Chapter 55
Chapter 55: Love Him
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Ayokong ipakita sa kanya ang totoo kong nararamdaman pero paano ko ito matatago kung ganito ang ginagawa niya? Paano ko maitatago ang nararamdaman ko kung ganito siya makaasta? Damn it.
"D-Dark, bakit ako? Hindi ko maiwasang magtanong sa kaniya.
"Because you're extraordinary,"
Hindi ko na kaya ang puso ko. Parang sasabog na. Pero kahit ganon ang nararamdaman ko ngayon, tinago ko iyon at pinakatitigan siya.
"Hindi ako extraordinary, Dark. Ano ba naman ang nakita mo sa akin?"
"Don't question my feelings, Zaya Demerine. I love everything about you..."
May tumulong luha mula sa mata ko. Hindi ko napigilan ang emosyon. What did I do to deserve him?
"Hey, don't cry." Sabi niya at pinunasan ang luha ko.
"Thank you... Thank you for feeling that. Thank you for l-loving me. What did I do to deserve your love?" Naluluha ko na namang sabi.
Ano nga ba talaga ang nagawa ko para mahalin ng katulad niya? What do I have? He said that he loves everything about me but I have flaws too. I am not perfect. What did I do to deserve his love?
"Shh... stop crying." He said and I calmed a bit. He hugged me and I was caught off guard.
But then, I hugged him back. Naiilang nga ako pero hindi ko mapigilan ang sarili. I feel secured with his hug. I feel safe with him.
*****
Ang bilis ng oras. Mahigit tatlong oras pala kaming nag-usap ni Dark? At tanghali na pala. Wala akong orasan ngayon at hindi ko namalayan ang oras at alas-dose na pala ng tanghali. Kumakalam na ang tiyan ko at ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Bago kami umalis, pinakain muna namin si Onyx.
*****
Kakarating lang namin sa dorm ko at akala ko'y ihahatid niya lang ako ngunit pumasok pa siya kasama ko! Akala ko ba uuwi na siya sa dorm niya?
"A-Akala ko pupunta ka na sa dorm mo?" Tanong ko sa kaniya.
He smiled at me and shook his head. "I know you're hungry. I'll cook you some lunch."
Again, the butterflies-in-my-stomach feeling is what I feel at the moment. Bakit ba ang sweet niya? Yung puso ko, hindi na kinakaya ang mga ginagawa niya.
"H-Huwag na. Kaya ko naman eh—"
"My decision is final, Zaya." Sabi niya at iniwan ako sa sala at dire-diretsong pumunta sa kusina.
Hindi ko maiwasang mapangiti at mapailing. Akala ko mga babae lang ang matigas ang ulo. Boys can also be stubborn at times, huh?
Wala si Julia rito at nagtaka ako kung bakit wala siya. Maybe she's with Godwin?
"Ano bang lulutuin mo?" Tanong ko sa kaniya habang nagpre-prepare siya ng mga gagamitin niya.
"Ano ba ang gusto mo?" Tanong niya naman pabalik.
Nag-isip ako sandali. "Hmm... kahit ano. Kung anong meron na lang kami diyan sa ref, 'yan na lang ang lutuin mo."
He just nodded and opened the refrigerator and he took two boneless bangus. 'Yan siguro yung binili ni Julia 'nung mag-grocery siya 'nung nakaraang araw. Wala naman kasi kaming nabiling bangus 'nung nag-grocery kaming dalawa. Kaya siya siguro ang bumili ng mga bangus ng nag-grocery siya mag-isa.
"Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko sa kaniya habang nakaupo sa upuan.
"I'll fry these... Okay lang ba?"
Because of what Dark said, I felt like my mouth is watering. Fried bangus? Sounds good to me!
"Sure!" Nagagalak kong sabi at uminit naman ang pisngi ko dahil tumawa siya at dahil masyado akong nagalak. "Ah... k-kasi isa 'yan sa mga paborito kong pagkain, eh."
He looked at me with amusement. "Talaga? I'll take note of that."
Noon, hindi ko siya kinakausap tungkol sa mga ito. Pero ngayon, parang may closure na kami. Hindi na kami kagaya ng dati—hindi na ako kagaya ng dati na nagsusungit kapag kinakausap siya. Dahil ngayon, mas kilala ko na siya. Dati kasi, clueless talaga ako sa kung sino siya. Pero ngayon, siya pala ang tagapagligtas ko.. Alam ko na ngayon kung sino siya at malaki ang utang na loob ko sa kaniya.
Naring 'kong bumukas ang pinto at nakita ko sina Julia at Godwin. I didn't know what to say to Julia dahil hindi kami magkaayos. Pero ngayon, mas magaan na ang aking loob dahil sinabi na sa akin ni Dark ang lahat.
"Kuya, kina Godwin ako kakain. Okay lang ba?"
"Okay," Agarang sagot ni Dark na ikinagulat ko.
Bakit agad-agad siyang sumagot? Dapat sasabihan niya pa si Godwin na ingatan si Julia. That's what an older brother do to his younger sister. Over protective. Pero ano itong ginawa niya? Agad-agad siyang sumang-ayon. Does he trust Godwin so much?
Si Julia naman ay natawa lang sa Kuya niya at nakangisi naman si Godwin.
"Alis na kami Kuya, ha. Huwag kayong gumawa ng kung-ano ano dito ha," Sabi ni Julia at kumindat siya bago umalis.
Uminit ang pisngi ko at hindi na ako nakaangal dahil dali-dali silang umalis ni Godwin. Aba naman, tinakasan pa ako!
Nang tuluyan na silang makaalis, nailang ako bigla sa presensya ni Dark. Fuck, why? Okay naman kanina, ah! Si Julia kasi! Kung ano-ano na lang ang pinagsasabi!
Para hindi halata na naiilang ako, magtatanong ako sa kaniya. Naging awkward kasi bigla. Pero gusto ko na talagang magtanong sa kaniya tungkol sa bagay na 'to.
"What do you think of Godwin? Okay na ba talaga siya sayo? Like I mean, tanggap mo na ba na siya ang nobyo ng kapatid mo?"
Nang matapos niyang ilagay ang frying pan sa stove, sinagot niya ako. "Yes, I do. Kahit ayaw ko man na magka-relasyon si Julia, I realized that she's already a grownup. And Godwin is a really good guy and I trust him."
"Yeah, he is a good man." Sagot ko naman.
After 'non, hindi na ako nagsalita pa. Wala naman kasi akong sasabihin. At wala rin akong naiisip na topic na pag-uusapan namin. And besides, he's really focused on cooking. Kaya dapat hindi siya istorbohin.
Naglagay siya ng mantika sa frying pan matapos uminit ang pan. After a while, ipinrito niya na ang unang bangus. Hindi man lang siya natinag o ano sa mantika. He's really skilled at sanay na sanay na talaga siya!
Bigla ko namang naalala ang isang memorya. 'Yung panahon na binigyan niya ako ng payong habang umuulan.
Habang malalim akong nag-iisip, naramdaman kong hindi na ako nababasa ng ulan. That's weird. Umuulan naman tapos hindi ako nababasa. Tumingala ako at nakita ko ang isang naka-three-piece suit na lalake at nakasuot ng itim na hat. May dala siyang payong na ginamit niya para isilong sa akin.
"A-Anong ginagawa mo dito, MK?" Taka kong tanong sa kanya at tumayo na ako. Pero kahit nakatayo na ako, hindi niya parin isinara ang payong. Isinilong niya parin sa akin.
"Syempre pinapayungan ka. It's obvious." Sabi niya.
Grabe ang pagtibok ng puso ko. Hindi na ito normal! Hindi ko alam kung bakit gumaganito ang puso ko... Then the clouds turned back to their normal color all of a sudden.
"H-Hindi mo naman kailangang gawin 'yan eh." Sagot ko.
"Why not?" Matigas na ingles niyang tanong.
"K-Kasi tignan mo oh, basang basa na ako." Sabi ko at yumuko para matignan ang sarili.
"Baka magkasakit ka na naman niyan." He says that made my attention turn to him again.
Present
I smiled at the thought. He's my savior indeed. At kaya pala niya sinabi 'yung baka magkasakit "na naman" ako dahil siya pala 'yung nag-alaga sa akin 'nung time na nagkasakit nga ako! At nagsinungaling pa siya na nalaman niya mula sa kay Julia!
And he's not wearing three-piece suits anymore. Noon, nakaitim siyang three-piece suit palagi tapos naka-itim ring sombrero. Pero ngayon, ibang-iba na siya eh. He's wearing polos and pants. Why did he suddenly changed his fashion?
Pagkatapos kong mag-saing ng kanin, tinanong ko siya. "Dark, bakit mo iniba ang pananamit mo? Kasi diba noon, naka three-piece suit ka tapos nagso-sombrero?"
He immediately turned to me. He smiled. "I want to dress up normally. Kasi parang nakakatakot na naka-itim ako palagi. It's like I'm a cold man and it's like I'm mysterious."
Oo nga. Masasabing nakakatakot siya dahil sa pananamit niya at nakatabon pa iyong sombrero niya sa kaniyang mga mata.
"That's true... But why change suddenly?"
"For you,"
Sa sinabi niyang iyon, hindi ko alam bakit nag-iinit ang pisngi ko! Bwesit, bakit ba ganito? Baka mukhang kamatis na ako!
Natawa siya sa akin at binaliktad niya ang nilulutong bangus. He's really an expert when it comes to cooking. I wonder, ano pa kaya ang mga talento niya? He's good in cooking, he's good in playing music, ano pa ba?
After a few minutes, the foods are done. I helped him serve the foods on the table. Kumuha rin ako ng pitsil ng tubig at dalawang baso.
We then ate lunch. And when I tried his fried bangus, I am in awe. Hindi niya 'to kanina diretsong pinrito kundi nilagyan niya pa ng mga pampasarap-ala-Dark.
Pagkatapos naming kumain, hinugasan ko na ang mga pinggan namin. At first, gusto ni Dark na siya ang maghuhugas ng pinggan. Pero pinilit ko talaga siya na ako na. Masyado ng marami ang nagawa niya. Siya na ang nagluto ng pagkasarap-sarap na pagkain tapos siya pa ang maghuhugas? Even if he insist, nakakahiya na talaga.
After doing what I should do, we talked about a lot of things... We talked about each other's life. At dahil sa komunikasyon namin, may closure na talaga kami.
And this day ended successfully.
*****
Bagong araw na naman at may pasok na. Hindi ko alam at bakit ganado akong pumasok ngayon. The heck, why am I energetic right now?
Hapon na at nandito kami ngayon sa classroom ni Prof Leonsio. Ayos na kami ni Julia at nagkapatawaran na. Masaya ako na balik na kami sa dati.
While Prof Leonsio is lecturing, I thought of Reena. Hinanap kaagad siya ng mga mata ko at wala na naman siya! I am worried of her because she's my friend. Bakit kaya hindi siya pumasok? Dahil ba sa pag-uusap nila ni Dark 'nung nakaraang araw? She might be hurt by now and I hope that she'll be okay.
Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niya dahil alam ko kung paano masaktan sa pag-ibig. I know she's in pain but I hope she'll be able to cope up and be happy again.
After the class of Prof Leonsio ended, we went to Mrs. Magallanes' room. She lectured a lot but I managed to put it all in my head. And sa next meeting gagawa daw kami ng essay! Na naman! Nakakainis na talaga 'tong Prof na 'to!
"Bat ba essay na naman?" Matamlay kong sabi kay Julia ng makalabas na kami ng silid-aralan ni Mrs. Magallanes.
"Oo nga, eh. Nakakabwesit!" Sagot niya at huminto siya sa paglalakad ng may maalala. "Oo nga pala Zee, sasamahan ko nga palang mag-grocery si Godwin."
I smiled at her. "Okay, sige."
"Samahan na muna kaya kita hanggang sa makarating ka sa dorm?"
Umiling naman kaagad ako. "Okay lang ako. Go now, Juls. Take your time with G."
She then smiled. "Okay, Zee. Thank you. I'll see you later."
I waved her goodbye and we parted ways. Habang naglalakad ako, napadaan ako sa fountain area at nahagip ng paningin ko si Reena. She's crying while sitting on a bench.
Agad ko naman siyang pinuntahan para aluin dahil malakas ang buhos ng mga luha niya.
"Reena..." Sambit ko ng makalapit na sa kaniya.
Agad naman siyang napatingala sa akin. Her eyes are swollen. She eyed me with anger in her eyes. She is wearing a white dress that really suits her fair skin.
Hindi na siya ang Reena na mabait makitungo na kilala ko noon... She looks so angry while looking at me na para bang gusto niya akong patayin gamit lang ang mga titig niya.
"Reena, bakit ka nagkakaganyan?" Kahit alam ko ang rason kung bakit, tinanong ko pa rin.
Agad siyang tumayo at sinampal ako. "You're a bitch!"
I froze. I didn't see it coming. Nagulat ako sa ginawa niyang pagsampal sa akin. I couldn't believe that she will do this to me.
Tinignan ko lang siya sa mga mata. My cheek hurts because of her slap but I controlled myself. I don't want to fight back. I know what she feels right now. Nasasaktan siya, alam ko 'yon. I should understand her 'cause she's in pain at the moment.
"Ikaw pala ang gusto niya! All along, it was you! Kaya pala tinatanggihan niya ako palagi dahil ang tinutukoy niyang mahal niya ay ikaw!" She said, her voice rising. May galit at sakit sa kanyang mga mata.
Humihikbi pa rin siya. Labis siyang nasasaktan. She loves Dark. I can see it in her eyes. Nasasaktan siya ng ganito dahil mahal niya si Dark...
"I thought that you're the friend I never had and the friend I wished for! But it turns out that you're a bitch! You seduced Dark!"
Nagulat naman ako sa huli niyang sinabi. I seduced Dark? Really? I wouldn't ever do that! Pwerket ba mahal ako ni Dark, ang rason kaagad kung bakit mahal niya ako ay inakit ko siya?
Hindi pa rin ako umimik kahit gusto 'kong ipaliwanag ang sarili ko. Gusto 'kong sabihin sa kaniya na hindi ganon 'yon Pero pinigilan ko ang sarili ko.
She sarcastically laughed while wiping her tears. "I even offered myself to him, you know?"
Mas nagulat ako sa sinabi niya. What the fuck? She offered herself to Dark? I can't believe this! I thought Reena was an innocent woman... an angelic woman. But what did she just do? Did I hear it right? Malayong-malayo siya sa Reena na nakilala ko!
I felt pain in my heart. Selos ba 'to o ano? Bakit hindi man lang sinabi ni Dark sa akin ang tungkol dito? Ayaw niya bang magalit ako sa kaniya kapag nalaman kong inalay pala ni Reena yung katawan nito para sa kaniya? Ang sakit sa pakiramdam...
"It turns out that you're the bitch here, Reena. How could you do that?" Hindi ko napigilang sabihin. Malumanay lang ang pagkakasabi ko pero sa kaloob-looban ko, nasasaktan ako at may galit rin. Galit ako dahil nagawa niya iyon at hindi niya dapat 'yon ginawa dahil dapat niyang ingatan ang sarili niya.
She suddenly pushed me. Mabuti lang at hindi ako natumba. Mabuti lang at may puno sa likod ko. Masakit ang pagkakatulak niya sa akin. Pero kahit ganon, hindi ko pinahalata ang sakit na nararamdaman.
Mas galit siya ngayon. "Bahala ka na kung ano ang itawag mo sa akin. I don't care of what you think of me now, Zaya... Mahal ko siya, eh. I love Dark so much that I'm willing to give him everything I have!"
That hit me again. Ang sakit-sakit sa pakiramdam. Mahal na mahal niya si Dark. Eh ako? Hindi ko pa lubusang alam kung ano ba itong nararamdaman ko para kay Dark. Pero itong si Reena? She loves Dark so much, no doubt. Matagal niya ng mahal si Dark base sa ginagawa niya. She's willing to give everything to him because she loves him so much.
"Kung sana hindi ka lang dumating dito sa Death University, sana napaibig ko siya! Wala akong pakialam kung mabulok man ako rito basta't kasama ko lang siya! I'm willing to risk everything just for him because I love him!" Sigaw niya sa akin. "And you just came into the picture! Dapat wala ka, eh! Pero dumating ka! You ruined the supposed-to-be us!"
"Reena, hindi ko ginustong mahalin ako ni Dark! Alam kong mahirap itong tanggapin pero hindi mo naman pwedeng diktahan ang puso ni Dark kung sino ang mamahalin niya!"
"Siguro nga hindi ko madidiktahan ang puso niya kung sino ang mamahalin... Pero kung mawawala ka, matututunan niya pa rin akong mahalin." May mala-demonyo na siyang ngiti ngayon.
Agad niya akong sinugod at tinulak niya ako dahilan ng pagkasubsob ng likod ko sa matigas na kahoy. Napadaing ako sa sakit na naramdaman.
Sinabunutan niya ang buhok ko. Kinalmot niya rin ako. Pero kahit ganon na ang ginawa niya, I didn't fight back. I know that I should fight back for myself pero hindi ko siya dapat masaktan. She's vulnerable at the moment.
She was angelic to my eyes before, but now, she's really different. Is she going crazy already because of this love she has for Dark?
Dumaing pa ako ng sinabunutan niya pa ako ng mas malakas at kinalmot. Natumba ako at pumaibabaw siya sa akin at sinampal-sampal niya ako.
My vision went blurry. Alam kong mawawalan ako ng malay dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko dahil sa pagsabunot, pagkalmot, at pananampal ni Reena sa akin.
I just closed my eyes while she's hurting me. Reena loves him. Reena loves Dark so much. Love can really make you go crazy, huh? Love can really make you do bad things...
Akala ko mawawalan na ako ng malay pero naramdaman kong nawala si Reena sa ibabaw ko. Dumilat ako at nakita kong inawat siya ni Dark.
She was crying again. Her tears rushed down her cheeks like some kind of waterfall. She's crying her heart out.
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro