Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 41

CHAPTER 41

Xia's POV

"Hexa, buksan mo itong pinto. Mag-usap tayo," katok ni Zander sa kwarto ni Hexa. Napag-alaman namin na  ayaw niya pumasok. Dahil siguro sa nangyari kagabi.

Ano nanaman kaya ginawa ni Phoenix? Kapag talaga nagkaoras ako, tuturuan ko siya ng leksyon dahil sa pagpapaiyak niya sa anak namin.

"Hexa, kapag hindi mo ito binuksan pupuntahan ko ngayon si Phoenix. Alam ko galing ka sa kanya kaga--"

"No Dad! Wala siya kasalanan. Ako kusang pumunta sa kanya," sigaw ni Hexa.

"Bakit namamaga mata mo? Umiyak ka ba? Ano nangyari?" nag-aalang tanong ko. Lalapitan ko na sana siya pero bigla siyang umiwas.

"Ayos lang po ako," aniya habang hindi makatingin ng diretso sa akin.

"May sinabi ba sayo si Phoenix?"

"....."

"Hexa, kung may problema ka sabihin mo lang sa akin. Handa ako makinig."

"Mom... Bakit po ganun? Kahit na kayo na ni Daddy ikaw pa rin gusto niya? Nandito naman ako. Hindi ko na po alam gagawin ko para mahalin niya din ako."

"Mas mabuti na yan. Hindi din ako papayag na maging kayo."

"Zander!" saway ko sabay tingin ng masama sa kanya. Brokenhearted na nga anak si Hexa, sasabihin pa niya yun?

"What? Nagsasabi lang ako ng totoo," tugon niya sabay balik ng tingin kay Hexa.  "Tigilan mo na yan sa kakahabol kay Phoenix."

"But Dad..."

"Mula ngayon hindi ka na pwede makipagkita sa kanya. Hindi na din siya pwede pumunta dito. Kung ayaw mo lumabas, sige. Basta wag na wag ka pupunta kay Phoenix."

Gusto ko sana kumontra pero bago pa ako makapagsalita tinignan na ako ng masama ni Zander. Napatikom na lang ako ng bibig at hinayaang hilain paalis.

"Bakit mo sinabi sakanya yun?" tanong ko pagkapasok namin ng kwarto.

"Wag mo sabihin ayos lang sayo na mapunta siya kay Phoenix?"

"Why not? Okay naman siya."

"Okay siya? Kung kay siya bakit umiiyak si Hexa ngayon? Gusto mo ba na umasa lang sa wala ang anak natin? Masasaktan lang sa kanya si Hexa."

"Pero gusto ko sumaya ang anak natin."

"May makikilala din siyang iba."

"Mom! Dad! Si Hexa po umalis!!"

Napatakbo ako pabalik ng kwarto ni Hexa nang marinig ko ang sigaw ni Seven.

"Saan siya pumunta?" tanong ko.

"Hindi ko po alam. Bigla na lang siya nawala."

Napahilot ako sa ulo ko. Saan nanaman nagpunta yun? Lumayas kaya siya dahil sa sinabi ni Zander? Paano kung may masamang mangyari sa kanya?

"Pupuntahan ko si Phoenix," paalam ko pero bago pa ako makaalis pinigilan na ako ni Zander.

"Ano nanaman? Tignan mo nangyari? Nilayasan na tayo ng anak nati  dahil sa sinabi mo," inis na sabi ko.

"Ako na pupunta kay Phoenix. Dito ka lang baka bumalik siya," aniya saka nawala sa harapan namin. Napaupo na lang sa kama ni Hexa. Hindi kasi maganda ang kutob ko. Pakiramdam ko may masamang mangyayari.

"Mom..."

"Ayos lang ako anak."

Kita ko sa mukha nila ang pag-aalala kaya ningitian ko sila. Lumipas ang labing limang minuto wala pa rin balita kay Hexa. Hindi ko na kaya na maghintay lang. Kailangan ko na kumilos.

"Kapag dumating ang Daddy niyo sabihin niyo may pinuntahan ako. Wag muna kayo umalis ng bahay. Dito lang kayo," utos ko kila Seven bago magteleport.

"Master!" salubong sa akin ni Yuri.

"Nandyan  na ba sila?"

"Yes master."

"Good. May ipapagawa ako sa inyo."

Pumasok ako sa ginawa naming hideout. Nasa pinto pa lang ako amoy na amoy ko na ang sariwang dugo.  Napakunot ako ng noo at nilingon si Yuri.

"Bago daw sila makaalis sa vampire world may humarang na galing sa kaharian."

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mga sugatan na beastman.

"Master!" sabay na sabi nila at luhod sa harapan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi malala ang sugat nila.

"Ilan ulit ko ba sasabihin sa inyo na hindi niyo kailangan gawin yan. Tumayo na kayo at may ipapagawa ako sa inyo."

Lumapit ako sa lamesa at ibinaba ang larawan ng Deathless Killer. Nanlaki ang mata nila nang makita ito sabay tingin sa akin. Hindi na ako magtataka sa reaksyon nila dahil kamukha ang nasa pictures. Kulay pula lang ang buhok nito.

"Naalala niyo siya?"

"Yes master."

"Hindi ko alam kung ano ginawa nila sa kanya, basta nawalan na ako ng kontrol sa kanya. Ngayon isa na siyang killer na nagtatrabaho sa ilalim ng mad scientist. At tingin ko nasa likod ng pagpatay nila ang devil na minsan ng tinalo ng vampire king."

"Devil?! Master kakalabanin ba natin siya?"

"No. Kailangan niyo lang tumulong sa paghahanap sa kanila. Kaoag nakita niyo ang tinataguan nila tawagan niyo ko agad at kami na bahala sa kanila."

"Yes Master. May iba pa ba kayo ipapagawa?"

Pinakita ko sa kanila ang larawan ng anak ko.

"Kapag nakita niyo siya dalhin niyo sa akin. Wag niyo sa sasaktan. Oras na may makita akong sugat o galos man na galing sa inyo, malalagot kayo sa akin," tinignan ko sila ng masama. Sabay-sabay sila napalunok.

"Sino po ba siya master?"

"Siya si Hexa. Anak ko. Lahat ng information na meron kayo sabihin niyo lang kay Yuri. Ito gagamitin niyo para matawagan niyo ko. Magpaturo kayo kay Yuri kung paano gamitin," binigyan ko sila ng smartwatch na katulad ng ginagamit namin nila Zander tuwing nasa misyon kami.

"Master, may ibabalita ako sayo. Meow!" sambit ni Yuri bago ako makaalis.

"Ano yun?"

"Tungkol kay Phoenix."

Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang pangalan ni Phoenix.

"Ano meron sa kanya?"

Tinignan niya ako sa mata na agad ko naman nauunawaan. Binasa ko ang memory niya at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"Nung pinahanap mo si Hexa, hindi ko maiwasang isipin yung nakita ko. Hindi ko alam kung pumayag ba siya pero mas mabuting ilayo niyo muna si Hexa sa kanya."

"Naiintindihan ko. Alis na ako," tugon at agad na nagteleport pauwi sa bahay.

"Saan ka galing?" tanong ni Zander pagdating ko.

"Ano balita kay Hexa?" kinakabahang tanong ko.

"Hindi siya pumunta kay Phoenix. Pero..."

"Pero??"

"Wala si Phoenix pagdating ko doon. Umalis siya ng umaga kasabay ng oras ng pag-alis ni Hexa."

"Jusko. Paano kung nagkita sila? Ano gagawin natin?" natatakot na tanong ko.

"Bakit ganyan reaksyon mo? Akala ko ba ayos lang sayo si Phoenix para kay Hexa?" tanong niya. Bigla ako natigilan at napaisip. Sasabihin ko ba sa kanya ang nalaman ko?

Sigurado madagdagan ang galit niya kay Phoenix kapag nalaman niya ang pinag-usapan ng devil at ni Phoenix.

"Bakit hindi ka sumagot? May problema ba?" tanong niya ulit.

"Wala. Natatakot lang ako na baka kung ano nanaman sabihin niya kay Hexa," pagsisinungaling ko na sana makalusot.

"Tss. Sinungaling."

Sabi ko nga eh. Wala talaga ako maitatago sa kanya.

"Bakit?" tanong niya bigla.

"Ha? Anong bakit?"

"Bakit lagi mo pinopotektahan si Phoenix?"

"Hindi ko siya pinopotektahan."

"Bakit hindi mo sa akin sinasabi lahat ng kalokohan na alam niya? Hindi ba yun pagpoprotekta sa kanya? Lagi ka na lang natatakot na saktan ko siya dahil galit ako sa kanya. Alam ba dahil sa ginagawa mo lalo lang ako nagagalit sa kanya? Lagi mo na lang siya iniisip. Lagi ka na lang nag-aalala sa kanya na baka may gawin ako. Bakit?"

Ganun ba ako?? Siguro nga. Hindi ko napapansin na masyado kong pinoprotektahan si Phoenix sa kanya.

"Nakikita ko sa kanya ang sarili ko noong hindi ko pa kayo nakikilala. Walang ibang gusto isipin kundi mamatay dahil sa kalungkutan. Alam ko na kahit ganun si Phoenix sa loob niya malungkot siya. Walang nagmamahal sa kanya. Walang nag-aalaga sa kanya. Ilang taon na siya nabubuhay sa mundong ito na nag-iisa. May makakasama nga siya pero darating din ang araw na mawawala sila. Dahil sa sitwasyon niya palagi na lang siya naiiwan. Alam ko pakiramdam na yun. Gusto ko siya tulungan pero hindi ko alam kung paano. Paano ko nga naman siya matutulungan kung ako mismo ang nagdala sa kanya sa ganung sitwasyon?"

"May magagawa ka."

"Ha?"

"Patayin mo siya."

"Paano ko siya mapapatay? Immortal siya."

Umiling siya.

"Ikaw lang makakapatay sa kanya. Gusto ng vampire king na ikaw ang tumapos sa kanya."

"Paano ka nakakasigurado na ayun ang gusto niya mangyari? Bumalik na ba alaala mo noong past life mo?"

"Hindi ko kailangan ng alaala ko noon para maisip yun. Ganun din gagawin ko kung ako siya. Kung makikita kong pinoprotektahan mo siya palagi mas gugustuhin kong gamitin yun para mas mahirapan si Phoenix."

"No way! Hindi ko siya kayang patayin," reklamo ko.

"I know," nakangiting sabi niya.

"Hindi ka galit?"

"Hindi ko gusto na pinoprotektahan siya. Pero ayos lang basta sa akin ka.  Alam ko concern ka lang sa kanya pero ako mahal mo, tama?" 

"Kung alam mo yan bakit nagseselos ka pa rin sa kanya?"

"Tss. Ayoko may ibang lalaki kang iniisip maliban sa akin."

Yayakapin sana niya ako pero iniwasan ko siya.

"Bawal mo ko yakapin, halikan at hawakan hanggang hindi natin nakikita si Hexa. Kasalanan mo kung bakit siya lumayas," sambit ko. Hindi ko pa rin siya mapapatawad sa ginawa niya kay Hexa. Nagdilim bigla ang mukha niya.

"Okay. Hahanapin ko siya. Hindi ako babalik hanggang wala siya," aniya at bago ko pa siya pigilan nawala na siya. Hindi ko tuloy maiwasan mag-aalala kila Claude. Sigurado doon ang punta niya.

Okay na din na ganito. Mas makakakilos ako kung hindi siya nakabantay.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro