Chapter 54
Chapter 54: Unveiled
There's the side in my mind that's telling me na dapat kong itago yung totoo kung nararamdaman para kay Dark... Hindi pwede 'to. Kailangang itago ko itong nararamdaman ko. I don't want him to know what I feel for him kahit na pareho kami ng nararamdaman.
I don't want to be attached to him. At kapag iniexpress namin ang totoo naming nararamdaman para sa isa't-isa, may mga masasaktan kaming tao. Masasaktan niya si Reena sapagkat may gusto ito sa kaniya... At masasaktan ko rin si Selton na may gusto rin sa akin. Ayokong masaktan si Selton.
"Continue talking," Sabi ko sa kaniya.
"I'm sorry if I wasn't honest with you..."
"Just tell me what I came here for, Dark. Sabihin mo sa akin kung ano pa ba ang mga tinatago mo." I said seriously. I'm dying to know what he's hiding from me!
"I... I was the one who took care of you when you were sick months ago."
Nagulantang ako sa sinabi niya. He was the mystery person?! I had the hunch that it could be him pero iwinaksi ko iyon sa isipan ko dahil baka hindi siya! Tapos malalaman ko na siya pala 'yon? Damn it!
Flashback
Nag-half bath na lang ako at pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng maong shorts at t-shirt. I then immediately jumped to bed and slept again.
I can feel that someone is in the bedroom. Well, I think it's Julia. I felt a wet towel on my forehead and I smelled a delicious aroma of chicken soup.
Nagising ako dahil sa masarap na amoy ng chicken soup. Dinilat ko ang aking mga mata at wala namang tao. Baka lumabas saglit si Julia.
She's so sweet. Kinuha ko ang bowl ng chicken soup at hinigop ko ang sabaw. Gosh, this soup tastes so good! Pagkatapos kong kainin ang chicken soup ay dinala ko na ang walang lamang bowl sa kusina at hinugasan ko ito sa sink.
I heard that the front door opened kaya tinignan ko kung sino at nakita ko si Julia na kakauwi pa lang? O may kinuha lang siya siguro sa labas?
"Julia, salamat sa chicken soup at sa basang bimpo." Sabi ko sabay ngiti.
"Huh? What are you talking about, Zaya? Kakarating ko lang mula sa last subject." Aniya na siyang ikinapawi ng ngiti sa labi ko.
"Your joke isn't funny, Julia."
"I'm not joking! I promise, kakarating ko lang talaga." Giit niya, and she looks like she's really telling the truth.
What the hell? Edi sino yung nag-alaga sa akin habang may lagnat ako?
"Shit, edi sino pala 'yung nandito? Didn't you locked the door when you left?" Natataranta kong tanong.
"I did lock!"
At 'nung tinulungan kami ni Godwin, sabi niya na there was someone that smells masculine who came at our dorm. At siya iyon. Si Dark iyon. At kaya pala nung may biglaang kill fest, nung nagstay ako sa dorm niya pansamantala, kaya pala pamilyar yung lasa ng soup na pinakain niya sa akin kasi siya iyong nagluto ng soup na kinain ko nung may sakit ako!
Parang hindi ko kayang magsalita dahil sa nalaman ko mula sa kanya...
"Zaya, talk please," Sabi niya dahil hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
"I-Ikaw pala 'yon... I was left clueless all this time at ngayon malalaman ko na ikaw pala 'yon? Bakit hindi mo man lang sinabi? Bakit kailangang magtago ka pa?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
"I was worried of you that's why I sneeked in your dorm. I didn't tell you that it was me who took care of you because I know that I'll creep you out. Oh kaya magtataka ka kung bakit kita inalagaan."
"Mas natakot kaya ako na may nag-alaga sa akin na hindi ko kilala! Sana sinabi mo na lang sa akin na ikaw... Magpapasalamat sana ako sayo. Pero kasi ang dami mong 'what ifs' kaya ayan tuloy hindi mo nasabi sa akin na ikaw 'yon." Sabi ko naman sa kaniya.
He smiled a little. Hindi umabot sa mga mata niya. "Tapos na 'yon eh, nagawa ko na..."
Oo nga naman, nagawa niya na. Hindi na maibabalik 'yon. Pero at least ngayon, alam ko na na siya pala iyong nag-alaga sa akin nung nagkasakit ako... Ayan na naman, siya na naman ang tagapagligtas ko. Ilang beses na nga ba niya ako naligtas?
"Ano pa ang mga tinatago mo sa akin?" Tanong ko.
Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. "I was the one who gave you the golden knife,"
Nagulat na naman ako sa narinig mula sa kanya. He was the one who gave me the golden knife? Yung araw na 'yon, sa pagkaka-alala ko, may gusto sanang pumatay sa akin at may nakita akong cristal mula sa basag na bintana at isinaksak ko iyon sa lalakeng tangka akong papatayin! Hinding-hindi ko makakalimutan yung time na 'yon!
I thought I was going to die that day... But I had saved myself.
Pero paano... paano na sa mismong araw rin binigay ni Dark yung kutsilyong ginto sa akin?
"Bakit nung araw na 'yon mo ibinagay sa akin yung kutsilyo?" I asked, talking about the day he gave me the knife and also the day which I killed someone.
"'Dahil narinig ko na muntikan ka ng mapatay. I was so worried of you. Kung alam mo lang... Hindi kita nabantayan nung panahong 'yon dahil masyado akong abala. I can't get away because Madame Selina was there... And I knew what happened because of the teachers I saw and they were talking about it.
Pero sa lahat ng sinabi niya, iyong "hindi kita nabantayan" ang ipinagtaka ko. What does he mean by that?
"Anong 'hindi nabantayan'? What do you mean about that?"
He looked at me intently before saying, "Palagi kitang binabantayan. Hindi nga lang nung panahon na 'yon dahil masyado akong abala... I'm sorry, Zaya. I should've been there."
Nakita ko naman ang pagsisisi sa kanyang mukha. Sising-sisi siya sa nangyari. Habang ako naman, ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko! Damn it, eto na naman siya! Kanina pa ito tumitibok ng pagkabilis-bilis at mas bumilis lang 'to lalo!
Ilang segundo pa ang nagdaan bago ako maka-recover. "A-Ano ka ba, okay lang 'yon. Hindi mo naman ako kailangang bantayan at dapat unahin mo ang sarili mo at ang responsibilidad mo bilang presidente."
He sighed. "That. That's also a reason why I don't want you to know that I am the president... Based on what I sense, itutulak mo ako kapag malapit ako sayo. You'll push me and tell me that I should prioritize my responsibility."
Bigla naman akong napayuko. Shit, yes. I think I would actually say that to him. Kung nalaman ko noon pa na siya ang presidente, I would probably push him away when he's near me... Dahil siya ang presidente nitong Death University, marami siyang obligasyon. Marami siyang responsibilidad.
"Ano pa ang mga sikreto mo?" Pag-iiba ko na lang.
"I was the one..." Hindi niya matuloy. Nagtaka ako kung ano ba ang sinasabi niya.
"The one that what, Dark?" Pagtatanong ko. Kinakabahan ako pero nagtatapang-tapangan ako. Siya 'yung ano?
"I am the one... who danced with you in the mystery ball."
Sa sinabi niyang iyon, hindi na talaga ako makaimik. I froze because of his confession. Siya... Siya ang lalakeng nakasayaw ko? I don't know what to feel right now.
His confession really shocked me. Ilang beses na ba akong nagulat ngayong araw? Ilang beses na nga ba akong nagulat dahil sa mga inaamin niya?
I was dying to know his secrets. I was dying to know what he's hiding from me. And now, secrets are unveiled. His secrets are unveiled. And he's starting to unveil more.
"W-Why did you dance with me?" Tanong ko sa kaniya.
"I just can't stop myself. Forgive me, Zaya. I liked you and I thought that if danced with you at the ball, it will be a great memory for me. And indeed, that mascarade ball was memorable for me."
Parang gusto kong umiyak sa mga sinabi ni Dark. He's... too much. He's too much for me. Wala ngang perpektong tao but he's so close to perfection. May tao pa palang katulad niya? May lalake pa palang ganito?
Dark Damier Syracuse is thoughtful, sweet, protective, loving, at lahat-lahat na. He's so close to perfection.
"It was memorable for me too, Dark. You have an electrifying effect on me." I admitted. That's the truth.
He smiled at me. Ngayon yung ngiti niya, umabot na sa mga mata niya. I liked seeing him smile. I feel that my world lit up. Para bang isang ngiti niya lang, mawawala na lahat ng problema ko.
"I like you—no this is love. And right now, my heart's about to burst because of what you damn said." Nakangiti niyang sabi at nilagay ang kamay sa dibdib niya kung saan yung puso niya.
I felt like there were butterflies in my stomach. Dark likes me. What did I do that he liked me—or should I say loved me? Ano ba talaga ang meron ako at nagustuhan niya ako? He's a man that's close to perfection and he likes me. I wish I could also confess my feelings for him but I think it's not the right time yet.
"Sabihin mo pa sa akin ang mga gusto mong sabihin, Dark. I won't get mad at your confessions... I'll listen to you and all I want is for you to be honest to me." Sabi ko. Pero may bigla akong naalala. Gusto ko talagang itanong ito sa kaniya. Matagal na. "Dark, what's the meaning of MK? Ang layo naman kasi sa tunay mong pangalan."
He looked at me intently. "That means My Knight. I'll protect you always, Zaya. I will save you from any harm that may come. Erase your worries and fears from now on 'cause I'll be with you in any means. Proprotektahan kita hanggang sa nabubuhay ako. I'll protect you with all of me, always remember that."
Kanina, mabilis ang tibok ng puso ko. Ngayon, mas mabilis pa! My feelings for him just over powered. He's really close to perfection.
Hindi ko na kaya itong puso ko! Iba kung tumibok!
And I hate this feeling... Ayokong mapalapit kay Dark pero eto ako, may nararamdaman din para sa kanya. Pero pinipilit ko itong iwinawaksi kahit walang paraan upang mawaksi itong nararamdaman ko. Ayaw kong makasakit ng ibang tao.
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro