Chapter 43
Chapter 43: Aikenfield
Dalawang taon na ang nakalipas nung nangyari yun... Nangyari ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Nang makapasok ako dito sa Death University, hindi ko akalain na hindi ko siya maaalala. Maybe because I'm preoccupied with other things kaya hindi ko siya naalala pa.
Devrin was my first boyfriend—and my only boyfriend. Isang taon ang tinagal ng relasyon namin. Actually, tatagal pa sana kami kung hindi niya lang kailangang umalis. I cried my heart out that time when he left. Hindi ko siya pinigilang umalis. Pero sa kaloob-looban ko, gustong-gusto ko na siyang pigilan at huwag na siyang paalisin. I'm so desperate to stop him from leaving but who am I to stop him, right? I'm just nothing but his girlfriend. Ano ba naman ang maipaglalaban ko sa pamilya niya? Ang pagmamahalan namin?
I'm nothing compared to his family. Kaya dapat niya talagang piliin ang pamilya niya. Kung ako siguro ang nasa estado niya, papipiliin ako kung pamilya o siya, I will definitely pick my family too. But too bad, I'm not in his state. I'm not in his state and I'm the one who's hurt as hell.
Nasabi niya noon sa akin bago pa kami naghiwalay na by the end of the school year, he'll be migrating to America with his family. Parang nawasak ako sa sinabi niya. Nanghihina ko siyang tinanong noon, "Paano tayo"?
Nanghihina ako at parang nawawasak ang puso ko. Nang tinanong ko siya kung paano na lang kami, sinabi niyang pwede naman kaming LDR, Long Distance Relationship. But I don't want that. Ayaw ko ng ganon. So, I broke up with him. Ako ang nakipaghiwalay. Kahit nasasaktan ako at ayokong makipaghiwalay, ginawa ko na. Perhaps, there's no guarantee that he'll be back here in the Philippines. Kayo ba naman nag-migrate sa ibang bansa.
Kahit labag sa loob ko na makipaghiwalay sa kanya, kailangan eh. Kung magpapaka-desperada ako noon na huwag niya akong iwan, iiwan na iiwan niya pa rin ako at mapapahiya pa ako kasama na ang reputasyon ng aking pamilya. And I am not a desperate bitch.
When I told him that I want to break up with him, I saw hurt in his eyes pero pinatatag ko ang aking sarili na huwag humagulgol sa harap niya. Kahit pa nasasaktan siya, wala namang kaming magagawa. Ako din naman eh, nasasaktan. Pinilit niya pa ako na mag-LDR kami but I refused. Ayoko ng ganon. Parang walang kwenta na rin yung relasyon namin kapag ganon.
Yes, LDR is not bad in other relationships. But in my case, it is. Why? Because there's no guarantee that the love of my life will come back. Yung sa ibang tao, LDR sila dahil may trabaho o nag-aaral lang sa ibang bansa ang minamahal nila at siguradong babalik pa pero sa akin, hindi eh. Walang pag-asang babalik ang minamahal ko. He and his family migrated for Pete's sake.
At alam din ng mga magulang ko na may relasyon kami ni Devrin. And perhaps, they agred to our relationship. At alam ko kung bakit sila sumang-ayon sa relasyon namin. They agreed and let me have a relationship with Devrin because his family is powerful. Their family has a lot of resources and they are powerful in the business world. Wow, right?
Pero hinayaan ko na lang ang rason kung bakit sumang-ayon ang pamilya ko kay Devrin. Basta magkasama lang kami, ayos na sa akin 'yon.
Pati ang pamilya ni Devrin, 'yon din ang rason kung bakit sumang-ayon sila sa relasyon namin ng anak nila. They want to unite with my family's business. Parang mutualism lang, give and take relationship. Para kaming mga dummy na ginagamit nila para makapag-interact for business purposes.
When the school year ended, after a month, he left. He texted and called me a lot of times pero niisa, hindi ko sinagot. I was crying my heart out habang binabasa ang iba sa mga text niya. Lahat 'yon ay nagpapaalam.
I remembered some of his texts.
'I'm sorry, Zaya. Please talk to me... I'll be going in an hour. I need to talk to you.'
'Answer my calls please. I want to talk to you.'
'Talk to me, please! Let's just be in a long distance relationship.'
'I can't lose you."
Napaiyak na ako nung time na nabasa ko ang pang-apat niyang text. Napahagulgol ako nun. I badly don't want to lose you too but I have to.
'Come on, Zaya, talk to me.'
Nakailang text pa siya at halos hindi ko na mabilang. He flooded me with calls and texts but I ignored it all. Nang mabasa ko yung pang-lima niyang text, hindi ko na binuksan ang mga bago niyang mensahe at hinayaan ko na lang sa kama ang aking cellphone.
Had he... moved on? After everything? I think I already did... kind of. Or actually, out of 100%, I think I have moved on for about 80%. I really want to get rid of the last 20%. But how? Paano ba siya mawawala ng tuluyan sa isipan ko? Hindi kasi ganon yun kadali, lalo na kung minahal mo talaga yung tao...
My thoughts were interrupted when I heard the knock on the bedroom door. "Zee, kain na tayo."
Agad naman akong tumayo at dumiretso na sa dining area para kumain kasama si Julia. While we ate, I still can't stop thinking about the past.
"Ayan ka na naman, Zaya Demerine Dawnt. Natutulala ka na naman."
"A-Ah sorry," Sabi ko kay Julia.
"Ano na naman yang iniisip mo, ha?"
I was stunned because of her question. No, I can't tell her. Hindi ko pa kayang sabihin sa kahit sino man dito sa DU ang nakaraan ko. I should keep the past to myself muna. Kahit kay Julia, hindi ko muna sasabihin ito. It's private. I should keep this for now. Gusto kong solohin itong iniisip ko. Actually, I think I really shouldn't tell her.
"This is nothing, Juls. Trust me. N-Naiisip ko lang ang pamilya ko." I lied.
"Oh, okay then. Ayokong manghimasok. You can always think of them, Zee. Just don't stress yourself out, okay?"
"Got it," Sagot ko kay Julia at ngumiti ako ng pilit.
Pagkatapos naming kumain ay syempre, nagtulungan kami sa pagliligpit ng pinagkainan namin. I then took a bath.
Pagkatapos kong maligo, pinatuyo ko na ang aking sarili at sinuot ko ang aking pantulog.
Bago matulog, nagkwentuhan muna kami ni Julia. Most of the time, before we sleep and also for us to feel tired, nagkwekwentuhan muna kami. At ang saya lang sa pakiramdam kasi parang mas naging close kami ni Julia kapag nagkwekwentuhan kami. We talk about a lot of topics such as foods, fashion, life, funny stuff, etc. Parang from topic to another topic. For example, nag-usap kami tungkol sa isang bagay at hanggang sa tatayog na at hindi na tungkol sa bagay na iyon ang pinag-uusapan namin.
After we talked about random stuff, inantok na ako and so does Julia. Pagod na ang aking panga and I feel tired already. And moments after I drifted to sleep.
*****
I woke up because of the cold temperature of the room. Sobrang ginaw!
Dinilat ko na ng tuluyan ang aking mga mata. My senses are back and it's raining. Kaya pala ang ginaw. It's still dark outside. Kinuha ko ang aking wrist watch sa bedside table ko at pinailaw ko ito and I saw that it's 4:30 in the morning. Nagising talaga ako dahil sa ginaw, ah.
Tinignan ko si Julia sa kama niya at nakita ko siyang balot na balot ng kumot. Giniginaw rin siya. Syempre, sino ba naman ang hindi giginawin kapag malakas ang ulan? At nakasara lahat ng bintana pero nandyan pa rin yung ginaw.
I covered my whole body including my whole head with my blanket. After minutes, I drifted back to sleep. Salamat naman.
*****
Nagising ako and it's six in the morning. Mabuti naman at nakatulog ulit ako nung magising ako nung alas kwatro ng madaling araw dahil sa lamig.
Parang wala nga akong ganang tumayo eh pero kailangan. It's already seven at may klase pa ako. Kung hindi ako pupunta, baka maparusahan na naman ako ng officer na 'yon. Sino pa ba, edi si MK. I have a huge feeling na nagmamasid-masid lang si MK sa akin. Hindi sa assuming, I can just feel it. At alam ko kung bakit siya nagmamasid sa akin.
Binabantayan niya ako. Binabantayan niya ang mga galaw ko at binabantayan niya ako dahil anumang oras, pwede akong mag-skip ng klase. Ganon yun! Kaya niya ako binabantayan paminsan dahil sa ganoong dahilan!
Napagdesisyunan ko nang tumayo para umihi at para na din magluto ng almusal. Tulog pa si Julia at maya-maya baka gigising na siya. Napasarap siguro ang tulog niya dahil sa lamig.
Napag-isipan kong gumawa lang ng vegetable salad para sa aming dalawa at masaya ako na nasarapan siya sa ginawa kong vegetable salad noon. Nung isang linggo pa kasi siya nagpupumilit na gumawa ako ng vegetable salad at sinabi ko sa kanya na kapag mauubos na ang lahat ng stocks ng pagkain namin, yun na lang yung time na magluluto ako. At kahapon nung nag-grocery kaming dalawa, yun lang yung time na nakompleto ko ng bilhin lahat ng kakailanganin ko sa paggawa ng vegetable salad. Hindi na kasi ako nakapag-grocery ulit at kahapon lang. I'm so happy that she likes the food I make. Ang saya lang talaga pakiramdam. I know some people can relate to me too.
Nasa kalagitnaan na ako ng paggawa ng pumasok si Julia sa kusina. "Uy uy, ano yan?"
I smiled at her. "See for yourself."
Nang nakalapit na siya sa akin ay nanlaki ang mga mata niya. Gusto kong matawa sa kanya.
"Yes! Matitikman ko na naman ang vegetable salad mo. Mabubusog talaga ako nito." Masayang sambit niya.
Natawa naman ako sa kanya. "Ang saya sa pakiramdam na nasarapan ka sa vegetable salad ko."
"Anong vegetable salad lang? Lahat kaya ng luto mo masarap!"
"What? Hindi naman, Juls!" Sabi ko sa kanya sabay iling. I'm no expert in cooking. Hindi naman ako chef na masarap magluto. "Hindi naman ako chef."
"Pero pwede ka ng chef!"
Natawa naman ako sa kanya. Naalala ko na naman ang mga magulang ko. When I was still in my elementary days, tinuruan nila akong magluto. They are the ones who taught me how to cook. I'm so happy when the time came that I successfully cooked something.
"Oh, what's with that face, Zaya?" Wika ni Julia na nagpabalik sa akin sa aking huwisyo. Hindi ko namalayang nakasimangot na pala ako.
"Wala. Naalala ko lang yung mga magulang ko. They are the ones who taught me how to cook."
"Oh, okay. Ako naman, si Kuya ang nagturo sa akin."
Pagtapos naming kumain ay nagligpit na kami at isa-isa ng naligo. Nauna ako kesa kay Julia. At nang natapos na ako at natuyo na, sinuot ko ang isa sa mga damit na pinamili namin ni Julia sa Fash. It's just a simple pink lacey top. I paired the top with my denim jeans.
*****
We are on our way to the first period class which is Mrs. Cassandra Suldivar's class. Ang damit na suot din ni Julia ay isa rin sa mga binili niya sa Fash. She's wearing an orange crop top. Parang ang glowing niya tignan.
Malapit na kami sa classroom ni Mrs. Suldivar ng may nag-approach kay Julia.
"Miss Julia, pinapatawag po kayo ni Madame." Sabi ng isang naka-cloak.
Minsan na lang ako nakakakita ng mga naka-cloak and it includes this one. Ngayong buwan, siya lang ang nakita kong naka-cloak. Bakit kaya minsan ko lang sila nakikita? Are they hiding or something?
"Talaga? Sige sasabihin ko lang kay Mrs. Suldivar na hindi ako-"
"Someone handled it already, Miss. Ang kailangan mo na lang gawin ay pumunta kay Madame Selina." Putol sa kanya ng naka-cloak.
"Okay, I'm on my way. Sabihin mo hintayin niya na lang ako."
"No, Miss. Samahan na kita." Sagot naman ng naka-cloak. Urgent ba talaga ang pag-uusapan nina Madame Selina at Julia?
"Now?" Gulat na tanong ni Julia.
"Yes now, Miss. It's urgent." Wika ng naka-cloak. Sabi ko na nga ba at urgent.
Julia turned to me with an apologetic look. "I'm sorry, Zee. Kailangan ako ni Madame."
"No, it's okay. Kita na lang tayo sa next class." Nakangiti kong sabi.
"Okay, I'll see you." Wika ni Julia at umalis na siya kasama ang naka-cloak.
Dumiretso na ako sa klase ni Mrs. Suldivar at nakita ko siyang nagkakape. "Morning, Ma'am."
"Morning," Sagot niya naman.
Umupo na ako sa upuan ko and few minutes later, nagsidatingan na ang iba naming mga kaklase pero nahagip ng aking atensyon ang lalakeng hindi ko inaasahang pupunta dito.
Si Selton. Why is he here? I admit, he look gorgeous with his golden brown hair. Parang nag-shine pa lalo yung buhok niya. Kinulayan niya siguro ulit kaya ganon na lang kuminang. Ano ba ang ginagawa niya rito? Pati si Mrs. Suldivar ay nagulat sa kanya. May dalang bag pack si Selton at isinabit niya iyon sa kanyang kaliwang braso.
Pati yung iba kong kaklase, nagulat rin. Pero yung mga babae naman, nagsitilian. Hindi ko maiwasang mapairap sa kanila.
"What are you doing here, Selton?" Tanong ni Mrs. Suldivar.
"Eh Ma'am, yung first period class kasi naming Prof eh hindi makakarating at bored na bored po ako kaya naisipan kong dito na lang ako papasok tutal second period ka naman po. At para mas advance na ako." Nakangisi niyang sabi.
Napangiti naman si Mrs. Suldivar sa kanya. "That's what I like about you, Selton. Masipag. Sige, sit wherever you want."
Nahagip ko naman ang atensyon ni Selton ng humarap siya. Napangisi siya ng makita ako. Yung mga babae, tinignan rin kung saan siya nakatingin. Para ngang kakainin na ako ng buhay ng mga babae dahil nakangisi si Selton sa akin. Hindi ko na lang sila inintindi.
Hindi ko inaasahang uupo si Selton sa tabi ko. Nagulat nga ako at bakit dito siya umupo sa tabi ko. Where he's sitting at is Julia's place. Pero yun nga, wala si Julia kaya bakante ang upuan.
"Bakit dito ka naupo?" Bulong ko sa kanya.
"Eh gusto ko, eh." Nakangisi niya paring sabi.
"Aikenfield, bakit ka ba nandito? Yung klase ba talaga yung rason?" Sabi ng isa kong kaklaseng isa rin sa mga basagulero. Ngumunguya siya ng bubble gum at nakatingin siya sa akin. He has a teasing smile oh his face.
Bakit ako ang tinitignan niya? Ano, ako ang rason kung bakit nandito si Selton ngayon? Hindi ah! At Aikenfield? Bakit yun ang tawag sa kay Selton? Okay, ang dami kong tanong.
Ngumisi lang ulit si Selton bilang sagot sa kaklase ko.
"Ayos na ba ang sugat mo?" Tanong ko sa kanya.
Bumaling naman agad si Selton sa akin. "Yes, ayos na. Thanks to you, Demerine."
I smiled.
May kinuha si Selton mula sa bag niya at isang notebook iyon. Nahagip ng aking atensyon ang initials na nakasulat sa notebook.
S.R.A
S.R.A? Full name niya ba 'yon? Gosh, sa matagal-tagal na panahon naming pagkakaibigan, hindi ko pa alam ang full name niya!
"S.R.A? Full name mo?" Hindi ko maiwasang magtanong.
"Ouch, Demerine, hindi mo alam ang full name ko? Nasasaktan ako." Pag-iinarte niya at nilagay niya pa ang kamay niya sa puso niya.
"Eh hindi mo naman nasasabi, eh!" Sabi ko at ngumuso pa.
"Just kidding... S.R.A are my initials. Selton Rage Aikenfield is my full name."
Selton Rage Aikenfield? Shit, bakit ang gandang pakinggan? At nangangahulugan din na Selina Aikenfield ang full name ni Madame!
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro