Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Chapter 44: Leveled Up

"Selina Aikenfield..." Hindi ko maiwasang masabi. It's new to me...

"Selina Victorina Romero Aikenfield..." Sabi naman ni Selton na ikinagulat ko.
Yun ang full name ni Madame? Ang gara ha! Kasing gara din ng pangalan ng presidente!

"Pero Selton, bakit Aikenfield? May dugo ka bang dayuhan? Amerikano ba ang tatay mo?" Sunod-sunod kong tanong at sa huli ay pumula ang pisngi ko dahil sa kadaldalan ko. Natawa naman si Selton.

"I know you're just curious, Demerine. There's nothing wrong about that," Nakangiting sabi niya. "My Father is half american."

Kaya pala may american features akong nakikita sa mukha niya! Yun pala, half american yung tatay niya! Pero parang nahalo talaga ang genes ni Madame at ng Tatay niya. Yung mga mata niya, amerikanong-amerikano talaga pati yung kutis niya And he has gray eyes while... nevermind.

"A-Ah ganon, ba..." Sambit ko at parang kinain ako ng hiya. Pula parin ang pisngi ko. Shit, parang kamatis na siguro ako! Bakit ba kasi ang daldal mo, Zaya Demerine?!

Natawa na naman si Selton at naputol ang usapan namin ng maglecture na si Prof. I can feel that my female classmates are still sending me dagger looks na parang papatayin nila ako dahil sa tabi ko umupo si Selton.

Nang matapos na ang klase ni Mrs. Suldivar, nagpaalam na kami ni Selton sa isa't-isa dahil nga iba ang schedule niya. I am currently walking to the next period class when a girl approached me.

"Hoy ikaw, huwag na huwag kang lalapit kay Selton! Lumayo ka sa kanya! Akin lang siya! Huwag kang mang-agaw!" Mataray na sambit niya at nakasunod sa kanya ang kanyang mga alipores.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Mataray kong tanong. Nagtataray-tarayan siya? Then fine, I'll deal with it then.

"Ako lang naman si Kelly Madrigal,"

Oh, I remember her! Noon pa lang, kumukulo na talaga ang dugo ng babaeng 'to sa akin. Baka kumukulo ang dugo ng babaeng ito sa akin dahil kay Selton. Bakit ba, pag-aari niya si Selton? Hindi naman ah. And perhaps, he's just my friend.

"I remember you... You hate me kahit noon pa." Sabi ko sa kanya.

"Yes, I do. So you better back of from my Selton kung ayaw mong mapatay kita." Sabi niya at pinag-krus niya pa ang kanyang mga braso.

"Hindi ako natatakot sayo, Miss Madrigal. And how can you say 'My Selton' eh baka hindi ka nga niya kilala." Banat ko naman sa kanya at parang gusto kong matawa sa reaksyon niya.

"How dare you?!" Sabi niya at sasampalin niya sana ako pero binalibag ko ng kaunti yung kamay niya at napatili siya sa sakit. "You bitch!"

"Pasalamat ka, hindi ko binalibag ng todo at baka nabali na 'yang kamay mo. May awa kasi ako sa mga tao. Ikaw naman siguro, walang awa sa kahit sino. And I'm just gonna tell you na magkaibigan lang kami ni Selton." Sabi ko sa kanya at umalis na ako.

"Oh my gosh, Kelly!" Narinig kong tili ng isa sa mga alipores niya pero hindi ko na sila inintindi pa at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Mga pabebeng tumili!

"Zaya!"

Napatingin ako sa kung sinuman ang tumawag sa akin at si Julia iyon. She was heading to me at tinignan niya muna si Kelly at yung mga alipores nito at tsaka pumunta na siya deretso sa akin.

"You saw what I did, didn't you?" Tamad kong tanong sa kanya.

"Yes I did! And oh my, I'm so happy! Bagay talaga sa Kelly na 'yon ang ginawa mo," Sabi niya. "Susugod na rin sana ako kaya lang pinigilan ako ni Godwin. Sabi niya, hayaan lang daw kita."

"Mabuti lang at pinigilan ka ni Godwin. Kaya ko naman ito at ayaw kong madawit ka pa."

"It's okay if ever na madawit ako, noh. I'll do it for my best friend."

Napangiti naman ako sa kanya. Dumiretso na kami sa second class.

Nang makarating na kami at nakaupo na, nagsalita muli si Julia. "I heard you were talking about Selton."

Nagulat ako sa sinabi ng kaibigan ko. So she really heard it all, huh? Narinig niya lahat ng pinag-usapan namin ng Kelly na 'yon. Hinding-hindi talaga magugustuhan ni Julia si Selton. She dislikes him so much.

"Julia, narinig mo naman na sinabi kong magkaibigan lang kami, diba?" Sabi ko sa kanya.

"Yes, I heard it, Zaya. I heard it all. Ayaw kitang mapahamak. Tignan mo yung nangyari kanina, muntik ka ng mapahamak dahil sa Selton na 'yon. May isa ng babae na sinugod ka dahil naging kaibigan mo yung lalakeng 'yon at yun si Kelly. Paano na kaya kung yung iba pang nahuhumaling sa kanya ang susugod sayo?"

I get her. I truly get her point. She just want me to be safe that's why she's doing this. Pero kaibigan ko si Selton. Walang masama sa kanya. Yung mga nagkakagusto sa kanya ang may problema at hindi siya. Hindi si Selton ang may kasalanan.

"Julia, Selton is my friend too. Alam ko na gusto mo lang akong protektahan mula sa mga nagkakagusto sa kanya—"

"—at pati na rin sa kanya." Dugtong niya.

"Juls, akala ko ba napag-usapan na natin 'to? Selton is also my friend." Sabi ko at sa kaloob-looban ko ay naiirita na ako.

Bago pa siya makapagsalita ay dumating na si Prof. I don't want to argue with her at this point.

Hindi na kami nag-imikang dalawa hanggang sa matapos ang klase sa second period. If she won't talk to me, I will not talk to her either. I know that this will lead to something. I'll say my side, she'll say her side. At mag-aaway lang kami at hindi kami magkakasundo.

Sa totoo lang, I feel suffocated right now. Nasasakal ako. I know she just wants me to be safe from harm pero dapat niya rin namang konsiderahin yung nararamdaman ko. She should consider my side, too. At hindi naman ako bata at maproprotektahan ko naman ang aking sarili na ako lang.

Nang pumasok na kami sa third period class which is the class of Mrs. Kang, still the same. Hindi kami nag-imikan even though magkatabi lang kami.

Mrs. Kang started lecturing at ako naman, nagdoodle-doodle lang sa notebook. Nagsusulat lang ako ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko just to divert my attention.

Naalala ko ulit si Selton. Selton Rage Aikenfield... Ang gara talaga ng pangalan ng mokong! Kasing gara nung sa Presidente!

"Bakit mo sinusulat ang apelyido ni Selton? Bakit mo siya iniisip?" Sabi ni Julia na nagpagitla sa akin.

Kanina pa pala siya nakatingin sa sinusulat ko at hindi ko namalayan na 'Aikenfield' na pala ang sinusulat ko sa notebook ko! Shit, here we go again!

"This is nothing... At hindi si Selton ang iniisip ko. Si Madame Selina 'to." Pagsisinungaling ko.

If I won't lie to her, siguradong mag-aaway talaga kami. At ayaw kong makipag-away sa kanya. Ayokong magkakagulo na naman. Naiinis ako sa Kelly na 'yon tapos eto na naman. Arguing with Julia is the last thing I want to do right now.

*****

Hanggang sa matapos na ang lahat ng klase, hindi kami nag-imikan ni Julia. Hindi rin kami magkasamang kumain ng tanghalian. We parted ways.

It's already 5:30 at kakatapos lang ng klase ni Prof Magallanes sa Research at hindi parin kami nag-imikang dalawa. And then eto na naman, we parted ways again. Siguro sa dorm na lang kami magkikita.

Naglalakad ako ngayon at malayo-layo pa ang lalakarin ko papunta sa dorm dahil ang classroom ni Prof Magallanes ay naku, malayo pa kesa sa ibang mga pinapasukan namin! Malayo rin ito sa cafeteria at kung bibili ka man ng pagkain, I think it will take you couple of minutes to reach the cafeteria kung nandito ka sa classroom ni Prof Magallanes.

And by the way, Prof Lona is no longer our teacher in any subject because she was transferred to another class. Muntik ko ng makalimutan na hindi na pala siya ang prof namin sa second period namin ng hapon. Nasanay talaga kasi akong nasanay na nagtuturo si Prof sa amin. Si Prof Almira yung pumalit sa kanya.

Habang naglalakad ako, narinig ko ang boses ni Selton sa likuran ko. "Demerine, kain muna tayo!"

I immediately turned to see him and he was walking directly towards me.

"Let's eat," Sabi niya ng nakangisi ng naabutan niya na ako.

"Saan naman tayo kukuha ng pagkain? Cafeteria or grocery?"

"Sa cafeteria. Let's grab some fruit shake. The cafeteria makes good fruit shakes. Beterano na kasi ang gumagawa." Nakangisi niyang sabi.

Damn, grabe talaga ang mga ngisi niya, para akong matutunaw! Pati yung mga mata niya, parang tutunawin rin ako. Ano ba ang meron sa lalakeng 'to?! Wala ba 'tong problema sa buhay niya niisa? Palaging nakangisi at ang saya ng aura niya palagi! And that's one of the reasons why females fall for him.

"Sige," Sagot ko sa kanya kasi medyo nagugutom na rin ako. And a fruit shake sounds nice.

Nang makarating na kami ni Selton sa cafeteria, buko shake ang inorder ko at si Selton naman, banana shake. It really looks like kilalang-kilala siya ng matandang babae na siyang gumagawa ng shake.

"Mamaya ko na babayaran, Aling Fe." Sabi ni Selton pagkatapos naming umorder.

"Walang problema, Selton hijo. Pwede ngang hindi mo na bayaran, eh." Sagot naman ni Aling Fe at sabay hagikhik.

"Naku, Aling Fe, hindi pwepwede yun. I won't allow that." Sabi naman ni Selton at kasabay nun ay umupo na kami sa bakanteng mesa.

Meron paring mga estudyanteng kumakain dito sa ganitong oras at ngayon nga, meron. Pero hindi naman gaanong madami.

"Selton, ako ang magbabayad." Sabi ko sa kabila ng maiksing katahimikan.

"Hindi pwede yun, Demerine. Ako ang nagyaya kaya ako dapat ang magbayad."

"I won't allow that," Gaya ko rin sa sinabi niya kanina. "Ako ang magbabayad this time. Sige, kung ayaw mo akong pabayarin ng dalawang shakes na binili natin, hindi na kita papansinin."

Naalarma naman siya sa sinabi ko at maya-maya'y nagbuntong hininga. Defeated. "Okay, fine. Pero okay lang talaga Demerine. It's only two hundred pesos all in all."

What?! 200 pesos, dalawang fruit shake? Ibig sabihin, isang daan ang isang shake! Ang mahal naman! Parang sa mga well-known cafe lang, ha!

"Two hundred pesos?! Ang mahal naman!" Sabi ko sa kanya sa mahinang boses pero nagulat talaga ako sa presyo!

"Yes. Well, it's kind of expensive but you won't regret it. In fact, it's really worth it... I promise you." Sagot niya sa akin na may ngiti na naman sa kanyang labi.

Kahit may kaya ang pamilya ko, hindi ako yung tipong tao na "uy 200 pesos lang? That's so cheap! Kahit triplehin pa 'yan, kaya ko yan!" Pwerket may kaya kami, hindi ako yung tipong tao na walang pake kung magkano ang mga bagay-bagay. Yung taong pwerket may pera, kahit magkano pa ang mga bagay-bagay, bibilhin kahit mahal.

Kahit may kaya kami, I handle money pretty good. I don't buy expensive things if that things aren't worth it. At nagtitipid talaga ako.

"Having second thoughts? Ako na ang magbabayad." Sambit ni Selton.

"No, I will pay for it." I insisted. Akala niya siguro hahayaan ko siya this time. Well no. Ang dami ko ng utang na loob sa kanya.

Few minutes later, the shakes we ordered was served. Si Aling Fe ang nagserve nito. Wala naman kasi siyang ibang kasama sa cafeteria kundi siya lang. Nasaan na kaya yung iba at bakit ang matandang babae lang ang nandito at nagseserve sa mga estudyanteng gustong kumain?

"Salamat po Aling Fe/ Salamat po." Sabay naming sagot ni Selton kay Aling Fe pagkatapos niyang mailapag ang order namin.

"Walang anuman... Mukhang hindi ka pa nakakatikim ng fruit shake na gawa ko, hija."

Nagulat naman ako sa kanya. I didn't expect that she'll mention me. "A-Ah o-opo."

"Sana magustuhan mo," Nakangiti niyang sabi. I just smiled at her in return. "Oh siya, maiwan ko na kayong dalawa diyan. Baka kailangan niyo pa ng moment, eh."

Pumula naman ang pisngi ko sa sinabi ng matanda. Humagikhik pa ito bago kami iniwan. Damn awkward!

"Pagpasensyahan mo na si Aling Fe. Ganyan talaga 'yan." Sabi naman ni Selton pagkatapos siyang sumipsip sa straw ng banana shake niya.

"Okay lang 'yon." Nakangiti kong sagot sa kanya at sumipsip na ako gamit ang straw ng buko shake na inorder ko.

Nanlaki ang mata ko. I didn't expect that this would be really good! Heck yeah, it's so damn good! I will surely come back for more!

Narinig ko naman ang tawa ni Selton. "Masarap, diba?"

Para akong nahi-hipnotize sa sarap ng buko shake! Aling Fe, you have talent!

"Ang sarap nga. It's really worth it... Matagal na ba siyang gumagawa ng shake?"

"Well, yeah. Pero she stopped for months but she came back." Sagot ni Selton, na sarap na sarap sa banana shake niya.

"When did she come back to making it?" Tanong ko.

"Like three months ago... Pagdating mo siguro rito ay hindi pa siya nakabalik. But she just came back three months ago."

"Oh, okay... Pero bakit ba siya tumigil pagsamantala?"

"Yan ang ang hindi ko alam. Baka napagod siya at gusto niya lang munang magpahinga."

Tumango lang naman ako sa kanya bilang sagot at sumipsip na ako sa buko shake na pagkasarap-sarap.

*****

Nang matapos na kami, binayaran ko na ang shake namin ni Selton and he tried to convince me again that he'll pay for it pero hindi ako nagpatinag sa kanya.

Hinatid niya rin ako sa dorm namin ni Julia. Ang kulit-kulit niya din kagaya ni ano. Why are men stubborn nowadays?

Yung plano ko talaga ay hanggang sa kanto lang ako magpapahatid kay Selton at baka makita siya ni Julia at mag-aaway na naman kami. But, there's something inside me that doesn't care if me and my best friend will argue about this.

I had thought that Selton is also my friend and there's nothing bad about it.

"Thank you, Selton." Wika ko.

"You're always welcome,
dear—merine. Demerine."

"Mag-ingat ka sa pag-uwi ha."
Sabi ko sa kanya.

Ngumuso siya para mapigilan ang malapad na ngiti. Natawa naman ako sa kanya.

"Umuwi ka na nga!" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Goodnight, Demerine. I'll be advanced. Tutal, malapit namang mag-alas sais."

Malapit na nga. 5:45 na.

"Goodnight, din. Bye." Sabi ko sa kanya at ngumiti ako. Ginantihan niya rin naman ako ng ngiti at pumasok na ako sa dorm. Pero bago ko isara ang pintuan, nagsalita ulit ako. "Ingat ka... Sigurado ka bang okay na 'yang sugat mo?"

"Yes, Demerine. Don't worry to much." Sagot niya at humalakhak pa.

"Ang feeler mo! Pero totoo, I'm worried. Baka mapano ka pa. You should dress it. Dressing is what that wound of yours need." Sabi ko naman.

Tumawa ulit siya at ngumiti ng malapad. "Thank you for the advice, Nurse Dawnt."

Natawa naman ako sa sinabi niya. "I'm giving you an advice as a friend and not a nurse."

"I know. I was just kidding. But the 'nurse' label suits you well."

Parang may kung ano sa puso ko na tumibok. Heart, come down... please lang.

"You should go now. It's getting dark." Wika ko.

"Yes, I'll go now. Bye, Zaya. I'll be dressing my wound when I arrive at my dorm."

"Okay. Bye, Selton Rage." Sabi ko at may pang-aasar pa nung sinabi ko yung pangalan niya.

Napangiti naman siya bago tumalikod. Isinara ko na ng tuluyan ang pintuan ng dorm ng makalayo na siya.

I felt like my relationship with Selton leveled up. Parang naging mas-malapit kami sa isa't-isa.

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro