Chapter 59
Chapter 59: Fool
"I wanted you to feel how much I love you. Yeah, it was just a kiss on the forehead but through it, you will be able to feel how sincere my love is for you."
His words... it keeps echoing in my mind. Yung mga salita niya, paulit-ulit na nagre-replay sa isipan ko na para bang sirang plaka.
Bakit ganito siya? Gusto kong umiyak. I never felt this loved. I never felt this loved by anyone except my family. I have asked this a lot but I am asking this again, What did I do to deserve Dark? Bakit may nagmamahal sa akin ng ganito katindi? Bakit ako ang minahal niya?
Niyakap ko siya. He was caught off guard at first but he then hugged me back. I can smell his masculine scent and I inhaled it. Even his perfume comforts me.
Sana ayos na lang ang lahat. Sana wala kami rito. Sana'y malaya kami... Pero kung hindi ako napadpad rito, makikilala ko kaya si Dark? Is this a good thing that I am trapped here?
Bumuntong hininga ako. Gusto ko ng makalabas mula sa unibersidad na ito. Ayoko ng magtagal rito. Gusto kong maging maayos ang pamumuhay ko... and I want Dark to be with me. Gusto kong mamuhay kaming dalawa ng malaya.
I felt a tear shed from my eyes. Agad namang kumalas sa pagkakayakap sa akin si Dark. He looked at me with concern.
"Hey baby, what's wrong? Why are you crying?"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol. Agad niya namang pinunasan ang aking mga luha. His touch on my skin brings shivers in me.
Ilang minuto pa bago natapos ang aking pag-iyak. Hinintay lang naman ako ni Dark na matapos. He gave me time.
Pinunasan niya ulit ang aking mga luha gamit ang kanyang mga daliri.
"K-Kaya ba natin ang lahat ng 'to, Dark?" Nauutal kong tanong habang pinipigilan ang sariling umiyak muli.
"What do you mean?"
"This... all of this. Kakayanin ba natin lahat ng mga pagsubok na ating nararanasan ngayon?"
His face softened even more. "Of course. Kakayanin natin lahat ng ito. God's with us and with God, we will be free. He's there for us."
I hugged him again and the tears I tried to hold back, rushed down my cheeks. Pero gumaan naman kahit papaano ang aking pakiramdam.
Dark's right. When God's with us, who could be against us? Malalampasan namin lahat ng pagsubok. We will get through this.
*****
Gusto sana ni Julia na dito na magpalipas ng gabi si Dark. Pero nagprotesta naman ako dahil saan naman siya matutulog? Mahihirapan siya sa kung sa sofa siya matutulog! At hindi naman pwede na magtabi kami sa pagtulog! Damn, the thought brings shivers to my spine!
It's already past nine and I am laying down on my bed. Dahil may bintana malapit sa akin, kitang-kita ko ang mga puno. The leaves of the trees are swishing because of the wind. Isinara ko lamang ang bintana sapagkat masyadong maginaw.
I looked at the moon and the stars. And I can't stop myself from thinking of the feelings I have. When Dark is there, I feel like my heart is about to burst at any second. Matindi ang tibok ng aking puso kapag nararamdaman ko ang presensiya niya.
The stars are twinkling and the moon is so beautiful in my sight. Masyadong mahangin rin at malalaman mo talaga na humahangin sapagkat ang mga dahon ng mga puno ay nililipad.
I feel calm right now. I feel at peace. At kanina, nag-usap kami ni Dark tungkol sa kapangyarihan. He knows a lot of information about the rarest power. Pinag-aralan niya talaga ang tungkol dito habang ako, hindi ko man lang namalayan na may kapangyarihan pala ako! I just found out about it now!
Flashback
Dark wants to stay for awhile. At dahil nandito naman siya, gusto kong magtanong tungkol sa ano pa ba ang kanyang mga nalalaman tungkol sa kapangyarihang meron kami.
"Dark, ano pa ba ang mga nalalaman mo tungkol sa kapangyarihang meron tayo?" Tanong ko.
"This power we have, can destroy the world."
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Natandaan ko pa ang nasabi sa aklat ng matinding kapangyarihan...
'This book is about the explanation of the rarest power. Only TWO people have this power. The one who has this kind of power is special and gifted. This is the most spectacular gift a person could receive. The person who has this power has a big role in this world. If the gifted person who has this special power hasn't discovered it yet, he/she will discover it slowly but surely.
To the one who is gifted with this special power, take care of it and control it. Use your power wisely, because this power is so dangerous. Use this power, the right way, because if you don't, this power will consume your whole being.'
Napakatindi ng kapangyarihang meron ako... kami. Dapat naming kontrolin ang aming emosyon. I believe that Dark can control his. He can control his power really well. Alam kong kayang-kaya niya. He knows that he has a power since he was still young. Habang ako, noon ay hindi ko pinaniwalaan ang sinabi ni Lola Nay na ipinasa niya sa akin ang kapangyarihan.
"Eh yung kapaligiran, the sky, the weather, bakit naapektuhan ito sa ating nararamdaman?" Tanong ko pa.
"Yes, it is somehow affected but not fully. It is still controlled by mother nature. Kung matindi ang ating emosyon o nararamdaman, doon natin maapektuhan ang kapaligiran."
Now I know. Kapag pala matindi ang aming nararamdaman, yun yung time na maaapektuhan namin ang kapaligiran. I have learned a lot today, I can say.
Present
After a while of thinking about random stuff, I immediately drifted to sleep.
Nagising ako sa mahinang pagtapik sa aking balikat ng ilang beses. Dumilat naman ako kaagad. Bumungad sa akin ang mukha ni Julia. She smiled at me and I lazily smiled back.
"Good morning, Julia. Napasarap yata ang tulog ko." Sabi ko at agad naman akong tumayo mula sa pagkakahiga sa aking kama.
Agad ko namang nakitang nakaligo na si Julia at nakabihis na. I can see that she already took a bath because her hair is still wet.
"Ang aga mo yata? Sandali... anong oras na ba? Late na ba tayo?" Umalis na ako sa kama at inayos ang sarili.
"No no, we're not. Maaga lang talaga akong nagising at napagpasyahan kong maligo na at magbihis."
"Oh, okay. May breakfast na ba tayo?"
"May natira pa naman kagabi kaya ininit ko na lang. Ayos lang ba?"
Tumango lamang ako at dumiretso na sa banyo upang makaligo.
After taking a bath, I dried myself up. Nagsuot ako ng isang puting shirt na may 'Tommy Hilfiger' na label. And I wanted to try something new so I wore my denim skirt. Hanggang tuhod ito at may mga butones. I haven't wore this for a long long time. I tucked in my shirt inside my denim skirt.
Kasi kapag lumabas ako, lagi na lang akong naka-dress o kaya'y naka-pantalon. Kaya ngayon, gusto kong maiba naman.
Nang bumaba na ako mula sa hagdanan at pumunta sa kusina, agad na pumunta sa akin ang titig ni Julia. Namimilog ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. I gave her a questioning look. Bakit ba? Ano bang nakita niya naman sa akin?
"Zaya, is that really you?" Agad niyang tanong.
Umiling-iling ako sa kanya at umupo na sa hapag-kainan at nagsimulang kumain. Umupo na rin si Julia sa harap ko at kumain na rin.
Nakita ko siyang tumitingin sa akin habang kumakain. Hindi naman ako nakakain ng maayos dahil sa paninitig niya. Ano bang problema nito?
"May problema ba, Juls?"
Agad naman siyang umiling at ngumiti. "Ang ganda mo kasi,"
Nabulunan ako at agad-agad akong kumuha ng tubig at uminom. Natawa lang naman ang kaibigan ko sa nangyari sa akin.
"What got in to you?" Tanong ko ng maayos na ang aking pakiramdam.
"Ano ka ba, Zaya, this isn't a joke. You really are pretty. At mas maganda ka dahil sa ayos mo ngayon." Sabi niya ng nakangiti pa rin.
"You mean my clothing?"
Tumango siya. "Bagay kang mag-tuck-in. Do that often, bagay sayo... Ah, you look good in any clothing, I mean. Pwede ka nang maging model dahil maganda na nga yung katawan mo, maganda pa ang mukha mo."
Bahagya naman akong nagulat sa kanya pero hindi ko ipinahalata 'yon. My family and friends also tells me the same. Noong hindi pa ako nakarating dito sa DU, palagi nilang sinasabi sa akin na maganda daw ako. May natatangi akong ganda, based on them. How I miss them all...
Based on others, I'm beautiful. Pero syempre, hindi ko dinidibdib iyon.
Nang matapos kaming kumain at nagawa na namin ang lahat ng dapat gawin, umalis na kami ng dorm.
*****
Our classes ended in a bliss. Hindi ko alam bakit ganoon basta nung natapos ang last period class ng hapon, parang kay bilis lang. Hindi ko alam bakit ang bilis lang. Siguro'y pagod lang ako o ano.
"Zaya, punta muna tayo sa Fash. Gusto kong magtingin-tingin ng mga damit." Ani Julia.
Wala ako sa mood ngayon dahil medyo masakit ang ulo ko dahil siguro sa pagod ngayong araw.
"Ikaw na lang muna, medyo napagod ako." Sagot ko naman.
"Sige, kita na lang tayo mamaya. Mag-ingat ka ha." Ani niya.
"Oo, mag-ingat ka rin sa pag-uwi." I finally said and I went straight to our dorm.
Nang makapasok na ako ay agad akong sumalampak sa sofa. Hindi naman ako inaantok at pagod lang talaga.
Biglang kumalam ang aking tiyan dahil sa gutom. Dahil doon, pumunta ako sa kusina upang kumuha ng makakain. May natitira pa kaming mga cookies at 'yon na lamang ang kinain ko.
Ilang minuto akong kumakain ng may biglang kumatok sa pintuan ng dorm. Nakaramdam ako ng kaba pero winala ko iyon. Si Julia siguro ang kumakatok o kaya si Dark.
Not looking at the peephole, I opened the door. Nagulat ako sa kung sino ang nakita.
It's Reena.
She's eyeing me with her hawk-like eyes. Kung nakakapatay lang siguro ang titig niya, napatay niya na ako. Sobrang sama kung makatitig siya sa akin.
"What do you need?" Tanong ko kaagad.
She smirked. "I want to tell you the truth,"
Kinabahan naman ako doon. Ano bang pinagsasabi niya? "What do you mean?"
"If you do not know, I have been following Dark wherever he goes."
Nagtaas naman ang kilay ko. "So you're like a stalker?"
Nagtiim ang kanyang bagang. "If that's what you believe, then believe it. But that's not the important thing now."
"Just go straight to the point," Kalmado kong sabi.
"He's just using you. This is all planned."
I felt like there's something that stabbed my chest of what I heard.
"Don't lie to me. Dark can never do that." Mariin kong sabi, kalmado pa rin.
She sarcastically laughed and she gave me an evil grin. "He really has fooled you, huh?"
"Ano bang pinagsasabi mo?!" I raised my voice at her. Kinakalma ko pa rin ang sarili pero hindi ko mapigilang magtaas ng boses.
"Bahala ka na kung maniwala ka o hindi. I just want to tell you the truth. He fooled you. Ginagamit ka lang niya."
"I don't believe you!"
"It was all an act... I saw a pile of papers inside his office. May mga nakasulat na plano doon, Zaya. From the very beginning of his plans, until his future plans for you."
What she said, hit it. Tears fell from my eyes. Bumuhos ito ng bumuhos. All this time, what he's doing for me is all an act, huh? It means that he... doesn't love me at all.
Alam kong hindi ko dapat paniwalaan ang ibang tao at dapat si Dark ang kausapin ko tungkol dito. Pero kasi, parang nagtutugma ang lahat.
Baka... alam niyang nasa akin na ang kapangyarihan sa simula pa lang? Maybe he's just acting that he doesn't know that I also have the rarest power like he does?
Dahil sa mga naiisip ko, lalo lamang sumakit ang puso ko.
Maybe Reena is right. All of this was planned by Dark from the very beginning. Sa unang araw ko rito sa Death University, iniligtas niya ako. Maybe the real reason why he saved me is that he sensed that I have the power. At alam niyang matutulungan ko siyang makawala rito.
"This is all planned, Zaya. And he's successful in fooling you. I didn't do this for you to be hurt, I just want to tell you the truth. Pero syempre, nasaktan ka pa rin. Truth hurts."
I controlled my emotions. I'm angry and hurt at the same time. Oo nga naman, parang ang imposible na may magmamahal sa akin kagaya ng ipinakita ni Dark. And it's all an act.
But I am a fool to believe him. Nahulog na ako ng tuluyan, ano pa ba ang magagawa ko? Kahit anong iwas kong gawin, wala eh. I fell in love with him eventually.
You're really a fool, Zaya. You're a damn fool for believing him...
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro