CHAPTER 22
CHAPTER 22
Hexa's POV
Natahimik kaming lahat pagkatapos sabihin sa amin ni Shirayuki na nanganganib ang buhay namin at bago pa kami makapagsalita nawala na lang ito bigla. Pero alam kong nasa tabi lang siya nakamasid sa amin.
"Maniniwala ba tayo sa kanya?" tanong ko.
"Wala naman siya makukuha sa atin kung magsisinungaling siya. Saka naramdaman ko sa kanya na siya si Mommy. I mean hindi ko ito naramdaman kay Apple before. Kahit na sabihin pa natin na iisa sila," tugon ni Ate Quinn.
"Totoo man o hindi kailangan natin mag-ingat," sabi naman ni Kuya Primo.
Napagdesisyon namin na manatili na lang dito at wag gumawa ng kilos na ikakapahamak namin.
"Nandito lang pala kayo. Nagpunta ako sa bahay niyo pero wala kayo," sabay kami napalingon kay tito Phoenix na kakapasok lang.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko.
Tumingin sa paligid na parang may hinahanap nang hindi niya ito makita ngumiti siya.
"Good! Wala si Apple. Gusto ko makausap si Zander," tugon nito sa akin. Paglingon niya sa akin parang lumundag ang puso ko at bumilis ang tibok nito. Hinawakan niya ako sa ulo nang dumaan siya sa tabi ko bago ito umupo.
"Wala si Daddy. Bakit gusto mo siya makausap?"
"Secret. Ano nangyari sa inyo? Bakit ang seryoso niyo kanina?"
"Secret din."
Ayoko ko sabihin sa kanya na galing dito si Mommy o Shirayuki. Sang-ayon ako sa sinabi ni Ate Quinn. Naramdaman ko din yun. Kanina parang naiiyak ako nang makita ko siya. Gusto ko siya yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa amin pito ako madalas na nadikit kay mommy noong bata pa kami.
"Tito, pwede mo po ba kami kwentuhan tungkol kay mommy? Nandito ka na rin naman," pakiusap ni Kuya Quade.
"Sige. Ikukwento ko sa inyo lahat ng nalalaman ko tungkol sa mommy niyo. Makinig kayo mabuti."
Nag-umpisa na siya magkwento. Lahat kami tutok sa kwento niya. Kahit si Neil nakikinig. Halatang interesado siya kay mommy kahit hindi niya sabihin.
*******
Third Person's POV
Sa ilalim ng bilog na buwan, may isang babaeng naglalakad sa daan. Tumigil ito sa tapat ng bahay nila nila Jerome at ngumisi. May bitbit itong bag habang nakasuot ng itim na hood. Muka sa kinatatayuan niya naglaho ito at tahimik na pumasok sa bahay. Maingat ang naging hakbang niya hanggang sa makarating siya sa kwarto ng kanyang target.
"S-sino ka?" tanong ni Jerome. Nagulat ito sa biglang pagbukas at pagsara ng pinto. Mas natakot ito pagkatapos magpakita sa kanya ang babaeng naka-hood.
"Sssh! Wag ka maingay," malamig na sabi nito. Lumapit siya kay Jerome at dahan-dahan itinulak pahiga sa kamang inuupuan nito. Hindi alam ng lalaki na simula noong mahawakan siya nito ay ginamitan na siya ng kapangyarihan nito.
Nanlaki ang mata ni Jerome nang mapagtanto niyang nawalan na siya ng boses at hindi siya makagalaw. Numisi ang babae saka kinuha ang isang camera sa bag at tripod sa bag. Itinayo niya ito gilid ni Jerome kung saan kitang-kita siya sa video na nakarecord.
"Maawa ka sa akin," takot na sabi ni Jerome kahit wala itong boses. Kinabahan ito nang makita ang kutsilyo. Ningisian lang siya ng babae bago ito mawala sa paningin niya.
Lumapit ang babae kay Jerome at inumpisahang sasaksakin. Tuwang-tuwang ito tuwing nakikita ang pagtalsik ng dugo pagkatapos niya hugutin ang kutsilyo. Mas lalo pa itong ginaganahan dahil sa pagsigaw ni Jerome na walang sinumang nakakarinig. Pero sa kanyang isipin rinig na rinig niya pagmamakawa ni Jerone at ang sigaw nito dahil sa sakit na nararamdaman.
Napuno ng dugo ni Jerome ang higaan. Nag-umpisa na rin tumulo ito sa sahig dahil sa dami ng saksak ni Jerome. Tahimik na tumawa ang babae at bago pa tuluyang mawalan ng buhay si Jerome dumapa ito sa ibabaw. Tinagilid niya ulo ng binata saka ito kinagat upang inumin ang natitirang dugo nito sa katawan.
Kinabukasan, nakita si Jerome ng kanyang ina na walang buhay. Napasigaw ito sa gulat at agad na tumawag na pulis. Noong araw din na yun kumalat ang isang video ni Jerome habang pinapatay ito. Malinaw sa video ang pagpatay nito subalit hindi kita dito ang pumatay dahil invisible ito. Nagdulot ito ng takot sa lahat lalo na sa mga kaklase nito.
"Nag-umpisa na siya kumilos," bulong ni Xia pagkatapos mapanood ang video.
Siya lamang ang nakakaalam kung sino ang pumatay kay Jerome. Ngunit kahit alam niya ay wala siya magagawa kundi manahimik dahil wala siya sapat na ebidensya. Idagdag pa na katulad niya ang suspect at hindi lang ito nag-iisa.
Mula sa inuupuan niyang puno, napatingin siya sa lalaking naglalakad sa ibaba. Agad siya napangiti pagkatapos niya makita ang asawa niya. Hindi siya nito nakikita dahil sa suot niya. Matagal na siya nakabantay sa kanila pero kahit minsan hindi siya nito nahuli.
"Mahal," bulong niya. Mababakas sa mukha nito ang lungkot.
Tumigil sa paglalakad si Zander nang may maramdaman siyang nakatingin sa kanya. Agad niya itong hinahanap pero wala siyang makitang kahit anino nito.
"Daddy, papasok na po kami."
Napatingin siya kay Primo saka tumango. Pinagmasdan lang sila ni Xia habang papaalis ang mag-ama niya. Gustuhin man niya magpakita sa kanila pero hindi iyon ang tamang oras. Ayaw niyang madamay ang mga ito, tulad ng nangyari noon.
Samantala, mabilis kumalat sa paaralan nila Jerome ang pagkamatay nito. Pagpasok nila Primo, napansin agad nila ang pagigimg tahimik ng kaklase nila.
"Bakit ang tahimik? Ano pinapanood mo?" tanong ni Prino kay Neil. Katulad sa iba tutok ito sa cellphone niya.
"May pumatay kay Jerome," sagot nito sabay abot ng cellphone niya para ipakita ang video na nagkalat. Sa facebook account mismo ni Jerome nakapost ang video kaya mabilis ito kumalat.
"Hindi na ito gawa ng tao," komento ni Primo habang pinapanood ang video. Nakikita lamang nila ang pagtalsik ng dugo at ang kutsilyo na hawak ng isang nilalang na hindi nila nakikita.
"Hindi kaya..." sambit ni Seven pero hindi niya tinapos ang gusto niya sabihin.
Naisip niya na baka si Shirayuki ang may gawa nito dahil ito lamang ang alam nila na may kakayahang maging invisible. Idagdag pa na may dahilan ito para patayin si Jerome.
"Hindi malabo yun. Pero wala naman siya dahilan para ikalat pa itong video. Baka may iba bang nasa likod nito. Nagkataon lang na si Jerome ang biktima niya," sabi naman ni Primo.
"Apple, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Neil sa dalaga nang mapansin nito ang panginginig nito.
"A-ayos lang ako," utal na sagot niya at umupo na lamang sa upuan niya.
Pagkatapos niya mapanood ang paraan ng pagpatay kay Jerome, hindi maalis sa isipin niya ang nanyari sa kanya noon. Katulad ng nasa video ang ginawa sa kanya noon sa isang isla. Ang kaibahan lang kita ang mukha ni Jerome at hindi ito nakatali.
Napaupo ang lahat nang makita ang kanilang guro. May kasama itong isang babae.
"Good Morning Class! Siya nga pala si Miss Ailee Cortez. Simula ngayon siya ang magiging adviser niyo kapalit ni Mrs. Reyes," sabi ng isang guro.
Nagpakilala ang bagong nilang adviser. Lahat nakatingin sa kanya dahil sa ganda nitong taglay. Maputi ito na may mahabang tuwid na huhok. May suot itong salamin. Nagpaalam na ang isa nilang guro kaya nag-umpisa na magturo si Mrs. Cortez.
"Parang may kamukha siya," bulong ni Twain habang nakatitig sa bago nilang guro. Biglang tumingin sa kanya ito dahilan para mapatingin siya sa katabi niya.
"Pamilyar nga ang mukha niya," sabi ni Trace na katabi ni Twain. Iniisip nito kung saan niya ba nakita ang guro nila o kilala niya ba ito.
"Awww!" napahawak sa ulo si Quade ng hagisan siya nito ng eraser. Matutulog na sana ito ngunit napansin siya agad ng bago nilang guro.
"Mr. Quade, kung matutulog ka lang sa klase ko, mas mabuting wag ka na pumasok."
Nagulat sila Primo nang tawagin sa pangalan na Quade ang kakambal nila. Kadalasan sa first sila tinatawag ng kanina guro. Idagdag pa na kilala siya agad ng kanilang guro kahit bago lang ito.
"Kay daddy naman ako malalagot kung hindi ako papasok," sagot ni Quade habang nakahawak sa kanyang ulo.
"Bibigyan kita ng exam kapag napasa mo yun hahayaan kita matulog sa klase ko," sabi ng kanilang guro.
"Sige ba," nakangising sagot ni Quade. Hindi na ito nagdalawang isip na tanggapin ang exam ng kanilang guro.
"Mamaya pumunta kang faculty bago umuwi. 50 item per day. 45 ang passing score."
Tumango si Quade bilang tugon habang nakangiti.
"Kapag hindi ka pumasa, araw-araw kita bibigyan ng exam. 25 item per day."
"Ma'am makikinig na lang po ako," sambit ni Quade na ayaw na ayaw sa exam.
Idagdag pa na hindi siya sigurado kung mapapasa niya ang exam ngayon. Ngumiti ang kanila guro dahil pagbawi nito kasunduan. Bumalik na ito sa pagtuturo at tuwing may nakikita siyang hindi nakinig tinatawag niya ito at nagbibigay ng tanong. Dahil doon gising na gising ang buong klase. Kinatakutan din siya dahil sa higpit nito.
"Salamat wala na si Ma'am," sabi ni Quade sabay subsob sa table niya.
"Pakiramdam ko may mata siya sa likod. Akalain mo yun? Kahit nakatalikod siya alam niya kung sino hindi nakikinig," komento ni Twain.
"Oo nga. Parang nakikita niya bawat galaw natin. Nakakatakot," pagsang-ayon naman ni Trace.
"She's not an ordinary teacher," sabat ni Hexa habang iniisip nito ang kanilang guro. Napatango ang mga kambal niya dahil ganun din ang kanilang iniisip.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro