Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27

CHAPTER 27

Apple's POV

"Ang gandang ng buwan," aniya sabay tingin sa akin habang nakangiti.

Naglakad ito sa itaas ng dagat. Tuwing didikit ang paa niya sa tubig nagiging yelo ito. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Pinanood ko siya habang palapit sa akin. Tumigil siya sa harapan ko.

"Ano gusto mo malaman?" kalmadong tanong niya.

"Lahat," sagot ko.

"Lahat? Wait! Paano ko ba uumpisahan ito? Hmm.  Ikaw at ako iisa pero may sarili kang isip. Hindi ko akalain na mangyayari sayo ang hiling ni Zander kahit na pinasunog ko na ang katawan ko. Alam mo ba kung bakit ko pinasunog yung katawan ko?"

"Bakit?"

"Bago ko sagutin tanong mo umupo muna tayo," aniya kaya umupo kami sa tabi ng dagat. Tumingin siya sa may dagat bago magpaliwang.

"Noong bata ako nagkakuha ako ng kapangyarihan na tinatawag na multiple existence. Gumawa ako ng isa pang katawan na katulad sa tao. Hindi ko pa kontrolado ang kapangyarihan ko kaya hindi ko kayang pagalawin ng sabay ang dalawang katawan ko. Itinago nila mama ang totoo kong katawan at nag-umpisa ako mamuhay ng normal hanggang sa lumaki ako. Tuwing hindi ko nakokontrol ang kapangyarihan ko sumasakit ang puso ko. At dahil nakalimutan ko na yung tungkol sa totoo kong katawan, ang alam ko may sakit ako sa puso. Dumating sa punto na inoperahan ako sa puso ng walang permiso ko. Doon tuluyang naging totoong katawan ang hindi dapat. Hindi ko alam kung anong mahika meron ang pusong nilagay nila. Bago ako mamatay bumalik na ang lahat ng alaala ko. Sinubukan ko bumalik sa totoo kong katawan pero may pwersang pumipigil sa akin. Sumasakit lang ang puso ko kapag ginagawa ko iyon. Napagdesisyunan kong ipasunog ang katawan ko oras na mamatay ako para lang makalaya ako sa katawan na yun dahil pakiramdam ko nakakulong ang kaluluwa ko sa pusong nilagay sa akin."

Napahawak ako sa bandang dibdib ko kung saan ramdam ko tibok ng puso ko. Alam ko ito ang tinutukoy niya.

"Gaano ka kasigurado na makakabalik ka sa totoong katawan mo oras na sunugin na nila ang isa mo pang katawan?"

"Ang totoo niyan sumugal ako. Hindi ko talaga alam kung ano mangyayari pagkatapos nun kaya nag-iwan ako sulat kila Zander. Kaya nabubuhay ako ngayon dahil sa hiling ni kuya Xavier. Sa kanilang lahat siya lang ang nakakaalam na dalawa ang katawan ko. Pareho sila ng hiling ni Zander pero yang katawan mo ang kilala niya kaya muli kang nabuhay. Kung hindi nahulog ni Phoenix sa dagat ang pusong gamit mo, hindi ka mabuhuhay."

"Kung iisa tayo bakit may sarili akong isip? Iisa lang ba talaga tayo?"

Tinignan niya na para bang hindi niya alam ang sasabihin niya. O nagdadalawang isip siyang sagutin ang tanong ko.

"Totoong iisa lang tayo. Kaya wala ka maalala dahil wala na ako sa katawan mo. Para ka na lang puppet na pinapagalaw ng pusong gamit mo."

"Hindi ko maintindihan. Puso lang yan paano niya magagawang kontrolin ang katawan ko?"

"Hindi ko pa alam. Hanggang ngayon hinanahap ko pa ang kasagutan sa tanong mo. Babalikan kita kapag alam ko na ang sagot sa tanong mo. Mauna na ako," paalam niya bigla saka tumayo.

"Sandali! Alam ko ba kung ano nangyayari kay Zander at sa mga anak mo?" hinawakan ko siya sa kamay para pigilan. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa niya pa rin maging kalmado.

"Oo naman."

"Bakit kalmado ka? Hindi ka ba nag-aalala sa kanila?"

"Kung hindi ako kakalma, mawawalan ako ng kontrol sa kapangyarihan ko. Kahit kalmado ako, nag-aalala pa rin ako sa kanila."

Inalis niya ang kamay ko saka siya nawala na parang bula. Hindi na din ako nagtagal sa inuupuan ko. Tumayo na ako at umalis.

***********

Hexa's POV

"Mag-iingat ka," paalam sa akin ni Kuya Primo, pagkababa ko ng sasakyan. Tinanguan ko lamang siya bilang tugon saka tumingin sa buildings kung saan naninirahan si tito Phoenix.

Nagtunggo ako agad sa room kung saan siya nakatira. Pinindot ko ang doorbell at hinintay itong buksan niya. Nasabihan ko na din siya kaya alam niyang pupunta ako ngayon.

"Pasok ka," sabi niya agad sa akin sabay bukas ng pinto.

Tumingin ako sa paligid pagkapasok ko. Sa hindi malamang dahilan, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may mali kahit wala ako nakikitang kakaiba.

"May problema?" tanong niya.

"Saan ang kwarto ko?"

"Guest room."

Tunalikuran niya ako at naglakad patunggo sa kwarto ko. Susundan ko na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko pagkakita ko sa pangalan ni Phoenix. Bakit niya ako tinatawagan nasa likod lang naman niya ako?

"Hello," sagot ko kahit na wala ako ideya sa nangyayari.

"Nasaan ka?" tanong niya agad.

"Nasaan ako?" pabalik na tanong ko. Biglang napatingin sa akin ang Phoenix na  kasama ko.

"Sino kausap mo?" tanong niya.

"Apple," maiksing sagot ko habang pinapakinggan ang sinasabi ni Phoenix.

"Nasa condo ka na ba?"

"Oo. Kasama ko na si tito Phoenix."

Napamura bigla yung kausap ko sa cellphone.

"Hindi ako yan. Umalis ka na muna diyan. Pabalik na ako. Tatapusin ko lang itong nasa harapan ko," hinihingal na sabi niya.

Hindi ako kumilos. Alam ko na oras na umalis ako mahahalata niya na alam ko na ang totoo. Isang maling kilos ko lang, mapapahamak ako. Kapag nagpanggap naman ako na walang alam, hindi ko rin masisigurado kung mahuhuli ba niya ako. Paano ko mind reader siya? Idagdag pa na wala ako ideya kung sino ba itong nasa harapan ko.

"Sige bye. Matutulog na ako. Goodnight," paalam ko sabay baba ng cellphone. Ningitian ko ang lalaking nasa harapan ko saka naglakad patunggo sa kwarto ko. Binuksan ko agad ang pinto.

"Matutulog na ako. Salamat," sambit ko. Isasara ko na sana ang pinto nang bigla siyang pumasok. Sa sobrang bilis niya hindi ko na siya napigilan. Naramdaman ko na lang nasa likod ko na siya siya na mismo nagsara ng pinto habang nasa pagitan ako ng braso niya.

Nanlamig ako bigla kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ngayon lang sa akin nangyari ito. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Wala sila kuya para protektahan ako. Ako lang mag-isa ang na nandito.

"Alam mo na ang totoo, tama?" bulong niya sa akin. Lalo ako hindi nakakilos ng hawakan niya ako balikat. Ano gagawin ko?

Hinarap niya ako sa kanya at sinandal sa pintuan. Doon ko lang nakita ang totoong itsura niya.

"Naalala mo ako? Ako ang mapapangasawa mo balang araw," aniya sabay hawak sa baba ko at taas ng ulo ko habang palapit ng palapit ang mukha niya. Ngunit bago pa niya ako mahalikan, isang itim na pusa ang tumalon sa mukha niya at pinagkakalmot siya.

"What the hell!" galit na sabi niya sabay tingin sa pusang kumalmat sa kanya. Nagbago ang anyo nito at naging isang batang babae na nay lollipop.

"Mission Accomplished!
Meow!" sambit nito. Isang babae ang sumulpot sa likod ng prinsepe at tinutukan  siya nito ng dagger sa leeg.

"Hindi mo ba talaga titigilan ang anak ko? Gusto mo ba mamatay?" tanong ng babaeng nasa likod niya.

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Dahil nandito si Hexa. Tingin mo ba pababayaan ko ang anak ko?"

"Hindi ako titigil hanggang hindi ko nakukuha ang gusto ko," itinulak niya ang kamay ni mommy at saka siya sumuntok.

Sinalo ni mommy ang kamao niya at ginawa itong yelo.

"Red ice?" komento nito nang makita ang pulang yelo sa kamay niya.

"Who knows? Nakaganyan na lang bigla yan bigla."

Itinulak siya ng prinsepe at nagmadaling tumalon sa bintana upang tumakas. Hindi naman siya hinabol ni mommy.

"Bakit hindi mo siya hinabol?" tanong ng itim na pusa na kanina lang mukhang tao ito.

"Nakakapagod. Hayaan mo na siya. Ang importante ligtas si Hexa," ningitian niya ako.

Magsasalita na sana ako nang biglang kumatok sa pinto.

"Hexa! Nandiyan ka ba?!" sigaw ni Phoenix. Agad ko binuksan ang pinto.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

"Ayos lang ako. Ni--" pagtingin ko sa likod ko wala na si mommy.

"Meow!" nilingon ko ang itim na pusa na kanina lang nagsasalita. Nasa paanan ito ni Phoenix.

"Alaga mo?" tanong ko dahil alam ko wala siyang pusa.

"Oo. Nakita ko siya natutulog sa may tapat ng pintuan ko. Walang nagmamay-ari sa kanya kaya kinupkop ko na lang," paliwanag niya. Alam niya kaya na nakakapagsalita pusa niya?

Binuhat niya ang pusa at sinara ang bintana ng kwarto ko. Hindi na ito nag-abalang magtanong tungkol sa nangyari.

"Mukhang ayos na ang lahat. Iwan ko dito si Dark para may kasama ka. Magpahinga ka na," aniya sabay abot ng pusa niya bago lumabas. Tumango na lang ako bilang tugon.

"Salamat wala na siya!" sambit ng pusa sabay talon. Hindi na ito nagbago ng anyo.

"Hindi niya alam yung tungkol sayo?" tanong ko.

"Hindi. Ang alam niya isa lang ako ordinayong pusa pero isa akong beastman!" paliwanag nito.

"Bakit nandito ka? Pinadala ka ba ni mommy?"

"Tama. Pinadala ako ng mommy mo para obserbahan si Phoenix."

"Bakit?"

"Mas mabuting si Xia na lang ang tanungin mo. Inaantok na ako. Goodnight," aniya sabay higa sa kama ko. Mas nauna pa siyang matulog sa higaan ko. Tinabihan ko na lang siya dahil pagod din ako.

Itutuloy...















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro