Chapter 56
Chapter 56: Selfish
Kaya pala napaiyak pa ng todo si Reena ay dahil tinulak siya ni Dark ng inawat siya nito. Natumba si Reena at ngayon ay nakaupo siya sa lupa dahil sa tinulak siya ni Dark.
Nagulat siya sa nagawa ni Dark at ako rin naman. I couldn't believe that Dark will do such thing! Pero alam kong nagawa niya lang iyon dahil sa akin. Dahil sa sinaktan ako ni Reena.
He helped me get up and he hugged me immediately. After hugging me for a few moments, he faced me. I can sense that he's really worried. "Baby, are you okay?"
I was stunned because of what he called me. But I didn't mind it anymore and I just nodded. Masakit yung ulo ko dahil sa pagkakasabunot sa akin ni Reena at masakit rin ang mukha ko dahil sa kakasampal niya sa akin. Mahapdi rin ang mga galos kong natamo mula sa kaniya. Pero malayo 'to sa bituka and I can handle this.
When he let go of me, he faced Reena. He has anger in his eyes. Nakakatakot.
"How could you do this, Reena?" Matigas niyang sabi.
Pinunasan na naman ni Reena ang kaniyang mga luha. "Baka nakakalimutan mo Dark, legal ang pagpatay dito kaya pwede kong patayin 'yang Dawnt na 'yan!"
"Hanggang nandito ako, hindi kita hahayaang patayin si Zaya! Why can't you just accept the fact that—"
"Dark!" I hissed and I gripped his hand to stop him from saying the words he wanted to say.
Nasasaktan na nga si Reena, mas masasaktan pa. Ayokong mas masaktan pa si Reena. I know how she feels right now.
May mga luha na namang lumandas mula sa mga mata niya. "It's easy for you to say that, Dark... I can't stop loving you. I am the one who suffers and not you."
Mukhang alam na ni Reena ang gustong sabihin sana ni Dark. I know she's in deep pain right now and she's suffering. May mahal na iba ang mahal niya. Hindi siya mahal ng lalakeng mahal niya. Ako ang mahal ni Dark. Apektado pa rin ako kahit ako ang mahal ni Dark sapagkat alam ko ang sakit na dinadanas ni Reena. I can't bear seeing her like this.
Reena is my friend and I am concerned with her being. Kahit man sinaktan niya ako, kaibigan pa rin ang turing ko sa kaniya. Kahit gusto niya akong patayin at hindi niya na ako tinuturing na kaibigan, hindi ako galit.
"Let's go, Zaya." Sabi ni Dark at hindi niya na hinintay ang magiging sagot ko at bigla niya akong kinarga. Nagulat ako sa ginawa niya pero hinayaan ko na lang siya. He's carrying me, bridal style.
I glanced at Reena who's still crying and now, her hands are on her face. Nakaupo pa rin siya sa sahig.
I want to help her and talk to her but it was too late. Nakaalis na kami ng tuluyan ni Dark at kaagad niya akong dinala sa dorm niya.
When we arrived, Dark immediately unlocked the door and we both came in his dorm. Agad niya akong pinaupo sa couch niya at dali-dali siyang kumuha ng first-aid kit.
I look like a mess right now. Ang hahapdi ng galos ko sa mga braso. Masakit rin talaga 'yung ulo ko dahil sa pagkakasabunot ni Reena. And my cheeks... shit. Buong katawan ko parang ang sakit-sakit.
"Ouch," Tili ko ng lumapat ang bulak sa galos ko sa kaliwang braso.
"Sorry... I know it hurts so much and I can't bear seeing you like this." Ani Dark.
My heart is beating erratically. What did I do to have him by my side?
Bigla kong naalala yung ganito ring scenario dito sa dorm niya 'nung time na may sugat ako. Naulit na naman ngayon... Bakit nandiyan siya palagi sa tabi ko? Ba't siya ang nagliligtas sa akin? Parang ang dami ko ng utang na loob sa kaniya!
Matagal-tagal rin siyang natapos sa paggamot sa mga galos ko sapagkat marami-rami rin ang mga ito.
Nang matapos niya akong gamutin, kinuha niya ang aking mga kamay at hinalikan. Parang natutunaw ang puso ko. Why is he so sweet? Why is Dark Damier Syracuse so sweet?
"How could she do this to you..." Sabi ni Dark ng nakapikit habang hawak-hawak pa rin ang aking kamay.
"A person can do everything for love, Dark."
He lets go of my hand and opens his eyes. I can see frustration in his eyes and at the same time worry.
"I wish I could kill her—"
"Of course you wouldn't!" Sikmat ko sa kaniya.
"I know... Alam 'kong ayaw mo ng ganon. And I can't kill a woman. At nagmahal lang naman siya."
"Yes, she just loves you. I truly believe that Reena is a good person, Dark. She's just blinded by her love for you."
Bumuntong hininga siya. "But whatever she does, she can't change the fact that you're the one I love, Zaya."
Kung pwede lang na matunaw 'yung puso ko, siguro tunaw na tunaw na ito dahil sa mga pinagsasabi at inaakto ni Dark. Nakakaramdam rin ako ng sakit sapagkat hindi pwedeng maging kami...
"K-Kahit anong gawin natin Dark, hindi pwedeng maging tayo." Parang gusto kong umiyak pero pinipigilan ko ang sarili.
I saw shock on his face and at the same time pain. "Why? Don't you love me too?"
"Of course I do! I love you as much as you love me..."
"Then why can't we be together? We'll fight, Zaya. We'll get out of here. 'Yan ba ang pinag-aalala mo, na baka mamamatay tayo rito?" Sabi niya at bakas sa kaniyang boses ang sakit.
"No that's not what I am worrying about, okay? Hindi mo ba naisip na may masasaktan tayong mga tao?"
Nabigla siya sa sinabi ko. Tama nga ako, hindi niya iniisip ang ibang tao. "Dahil doon lang? Iniisip mo na naman yung ibang tao kesa sa sarili mong kasiyahan?"
"Oo, iniisip ko ang ibang tao! Hindi ako selfish, Dark! Masasaktan natin si Reena... si Selton..." May luha ng kumawala mula sa mata ko.
Naiirita niyang ginulo ang buhok at tumayo mula sa pagkakaupo. "Nagpapaka-bayani ka na naman?!"
And that hit it... I can't control my temper anymore. Tumayo rin ako mula sa pagkakaupo at nagtaas na rin ng boses. "Hindi ako nagpapaka-bayani, Dark! Sadyang hindi lang talaga ako selfish katulad mo!"
"Nangangahulugang mas gusto mong masaktan ka kesa sa maging masaya?!" His voice boomed.
Nakaramdam ako ng takot pero hindi ko ipinahalata iyon. Ngunit bumuhos pa ang mga luha ko. Dapat nga ba akong maging makasarili? Kung ako yung magiging masaya, paano na ang mga masasaktan ko? Hindi kaya ng konsensya ko kapag mangyayari iyon... and it's not just the conscience... Ayokong may masasaktang tao dahil sa akin.
"Let's stop this... I'm in a lot of pain right now, honestly." Sabi ko at hinimas ko ang masakit kong ulo.
Bumuntong hininga muli si Dark bago nagsalita. "Fine, rest. Dito ka muna."
Agad naman akong umiling. "No, gusto kong bumalik sa dorm namin ni Julia."
Agad niya naman akong tinignan sa mga mata. Nandiyan pa rin yung frustration sa mga mata niya pero ngayon, hindi iyon frustration kay Reena. It's the frustration because of me.
"Stop being stubborn, Zaya Demerine! Dito ka lang sa dorm ko. You're safer here because I'm her to look over you."
"Hindi mo naman ako kailangang bantayan, eh! I want to go back to my dorm and I want space to think about things." Ani ko kasi totoo namang gusto kong mag-isip.
Hindi ko na kasi talaga alam kung ano gagawin ko. Gusto kong maging masaya pero ayokong may masasaktan ako. At kung ako naman ang magsasakripisyo, ako yung malulungkot at masasaktan.
Pero kailangan ko namang sigurong i-prioritize 'yung sarili ko. Kailangan ko sigurong unahin 'yung pansariling kasiyahan.
Dark loves me and I love him. We both love each other and we will fight. We will be free from this hell of a school. He's fighting for us and why can't I? He has a point. He truly does. Dapat ko ring isipin ang kasiyahan ko. I can't sacrifice every time. Alam kong kaya niyang gawin lahat para sa akin. By his words and acts, I know he'll fight for me... for us. And I should fight too. And I'll do everything for him as he does for me.
It's not bad to be selfish at times. Lalo na kung nagmamahalan kayo ng mahal mo. Normal na may mga masasaktan kayong tao.
Nasasaktan nga ni Dark si Reena sapagkat hindi niya ito kayang mahalin katulad ng pagmamahal nito sa kanya. Ganoon rin ako kay Selton. He's attracted to me but I'm not attracted to him.
At kahit na isakripisyo pa namin ni Dark ang pansarili naming kasiyahan, hindi naman namin kayang mahalin yung mga taong nagmamahal sa amin. Dark cannot love Reena back. And I can't love Selton too.
Mahal namin ni Dark ang isa't-isa at paninindigan namin iyon. We will fight together. We will end this cruelty. We will be able to escape Death University. And when the time comes that we are already free, we can be happy and we will be at peace.
Alam naming hindi magiging madali ito. Hindi madaling makatakas mula kay Selina. Pero kaya naman naming planuhin ang pagtakas namin, diba? It will take time, I know. But maybe it'll be worth it.
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro