Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Chapter 35: I'm Here

Napabuntong hininga ako dahil sa naisip. Damn, kay bilis ng panahon at ngayon ko lang naisip na malapit na akong mag-isang taon dito sa unibersidad. Hindi ko akalain na tatagal ako rito. And within that time, I've been waiting for someone to save us...

Bigla kong naalala ang sinabi ni Julia sa akin noon. Ang kapatid niya raw, na siyang presidente, ay ginawa ang lahat upang maging presidente and based on Julia, her brother's reason was to set us all free. Pero bakit parang wala siyang ginagawang aksyon? Bakit hindi siya nagpaparamdam? Mag-iisang taon na ako rito pero hindi ko pa siya nakikita!

I know that if Julia is listening to my thoughts right now, pagsasalitaan niya talaga ako dahil sa mga iniisip ko tungkol sa kuya niya.

Nang makarating na ako sa grocery store, agad akong humanap ng mga pagkain na siyang kinakain naming dalawa. Kumuha ako ng favorite cookies niya, kumuha rin ako ng Oreo cookies para sa'kin. I also took packs of Kitkats. Marami pa kaming stocks ng mga pagkain para sa almusal, tanghalian, at hapunan. So, snacks na muna itong bibilhin ko.

Nang matapos na akong kumuha ng mga bilihin, nagbayad na ako sa kahera.

*****

Nang makarating na ako sa dorm, nakita ko si Julia sa living room at nakaupo siya sa couch at mukhang may malalim na iniisip.

"Juls, ayos ka lang ba?" I asked her and she immediately snapped out from her thoughts, whatever it was.

"Y-Yeah, ayos lang naman ako... Saan ka galing?"

"Bumili lang ako ng grocery. Binilhan kita ng cookies na favorite mo."

Nagliwanag ang mukha niya. "Thanks, Zee!"

"You're welcome, best friend." Sabi ko at may nakita akong mga luha na kumawala sa mata niya. Nawala ang sigla sa kanyang mukha. Shit, did I do something wrong? Ano ang problema sa sinabi ko?! "Juls, m-may nasabi ba akong mali? Tell me—"

"N-No, you didn't say anything wrong! Don't worry," Sabi niya at tumawa siya habang pinupunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata niya. Pero alam ko, pinipilit niya lang na tumawa. Ano ba kasi ang nasabi kong masama?!

"Hindi ko magawang hindi mag-alala, Juls! Umiiyak ka!" Sabi ko sa kanya at lumapit talaga ako para mayakap siya.

She stilled for a few seconds because she was caught off guard by my hug. After a few seconds she hugged me back and she started to cry again.

"No no, don't cry..." Sabi ko habang hinihimas ang likod niya. She hugged me tighter, na para bang ayaw niyang mawala ako sa kanya.

After a few moments of hugging, we freed each other.

"Tell me now, why are you crying?"

"I miss my parents. Kanina ko pa sila iniisip." Aniya.

So do I, Juls. I miss my family too. But what can we do?

"Tahan na, Juls. Stop crying. W-We're still gonna get out of here, right? We'll see our families again." I said. I'm trying to think positively.

"Alam kong medyo matatagalan iyon dahil hindi ganoon kadaling tumakas dito kasama ang daang-dang estudyante pero sana, as soon possible, makahanap na kami ng paraan ni Kuya." Humikbi pa ulit siya. "Pasensya ka na ha, natatagalan."

Sa huli niyang sinabi, parang may mainit na bagay na humaplos sa aking puso. It did it, naiyak na ako ng tuluyan. Lumabas na mula sa aking mga mata ang mga luha na pinipigilan kong tumulo. Shit, kani-kanina lang, kung ano-ano na ang naiisip ko tungkol sa kuya niya!

I now realize, hindi ganoon kadali ang makalabas mula sa impyernong ito. Julia and her brother is doing the best they can do to set us all free... The only thing I can do is to trust them. Dapat ko silang bigyan ng panahon dahil sobrang hirap na makalabas mula sa unibersidad na ito.

"Tahan na, Juls. Tahan na..." Sabi ko habang pinapahid ang mga luha mula sa mga mata ko.

*****

Gabi na at kumakain kami ng hapunan. Ang natirang giniling na baboy na niluto kanina ni Godwin ang ulam namin. Wala si Godwin dito dahil may ipinagawa sa kanya ang nanay niya na si Mrs. Evelyn Kang. Kung hindi lang siguro nautusan si Godwin, nandito pa rin talaga siya sa dorm namin ni Julia at baka nga dito siya matutulog. Syempre, para kay Julia. Mahal na mahal niya talaga kasi ang kaibigan ko. Masasabi kong parang oxygen niya na si Julia. He can't live without her and that is because he loves her.

"Julia, kung hindi lang siguro nautusan si Godwin, siguradong nandito pa rin 'yon at baka dito na nga matutulog." Sabi ko kay Julia ng may ngisi sa labi.

Uminit naman ang pisngi niya na naging dahilan upang matawa ako.

"G-Grabe naman, hindi naman siguro 'yun matutulog dito." Sabi niya at pumupula pa rin ang pisngi niya. Alam na alam ko na tinatanggi niya lang na hindi rito matutulog si Godwin pero ang totoo, may posibilidad nga at alam niya 'yon.

Natawa ulit ako sa reaskyon niya. She's so cute!

Pagkatapos naming kumain, hinugasan ko na ang mga plato at kubyertos namin. Si Julia naman ang siyang nagpunas ng mesa.

Pagkatapos kong maghugas ng mga pinggan, naligo na agad ako at nagbihis ng pantulog. Before I finally headed to bed, I first ate some snacks with Julia.

*****

I woke up to a brand new day and it's raining outside. Parang ang dilim pa nga at hindi halatang alas-syete na ng umaga. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at wala na si Julia sa kama niya. Baka nagluto siya.

Lumabas na ako mula sa kwarto at agad-agad na akong naligo. At pagkatapos kong maligo, sinuot ko na ang aking mga damit.

I then proceeded downstairs to see what Julia's doing. And I was right, she was cooking.

"Juls, ano ba, dapat ako 'yung nagluluto, eh." Giit ko nang makapasok na ako sa kusina.

"Ayos lang! Tinuruan kasi ako ni Godwin na magluto ng iba pang putahe na hindi ko pa gaano alam gawin. Kaya eto, ako ang nagluto. Para masubukan mo 'yung luto ko at para masabi mo kung ayos naman o masama ang lasa."

"Sige na nga," Sabi ko sabay tawa.

Pagkatapos magluto si Julia, agad niyang hinain ang niluto niya at ito ay sinigang... Just like what MK made at his dorm... Damn, naalala ko na naman siya.

"Eto kasing sinigang, Zee, hindi ko pa talaga mastered lutuin 'to. Paiba-iba 'yung lasa, meron 'yung sobrang asim, meron ding slight lang ang asim. Kaya, nagpaturo talaga ako kay Godwin." Sabi niya at kumuha siya ng serving spoon at agad naman siyang nakabalik sa hapag. "May kilala akong expert magluto nito. Naiinggit nga ako, eh. Magpapaturo rin ako sa kanya."

Si MK talaga ang naaalala ko pagdating sa sinigang. Nako na lang, bakit ko pa kasi natikman ang luto niya?

"Zee, you okay? Bakit ka natutulala? Hindi ba kaaya-aya tignan ang sinigang ko?"

Because of what Julia said, I snapped out of my thoughts. "May n-naisip lang ako, Juls. Kaaya-ayang tignan ang sinigang m-mo."

"Oh, okay. Sige, kain na tayo."

Tumango lang ako at kumain na. And when I tasted her sinigang, it tastes good. Pero malayo sa luto ni MK.

"So, what do you think?" Tanong niya.

"It's so good! Tama lang ang asim. Good job, Julia!" I said and I clapped my hands.

"Makakahinga naman na talaga ako ng maluwag. Akala ko kasi mapapangitan ka sa lasa!"

Pagkatapos naming kumaing dalawa, umalis na kami upang pumasok sa klase namin at magkaklase pa kami. Really, thank God na magkaklase kami sa tatlong subjects out of ten. And we are classmates in the class of her mother-in-law—I mean, Mrs. Evelyn Kang's class. Hindi nga lang siya nakapasok 'nung mga nakaraang araw kasi pinatawag siya ni Madame Selina tungkol daw sa next program. And Mrs. Kang gladly considered her dahil para sa 'kapakanan' rin naman daw ito ng paaralan.

Nabanggit din ni Julia kagabi na alam na ng Kuya niya na may relasyon sila ni Godwin at nagulat daw siya dahil hindi ito nagalit sa kanya. Ang mas ikinagulat ni Julia ay 'yung alam na raw ng Kuya niya na may relasyon sila ni Godwin kahit hindi niya naman sinabi.

"Zee, nga pala, may sasabihin ako sayo!"

"Ano 'yun, Juls?"

"Alam na ni Kuya 'yung tungkol sa'min ni Godwin! Sinabi ko na sa kanya dahil mali kasing itago ko sa kanya ang katotohanan... Hindi na kaya ng konsensya ko."

"Talaga?! Eh ano 'yung sinabi ng Kuya mo?" Gulat at nag-aalala kong tanong.

"Nagulat ako dahil hindi siya nagalit sa akin. And the thing is, kahit daw hindi ko ipagtapat sa kanya, alam niya na! He said he knew because of our eyes when we look at each other... Ang creepy ni Kuya!"

Natawa ako. "Mabuti naman at hindi siya nagalit sayo at hinayaan ka lang niya,"

"Oo nga. Nakakapag-tataka. Ano kayang nakain niya?"

Gumagawa kami ngayon ng essay tungkol sa genetics. Yes, essay na naman. Because genetics are part of Science, syempre sa Science class namin ito ginagawa ngayon.

"Kulang pa ba 'tong nasusulat natin? Seriously, parang nasulat na natin lahat! 'Yung lahat ng tungkol sa stages o mitosis, nandito na. Ano pa ba?" Sabi ni Julia na nasa tabi ko at nagsusulat din.

"Tama na 'to, Julia."

Tumango-tango lamang siya at pinasa niya na sa kay Mrs. Kang ang papel naming dalawa.

*****

Nang matapos ang Science class, dumiretso na kami ni Julia sa kanya-kanya naming second period dahil hindi kami magkaklase. Sa third period pa kami magkaklase ulit.

I was on my way to the classroom where I intended to be when I saw Selton. I was about to say 'hi' to him when I saw his full body.

Nagulantang ako sa nakita ko. Si Selton ay nahihirapang maglakad at duguan!

"Selton!" Sigaw ko at dumiretso ako para alalayan siya. Matindi ang mantsa ng dugo sa bewang niya at nangangahulugan iyon na sa may bandang tiyan niya naroroon ang sugat.

Shit, I might break down because I'm scared of blood for Pete's sake!

"D-Demerine..."

"I'm h-here, okay? I'm just here... Pumunta tayo sa dorm mo." Sabi ko. Sinusubukan ko lamang pakalmahin ang sarili ko dahil marami ang dugo at baka himatayin ako! His blood is dripping!

Don't worry, Selton, I'm here. I'll help you. You'll make it.

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro