CHAPTER 51
Isang babaeng kamukha ni Xia ang masayang tumigingin sa mga puting rosas, nakasuot ito ng isang baro't saya habang palakad-lakad hanggang sa huminto siya tapat ng isang puting rosas at pinitas ito saka inamoy.
Bakas sa mukha niya ang kaligayahan at napahawak sa kanyang tiyan. Hindi na siya makapaghintay na sabihin sa kanyang asawa ang pagbubuntis niya.
Kasalukuyan niya itong hininhintay para sabihin ang magandang balita. Nakarinig siya ng yapak at sa masayang lumingon ito subalit isang itak ang sumalubong sa kanya.
Nagdulot ito ng sugat sa kanyang katawan at ang kaninang puting rosas ay naging kulay pula dahil sa sugat na dugong tumalsik.
"Bakit?" tanong niya sa lalaking kaharap niya na walang iba kundi ang hinihintay niya.
Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa asawa niya habang nakahawak sa dumudugo niyang tiyan na gawa ng hiwa. Napaupo siya sahig habang lumuluhang nakatingin sa lalaking pinagkatiwalaan niya.
Subalit isang malamig na tingin lang ang itinugon nito at muling inangat ang itak upang patayin siya.
"Wag!" sigaw ni Xia sabay bangon.
Napahawak siya sa katawan niya dahil pakiramdam niya totoong ang napanaginipan niya.
Nagulat si Zander na katabi lang niya nang bigla itong sumigaw.
"Mahal," tawag niya dito subalit takot siyang tiningnan ni Xia at mabilis na lumayo sa kanya.
Napakunot ang kilay ni Zander dahil sa ikinilos nito. Nag-umpisa na siyang kabahan dahil sa tingin na ibinigay nito sa kanya.
"Ano napanaginipan mo?" tanong niya.
"...."
Tinignan siya ni Xia at bumakas sa mukha nito ang pagkalito ngunit hindi maaalis sa isipan niya mukha nito nang itakin siya.
"Mahal?" muling tawag sa kanya ni Zander at nagtangkang lumalapit subalit kusang napaatras si Xia.
"Bakit mo ko pinatay noon?" tanong ni Xia.
Noong una hindi siya naniniwala sa sinabi ni Amon pero pagkatapos niyang napanaginipan ang tungkol sa nakaraan niya, nag-umpisa na siyang magduda.
"Hindi kita pinatay," sagot ni Zander subalit isang nagdududang tingin ang ibinigay sa kanya ni Xia.
Napabuntong hininga si Zander saka seryosong tinignan si Xia.
"Gusto mo ba malaman ang totoong nangyari noon?" tanong niya.
Tumango si Xia bilang tugon. Gusto niya malaman ang totoo para matapos na ang lahat.
"Ipapadala kita doon," sambit ni Zander.
"Ipapadala mo ko sa nakaraan?" gulat na tanong ni Xia.
Akala niya magkukwento lang tungkol sa nakaraan para maging maliaw na ang lahat.
"Oo, para mawala na yan pagdududa mo. Ipapadala kita doon para makita mo mismo ang tunay na nangyari pero..."
"Pero?"
Napataas ang isang kilay ni Xia nang bigla itong nahimik at pinagmasdan siya.
"Alam mo namang si Amon ang nasa likod ng panaginip mo at nakaabang lang siya para kainin ang kaluluwa mo. Kailangan mo siya mapalabas sa katawan mo."
"Paano?"
"Fire. Habang nasa nakaraan ka gumawa ka ng paraan para magkaroon ka ng fire element tulad ng pagkakaroon mo ng ice element. Takot sa apoy si Amon kaya mas mapapadali ko siya mapaalis sa katawan mo oras na makaramdam siya ng fire element sa katawan mo."
"Saan naman ako makakakita ng fire plant seed?" tanong ni Xia.
Nag-umpisa na siyang kumalma kaya nagawa nang makalapit ni Zander.
"Noong unang panahon madalas pa sa mundo ng mga tao ang mga plant spirit dahil sagana pa sa mga puno't halaman ang paligid. Madali ka lang makakakita ng mga kauri mo."
"Okay, titignan ko."
"Good. Handa ka na?"
"Wait! Ipaliwanag mo muna ang gagawin mo."
"Ipapadala ko ang spirit body mo sa nakaraan."
"Paano ako babalik?"
"Gamitin mo ito."
May inabot na kwintas si Zander; may crystal na pendant ito at sa loob ng crystal may pulang usok na paikot-ikot.
"Paano ko ito gagamitin?"
"Oras na gusto mo na bumalik basagin mo lang yan at kusa kang dadalhin ng pulang usok dito."
"Naiintindihan ko."
Sinuot ni Xia ang kwintas saka tinignan si Zander.
"Handa na ako mahal," aniya habang pinagmamasdan ang asawa.
"Mag-iingat ka doon at wag na wag ka bastang magtitiwala kahit kanino bampira man o tao."
Nag-aalalang sabi ni Zander.
"Paano yung vampire king sa panahon na yun? Dapat ko ba siya pagkatiwalaan?"
"Ikaw bahala basta sundin mo lang kung ano nararamdaman mo."
"Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon. Ikaw na muna bahala sa mga anak natin," sabi ni Xia sabay yakap kay Zander.
Hinawakan siya sa pisngi ni Zander saka hinalikan sa labi.
"Mamimiss kita, mahal ko. Sana maging malinaw sayo ang lahat. Alam na masama ang pinakita ko noon sayo pero hindi kita kayang patayin. Tandaan mo yan," sambit ni Zander saka niya hinalikan sa noo si Xia at isang pulang usok ang pumasok sa katawan nito bago siya mawalan ng malay.
Binuhat siya ni Zander at ibinalik sa higaan nila. Kinumutan niya ito saka muling hinalikan.
"Mag-iingat ka sa paglalakbay mo," aniya saka pinagmasdan ang asawa na mahimbing na natutulog.
Noong taong 1519,
Nang maiwang nakahandusay si Rosa, nagliwanag ang mga puting rosas at mula doon lumabas ang diwata ng mga rosas.
Nanghihinang tinignan siya ni Rosa.
"Nakikiusap ako tulungan mo ang anak ko," sambit ni Rosa sa diwata habang nakahawak sa kanyang tiyan bago mawalan ng malay.
Itinutok ng diwata ang kanyang kanang kamay sa tiyan nito at isang puting liwanag ang lumabas dito kasabay ng pagkakaroon ng markang korteng rosas ang leeg ni Rosa.
Kasabay nito ang pagkakaroon ng pulang usok sa katawan ni Rosa at ang pagdating ni Xia sa panahon nila.
Natigilan ang diwata ng mga rosas sa nasaksihan at lubos na ikinagulat niya ang pangyayaring iyon.
Nang dumilat si Xia napatingin siya sa diwatang nasa harapan niya na may puting kasuotan na katulad sa kasuotan niya noong ginamit niya ang spirit form.
"Awww!" sambit ni Xia nang kumirot ang sugat niya dahil nag-uumpisa pa lang ito gumaling gawa ng kapangyarihan niya.
"Bakit ganito ang damit ko?" tanong niya habang tinignan ang sarili.
Bigla niya naalala na katulad iyon sa suot ni Rosa at nang makita niya ang paligid naunawaan na niya agad na nasa katawan siya ni Rosa.
"Maari ko ba malaman ang pangalan mo binibini?" tanong ng diwata kay Xia dahil alam niyang iba na ito sa nakausap niya.
"Xia po."
"Hindi ka pangkaraniwang nilalang subalit nakikita kong kauri kita," komento nito habang pinagmamasdan ang dalaga.
Tumango si Xia.
"Isa po akong kalahating tao at kalahating diwata. Nagmula ako sa hinaharap, nandito ako upang alamin ang dahilan ng pagpatay nila kay Rosa."
"Nais mo rin bang tulungan ang anak mo sa panahon na ito?"
Nagulat si Xia sa tanong nito at napahawak sa kanyang tiyan. Nakaramdam siya ng lungkot at awa sa batang nasa sinapupunan niya.
"Hindi ko po alam kung paano," tugon ni Xia.
"Maari mo siya buhayin sa pamamagitan ng anyo mo bilang isamg diwata. Isisilang mo siya katulad ng pagsilang namin sa mga anak namin. Hindi mo na maisasalba ang katawan ng bata subalit maari mo pa rin buhayin ang ispirito niya."
"Isisilang ko pa siya bilang isang diwata? Hindi isang tao o bampira?" tanong ni Xia.
Tumango ang diwata.
"Paano yan? Kung magiging diwata siya, hindi niya magagawang tumagal sa mundong tinutuluyan namin," malungkot na sabi ni Xia dahil nagawa lamang niya tumagal sa mortal world dahil sa dalawa ang katawan niya.
"Iha, wala na tayong oras. Bago tuluyang maglaho ang ispirito ng bata kailangan na natin ito ilipat sa katawan mo. Maari mo ba ipakita sa akin ang tunay mong anyo?"
Umalis si Xia sa katawan ni Rosa. Napangiti ang diwata nang makitang katulad niya ay isa din itong diwata ng mga rosas.
"Inumin mo itong binhi. Makakapagbigay ito ng holy power. Makakatulong ito upang mabuhay mo ang sanggol," sambit ng diwata sabay bigay ng buto niya.
"Bampira ang isa kong katawan. Hindi pa itong makakasama sa akin?" tanong ni Xia.
"Nasa ispirito mo ang kapangyarihan na yan hindi ito magdudulot ng masama sa katawan mo."
Ininom ni Xia ang binhi nito at nagulat siya nang makaramdam siya ng init sa katawan niya. Nagpaligiran siya ng puting apoy na may pagtungo sa pagiging kulay asul.
"Apoy," gulat na sabi ni Xia dahil hindi niya akalaing na fire element din ito.
"Isa sa kakayahan ko ang holy fire, kaya nitong sunugin ang mga nasa kadiliman katulad ng devil. Ngunit maari itong kontrahin ng hell fire na kasalukuyang gamit ng vampire king."
Naalala ni Xia ang apoy na ginagamit ni Zander.
"Paano mapupunta sa akin ang anak niya?" tanong ni Xia.
Inangat ng diwata ang kanyang kamay at itinapat ito sa tiyan ni Rosa. Lumabas ang isang spirito na hugis bilog na naglikiwanag na kulay puti. Inilipat ito ng diwata patungo sa katawan ni Xia.
Ramdam ni Xia ang malakas na spiritual power na bumabalot dito na gawa ng diwata kaya natitiyak niya na malakas ito.
"Nais ko sana ako ang magpalaki sa anak ni Rosa ngunit dumating ka. Marahil nakatadhanang ang lahat ng ito sapagkat ikaw at ang kanyang ina ay iisa lamang," sabi ng diwata sabay tingin sa katawan ni Rosa na unti-unting tinutubuan ng pulang rosas hanggang tuluyan itong naging isang bulalak.
Nanlaki ang mata ni Xia sa nakita.
"Hindi ako magawa niyan," aniya at laking gulat niya nang biglang pumasok sa kanyang isipan ang lahat ng memorya ni Rosa.
Napahawak siya ulo at napakunot ang noo. Nakita niya na ikinasal ito sa vampire king upang mapigilan ito sa pag-atake sa mortal world. Subalit sa huli umibig din ito.
Naguluhan si Xia sa nasilayan niya dahil sa memorya nito may pagkakataong malambing ang vampire king ngunit may pagkakataon ding sinasaktan siya nito.
"Paparating ang mga alagad ng vampire king," sambit ng diwata saka ito nawala.
Nagulat si Xia sa sinabi nito. Tatakbo na sana siya para magtago ngunit nakaramdam siya ng hilo at nawalan ng malay.
Nagising na lamang si Xia na nakahiga sa isang malaking kwarto at ayon sa memorya ni Rosa, ito ang kwarto nilang mag-asawa. Nag-umpisang kabahan si Xia at nataranta dahil hindi pa siya handa harapin ang vampire king, pero huli na ang lahat.
Bumakas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking kamukhang-kamukha ni Zander. Nagkatinginan silang dalawa.
Nawala bigla ang vampire king sa kinatatayuan nito at sumulpot sa likod ni Xia kasabay ng pagtutok ng isang patalim sa leeg niya.
"Sino ka? Ano ang iyong pakay?" tanong nito.
Naramdaman ni Xia ang malakas na pwersang nagmumula dito. Kundi lang siya sanay kay Zander siguradong nanginig na siya sa takot.
Hindi umimik si Xia kaya sinubukan sugatan ng vampire king upang takutin ngunit isang pamilyar na kapangyarihan ang lumabas sa katawan ni Xia ang nagpatalsik sa kanya. Nagulat din si Xia dahil hindi niya akalaing mapoprotektahan pa rin siya ng kapangyarihan ni Zander kahit na nasa nakaraan siya.
"Sorry," sambit ni Xia nang tignan siya nitong masama.
Nang tumayo ito may napansin si Xia. Kunpara sa vampire king hindi ba ito ganoon kalakas.
Naglabas ng apoy ang vampire king at hinagis ito kay Xia. Gumawa ng yelo si Xia bago umalis sa pwesto niya.
"Balak mo ba patayin ang asawa mo?" inis na sabi ni Xia.
"Hindi ikaw si Rosa," tugon nito at muli siyang inatake nito pero hindi umalis si Xia sa kinatatayuan niya at pinanood ang paparating na apoy.
Bago ito tumama sa kanya muling lumabas sa katawan niya ang malakas na pwersa at pinatay nito ang apoy sa paligid gawa ng malakas na hangin.
"Mahal, balak mo ba talaga ako patayin?" malungkot na sabi ni Xia.
Natigilan ang vampire king nang marinig
nito ang tanong ni Xia.
"Balak mo ba ako patayin ngayon dahil hindi ka natagumpay noong una?" tanong muli ni Xia.
Lalo naguluhan ang vampire king sa sinabi niya. Kitang-kita niya sa mukha ni Xia ang kalungkutan na may halong sakit.
"Ano ang iyong ibig-sabihin? Kahit kailan hindi kita sinubukang paslangin," sambit nito.
"Paano mo ipapaliwanag ang nakita ko? Ikaw mismo ang umitak sa akin, kitang-kita ko."
"Bakit ako gagamit ng itak kung maari naman kita sunugin?"
Naglabas ng apoy ang vampire king at hinagis ito sa higaan nila na nasa likod ni Xia; naging abo ito agad dahil sa sobrang init ng apoy.
Napalunok si Xia sa nasaksihan. Kung gusto siya nitong patayin mas madaling sunugin siya nito para walang katawan na makita at sabihing nawawala siya. Wala din ebidensyang lalabas.
"Mas matangkad siya sayo, may kakambal ka ba?" tanong ni Xia.
"Wala."
"Pero kamukha mo talaga siya."
"Maraming shapeshifter dito."
"Bakit gusto nila ako patayin?"
Lumamig bigla ang ihip ng hangin at naramdaman ni Xia ang masamang aura na nagmumula sa vampire king.
"Hahanapin ko siya," sambit ni Xia sabay alis sa takot na baka pag-initan siya nito.
Mabilis siyang hinawakan nito upang pigilan.
"Dito ka lang sa aking tabi. Hindi nila maaring matuklasan na buhay ka. Marahil nasa paligid lamang sila."
"Nakita na ako ng mga alagad ko."
"Ang kanilang ala-ala ay aking buburahin. Ikaw at ako lamang makakaalam na buhay ka."
Napabuntong hininga si Xia saka tumango.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro