Chapter 33
Chapter 33: Memories
I really need to stay away from him. When I'll leave his dorm today, magpapasalamat na ako sa tulong niya at aalis na ako kaagad. Alam kong magkikita at magkikita pa rin kami rito sa unibersidad pero as much as possible, I'll stay away.
Kakatapos lang naming kumain at kasalukuyan kong hinuhugasan ang pinagkainan namin. After this, magpapaalam na ako sa kanya at magpapasalamat ako sa pagmamagandang loob niya sa akin. I know that it's not right to stay away from him after he helped me. Alam kong mali iyon pero kailangan ko talagang siyang iwasan dahil naguguluhan ako palagi kapag nandiyan siya. I refuse to understand what I feel towards him.
Pagkatapos kong hugasan at patuyuin ang mga pinggan at kubyertos, inilagay ko na ito sa cabinet na pinaglalagyan.
Maliligo lang ako at pagkatapos kong maligo, aalis na ako.
"Here's your clothes. I washed these last night using the washing machine and I already dried it, as you can see." Sabi niya na ikinagulat ko.
Hindi niya na dapat nilabhan ang damit ko. Sana ako na lamang ang naglaba dahil nakakaabala na masyado. "Thank you,"
Tango lang ang sagot niya. He's so cold to me! But then, aalis naman na ako mamaya kaya hindi ko na mararamdaman ang pagiging malamig niya sa akin. I think this will be the last time he'll be cold to me because I'll stay away.
Naligo na ako and I clicked the cold button because I want to cool my head. Gusto kong magpalamig kahit papaano.
After I took a bath, I dried myself and I wore my clean clothes.
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng banyo dahil magpapaalam na ako kay MK. Magpapasalamat muna ako sa kanya bago ako umalis ng tuluyan.
Nadatnan ko siya sa living room kaya agad akong lumapit sa kanya. "MK, gusto ko sanang magpaalam sayo. Aalis na 'ko."
"And where are you going?" Nakataas kilay niyang tanong.
"Of course sa dorm ko... Thank you sa pagtulong mo sa'kin."
"You're welcome," Malamig niyang sabi sabay walk out.
Ouch. Parang kinurot ang puso ko. I didn't waste any time and I immediately left his dorm.
Nang makalabas ako, tumingala ako at nakita ko siya na nakatingin sa akin mula sa balkonahe niya. I don't know why the heck he's looking at me.
Hindi ko na pinatagal ang titig ko sa kanya mula sa itaas. I hurriedly walked away from his dorm... and from him.
Dumiretso ako sa dorm namin ni Julia. Napabuntong hininga ako bago pumasok. I know she still hates me but I'll face it. I feel lonely...
"Oh my goodness, Zaya!"
Nagitla ako dahil sa narinig kong tili mula sa hagdanan. And when I turned my attention to the stairs, I saw Julia, teary-eyed.
She ran to me and she hugged me. I was caught off-guard because of what she just did.
"I was so worried!" Naiiyak niyang sabi habang yakap-yakap ako.
Nakita kong pababa si Godwin sa hagdanan. Mabuti at may kasama si Julia rito 'nung mga oras na wala ako.
Pinakawalan na ako ni Julia mula sa pagkakayakap niya sa akin. "I was so worried of you! Huwag ka ng uulit ng ganon, Zaya! I can't sleep last night because I was so worried and I waited for you!"
"I-I'm sorry," Sagot ko sa kanya at yumuko ako dahil sa konsensya.
"Hey, huwag mo ng alalahanin 'yon. Now that you're here, thank God! Nakakain ka na ba? Saan ka ba natulog?"
I was stunned by her last question. Shit, anong isasagot ko?
"N-Nakitulog ako sa dorm ni... Selton." Shit, I'm lying again! I'm sorry Selton for using you here and I'm so sorry too, Julia, because I lied to you again and alam kong ayaw mo kay Selton pero I need to tell you that I slept at his dorm! "...Y-Yeah, doon ako natulog."
Biglang nagdilim ang paningin ni Julia. "Bakit doon ka natulog, Zaya?! Alam mo namang doon din nakatira si Madame Selina!"
"Chill, Juls... Hindi ko alam kung bakit kayo nag-aaway tungkol kay Madame Selina pero I will just be here with you two." Sabi ni Godwin na nasa tabi na ni Julia at hinihimas niya ang likod nito.
So Julia didn't tell Godwin about me, stealing the book?
"I-I'm sorry, Zee. Nagpadala na naman ako sa galit ko. I-I just can't hold my temper when it comes to Selton and Madame Selina. You have to stay away from both of them, Zaya."
"I'll leave you two alone... If you need anything, I'll be upstairs." Sabi ni Godwin. I just gave him a little smile and a nod as an answer.
"S-Sorry, Juls. I had n-no choice." Nauutal kong sabi nang nawala na si Godwin.
Shit. I have to lie dahil kapag sasabihin ko, na sa isang officer na nagngangalang MK ako nakitulog, I'm sure Julia will get angrier at mukhang wala siyang kakilalang officer na nagngangalang MK dahil dalawang letra lang ang pangalan nito. I'm sure Julia will get mad dahil kapag nalaman niyang kahit buong pangalan ng may-ari ng dorm kung saan ako natulog, hindi ko alam! MK told me to to call him 'MK' and that is it. Kahit first name niya, hindi ko alam!
"No, I should be the one to apologize. Hindi dapat kita pinapangaralan. I'm so sorry, Zaya."
"I'm sorry too, Julia, for everything."
"Pero meron akong isang kondisyon, Zaya,"
"Ano naman 'yun?"
"Let me help you with your problem. I don't want you to fight this alone."
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Hays, here we go again... Ayaw kong madamay si Julia sa mga problema ko. I want to fight alone. "I want to fight alone. I have to fight alone, Juls. Ayaw kong madamay ka."
Bumuntong hininga siya. "Well then, hindi tayo magkakasundo riyan... I will help you, Zee."
Hindi pwede! Ayokong madamay pa ang ibang tao dahil sa problema ko!
"Juls—"
"Zee, kung hindi mo ako hahayaang tulungan ka, magpapakamatay ako."
Nagulat ako sa sinabi niya. Shit, nababaliw na ba ang babaeng ito?! "Are you out of your mind?!"
"No, I'm not, Zaya. I'm dead serious." She answered me, seriously.
I have no fucking choice but to let her help me! Ayokong magpakamatay si Julia and she sounds serious about the threat!
"Okay, fine. You can help me. But, mag-iingat ka. Mapapahamak ka kung tutulungan mo'ko—"
"I promise, mag-iingat ako." Putol niya sa akin.
*****
Kasalukuyan kaming nanananghalian at si Godwin ang nagluto ng aming ulam. Giniling na baboy ang niluto niya and of course it has potatoes, carrots, etchetera. Masarap magluto si Godwin.
Just like MK.
Shit, why am I thinking of him all of a sudden?! I shouldn't, right? Even though I want to erase him from my mind, the thoughts of him keep coming back! And damn, it's frustrating!
"Zaya, okay ka lang ba? Bakit ang higpit ng hawak mo sa kutsara't tinidor?" Biglang tanong ni Julia sa kalagitnaan ng aking pag-iisip.
Tinignan ko ang kutsara at tinidor na aking hinahawakan and shit, I really am gripping at it forcefully!
"A-Ah wala, Juls. May naalala lang akong scene kagabi na nakakainis 'nung... n-nanood ako ng sine kasama si S-Selton." Shit, I'm lying again!
"Oh, okay..." Tanging sagot ni Julia na ikinahinga ko ng maluwag. Thank goodness, she believed!
Pagkatapos naming kumain, hinugasan ko na ang aming mga pinggan. And after washing the dishes, I prepared myself dahil may klase pa ako sa Chemistry kay Mrs. Cheng. It's already 12:40pm and the class will start at 1. I decided to wear my ripped jeans and my forever 21 shirt.
After I am completely done with everything, nagpaalam na ako kina Godwin at Julia at dumiretso na ako sa classroom ni Mrs. Cheng.
"Today, you'll be having a by-pair activity. I already paired you into two at dapat magtulungan kayo ng partner mo sa library work na ibibigay ko. This is thirty percent of your grade. Ang mga nakasulat sa board, ay ang list ng pairs for this activity... So now, feel free to see who you are with."
As I expected, dinumog kaagad ng mga kaklase ko ang board na may maliit na mga kasulatan at ang mga kasulatang iyon ay aming mga apelyido. Nakidumog na rin ako para makita kung sino ang partner ko.
'Dawnt & Wirth'
Who the heck is Wirth? Hindi ko kilala ang isang 'to!
"Sino si Dawnt?" Tanong ng isang lalake gamit ang maangas nitong boses. Agad-agad kong hinanap ang lalake.
"Dawnt? Ayun siya, oh." Sabi ng isang babae sabay turo sa akin. Shit, pinagkatinginan tuloy ako!
Tinignan agad ako ng lalake and when I saw his full face, I saw a piercing on his nose. At at malalaman mo agad na isa siyang bad boy dito sa Death University dahil ang angas ng dating niya.
Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. He looked at me from head to toe. Nakakakilabot!
He whistled and that made me mad. Napansin ko rin na dumilim ang kalangitan pero wala na akong oras para isipin pa iyon dahil nabwi-bwiset ako sa lalake na ang apelyido ay Wirth. Eh manyak pala 'to!
"Eh gago ka pala, eh!" Sabi ko sabay sampal sa kanya.
Nagulat ang mga kaklase namin pati si Mrs. Cheng. Pati ako, nagulat din sa nagawa ko.
Maangas na hinimas niya ang kanyang pisnging namumula-mula dahil sa sampal ko. Hindi parin nawawala sa mukha niya ang angas.
"Miss Dawnt, what is happening?!" Bulyaw ni Mrs. Cheng sa amin—pero 'yung pangalan ko lang ang binanggit niya. Tumayo rin si Mrs. Cheng at pumunta siya sa direksyon namin.
Ang sarap ihampas ng matandang intsik na 'to! Ang sarap ilampaso ng paulit-ulit at wala akong pake kung guro siya rito! Hindi pa nga niya nalaman ang buong istorya, bubulyawam agad ako na para bang ako ang may kasalanan ng lahat! Wirth is the one who did something wrong here!
"Mrs. Cheng, Wirth started it. Kung hindi niya ako bastos na tinignan, sana hindi ko siya sinampal." Giit ko. I'm trying to calm myself.
"Mr. Chad Wirth, is that true?" Baling ni Mrs. Cheng kay 'Chad' Wirth. Of course it's true, damn it!
Hindi sumagot si Chad. Such a coward!
"Answer me, Mr. Wirth!" Sigaw ni Mrs. Cheng.
"Yes I did. Oh, masaya ka na?" Sarkastikong sabi ni Chad kay Mrs. Cheng na ikinagulat namin ng iba ko pang mga kaklase. Shit, he's really a bad boy.
"How could you be sarcastic to me, young man?! Wala kang respeto!" Sigaw naman ni Mrs. Cheng.
"Matagal ng nawala ang respeto ko sayo, Tita. Nawala ang respeto ko sayo mula 'nung sinapilitan mo akong ipasok dito upang maging kabayaran sa lahat ng naging utang ni mommy sayo!"
That shocked me. Magkadugo sina Mrs. Cheng at Chad! Bakit 'yung mga nakikilala ko rito sa DU, halos may kamag-anak na kasama?
Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Cheng sa sinabi ni Chad. "Eskandaloso kang lalake ka! Ako ang kumupkop sayo 'nung nalulong sa sugal at nakulong ang nanay mo! Wala kang utang na loob, hayop ka!" Dinuro niya si Chad. "Pareho kayo ng nanay mo, mga walang silbi kayo! Mga walang respeto at mga walang utang na loob!"
"Kinupkop, oo. Kinupkop mo nga ako 'nung nakulong si Mommy dahil sa hindi siya nakapagayad sa mga utang niya sa mga hiniraman niyang negosyante... Pero, tinanggap mo ba ako, Tita? Tinanggap mo ba ako bilang pamangkin mo? Hindi, diba?! Ginawa mo akong kargador ng malalaking sako ng bigas!" Sigaw ni Chad at namumula ang mukha niya. And I can see tears the tears sparkling from inside his eyes.
"Y-You stop your mouth, you asshole! Pinapahiya mo ako—"
"Tama lang na marinig nilang lahat ang mga ginawa mo! Kung wala akong respeto at wala akong utang na loob, ikaw naman, walang awa! Hindi ka naawa sa'kin! Kahit sa mommy ko na sarili mong kapatid, hindi ka naawa!" Chad paused a bit on his words dahil sa nag-uumapaw niyang emosyon. "And here, you're trying to act that I'm not your relative! Ikinakahiya mo ako, right? Sapilitan mo akong ipinasok dito sa unibersidad na ito upang maging kabayaran ng mommy ko at para na rin magdusa ako! Kailanman, hindi naging masama si Mommy sayo, Tita. Ikaw itong nagagalit sa kanya at gusto mong magdusa kaming dalawa!"
Hindi ako makaimik dahil sa mga sinasabi ni Chad. Para akong naiiyak dahil sa mga sinasabi niya. Ang sakit-sakit sa puso ng ginawa ni Mrs. Cheng! How could she be so heartless?!
Pinalibot ni Mrs. Cheng ang kanyang mga mata sa amin na mga estudyante na nakikinig sa usapan nila ni Chad at may bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. Para bang nag-aalala siya na masisira ang kaniyang imahe dahil sa mga pinagsasabi ni Chad.
She faced Chad with great anger. "Shut your mouth up! Sabihin mo nga sa akin, Chad, kung hindi kaya kita kinupkop ng makulong ang nanay mo, ano kaya ang nangyari sayo ngayon? Malamang, pulubi ka! Pinatuloy kita sa bahay ko tapos eto ang igaganti mo sa'kin?!"
"Yes, pinatuloy mo nga ako sa bahay mo, Tita. Ang masakit pa eh may isang malinis na bakanteng kwarto pero sa bodega mo ako pinatulog! Parang pulubi na rin ako! Bakit ganun, Tita? Bakit kailangan mo talaga akong pahirapan? Alam ko na galit ka, pero nabulag ka talaga sa galit mo sa amin ni mommy? Ang sakit-sakit!" Sabi ni Chad at lumuha pa siya.
Naluha na rin ako. Shit, I can't help it alright! Nakakaiyak kasi talaga 'yung pinagdaanan ni Chad! Kaya pala ang angas-angas niyang umasta na parang wala na siyang pakialam sa matatapakan niya, dahil sa pinagdaanan niya. And I regret thinking that he's a coward. Naaawa ako sa kanya kahit na binastos niya ako.
"I said shut up and get out!" Bulyaw ni Mrs. Cheng kay Chad.
Like what Mrs. Cheng demanded, Chad stormed off from Mrs. Cheng's classroom. Agad namang sinapo ng matanda ang kanyang ulo na para bang stress na stress siya sa nangyari.
Nagulat kaming lahat nang biglang nahimatay si Mrs. Cheng. Agad-agad kaming humingi ng tulong sa mga naka-cloak na nakita namin na naglalakad sa labas.
Nag-panic ako ng konti dahil sa nangyari. Pinagpawisan ako. Paano kaya kung malubha ang kalagayan ni Mrs. Cheng? Yeah, I hate her sometimes pero mag-aalala parin ako sa kalagayan niya. Siguro nasa mid 50's na siya and baka hindi niya makaya ang sakit niya, kung meron man.
Pumasok naman ang isang teacher sa classroom ni Mrs. Cheng, kung nasaan parin kami. "Students, you are dismissed now. Malamang na-highblood iyong si Mrs. Cheng. Magiging maayos din siya."
Nagsitanguan na lamang kami at lumabas na galing sa room ni Mrs. Cheng. This had been a tough day. Damn!
Habang naglalakad ako, nakita ko si Selton. My heart is beating so fast. Naalala kong ginamit ko siya sa kasinungalingan ko kay Julia. Shit! I should make it up to him somehow! Nakokonsensya ako, at wala siyang kamalay-malay sa konsensyang iyon.
"Demerine, hey!"
"Hey," Sagot ko at pilit akong ngumiti. Hindi pa rin ako maka-get over sa mga nangyari kanina kina Mrs. Cheng at Chad.
Nakalapit na siya sa akin. "I've heard of what happened to Mrs. Cheng... You, are you alright?"
"Yeah, I'm fine. My concern now is Mrs. Cheng's health."
"She'll be fine, don't worry. She's strong." Selton said. And I know he's trying to cheer me up.
"I hope so," Tanging sagot ko.
"Hey, you wanna go to my place? Let's hang out kasi tutal, cleared naman ang schedule mo for this afternoon hindi ba?"
Nagulat ako sa tanong niya. Why does he know about my schedule? Imbis magtanong ako tungkol doon, hinayaan ko na lang at pumayag ako sa alok niyang pumunta sa dorm niya.
*****
Kasalukuyan akong nandito sa dorm ni Selton. Pumayag akong pumunta dito upang makabawi sa kanya at upang makita na rin ang kabuuan ng dorm niya—or should I say dorm nilang dalawa ni Madame Selina.
Bigla kong naalala, shit oo nga pala, baka nandito si Madame Selina! Bakit hindi ko kaagad naisip iyon?!
"Don't worry wala rito si Mom. Huwag kang matakot." Nakangiting sabi ni Selton at alam kong nakita niya ang bakas ng takot sa aking mukha. But then, I sighed in relief na wala dito si Madame.
Nang makapasok na kami ng buong-buo sa dorm nila, I can't help but to be really amazed. 'Yung dorm nila ni Selton, kagaya rin ng dorm ni MK. Pero mas marami nga lang silang figurines. Pero yung kay MK naman, puro paintings.
"Wait for a bit, okay? Kukuha lang ako ng chocolates mula sa fridge." Sabi niya sabay kindat.
Umiling ako. "Nako, 'wag na! I'm good."
"Please don't reject, Demerine. Hindi ko naman kasi mauubos 'yung chocolates sa fridge namin kaya mas mabuting pagsaluhan na natin." Nakangisi niyang sabi at pumunta na sa kusina nila.
Pinalibot ko ang aking tingin sa living room nila kung saan ako ngayon nakatayo. May chandelier din ang living room nila pero ibang style at hindi kagaya ng chandelier ni MK pero 'yung dyamanteng ginamit ay pareho. I wonder, are these gems real? If it is real, damn I'm sure it costs a lot of fortune! This university is freakin' rich, after all! Siguro 'nung hindi pa ito ginawang Death University, nandito na siguro itong mga dorm na 'to.
"Hey, here's the chocolates." Sabi ni Selton at may dala siyang mga tyokolate na Cadburry, Kitkat, Hershey, and Ferrero.
"Ang dami naman,"
"Enough for the both of us," He answered with a smile. Umupo kaming dalawa sa sofa. "Let's eat."
"Thank you, Selton. Okay na ako rito sa Cadburry." Sabi ko dahil hindi naman ako matinik talaga sa sweets. Tama lang.
"No, Demerine. Hindi ko 'to mauubos lahat. You shall get one of each."
"Okay lang talaga. Si Madame Selina baka kakain."
"No, she won't. She doesn't like sweets."
Wala na akong nagawa kundi kumuha na lang dahil sa pamimilit niya.
Sa kalagitnaan ng aming pag-kain, biglang tumayo si Selton at kumuha siya ng isang bagay mula sa isang cabinet. Tinignan kong mabuti ang kinuha niya and I saw that it was an ipod. With an ipod, you can listen to different songs. Meron din akong ipod pero iniwan ko sa bahay dahil 'nung maglayas ako, hindi ko dinala.
"Let's listen to some music," Aniya. I just gave him a nod at tinapos ko na ang kinain kong chocolate.
Habang pumipili si Selton ng kanta, I saw a lot of new songs from his ipod! There where songs by Ed Sheeran, there are songs of The Chainsmokers, etc. Nakita ko 'yung Perfect ni Ed, at meron ding Too Good At Goodbyes ni Sam Smith.
May kinlick si Selton na hindi ko nakita kung anong kanta pero kanta 'yon ng Coldplay.
When the song started, my heart beated so fast.
🎶Come up to meet you
Tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are🎶
🎶I had to find you, tell you I need you
Tell you I set you apart🎶
"I love this song. I think this is the best song of Coldplay and next to it is Yellow." Sabi ni Selton pero parang wala ako sa ulirat dahil may naalala akong memorya sa kantang 'to...
That night, the song that was played was The Scientist by Coldplay.
"I love that song," Aniya at namumungay ang kanyang mga mata.
"Me too," I said and I immediately stood straight dahil hindi ko pala namamalayan na kanina pa ako nakasandal sa dibdib niya. "S-Sorry."
"It's okay," He said and he smiled again, his hazelnut colored eyes also smiling. "I hope we can still stay like this but we will get back to normal."
"W-What?" I asked, confused.
"After this night, you will never find out who I am." He said.
I was shattered like hell. What does he mean?
"W-Why?"
"I think you don't have to find out who you are dancing with." He said that shattered my heart.
"Is this still a part of the mystery ball? And have I done anything wrong?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. What's with him?
"Let's just pretend that it is a part of the ball. And no, you haven't done anything wrong." He said. "Bye, Zaya."
"Zaya, are you okay? Hanggang natapos na ang kanta, wala ka pa ring imik diyan."
I immediately snapped out of my thoughts. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang kanta. Shit! I am thinking too much about the memories from the mystery ball months ago. I am still wondering who the guy is...
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro