Chapter 41
Chapter 41: Changed
I'm so shocked. Chad has feelings for my best friend. Kailan lang nagsimula ang atraksyon niya sa kaibigan ko?
"When did you feel this?"
"M-Matagal na..."
"Alam niya ba ang tungkol dito, Chad?"
"Yes, she knows. I told her about my feelings two months ago. But I already expected what she'll say. I just wanted her to know. Alam ko ang sasabihin niya sa'kin at gusto ko lang talagang ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko kasi ayaw ko nang ilihim ang nararamdaman ko. And I also expected that I will be hurt." He paused for a bit because of his overflowing emotions. "I know she loves Godwin. The way she looks at him there's the... love in her eyes."
Natunaw ang puso ko sa mga sinabi ni Chad. Matagal na pala siyang may gusto kay Julia. Why didn't Julia told me about this? Maybe for her, it's too personal. And it's okay that she didn't tell me before. Two months have passed after Chad confessed to Julia.
Ibang-iba ang Chad Wirth na nakaaway ko sa Chad Wirth na kausap ko ngayon.
Alam kong masakit sa puso ang nararamdaman niya. Sobrang sakit. It surely hurts when the person you love doesn't love you back. But then, everything happens for a reason. Hindi siguro si Julia ang tamang babae para kay Chad. Maybe she's not the one he deserves. Si Julia kasi, may mahal na iba. At baka pagsamantalang sakit lang ang nadarama ni Chad ngayon.
"Chad, this means na hindi talaga kayo para sa isa't-isa ni Julia. Maybe there's someone that's meant for you." Sabi ko sa kanya.
"I know. But it... hurts. Nasasaktan ako. Even though everything happens for a reason, nandiyan talaga ang sakit." Sabi niya sabay lagay ng kamay niya sa dibdib niya kung saan ang puso niya.
"Syempre nandiyan talaga ang sakit, Chad. Hindi maiiwasan 'yon."
"I know, Zaya. I know. But when will this last? I couldn't contain this... And I can feel the conscience. When I confessed to her, nalaman ni Godwin 'yun. Nag-away pa silang dalawa dahil sa'kin. I saw Julia crying that time. Napakatanga ko! Umiyak siya dahil sa akin!"
Tumulo na ang nagbabadyang mga luha sa mga mata ko. Damn. Naaawa ako kay Chad. Sinisisi niya ang sarili niya. Tao lang naman siyang nagmamahal and why is he experiencing all this?
Naalala ko 'nung time na nakita kong umiyak si Julia, dalawang buwan ang nakakaraan.
"Julia, bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa best friend ko nang makarating ako sa kwarto naming dalawa.
I heard her sobs kaya alam ko kaagad na umiiyak siya. And I know itatanggi niya iyon.
"A-Ah w-wala ito, Zee. Sipon lang." Sabi niya at suminghot-singhot.
"I knew it. Itatanggi mo talaga. Alam ko Juls, umiiyak ka. Kaya sabihin mo na sa'kin ang problema mo dahil dadamayan kita."
"Nag-away kami ni Godwin."
Umupo ako sa tabi niya. "Sa isang relasyon, meron talagang ganyan. Quarrels are normal. Masusulba niyo 'yang away niyo sa pamamagitan ng pag-uusap. Pag-usapan niyo 'yan, Juls. That's the way you'll understand both of your sides."
I'm trying my best to give her advice.
"Thanks, Zee. B-But he's avoiding me."
"Then stop him from avoiding you,"
"Okay. I'll do everything I can, Zee." Nakangiting sabi niya na ngayon at pinunasan niya na ang kanyang mga luha.
Godwin in the other hand, should stop avoiding her. Kailangan nilang mag-usap.
"Tama na. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Umibig ka lang at walang problema 'don. Stop blaming yourself." Sabi ko kay Chad.
"T-Thank you, Zaya. I-I can't believe that there's someone who will understand me. Thank you so much..."
Parang may kung anong bumalot sa puso ko. Ang saya lang na may natulungan akong tao.
Tamang-tama lang at nag-ring na ang bell. Sinyales na dapat na akong pumasok sa next class. Nagpaalam na kami ni Chad sa isa't-isa at humiwalay na kami dahil magkaiba kami ng klaseng pupuntahan.
I didn't expect that our conversation will eventually lead to this... I really didn't expect it. Sa lahat ng taong nagustuhan niya, si Julia pa talaga. Such a small world.
Nang makarating na ako sa second period class ngayong hapon, nakita ko si Julia na nakaupo na sa upuan niya. Tumabi ako ng upo sa kanya. Hindi pa nagsta-start ang klase kasi wala pa ang Prof.
"Time na ah, bakit wala pa si Prof?" Tanong ko kay Julia. Akala ko nga eh late na 'ko.
"Baka maya-maya nandito na 'yun. Oh baka, hindi na sisipot 'yun."
Natawa naman ako sa huli niyang sinabi. Alam na alam ko ang nasa isip ng babaeng 'to. Gusto niyang wala ang Prof para vacant na naman.
Pero natigil ako sa pagtawa nang naisip ko bigla ang pag-uusap namin ni Chad kanina. Wala na rin ang ngiti sa labi ko.
Julia sensed it. "May problema ba, Zee?"
Bumuntong hininga ako at pinili kong sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin. "Juls, may gusto si Chad sayo..."
Nagulat siya. She didn't expect it. "P-Paano mo nalaman?"
"Chad told me about it. He confessed to you two months ago, right?"
Hindi pa rin nawala ang gulat sa kanyang mukha. Napayuko siya at nagsalita muli. "So, h-he told you,"
"Yes, he did."
"I'm s-sorry for not telling you about this, Zaya. I just didn't think that it's important,"
Before I could even answer, the professor already arrived, and we didn't get to talk about it anymore. And after the class ended, hindi pa rin namin na pag-usapan dahil dumiretso na kami sa susunod na klase.
Nang makarating kami sa third period class, which is Calculus, class ni Prof Leonsio, 'yung iba naming mga kaklase na wala 'nung idiniklara na magiging kaklase namin si Julia, ay halatang nagtataka kung bakit nandito siya.
"Bakit nandito ang kapatid ng Presidente?" Narinig kong sabi ng isang kaklase naming lalake at kilala ko 'tong isang to. Nelson 'yung pangalan at palaging inaantok. Kaya wala siguro siya 'nung nagtransfer si Julia dahil baka nakatulog na naman sa library.
Nakita ko siya sa library nitong DU siguro mga isang buwan na ang nakalipas 'nung time na 'yon. Naghahanap ako ng isang libro at nakita ko siya sa pinakasulok ng library at nagulat ako na halos atakihin ako sa puso nang makita ko siya! I thought I saw someone dead inside the library! I swear, 'nung time na 'yon ay halos mahimatay ako sa gulat sa kanya!
Naupo na kami ni Julia sa magkatabi naming upuan.
Walang ano-ano'y dumating na rin si Prof Leonsio at nang makaupo na siya sa kanyang upuan, nagsalita siya, "Ah, yes, sa mga wala 'nung time na nagtransfer dito si Miss Syracuse, I would like you to know that she will be your classmate from now on."
"Bakit naman siya nag-tranfer dito?" Narinig kong pabulong na tanong ni Nelson sa katabi niya. Bulong nga pero nadinig naman namin. Tsk, anong klaseng bulong 'yan?
"Hindi ko rin alam kung bakit, eh. Pero nakaka-intriga." Bulong naman pabalik ng babaeng binulungan ni Nelson.
At ulit, bulong nga pero dinig na dinig ng lahat. Bakit ba ganon 'yung tao? Bulong nga raw pero dinig na dinig naman ng ibang mga tao sa paligid nila. At mukhang narinig din ni Prof pagbubulungan kuno ng dalawa.
"Kung anuman ang dahilan ni Miss Julia Danais Syracuse upang mag-transfer dito, it's none of our business. Just accept the fact na kaklase niyo na siya simula ngayon. Understand?"
Napayuko naman si Nelson at ang babae na kausap niya at lahat kami maliban kay Julia, ay sumagot ng 'opo'.
Pagkatapos 'nun ay nagsimula na ngang mag-lecture si Prof. Lecture lang ng Lecture si Prof at ang iba sa amin ay nakikinig at ang iba naman ay syempre, hindi nakikinig. Kami naman ni Julia ay 50/50. May time na nakikinig kami at may time rin na nagdo-doodle lang sa kanya-kanya naming notebook.
Nahagip ng atensyon namin ang babaeng kararating lang. Lahat kami pati na si Prof ay napatingin sa babae.
Si Reena ang babae at lahat siguro kami ay nagulat sa itsura niya. Ibang-iba ang ayos niya sa ayos niya dati! Mga dalawang linggo siyang hindi pumapasok sa klase at ibang-iba siya ngayon! Nakakagulat lang talaga!
Dati, nakasuot siya ng mahahabang palda na pang-manang at 'yung damit niya, kadalasan long-sleeved! Balot na balot siya dati ng tela at nakasuot ng thick rimmed eyeglasses. Pero ngayon, wala na siyang salamin sa mata at naka-jeans siya at naka-itim na off-shoulder top!
And ngayon ko lang na-realize na ang ganda niya pala! May angking kagandahan din pala si Reena, pero natatabunan iyon ng kanyang salamin na palagi niyang sinusuot!
Ibang-iba na talaga siya. Ito na 'yung sinasabing 'new look'. She transformed! Dati, kinukutya pa siya dahil sa porma niya, pero ngayon, masasabi kong maraming mga kalalakihan ang siguradong lalapit sa kanya.
"Reena ikaw ba 'yan?!" Gulat na sigaw ng kaklase naming babae na isa sa mga brat dito sa DU.
Plastik din 'tong babaeng 'to. I'm sure kakaibiganin niya 'tong si Reena dahil sa nagbago ito. Hindi ko makakalimutang inapi-api niya si Reena palagi. Ang pangalan ng babaeng ito'y Enah Marie Manalo, at palagi siyang may kolorete sa mukha at kasama niya ang kanyang mga alipores.
Back to Reena, gumanda talaga siya! Nakasuot siya ng contact lens at nakikita talaga ang kaputian ng kanyang kutis! Ibang-iba talaga siya sa Reena dati!
"Miss Atrevala, bakit hindi ka pumasok ng halos dalawang linggo?!" Imbes na papuri ang ibigay ni Prof, galit ang ibinigay niya kay Reena.
"S-Sorry, P-Prof." Nauutal na sabi ni Reena at napayuko siya.
Napabuntong hininga si Prof Leonsio at napahimas siya sa kanyang nuo. "Sit down already, Miss Atrevala. Nauubos na ang litid ng pasensya ko sayo. Kapag uulitin mo pa 'to, hindi mo gugustuhin ang mapapala mo."
"Y-Yes, Prof. P-Patawad po talaga." Sagot naman ni Reena at umupo na siya sa tabi ko kung saan naman talaga siya nakaupo.
By the way, Prof Leonsio is a male professor at nasa mid 50s na siya. He continued lecturing at hindi na siya nagsermon pa.
Ako naman, bumulong ako kay Reena. "Bakit ang tagal mong nawala?"
"K-Kasi binigyan ko ng panahon ang sarili ko. G-Gusto kong mapag-isa."
"Ganon ba? Akala ko kung ano na ang nangyari sayo," Sabi ko naman.
Tipid lang naman siyang ngumiti.
"Reena, gusto ko talagang itanong 'to sayo. Lahat naman siguro kaming mga kaklase mo ay magtatanong... Bakit bigla kang nagbago? Bakit mo iniba ang pananamit mo?"
Gusto ko lang talagang malaman ang sagot! Nacu-curious ako! Lahat naman siguro kami eh gustong itanong kay Reena 'to.
"I changed for myself. And... I also changed for a special someone."
Special someone? Nakaka-curious naman. Kahit sino naman siguro ang nasa posisyon ko, macu-curious din, eh.
Reena, changed a lot for a special someone. Who could that special someone be?
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro