Chapter 4
Chapter 4: Brother
Nakakapanibago na may kasama ako sa dorm. Sa isang kwarto, may dalawang single beds. Mas masaya ngayon na may kasama ako kumpara sa ako lang mag-isa. The night is scary because there are a lot of killers sprouting everywhere.
Tapos na ang English class namin. Next class is Science. Magkaklase kami ni Julia.
"Okay, so the cells are...." Tuloy-tuloy na sabi ni Mrs. Kang. Hindi ako nakinig sa kanya at nag-take down notes na lang ako.
"Zaya, makinig ka nga. Nagte-take down notes ka nga pero hindi ka naman nakikinig. Iba kaya ang take down notes sa pakikinig talaga sa teacher." Saway ni Julia.
Tsk. I don't care. "I'll die anyway. Why would I even bother to listen?"
"Hey, don't say that! Mabubuhay ka ng napakatagal! 'Wag kang nega!"
Pagkatapos ng klase, inutusan ako ni Mrs. Kang at umalis rin si Julia dahil pinatawag na naman siya ni Madame Selina. What's with Julia? Bakit lagi siyang pinapatawag?
"Miss Dawnt, pakidala nga itong mga pangalan ninyong magkaklase sa science corner dahil eche-check ko 'yan doon." Ani Mrs. Kang.
"Okay po," Sagot ko at kinuha ko ang papel na may mga pangalan namin.
Habang naglalakad ako, may isang full name na pumukaw sa atensyon ko.
'Syracuse, Julia Danais'
Bigla akong natigilan. Wait, what?! Syracuse? That's the president's last name!
The full name of the president is Dark Damier Syracuse, and so it means that... magkadugo sina Julia at ang president?!
Eto ba ang tinutukoy ni Demi? At ito ba ang sinabi niyang dangerous? I can't believe this! My jaw just dropped!
Habang patuloy akong naglalakad ng wala sa sarili, may nabunggo akong matigas. Tinignan ko kung sino ang nabunggo ko. And damn it, I bumped on a man's chest for Pete's sake!
Tinignan ko ang itsura ng lalake at laking gulat ko nang makita kung sino ang nabangga ko.
It was the man that saved me on my first night here at Death University! 'Yung lalakeng niligtas ako ng nanganib 'yung buhay ko! Sigurado akong siya 'yon! He is in front of me!
"S-Sorry," Sabi ko sa kanya at aalis na sana ako nang hinablot niya bigla ang braso ko.
Maraming estudyante ang nagbubulung-bulungan. Nagsitigilan ang mga estudyante sa kung ano ang pinagkakaabalahan nila at inilapat nila ang atensyon sa akin at sa lalakeng nakabangga ko.
What's with this? Bakit parang big deal sa mga estudyante?
"Miss, kung maglalakad ka, make sure that your full attention is on the street you are walking on." Wika niya.
Wow, ha? Ano ba siya rito at kung makaasta parang sa kanya itong buong unibersidad? Masyadong arogante!
"Sorry nga, diba? May binabasa lang ako at may gumugulo lang sa isipan ko!" Naiiritang kong sagot. Nataranta ang mga estudyante dahil sa sinabi ko.
"Ang bago-bago mo pa lang dito sa DU, ganyan ka na makaasta. And I don't fuckin' care kung may gumugulo sa isipan mo." Masungit niyang sagot na mas nagpa-inis lang sa'kin.
"Grabe ka makapag-salita, ah! Sumusobra ka na! Sino ka ba? Ano ka ba dito at kung makaasta ka, parang ikaw ang presidente ng school na 'to?!" Pumutok na ang butchi ko dahil nakakairita talaga ang lalakeng nasa harapan ko ngayon!
'Yung mga estudyante, gulat na gulat sa mga pinagsasabi ko. What the hell? Wala pa bang taong kumalaban sa asungot na nasa harapan ko?
He laughed sarcastically. "Watch your words, Miss. Oh, who am I? It's for you to find out. And one more thing, kung may binabasa ka, make sure na hindi ka naglalakad." After he said his words, tinalikuran niya na ako.
'Who am I? It's for you to find out' parang si Demi lang, ah! Nakakainis talaga siya! Sira na ang araw ko dahil sa kanya! Gwapo sana pero ang sama ng ugali!
"Hindi ba alam ng babaeng 'yan kung sino ang kinalaban niya?"
"Mamamatay na 'yan, panigurado."
"Nagulat talaga ako 'don! Wala pang taong nagbalak na pagsalitaan ng ganon si Pres!"
Bakit ba ang tindi ng chismis? So kilala yung lalakeng 'yun as Pres talaga? Nakakainis na talaga ang mga estudyante! Mga chismoso't chismosa talaga!
Hindi na ako nakinig sa bulung-bulungan at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Pagkatapos kong ibigay sa Science corner ang file na ipinapabigay ni Mrs. Kang, bad mood akong pumunta sa dorm at nakita ko si Julia sa loob.
"Zaya, kanina pa kita hinihintay. Ang tagal mo naman yatang nawala. May nangyari ba?" Tanong agad sa akin ni Julia habang kumakain ng cheetos sa living room.
"W-Walang nangyari. Bumili lang ako sa canteen." Sabi ko at nag-iwas ako ng tingin.
"Oh, I see,"
Bigla kong naalala ang tungkol kay Julia. This is bugging me so much! Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa bumabagabag sa akin tungkol sa katauhan niya.
"Julia, can we talk?" Tanong ko sa kanya. Seryoso.
"Sure! Tungkol ba saan?" Tanong niya at binitawan niya ang kinakain niya sabay simsim sa tubig.
"Kaano-ano mo ang presidente?" I went straight to the point.
Nasamid siya sa iniinom niyang tubig at nilagay niya sa mesa ang baso. "H-Ha? A-Ano ang ibig mong sabihin?"
"Kaano-ano mo ang presidente, Julia?" Tanong ko ulit.
"K-Kuya ko siya. Siya ang sinabi ko sayong kuya ko." Sagot ni Julia at yumuko siya.
My eyes widened. "So Demi was right!"
Nabigla si Julia sa sinabi ko. "W-What? So you talked to Demi? Ano bang sinabi niya sayo? Na mapapahamak ka dahil sa akin at may tinatago ako? 'Bat 'di mo sinabi sa'kin?"
"Cause I don't want to accuse you of anything! Gusto ko munang masigurado kung tama ang sinasabi ni Demi. And why didn't you tell me na magkapatid pala kayo ng presidente?"
"K-Kasi kung malalaman mo, I thought that you would stay away from me! Other people do that. They stay away from me because they know that I'm the President's sister!" Naiiyak na siya.
"W-Why would I stay away? I'm your friend, Julia. I wouldn't run away. I will stay with you 'cause you are my friend." Sabi ko at niyakap siya. Wala siyang dapat ikatakot.
"I thought you would run away like others do," Sabi niya at humagulgol siya sa pag-iyak.
"Shh... tahan na." Sagot ko sabay hagod sa likod niya.
"You are so different from others, Zaya. Parang may nararamdaman akong kakaiba sayo." Sabi niya sa akin ng pinunasan niya ang kanyang mga luha.
"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.
"Hindi ko rin alam, eh. Pero I can feel something different about you. You are... strange. In a good way, though. It's just base on my intuition."
"By the way, paanong kuya mo ang presidente ng DU? Siguro 'yung age gap niyo ay may kalakihan." Pag-iiba ko sa topic dahil gusto ko talagang malinawan.
And paano ko nasabing malaki ang gap ni Julia at ng kuya niyang presidente? Kasi syempre, wala namang presidente na bata pa, ano!
"Anong malaki ang gap? One year lang kaya ang gap namin!" Natatawang sagot sa akin ni Julia.
What?! Pareho kaming 21 years old ni Julia at nangangahulugang...
What the actual...? 22 years old pa lang ang presidente ng Death University?! All this time, ang pinapaniwalaan ko ay matanda na ang presidente. Yun pala, binata?!
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro