Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 61

Chapter 61: Kill

Naninikip ang dibdib ko dahil sa narinig kay Reena. She loves Dark so much. Naaawa ako sa kanya, oo. Pero masakit din para sa akin dahil nalaman ko kung paano niya minahal ng paunti-unti si Dark.

Nanghihina ako.

Do I really deserve Dark? Reena loved him first. And I'm scared... So damn scared! Nasasaktan ako para kay Reena, oo. Pero mahal ko si Dark. What if... Dark thinks that Reena is better than me? What if he fell out of love with me?

Just the thought of my "what ifs", breaks my heart. Sobrang sakit sa pakiramdam. Nakakapanghina. I love him so much, so damn much. Hindi pa nga kami, ganito na kasakit. This proves that I really love him. Ayokong mawala siya sa buhay ko. I want him to just be with me.

Pwede bang wala na itong mga problema? Pwede bang mamuhay na lang kami ng matiwasay at walang hadlang sa pagmamahalan naming dalawa? Oo, alam kong hindi pwede. Darating talaga ang mga problema. At hindi kami mamumuhay ng matiwasay hangga't nandito kami sa paaralang ito. But even though this place is like hell, dito kami nagkakilala. Dito kami pinagtagpo ng tadhana. This is all planned, huh? Yung magkita kaming dalawa at umibig kami sa isa't-isa, at dito namin nalaman na kaming dalawa ang nagtataglay ng matinding kapangyarihan.

"Let's go, Zaya." Ani Dark at hinatak na ako.

Bago pa kami makalayo, nagsalita muli si Reena. "W-Wala ka ba talagang masasabi, Dark? I confessed my love for you from the beginning until now... Manhid ka ba talaga?!"

Dark faced Reena with no emotion on his face. "Thank you for loving me... But I'm sorry, I don't love you the way you love me. Kahit ilang ulit mo pang sabihin sa akin ang nararamdaman mo, hindi ko ito masusuklian."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, tuluyan na kaming umalis.

Hindi ko namalayang nasa dorm na pala kami, sa dorm namin ng kapatid niya. Para kasing nawala ako sa ulirat. The sky is turning really dark na para bang alas dyis na ng gabi. Pero mga bandang alas sais pa lamang naman.

Nang makapasok kami sa dorm, biglang umulan ng malakas. Hindi naman ako umiiyak, ah? Pero ganoon siguro talaga dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Pinaupo niya ako sa couch at siya'y naupo rin sa tabi ko. He caressed my cheeks and that breaks my heart more. And the look in his eyes, I could see love. I don't know why I see it in his eyes... Dahil ba sa kapangyarihan namin 'to? We have some kind of strong bond?

There's love in his eyes... But when will his love for me last?

Hindi ko napigilang mapaluha. Agad niya namang pinunasan iyon. "What's the matter?"

Umiling ako sa kanya at bumagsak ang mga panibagong luha. Why am I crying a lot these days? Ugh, I want to make this stop! I want all the pain I feel to go away. I want it to vanish! Ganoon rin kay Reena, I want her pain to vanish.

"Tell me... Tell me, why are you crying? What's the reason?" Aniya.

"R-Really Dark, when will your love for me last?" Nanginginig kong tanong habang nagpapatakan ang aking mga luha.

He immediately turned serious. His soft expression turned to a hard one. He looks cold and dangerous again.

"Zaya, why are you questioning my love for you?" Hurt and anger are evident in his voice.

"I-I am not... A-Ayoko lang na m-masaktan pa, Dark. Ngayon nga ay nasasaktan na ako ng hindi pa tayo, paano na lang kung magsawa ka na s-sa'kin?"

Bumuntong hininga siya at hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "I never loved this way before, Zaya..."

"Yes, let's say you never loved anyone like this before b-but Dark, this love you have for me c-can... fade."

"No, it won't—"

"How sure are you, huh?" Ani ko at humikbi muli. "P-Paano mo nasasabi na hindi mawawala ang pagmamahal mo sa akin? What are we gonna do, enjoy while it lasts?"

The last sentence I said felt like I was stabbed for a million times in my heart. Narinig ko rin ang malakas na buhos ng ulan. Mas malakas ito ngayon.

He held my hand and he placed it on his chest, in the part where his heart is located. Nagulat ako sa ginawa niya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Naririnig ko ang napakalakas na tibok ng kanyang puso.

My heart is beating so fast too, alright. Pero nung narinig ko ang tibok ng kanyang puso, naging mas malakas pa ang tibok nung sa'kin!Damn this feeling I have for this man I'm with right now!

Susugal ba talaga ako? Nasaktan na ako noon, natatakot ako ngayon. If Dark will break my heart, I will surely be pained. The pain will be unbearable... Pero susugal ba talaga ako para sa kanya? Should I trust his words that he will only love me?

"Now Zaya, tell me, what can you say with the fast beating of my heart? Isn't this love to you?" Aniya na mas nagpabilis pa ng tibok ng puso ko.

Hindi ako makasagot sa kanya. Gusto ko lang siyang tignan ngayon. I want to memorize the love of my life's features.

Natigilan ako sa pagmememorya sa kanyang mukha ng unti-unti niyang nilapit ang kanyang mukha sa akin.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Is this what I think it is? Shit!

Magkalapit na talaga ang mga mukha namin at nagbanggaan na ang aming mga ilong. Nanginginig ang aking mga labi. I feel like there's butterflies in my freaking stomach!

I closed my eyes slowly. Damn Zaya, you're really anticipating something, huh?! Ba't ka ba nagkakaganito? Fuck!

After a moment, I felt his lips on mine. He kissed me sensually. Agad ko namang tinugon iyon. I feel like I'm not in my right mind right now, damn it!

His soft lips feels good on mine. He claimed the insides of my mouth like he's claiming that it's only his. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang tumugon sa halik niya! Ang lakas-lakas pa rin ng tibok ng kanyang puso.
And I can say that he's a damn good kisser! Expert siya sa ganito, I can tell! And his lips taste sweet. Shit.

He lets go of my hand from his heart at akala ko ay matatapos na ang halikan namin ngunit hindi pa pala! He caressed my face with his palms and he deepened the kiss we're both sharing.

This isn't my first kiss... I had kissed Devrin. Pero hindi ganito katagal. That was just for I think at least five seconds. That was it. And what I'm feeling right now is greater. Sobra-sobra ang pagmamahal ko kay Dark kesa sa pagmamahal ko noon kay Devrin.

He then slowly pulled away, making me open my eyes. Namula ang pisngi ko ng makitang titig na titig siya sa akin.

Agad ko namang tinakpan ang aking mukha. Shit lang talaga, nakakahiya! He chuckled because of my reaction and he looked at my lips at mas pumula lamang ang pisngi ko. Damn it!

Napatingin din ako sa kanyang labi. It looks so soft and more pinkish! Fuck!

Agad naman kaming nagambala sa kakatitig sa isa't-isa ng bumukas ang pinto ng dorm. Agad kong nakita si Julia na may pag-aalala sa mukha.

"Where have you been, Zaya?! Alalang-alala kami sayo!" She bursted.

Ako naman, biglang naalala yung halikan namin ni Dark! Fucking shit! Agad akong umayos sa pagkakaupo. I should act normal!Baka makahalata si Julia!

Dinilaan ko muna ang aking pang-ibabang labi bago magsalita.
"L-Long story,"

"Then you should tell me about it!" Aniya.

"Julia, mamaya na kayo mag-usap. For now, let me cook you some dinner. What do you want?" Sabi naman ni Dark. And gosh, parang wala lang nangyari! Ang chill niya!

"Kahit ano, Kuya. Basta kasi luto mo, masarap naman eh." Nakangiting sagot ni Julia.

Iba namang masarap ang naiisip ko. Damn this! Zaya, ano ba ang nangyayari sayo?! You shouldn't be thinking of this!

Napansin naman ako ni Julia. "Okay ka lang?"

"Ahh... o-oo naman!"

"Okay, then... But you have an explaining to do. Pag-usapan natin mamaya, ha?"

"S-Sige," Nauutal ko pa ring sagot.

Napatingin naman si Julia sa aking labi na siguradong namumula. Napatingin din siya sa labi na Dark. Goddamn it! I saw that she's trying her best to stop smiling! Wala na, nabisto na! Siguradong alam niya na ang nangyari sa pagitan namin ng kapatid niya!

Shit, yung nangyaring halikan sa pagitan namin ni Dark, dapat na hindi na maulit pa! Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa kagagawan niya! May kasalanan din naman ako kasi kung hindi ako nagpadala, hindi naman mangyayari 'yon! But Dark initiated this one! At ngayon, hindi ko na alam kung paano ko siya haharapin. Nakaka-ilang yung nangyari!

That... should never happen again.

*****

Tapos ng magluto si Dark at kumakain na kami ngayon ng aming hapunan. Masarap yung luto ni Dark syempre pero wala akong ganang kumain... at ang rason ay ang halik. Shit lang talaga!

Maybe some will say that I'm overacting. Or for some people it's just a kiss and I should get over it pero kasi big deal talaga 'to para sa'kin.

Masarap magluto si Dark, walang duda. Kahit anong pagkain man ang lutuin niya, masarap talaga. Honestly, I like men who likes and is good at cooking. Isa iyon sa mga gusto ko sa isang lalake... And now, Dark is here.

Good cook, check. Handsome, check. Savior-like, check! Well halos lahat talaga ng gusto ng isang babae sa lalake ay nasa kay Dark na! He's too close to perfection. The case is nobody's perfect so I would say that Dark is too close to it.

Habang ngumunguya ay naisip ko na naman ang nangyari kanina. Damn this! Makakatulog kaya ako nito mamaya? Ngayon pa nga lang ay hindi na ako makapag-isip ng maayos paano na kaya mamaya? Shit!

His warm lips are so good on mine. I still can remember the feeling of his lips.

Hanggang sa natapos na kaming kumain at maghugas ng mga pinggan at maglinis ng lamesa, hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang halik. Damn his effect on me!

Tumingin ako sa wall clock at nagulat akong alas otso na pala ng gabi. Madilim na sa labas at siguradong naglalabasan na ang mga estudyanteng gustong pumatay. I'm worried for Dark. Alam kong malakas siya. Alam kong kaya niyang labanan ang kung sino man ang magtangka sa buhay niya. Pero kasi, I can't help but get worried of his safety. Wala kaming extra na kama rito sa dorm namin ni Julia at saan naman siya matutulog? Sa sofa na lang siya siguro. Alam kong baka mahirapan siya pero baka kasi kapag umuwi pa siya'y mapahamak siya sa daan kaya mainam na dito na lang muna siya matulog.

"Dark, u-umm dito ka na lang kaya m-matulog? Stay here for the night..." Nahihiya kong sabi sa kanya. Nakasalampak siya sa sofa at ako naman ay tumabi sa kanya. Si Julia ay naligo pa kaya kaming dalawa lang ang nandito sa sala.

I saw how the side of his lips lifted. Nakakainis! Ngumiti pa ang mokong! Sana hindi ko na lang siya sinabihan, kung ganon!

"Bahala ka kung ayaw mo!" Sabi ko sabay irap.

He chuckled. "You're worried about me, huh?"

"Of course, I am!"

Nagulat naman ako sa nasabi ko. Shit, it was supposed to be just in my freaking mind but I said it out loud! Damn it! But oh well, that is the truth so why hide it? But I can't hide the fact that I blushed at sigurado akong nakita niya!

Ngumuso siya para mapigilan ang nagbabadyang malaking ngiti. Hindi ko napigilan ang sarili na mapangiti sa itsura niya. He looks so cute!

"Kuya, dito ka na lang muna sa dorm namin ni Zaya." Bungad naman ni Julia. Kakababa niya lang mula sa taas.

"Sinabi ko nga rin yan sa kanya." Pinag-krus ko ang akinf mga braso. "See? Dito ka na lang muna. You should sleep here for the night."

"Okay, fine." Sagot naman niya at pilit niya pa ring tinatago ang ngiti sa labi. Damn this guy!

"Pero Kuya, sa sofa ka na lang siguro. Wala kaming extra na higaan, eh. Sa sofa lang talaga. Malambot naman diyan at na-try mo namang matulog diyan." Sabi ni Julia at humagikhik sa huling sinabi.

Ako'y pinamulahan muli ng mukha ng malaman ko kung ano ang ibig sabihin ni Julia sa huli niyang sinabi. Fuck, oo nga. Na-try ng matulog ni Dark dito nung panahong lasing na lasing siya! And I can still remember the "wiping". Ugh, Zaya, bakit nagkakaganito ka? Sa dami ng pwede mong maalala ay yung ganon pa?!

Ang bilis ng oras at namalayan ko na lang na alas dyis na ng gabi. Kanina pa ako naligo at ngayo'y nagbabasa lang ako ng libro. Hindi ko gaanong naiintindihan ang nilalaman ng libro pero binasa ko pa din. Wala naman kasi akong magawa rito sa dorm at hindi pa ako makatulog sa kakaisip na nandito si Dark sa dorm namin ng kapatid niya!

To be honest, I'm worried of him. Ayos lang ba talaga sa kanya na dito muna matulog ngayong gabi? Ayos lang ba na sa sofa siya matulog? Knowing his bed in his dorm, sobrang lambot nun at malaki pa. Paano yung sofa? Malambot nga 'yon pero hindi naman malambot at malaki kagaya ng kama niya sa dorm niya.

Nandito ako ngayon sa kwarto at mahimbing na ang tulog ni Julia habang ako ay dilat na dilat pa.

I have decided to check on Dark.
Maingat akong naglakad palabas ng kwarto at maingat kong isinara ang pinto. Sinilip ko siya at nakita kong naka-tagilid siya at mukhang tulog na.

Dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdanan. I tried so hard not to make any noises so Dark's sleep will not be disturbed. Gusto ko lang talaga e-check kung ayos lang ba siya.

Nang tuluyan na akong nakababa ay lumapit ako sa sofa. Naririnig ko ang mabigat niyang paghinga. He's asleep indeed. Yung polo at pantalon niyang suot kanina ay suot niya pa rin ngayon hanggang sa pagtulog. Kawawa naman siya. Wala kasi siyang damit na dala dahil syempre, biglaan lang yung planong dito siya matutulog ngayong gabi.

Maingat akong lumapit at yumuko para makita ng maigi ang mukha niya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Even when he's sleeping, ang gwapo-gwapo niya pa rin. He looks so angelic 'cause when he's awake and seen by other people, he has the cold aura. Pero kapag kaming dalawa lang ang magkasama, ngumingiti siya at gumagamit pa ng mga mabulaklaking mga salita.

Yumuko pa ako para makita talaga ang kanyang mukha. Matangos ang kanyang ilong. He has this damn hot pinkish lips that I just kissed earlier. Damn! And his defined jaw looks so perfect.

Halos mapatili ako ng nagmulat siya ng mga mata. His hazelnut eyes bore onto mine. Lalayo na sana ako dahil sa kahihiyan nang bigla niya akong hinila kaya't napasalampak ako sa dibdib niya.

Shit! Agad naman akong pinag-initan ng pisngi dahil sa ginawa niya! Nakapatong talaga ako sa kanya! Fuck!

Pinigilan ko talaga ang sarili kong mapasigaw dahil sa gulat sa paghila niya sa akin dahil baka biglang magising si Julia at makita pa kaming nasa ganitong posisyon! Sigurado akong kapag nakita kami ni Julia sa ganitonb posisyon ay may maiisp yung kakaiba!

Pilit akong kumawala sa kanya pero mas malakas siya kesa sa akin! Damn, he's just too damn strong!

"B-Bitawan mo 'ko, Dark!" Mahina pero mariin at naiinis kong sabi sa kanya. Nautal pa ako at alam kong namumula pa rin ang aking pisngi. I am fucking blushing again!

Even in the dark, I can really see the smirk he has on his face. "Paano kung ayaw ko?"

"Nakakainis ka!"

Ngumisi lang siya at hinalikan ko sa nuo. That caught me off guard. He has been so touchy these days. He hugs and kisses me all of a sudden. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero nagtataka lang talaga ako sa mga inaakto niya.

I suddenly yawned. Gosh, nakaramdam na ako ng antok. Kahit ayaw ko pang matulog, wala akong magagawa dahil antok na antok na talaga ako.

"You should sleep now," Aniya at pinakawalan ako mula sa pagkakayapos. Agad naman akong tumayo.

"Okay, I will. But are you really okay here? Ayos lang ba na dito ka matutulog sa sofa?"

"Of course. Noon nga sa bahay namin ay minsan sa sofa ako natutulog. Don't worry." He said with a smile.

"Okay, then... Goodnight, Dark. See you tomorrow." Sabi ko ng may ngiti rin sa labi.

"Goodnight baby,"

*****

I woke up early the next day. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba dito natulog si Dark at hindi ako sanay?

It's five-thirty in the morning. I immediately got off from bed and I did my morning routine. Pagkatapos ay pumunta ako sa living room para matignan kung ayos lang ba si Dark.

Nagulat ako ng nakitang wala na siya sa sofa. Agad naman akong pumunta sa kusina at nakita ko siyang umiinom ng kape.

I immediately got his attention. He smiled at me after sipping on his coffee. "Good morning,"

"G-Good morning," Nauutal kong sagot. Mabuti lang talaga at inayos ko ang sarili ko bago bumaba dahil gising na pala siya!

"Maya-maya ay magluluto na ako ng umagahan,"

Agad naman akong umiling at naupo sa upuan na kaharap niya. "Ako na,"

"It's fine with me if I'll be the one to cook, Zaya."

"Ako na. Let me cook this time. Palagi na lang kasing ikaw. Just relax there and let me do the cooking."

He chuckled. "Okay okay,"

Nagprito lamang ako ng ham at nagluto rin ako ng pancakes. Hindi ako kumakain ng pancakes tuwing umaga pero para naman ito kina Julia at Dark. I'll just eat ham and rice.

Hindi naman matagal ang pagluluto ko dahil madali lang namang lutuin ang ham at pancakes. At madali rin lang namang naluto ang kanin.

Saktong natapos ako ay bumaba si Julia mula sa pangalawang palapag ng dorm. Her hair is still so messy at kinukusot-kusot niya ang kanyang mga mata habang naglalakad. She didn't even fix herself. Oh well, kami lang naman ng kapatid niya ang nandito so why bother, right? Pero kasi ako, kailangan ko talagang mag-ayos dahil nakakahiya kay Dark kung hindi ako nag-ayos! I don't know why pero nakakahiya kasi talaga.

We ate breakfast silently and after eating, Dark offered to wash the dishes. Syempre pinigilan ko siya pero wala naman akong magawa dahil nagpumilit na naman siya. Hinayaan ko na lang siya at naligo na dahil may pasok pa.

After I took a bath, I wore a fitted shirt of mine that has an aztect pattern design and I paired it with my skinny black jeans. Naglagay lang ako ng konting pulbo sa mukha at tint sa labi. Nilugay ko lang ang aking buhok.

Bumaba na ako pagkatapos mag-ayos. And I saw the two waiting for me. Naunang maligo kanina si Julia.

"Let's go?" Tanong ni Dark.

"Siguro dapat sabay kayo ni Julia. I don't want rumors to spread about us." Sabi ko naman.

He chuckled at that. "They already have assumptions about us, Zaya. Matagal na."

Bigla ko namang naalala yung pangyayari sa drink station at sa mystery ball. Damn, oo nga. Pero kasi delikado pa rin. Madame Selina might be watching us!

"It's too risky, Dark. Hindi alam iyon ni Madame. Tanging mga estudyante lang. Delikado at baka makita niya tayong dalawa. At dapat ay sabay kayo ni Julia na umalis dahil magtataka ang mga tao kung bakit nandito ka."

"Zaya's right, Kuya." Ani Julia.

Dark sighed. "Okay, fine. Sabay na tayo, Julia."

"Susunod na lang ako sa inyo,"

"Okay, then. I will first go to my dorm to take a bath."

Ay oo nga pala, hindi pa nga pala siya nakapaligo dahil wala siyang damit sa dorm namin ng kapatid niya! But even though he hasn't took a bath yet, he still smells so good, damn it!

"Ikaw Julia, dumiretso ka na sa first period class. Don't skip." Pangaral pa ni Dark sa kapatid.

Napa-irap naman si Julia. "Yes yes, I will."

Lumabas na nga silang dalawa. Tinignan ko ang wall clock at may thirty minutes pa bago mag-start ang klase namin kay Mrs. Suldivar.

After ten minutes ay lumabas na rin ako mula sa dorm. Sinadya kong magtagal upang hindi makahalata ang mga tao. At baka na rin nandiyan lang sa tabi-tabi si Madame.

Nagulat ako ng may biglang humila sa braso ko. Agad ko namang tinignan.

"Hi, Demerine!" Selton said with a big smile on his face.

"Hi, Selton! Kamusta ka?"

"Okay lang naman... How about you, are you doing well?"

"Yes I am. May kailangan ka?"

He became uneasy. "U-Umm may gusto sana akong sabihin sayo,"

Sa sinabi niyang iyon, kinabahan ako. I have a feeling that he's gonna say something I have in my mind right now. Natatakot ako. Hindi sa pagiging assumera pero parang alam ko na yung gusto niyang sabihin.

"S-Sure... A-Ano ba ang sasabihin mo?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Can we talk for just a couple of minutes? I assume that your class hasn't started yet."

Hindi na ako nagulat sa huli niyang sinabi. Of course he checks my schedule. Nasabi niya na sa akin yun noon.

"S-Sige,"

Hinila niya naman ako papunta sa isang hindi mataong lugar. Hindi ako kinakabahan kung bakit niya ako dinala sa lugar na kaming dalawa lang ang naroon. Kinakabahan ako sa gusto niyang sabihin sa akin.

"D-Demerine, please listen to me." He gently said.

"Yes of course I'll listen to you, Selton. Ano ba ang g-gusto mong sabihin?"

"I want to confess my feelings for you..."

That hit it. Tama nga ako sa naiisip kong sasabihin niya. Alam kong dadating talaga ang araw na 'to. Kahit noon pa lang, I have the hunch that he likes me pero pinipilit kong iwaksi yun dahil hindi ako asyumera. But I was right. He feels something for me.

"I like you so much, Demerine. Nung una kitang nakita sa mystery ball, I was amazed by your beauty. Even though you're wearing a mask that night, I can sense that you're so beautiful. Nilapitan kita pero ayaw mong makipag-sayaw. Hindi ako makapaniwala na ni-reject mo 'ko. No one ever did that to me. Ikaw lang talaga. After that night, hindi ka mawala-wala sa isip ko..."

Flashback

And this school has a drink station. Para siyang bar pero drink station lang ang tawag. Akalain mo yun, paaralan, may drink station!

Pero pumasok naman ako. I just want a drink. Umorder ako ng red wine.

"Hey, what are you doing here on an early morning?" A guy asked.

I turned to him and I was disappointed. It was not him. It was not the guy I danced with last night.

"Obviously, drinking." Walang gana kong sabi.

"Ako ang unang nagyaya sayo kagabi na sumayaw." He said.

Oh, so it was the guy I declined to dance with.

"Okay. Why are you telling me that?" I asked lazily.

"Just for you to know me," He said with a smile. And confirmed, base sa ngiti niya, siya nga yung unang nagyaya sa akin kagabi.

"I don't have to know you,"

"That's a burn!" He laughed. "Why are you like that?"

"Because I was born like that. Huwag kang aangal." I said but with a smile now.

"You are so funny, Demerine." He said that surprised me.

He didn't call me by my first name and instead, he called me by my second name! At bakit alam niya 'yon?! "I'm just messing with you and why do you know my name?"

"I saw your name on the records, to be honest." Sagot nito at ngumiti pa siya ng aabot sa mga mata. And now, his dimples are well defined. He's handsome but I'm not interested.

"Oh, okay," I said with a nod.

"By the way, my name is Selton."

Present

Gusto kong mapangiti nung maalala yung unang pagkikita naming dalawa pero hindi ko magawa. Ayoko siyang saktan. I don't want to hurt Selton's feelings but I couldn't reciprocate his feelings for me.

"Napakasungit mo nung panahon na 'yon. Pero imbis na malungkot ay natuwa pa ako. You amused me. Walang sinumang babae ang nagsusungit sa akin... And right then and there, I knew you were different. You are unique. At alam mo, ang saya-saya ko ng nakipag-kaibigan ka sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti."

Naramdaman ko ang init sa gilid ng aking mga mata. I know there are tears that wants to fall from my eyes but I stopped it from falling. Well, I'm trying to.

"I'm falling for you day by day, Zaya Demerine. And then one day, I realized that I already love you."

A tear fell from my eye. Damn it.

"Selton... I-I'm sorry... s-sorry." Sabi ko habang pinipigilang mapahikbi.

I saw the pain in his eyes. "You don't love me back, right?"

Hindi ako makasagot.

Mapait siyang napangiti at umiling-iling pa. "Siya ba? Siya ba ang rason? Is it Dark?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman? "H-How did you know?"

Umiling-iling siyang muli. "He got you, huh? He won your heart... You love him the way he loves you. Damn."

I can really sense the pain in his voice.

"S-Selton, I'm so sorry. I can't love you the way you love me—"

Naputol ang mga sinasabi ko ng bigla niya akong siniil ng halik. Pilit naman ako kumawala. He's damn strong!

Kumawala na ang mga luha mula sa mga mata ko. His lips tastes like mint. Galit na galit ako. I pushed him with such force at dahil sa pagkakatulak ko sa kanya ay tagumpay akong nakawala sa kanya. And shit, napatihaya talaga siya sa lupa! I know it's because if my power. I used it.

Pati siya ay nagulat rin sa pangyayari. He groaned in pain. Pero kahit nasaktan siya dahil sa pagkakatulak ko sa kanya, pilit siyang tumayo. "I-I'm s-sorry, Demerine. I didn't mean to—"

Pinunasan ko ang mga luha mula sa mga mata ko. "Shut up, Selton! Nagawa mo na! Stay away from me 'cause I don't want to see you ever again!"

Aalis na sana ko ng may biglang sumugod kay Selton. Nakita ko kaagad na si Dark iyon at pinagsusuntok niya si Selton. Agad ko naman siyang nilapitan at inawat.

"I'll kill you, you son of a bitch! I'll fucking kill you!"

"D-Dark, stop! Tama na! Hayaan mo na siya!" Awat ko sa kanya at pilit kong hinahatak ang braso niya.

Sinuntok niya pa ng sinuntok si Selton at hindi naman ito lumalaban sa kanya. Damn it, Dark shoud stop this! There's blood everywhere!

"Dark, I said stop it!" Napasigaw na ako sa kanya.

He immediately stopped punching Selton and went to me. Sinapo niya ang mukha ko. "A-Are you okay? Did he hurt you?"

Agad naman akong umiling. "I-I'm fine. Let's just go."

Tumango siya at niyakap ako. Tinignan ko naman si Selton na nakatihaya sa lupa. Sumuka siya ng dugo at hindi ko kayang tignan 'yon ng matagal. Nakakaawa siya pero hindi ko siya mapapatawad ng ganon-ganon na lang sa ginawa niya sa'kin.

Hinatak na ako ni Dark palayo.

Dinala niya ako sa dorm namin ng kapatid niya. Agad niya itong binuksan. He has a key. Nang nabuksan niya ang pinto ay agad niya akong pinapasok doon.

He locked the door when we were both in. He looked at me with worry. "Ayos ka lang ba talaga?"

"Y-Yes... I can't believe he could do such thing." Sabi ko at pinalis ang mga luha sa pisngi ko.

"I want to kill him!" He frustratedly said and he grasped his hair.

"Kung hindi kita inawat kanina ay siguradong napatay mo na siya, Dark!"

"Yes, I would have!"

"Dark, k-kahit ganon ang ginawa niya, hindi mo siya dapat patayin."

"Zaya, I can kill anyone... I will kill anyone who dares to hurt you. Always remember that."

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro