag-aalala ko sa lagay ni Cath kaya palihim ko sila sinundan. Pero nahuli ako ni Chase at binantaan na wag mangingialam. Noong una binalewala ko ito pero kahapon biglang may umatake sa akin habang papauwi ako," nag-umpisang manginig ang kamay ni Gail na agad napanson ni Seven kaya hinawakan niya ito saka siya ningitian.
"Wag mo pilitin sarili mo kung hindi mo kaya ikwento lahat," aniya upang pakalmahin ang dalaga.
"Sorry. Hanggang doon na lang kaya ko sabihin."
"Salamat."
"May isa pa kaming tanong. Kilala mo ba ang lalaking ito?" tanong ni Trace sabay turo sa lalaking nasama sa picture ni Cathleen.
"Si Mark yan. Stalker ni Cath. Madalas namin siya mahuling nakasunod sa amin. Wag kayo mag-aalala hindi siya masamang tao. Ang totoo niyan mas komportable si Cath kapag nakasunod siya. Palagi siyang dumadating kapag kailangan namin ng tulong. Guardian angel ang turing sa kanya ni Cath kaya kapag kumukuha siya ng picture madalas niya ito sinasama," tugon ni Gail.
"Hindi siya yung masamang stalker," komento ni Trace.
"Hindi. Ang totoo niyan siya tumulong sa akin noong atakihin ako ng mga kasamahan ni Chase. Dahil sa akin namatay siya. Pinorotektahan niya ako sa kamay ng mga bampira," malungkot na sabi ni Gail. Sumeryoso ang mukha nila Trace nang marinig ang salitang bampira.
"Alam mo ba kung nasaan si Cathleen?" tanong ni Neil.
"Sorry, hindi ko masasagot ang tanong mo," tugon ni Gail.
"Naiintindihan ko."
"Kung kailangan mo ng tulong tawagan lang ako," sambit ni Trace sabay abot ng papel na may cellphone number niya.
Inubos muna ang kape nila bago sila umalis.
"Mauna na ako. Salamat sa inyo. Gumaan pakiramdam ko pagkatapos ko kayo magkwento," paalam ni Gail.
"Hatid ka namin. Naghihintay na sila kuya sa may tapat ng Devin University," pigil ni Trace sa kanya.
"Wag na. Nakakahiya. Ayos lang ako. Salamat," nahihiyang sabi ni Gail.
"Pagkatapos mo sabihin sa amin na may umatake sayong bampira, tingin mo ba pababayaan ka naming umuwi mag-isa?" sabi naman ni Seven.
"Pe--"
Hindi na ito nakaangal nang hilain siya ni Seven at pinasakay sa sasakyan nila.
"What the hell!" sigaw ni Twain nang may bumaril sa sasakyan nila at masira ang gulong nito at huminto.
"Nandito nanaman sila," takot na sabi ni Gail habang nakatingin sa bintana.
"Wag ka matakot. Kami bahala sa kanila. Hindi namin hahayaan na saktan ka nila. Dito ka lang. Neil, samahan mo siya," sabi ni Primo bago sila lumabas ng sasakyan.
"Ano kailangan niyo?" tanong ni Primo sa mga bampirang nakapalibot sa kanila.
"Ibigay niyo sa amin si Gail," tugon ng isa sa kanila.
"Paano kung ayaw namin?" pang-aasar ni Twain.
"Wala kaming oras makipaglaro sa mga bata. Ilabas niyo si Gail," inis na sabi nito sabay tutok ng baril sa kanila.
"Sino naman nagsabi sayo na nakikipaglaro kami? Hindi kami natatakot sa baril niyo," matapang na sabi ni Quade sabay tanggal nang contact lens.
"Bampira din kayo? Kung ganun hindi namin kailangan magpigil. Patayin sila," utos ng lalaking kausap nila nang makita ang pulang mata ni Quade. Agad silang tinutukan ng baril.
"Mag-iingat kayo. Hindi normal ang baril nila," paalala ni Primo. Nakatanggal na din ang contact lens nito katulad ng kapatid niyang bampira.
"Kulay blue na mata? Hindi ka bampira katulad nila," pansin ng isa sa mga kalaban nila. Ningitian lang siya ni Primo saka ito nag-umpisang umatake. Pinaputukan siya ng baril ngunit mabilis itong nakaiwas.
"Wag!" sigaw ni Apple nang mapanaginipan niyang babarilin si Quinn. Napatingin sa kanya sila Thunder na sa biglaang pagsigaw niya.
"Nasaan sila Neil?" tanong niya nang mapansing mag-isa na lang siyang nandoon.
"Nagpunta sa school ni Cathleen. Hindi ka na nila ginising dahil ang sarap ng tulog mo," tugon ni Thunder.
"Ayos ka lang ba? Namumutla ka," nag-aalang tanong ni Sakura.
Kinabahan lalo si Apple pagkatapos niya malaman na wala sila Neil.
"Bakit niyo sila hinayaan umalis? Nanganganib ang buhay nila," inis na sabi niya sabay tayo. Alam niyang niyang hindi basta panaginip ang nakita niya.
"Sandali! Sasamahan kita," pigil ni Rain sa kanta sabay kuha ng helmet at saka ito pinasuot kay Apple. Nagtunggo sila sa may motor kung saan may isa pang helmet na nakapasabit doon. Sinuot iyon ni Rain bago sumakay.
"Sakay na," aniya nang mapansin niyang nakatayo pa rin si Apple.
"Ingat kayo," paalam ni Thunder sa amin.
Mabilis nagmaneho si Rain patunggo sa Devin University ngunit hindi na nila naabutan sila Neil.
"Hindi dito yun," bulong ni Apple nang makita ang school.
"Pwede ko ba malaman kung ano napanaginipan mo?" tanong ni Rain sa kanya.
"Nasa sasakyan sila Neil kasama sila Primo nang atakihin sila ng grupo ng mga bampira. Nakipaglaban sila pero may mga dalang baril ang mga ito kaya sa huli natalo sila. Kailangan na din sila mahanap bago sila mapatay," nag-aalalang tugon ni Apple.
"Tatawagan ko sila Trace," sambit ni Rain. Hindi mapakali si Apple habang hinihintay na matawagan sila Trace.
"Walang sumasagot. May number ka ba ni Neil?" tanong nito kay Apple.
"Number... Ah! May binigay sa akin si Neil na papel. Sabi niya tawagan ko daw yung number na yun kapag emergency," tugon ni Apple sabay kuha ng papel sa wallet niya. Agad naman tinawagan ni Rain ang numerong nakasulat sa papel.
"Hello," sagot ni Neil.
"Neil, ikaw ba yan? Kasama ko si Apple. Nasaan kayo?" tanong ni Rain.
Habang abala sa pakikipag-usap si Rain, hinawakan ni Apple ang kalsadang tinatayuan niya. Pumikit ito para mas madali niyang makita ang mga nangyari sa kalsadang hawak niya.
May mga lumalakad hanggang sa may humintong sasakyan. Napadilat ito nang makita ang plate number ng sasakyan.
"Galing na dito sila Primo," sabi niya sa kanyang sarili.
"Apple! Alam ko na kung nasaan sila," tawag sa kanya ni Rain pagkatapos nitong makausap si Neil.
Sumakay agad ng motor si Apple upang mabilis silang makasunod.
"Malapit na tayo. Bilisan mo pa. May naamoy akong dugo," sambit ni Apple. Lalong binilisan ni Rain ang motor hanggang sa matanaw nila sila Primo.
Nanlaki ang mata ni Apple nang makitang mabaril si Twain sa balikat. Napansin ni Apple na babarilin sila muli. Lumundag ito sa may motor at mabilis na hinarang ang katawan kila Quinn upang protektahan ito.
"Apple!" sigaw ni Rain na napahinto dahil sa nangyari.
"Salamat ligtas kayo," nakangiting sabi ni Apple bago matumba pagkatapos matamaan ng dalawang beses sa likod.
"Apple!" sigaw nila.
"Ayos lang ako..." sabi nito. Tinignan niya isa-isa sila Primo na kasalukuyang sugatan pagkatapos makipaglaban.
"Ano pa hinihintay niyo? Patayin sila! Pagkakataon na natin ito," sigaw ng isa sa kanila kaya sabay silang bumaril pero laking gulat nila nang nagsibalikan sa kanila ang mga bala bago pa ito tumama kila Apple.
"Ano nangyari? Paano--" gulat na sabi sa ng isa sa mga bampira.
"Quinn, pwede bang hawakan mo muna ito," sambit ni Apple sabay abot ng contact lens niya. Pagkaangat ng ulo nito bumungad sa kanila ang nagliliwanag na kulay gintong mata nito.
"Mommy..." bulong ni Quinn pagkatayo ni Apple.
"Hindi kayo mapapatawad," galit na sabi ni Apple saka masamang tinignan ang mga bampirang nasa harapan niya.
Nabasag ang lahat ng bagay na gawa sa salamin habang may malakas na pwersang pumapalibot kay Apple at katulad ng isang hangin mabilis itong umatake sa kalaban.
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro