Chapter 45
Chapter 45: Saved
Nang naisara ko na ang pintuan, at humarap na sa sofa ng living room, nakita ko si Julia na nakaupo doon. Nakatingin siya sa akin.
"Julia, ayokong makipag-away—"
"I'm not gonna argue with you, Zaya. I want to apologize to you again... I know that you feel suffocated by me. I'm so sorry. I'm not a good friend to you."
Parang natutunaw unti-unti ang puso ko. "You are a good friend, Julia. I know you're doing this for my own good but yes, honestly, I feel suffocated. Selton is also my friend and you cannot stop me on this."
"I know I can't. And now, I'm gonna tell you that I already am accepting Selton."
Nagulat ako sa sinabi niya at natuwa ako sa kaloob-looban ko. Finally! Thank goodness she already accepted Selton!
"But that doesn't remove the fact that I hate him. I still hate him but I will let him be your friend. And if he does anything bad to you, I may kill him. I can." Seryosong sabi ng best friend ko.
Parang kinabahan naman ako para kay Selton. If he dares to do something bad to me, Julia might kill him and I know that she can! Legal ang pagpatay dito!
But I know... I know that Selton wouldn't do anything that would harm me. He's a special friend. I can see in him that he's sincere. He has no harm to be brought but his mother has. Ibang-iba sila sa isa't-isa. Selton is harmless while his Mom... is a monster. Mag-ina nga sila but they are so different from each other.
"One wrong move, he's dead."
Napatingin naman ako sa best friend ko. Her hands are on her waist. She's really determined that she can do it.
Napagdesisyunan na naming magluto ng pagkain namin for dinner. Nagtulungan kami sa pagluluto at ang ulam namin ay sweet and sour fish.
*****
Kinabukasan, maaga akong nagising, as usual. Ilang minuto ang nakalipas pagkatapos kong magising ay nagising na rin si Julia. She's the one who cooked our breakfast. She cooked some bacon and sunnyside up eggs.
Nakaupo ako ngayon sa upuan sa hapag-kainan namin at kakatapos ko lang mag-prepare ng mga baso at plato para sa amin. Tumingin ako sa kanya ng may maalala ako.
"Julia, ano nga pala ang pinag-usapan niyo ni Madame? What did she say to you?"
Alam ko kasi na kapag sinabing urgent, alam kong importante ang gustong pag-usapan ni Madame. Kaya, ano na naman ba ang pakana niya? Another Kill Fest?
"Ah, yung kahapon? I forgot to tell you about it. She's planning to do another party. Kagaya nung Mascarade ball, gusto niyang mangyari daw ulit 'yon."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Julia. Uulit na naman? Ayoko! Ano na naman ba ang pumasok sa isip ng matandang iyon para ulitin ang nangyari noon?
"Bakit ba uulitin pa 'yon? Ano na naman ba ang nasa isip ng matandang iyon para ulitin?!" Naiirita kong sabi.
"Sabi niya, matagal-tagal na rin daw yung time na nagkaroon ng party rito sa DU. Kaya, gusto niyang ulitin iyon."
"Bahala siya! Kung uulit man, ayoko na. Hindi ako sasali. Ang daming kaartehan."
"Eh wala akong kasama niyan, Zaya!" Sambit ni Julia sa akin na ikinagulat ko. It means, sasali siya?
"You'll join the party, Julia Danais?" Gulat kong tanong. Aba't sasali siya! Akala ko ayaw na rin niya!
"Oo. It'll be fun, Zee! I promise you!"
"Kakasabi ko lang, ayoko." Sagot ko naman sa kanya. For her, maybe it'll be fun but for me, it's not.
Tamang-tama lang at naluto na ang pagkain namin at kumain na kami. Hindi na rin kami nag-usap ni Julia tungkol sa party na gaganapin na naman. Hindi pa naman na-aanounce ni Madame Selina, alam kong marami talaga ang pupunta sa party na iyon. Mostly people who wants to have fun and people who wants to hook up with someone.
Hindi sa pagiging judgemental, ha. I'm not a judgemental person. How did I tell that some students here wants to hook up with someone? Because I observed it. Marami na akong nakitang ganon dito sa DU. Mga estudyanteng gusto lang ng hook ups. Mostly boys are the ones who initiates. Hinahayaan ko na lang na mangyari 'yon. Bakit? Kasi buhay naman nila 'yon. They are the ones who own their lives and it's their responsibility to handle themselves.
While me? I don't do hookups. Never will I ever do that kind of thing! The thought of me, hooking up with a random guy, gives me the chills!
Napailing na lang ako sa naisip at hinaplos ko ang aking mga braso na tumataas ang balahibo.
Pagkatapos naming kumain, mag-toothbrush at mag-ayos, umalis na kami ni Julia upang pumunta sa first period class namin.
*****
Nasa kalagitnaan na ng paglelecture si Mrs. Suldivar ng nakaramdam ako ng pagkaihi. So what I did is, I excused myself to go out. Wala kasing restroom sa ibang classrooms at isa na doon ang classroom ni Mrs. Suldivar. Pero yung iba namang classrooms ay merong cr.
Naghanap ako ng pwedeng puntahang classroom na may cr at sa ilang minutong paghahanap, napadpad ako sa classroom ni Mrs. Kang. Walang mga estudyante doon at si Mrs. Kang lang ang nasa loob.
"Good morning, Mrs. Kang. Pasensya na po sa abala pero pwede po ba akong umihi sa cr nitong room mo? Naiihi na kasi ako, eh." Sabi ko.
Ngumiti naman si Mrs. Kang. "Sige, walang problema."
"Salamat po." Sabi ko at dali-dali akong pumasok sa cr.
Nang matapos akong umihi, at nakalabas na mula sa cr, nagpasalamat ako kay Mrs. Kang at umalis na ako. Halos wala ring mga estudyante sa part na ito at baka sa ibang area sila ng DU naroroon ngayon.
Habang naglalakad ako pabalik sa classroom ni Mrs. Suldivar, may narinig akong boses ng babae.
"Bakit ka ba paharang-harang sa daan, ha?! Tignan mo ang ginawa mo sa damit ko! Hindi ka nag-iingat! At dahil sa ginawa mo... ipapakita ko sayo kung gaano ako kagalit dahil! You'll see how furious I am right now!"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. The woman's voice is so familiar... Si Madame. Boses niya iyon, I'm sure! She's shouting at someone and alam kong may gagawin siyang masama sa kinakausap niya. Shit, I should do something! I can't let someone die again lalo na't nandito lang ako at malapit lang sa kung saan ang pangyayari!
"Ahk—huwag tama na po. Maawa p-po kayo!" Sigaw ng isang lalake at alam kong yun ang kinakausap ni Madame!
I followed the voice really quick at napadpad ako sa likod ng classroom ni Prof Lona at nadatnan ko si Madame Selina na may dalang baton na itim at may isang lalakeng mataba na nakaupo sa sahig at pinakikiusapan si Madame na huwag itong saktan. Duguan rin ang lalake. Shit!
"Hindi ako maaawa—"
"Tama na! Tama na!" Sigaw ko kay Madame.
Agad naman siyang humarap sa akin at nakataas ang kanyang kilay at nanlilisik pa sa galit ang kanyang mga mata. I also saw stain of juice on the black dress she's wearing.
"Ano ang ginagawa mo rito, Miss Dawnt?! Huwag kang makikialam rito!" Sigaw niya sa akin.
"Tama na yan, Madame! Bakit mo papatayin ang lalakeng iyan na kay bago-bago lang rito?" Ani ko. Ang matabang lalake ay bago lang rito sa DU dahil may nakita akong maleta sa tabi niya. "Bago pa lang ang lalakeng 'yan dito tapos papatayin mo na? He needs to kill too!"
Pinagsasabi ko lang ang mga bagay na yan para kumbinsihin si Madame na huwag niyang papatayin ang kawawang lalake.
"Tama ka... Pero, dapat ko siyang turuan ng leksyon dahil sa ginawa niya sa damit ko!" Galit na sambit ni Madame at tangka niyang papaluin ng metal niyang baton ang lalake pero agad akong tumakbo para maprotektahan ang lalake.
And I reached the place where the fat guy is and I felt the pang of pain on my arm. Ang sakit-sakit ng braso ko dahil sa sinalag ko ang aking braso upang hindi mapalo ni Madame sa mukha ko ang baton at para na rin maprotektahan ang kawawang lalake na duguan.
Nanlaki ang mga mata ni Madame dahil sa ginawa kong pagprotekta sa lalake.
Shit, it damn hurts! I think my arm is bruised!
"Alam kong pinoprotektahan mo iyang bagong salta, Miss Dawnt. So for now, I'll give this a chance. Bibigyan ko ng pagkakataong mabuhay iyang lalakeng yan. Ginagawa ko 'to dahil may utang na loob ang anak ko sayo. Pero tandaan mo, ngayon lang 'to! Kapag pinrotektahan mo ulit ang isang estudyante rito, baka ikaw rin ay mapatay ko!" Sabi ni Madame at akma na siyang aalis mula sa kung nasaan kami ng nagpakita si MK.
Pawis na pawis siya at hinihingal pa at para bang tumakbo ito. Nagulat ako, pati na rin si Madame dahil sa hindi namin inaasahang magpapakita si MK.
"Ano ang ginagawa mo rito?" Seryosong tanong ni Madame.
"Ako na ang bahala rito," Sabi ni MK at tumingin siya sa damit ni Madame. "You should change your clothes."
Hindi na nagsalita pa si Madame at bago ito makaalis ng tuluyan, tinignan niya ako ng masama. Hinayaan ko na lang siya. She must have been really stressed out because of what happened to her dress.
"S-S-Salamat... M-Maraming salamat sayo. Niligtas mo ang buhay ko!" Sabi ng matabang lalakeng na duguan. Shit, hindi ko napatagal ang tingin ko sa kanya dahil sa dugo!
"W-Walang anuman. Umalis ka na at pumunta sa bakanteng dorm na pwede kang tumuloy at gamutin mo ang sugat mo. At huwag na huwag kang lalabas ng walang armas na dala. Maraming pwede pumatay sayo dito. Mag-ingat ka." Sabi ko naman sa kanya.
"O-Oo, mag-iingat ako. Maraming salamat ulit." Sagot niya at dali-dali na siyang umalis habang dala-dala ang kanyang maleta.
When the fat guy was out of my—I mean our sight, agad akong pinaharap ni MK sa kanya. Muntik ko ng makalimutang nandito siya!
Hinawakan niya ang braso ko na kung saan nahampas ni Madame Selina yung baton niya at impit akong napatili dahil sa sakit.
Agad namang binitawan ni MK ang braso ko. "S-Sorry, I didn't know you have a bruise."
Hindi ko siya sinagot at hinimas-himas ko ang braso ko at nakita kong nagkukulay violet ito. Shit.
Pero biglang nag-iba ang ekspresyon ni MK. May kung anong galit sa mga mata niya.
"Alam mo bang pwede kang mapahamak sa ginawa mo, ha?! You almost got yourself killed!" He exploded. Ginulo niya rin ang buhok niya dahil sa iritasyon.
Bakit ba siya naiirita? Buhay ko naman 'to! At ano naman kung muntik na akong mamatay? That's how it works here in DU, right? Kaya nga Death University ang pangalan ng pesteng unibersidad na ito!
"I don't care, MK! The important thing for me is that I saved someone! Ayokong may mapahamak at nasa malapit lang ako at pwede ko siyang mailigtas!"
"But you almost got yourself killed!"
"Why do you care, huh? That's how it works in this damn university, right? You can be killed and you can kill! Ano ba ang pake mo kung namatay ako, ha?!"
"Whatever! Let's just go and cure your bruise." Sabi niya at walang pasubali niya akong hinatak sa kabila kong braso na walang sugat.
Nagtangka akong pumiglas pero nahatak niya parin ako at nadala sa dorm niya.
But then, may tama naman akong nagawa! Bahala si MK kung sasabog na siya sa galit! The important thing is, I saved someone!
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro