CHAPTER 18
CHAPTER 18
Hexa's POV
"Napapansin niyo ba ang napapansin ko?" bulong ni Ate Quinn habang pinagmamasdan sila Dad.
Nagdidilig si Apple ng mga tanim naming halaman habang si Dad naman nakamasid sa kanya. Kami naman nakaupo sa may kubo.
"Oo. Kahapon pa ganyan si Dad nung bumalik sila kasama sila Neil. Ang lalim ng iniisip niya," tugon ni Kuya Trace.
"Ano kaya problema?" tanong ni Kuya Primo habang malalim na nag-iisip.
"Narinig ko kahapon na dadalaw daw sila Lola dito. Baka may alam sila," sabi ko sa kanila.
"Ano pinag-uusapan niyo?" tanong ng isang tinig mula sa likod namin. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil doon. Hindi dahil sa gulat kundi alam ko kanino galing ang tinig na yun.
"Tito Phoenix, kanina ka pa ba diyan? Ginulat mo naman ako," reklamo ni Seven. Tumawa lang ng walang tunog si Tito sabay gulo sa buhok ni Seven.
"Kanina pa ako nandito. Hindi niyo man lang ako napansin. Kung kalaban ako baka patay na kayo agad."
"Bakit nandito ka?" tanong ko.
"Nalaman ko ba pupunta dito lola niyo kaya sumabay na ako. Nakikipag-usap pa sila doon sa babaeng nakatira sa bahay nila Xavier kaya nauna na ako dito," paliwanag niya.
"Ah!" walang ganang sabi ko. Pero sa totoo lang masaya ako na nakita ko siya. Dahil kasi sa nangyari sa amin hindi na kami pwedeng umalis ng hindi kasama si Dad. Pinagbawalan na din kami gamitin ang sasakyan kaya hindi na ako nakakapunta sa bahay ni tito Phoenix.
"Ano kla--" hindi na natuloy ang sasabihin niya nang bigla siyang inatake ni Apple. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi na kami nakakilos. Mabuti na lang physical combat lang ang ginamit ni Apple. Kapag kasi ginamit niya kapangyarihan niya sigurado sira ang garden.
Mabilis ang naging kilos kilos nila. Sisipa si Apple tapos ipapadepensa ni Tito Phoenix ang kamay o paa niya. Susuntok si Tito Phoenix pero mabilis ito maiiwan ni Apple.
"Oopps!" sambit ni Tito Phoenix sabay yuko nang sumuntok si Apple. Pagkayuko niya sinuntok niya si Apple sa sikmura dahilan para mawalan.
"D-dad," kinakabahang sabi ni Kuya Primo pagkatapos matumba kay tito Phoenix si Apple. Galit na tinignan ni Dad si Tito Phoenix.
"Ano nangyari dito?" sabay kami napalingon kay Lola nang magsalita ito. Nagliwanag ang mukha nila dahil may aawat na kila Dad.
"Ano nanaman ginawa mo Phoenix?" tanong ni Tito Xavier sabay batok kay Tito Phoenix. Kinuha niya si Apple upang buhatin ito papasok ng bahay. Kumalma naman si Dad.
"Wala ako ginagawa. Siya biglang umatake sa akin," reklamo ni Tito Phoenix habang hinahawakan ang parteng binatukan ni Tito Xavier.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Inutusan ako ni Dad na magdala ng makakain at maiinom para sa bisita namin. Nagtimpla na lang ako ng tsa para kina lola at lolo habang cofee naman kila Dad. At siyempre juice sa amin. Ininit ko na lang apple pie na nasa ref.
"Kailangan mo ng tulong?" tanong ni tito Phoenix sa akin. Katulad kanina hindi ko din siya napansing lumapit sa akin.
"Kaya ko na ito," sagot ko.
"Dalawang tray yan. Paano mo mabubuhat yan?"
"Magpapatulong ako kay Seven."
"Tatawagin mo pa siya. Nandito na naman ako."
Bago ko pa siya mapigilan kinuha na niya ang tray na may lamang pagkain. Napabuntong hininga na lang ako saka binuhat ang tray na may lamang inumin. Naabutan ko si Tito Phoenix na nilalagay sa mesa ang mga platito na may lamang tag-iisang slice ng apple pie.
"Bakit ikaw gumagawa niyan?" tanong ni Dad sa kanya.
"Peace offering," nakangiting sagot ni Tito Phoenix. Napailing na lang ako saka ko pinagbaba ang mga inumin na sa tabi ng mga apple pie.
"Hindi mo ko madaan sa ganyan. Ano ginawa mo kay Apple? Bakit nagalit siya nung nakita ka niya?" tanong ni Dad.
"Hindi ko alam sinasabi mo," tugon nito sabay upo at inom ng kape na nilapag ko para sa kanya.
"Zander, may gusto ka daw malaman sa amin. Tungkol din ba yan kay Xia?" tanong ni Lolo.
"Opo," tugon ni Dad sabay tingin sa amin. Ayaw niya yata malaman namin ang pag-uusapan nila. Pero alam niyang kahit paalisin niya kami gagawa pa rin kami ng paraan para marinig namin ang usapan nila. Sa huli hinayaan na lang niya kami.
******
Phoenix's POV
Hindi na ako magtataka kung bakit hindi makapaniwala si Zander pagkatapos sabihin sa kanya ang totoo. Kahit ako nagulat noong nalaman ko ang sikreto matagal na tinatago ng magulang nila Xia.
Isang taon na ang nakakalipas noon malaman ko ang totoo.
"Phoenix, pwede ba tayo mag-usap?" tanong sa akin ng Mama ni Xia habang pinagmamasdan ko ang puso na iniwan sa akin ng anak niya. Binaba ko sa lamesa ang hawak ko. Napatitig sa puso na napapalibutan ng yelo.
"Ano po pag-uusapin natin?" tanong ko sa kanya.
"Alam mo ba kung bakit may mga taong pinanganak na may kapanyarihan katulad ng blackstone?" tanong niya sa akin.
"Hindi po," tugon ko. Nag-umpisa siya magkwento.
"Isang araw may isang bampira ang nakagusto sa isang tao. Tinanong niya ito kung ano ang gusto ng babae. 'Gusto ko magkaroon ng kapangyarihan na katulad sa inyo ng hindi nagiging bampira katulad niyo,' sagot nito. Tumawa ang bampirang lalaki. 'Ibibigay ko ang hiling mo. Ngunit kailangan mo muna ako pakasalanan kapalit ng kapangyarihan ibibigay ko,' tugon ng bampira. Pumayag ang babae. Pagkatapos nila ikasal binigyan niya ito ng kapangyarihan," pagkukwento sa akin nito.
"Galing sa bampira ang kapangyarihan namin? Ngayon ko lang narinig ang kwentong yan. Ang sabi lang nila basta may isinilang na nagtataglay ng kapangyarihan sa pamilya namin."
"Parehong totoo ang kwento. Hindi nagkuha ng babae ang kapanyarihan binigyan sa kanya dahil napunta ito sa batang dinadala niya. Sa pag-aakala ng babae na niloloko siya ng bampira. Pinagtangkaan niya ito patayin habang natutulog. Una pa lang alam na ng bampira ang plano nito na pagpatay sa kanya kaya nagpanggap lang ito tulog kaya napigilan niya ito."
"Ano nangyari sa babae pagkatapos siya mahuli?"
Nag-umpisa ako maging interesdo sa kwento niya dahil alam kong hindi masaya ang ending ng story nila. Mas gusto ko pa ang tragic.
"Tinignan niya ang nakaraan ng babae at doon napag-alaman niya na may kasintahan ito na namatay. May napagsabi sa babae na kahit anong hiling tinutupad ng bampira. Kaya lumapit siya dito. Oras na magkaroon siya ng kapangyarihan ng katulad sa bampira, bubuhayin niya ang kasintahan niya at saka niya papatayin ang bampira. Nagalit ang bampira sa nalaman nito kaya pinalayas ang babae sa pamamahay niya."
"Pinalayas lang niya? Bakit hindi niya pinatay?"
"Mahal niya pa rin ang babae kahit niloko siya nito. Bumalik ang babae sa kanila at doon niya nalaman na dinadala na pala niya ang anak ng kanyang yumaong kasintahan. Nang isilang niya ang bata, namatay ang babae pagkatapos higupin nito ang life force niya. Hindi alam ng pamilya ang tungkol sa kasunduan ng babae at bampira kaya inisip lamang nila na biyaya ng panginoon ang kapangyarihan taglay ng bata."
"Bakit niyo po sa akin sinasabi ang tungkol diyan?" tanong ko. Naiintihan ko ang kwento niya. Alam kong hindi siya nagsisinungaling tungkol doon. Pero bakit niya naisipan ikwento sa akin ang pinagmulan ng kapangyarihan namin?
"Gusto ko lang malaman mo ang kwento na sinabi sa akin ng aking ama," nakangiting sabi nito. Naguguluhang ko ito tiningnan.
"Bakit?"
"Kung paano nakuha ng bata ang kapangyarihan, ganun din nangyari sa akin. Isinilang ako na may kapangyarihan pero hindi ako nagmumula sa pamilyang blackstone. Isang araw may tinulungan ang aking ina na matandang bampira. Bilang kapalit ng pagtulong nito sa bampira binigyan niya ng kapangyarihan ang aking ina pero dahil dinadala na niya ako. Sa akin napunta ang kapangyarihan at namatay din siya pagkatapos ako isinilang. Noong malaman ko na dahil sa akin namatay ang aking ina, inayawan ko ang kapanyarihan. Tuwing nakikita nila ang kulay asul kong mata nilalayuan nila ako. Nagtungo ako sa america at doon ko nakilala si John at ang doctor na nakagkwento sa akin tungkol sa pamilya niyo. Hiniling ko sa doctor na palitan ang mata ko ng normal na mata. Pumayag naman siya at dahil doon naitago ko ang tungkol sa akin."
"Kung hindi ka normal na tao ibig sabihin..."
"Namana ni Xia ang kapangyarihang meron ako habang si Xavier normal na bata," aniya kaya naging malinaw ang lahat sa akin.
Pagkatapos niya ikwento sa akin nasagot na din ang tanong kung bakit asul ang mata ni Primo at kung bakit may kapanyarihan siya katulad sa ama niya. Habang si Hexa naman bampira pero namana niya ang kapangyarihan ni Xia. Tanging si Trace lang ang normal sa kanila.
"Ano?! May dalawang Xia? Paano nangyari yun?" naagaw ng atensyon ko ang sigaw ni Zander. Sa pagbabalik tanaw ko hindi ko na alam kung ano na pinag-uusapan nila.
"Noong bata si Xia lumikha siya ng clone niya na katulad sa normal na tao para makapaglaro siya kasama ng iba. Pero dahil hindi pa niya kontrolado ang kapanyarihan niya hindi niya pa kaya pagalawin ng sabay ang totoong katawan niya at clone. Ang Xia na nakasama niyo ay clone lamang. Nag-umpisa itong maging totoong katawan pagkatapos nila ilagay ang puso ng kapatid ni Phoenix sa kanya," paliwanag ng mama ni Xia.
"Kung dalawa ang katawan ni Xia, nasaan yung isa?" tanong ni Zander.
"Hindi namin alam. Pagkatapos sunugin ang katawan ni Xia, nawala ito. Basta pagbalik namin sa laboratory noong araw na yun, wala na ito sa hinihigaan niya."
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro