Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Chapter 32: Offered

"P-Papaanong...?" Hindi ko matuloy ang tanong ko. "Mind reader ka ba?"

"Of course not! I just felt it! I felt that you are thinking of something or maybe... someone. Ang lalim ng iniisip mo." Sabi niya sabay irap.

Oh, okay. I thought he read minds! Nakakakilabot kaya kung ganon! Tapos, he's invading my privacy na if ever that he reads my mind!

"I'm gonna cook our dinner," Biglang sabi niya. Anong oras na ba?

"What time is it?"

"It's five in the afternoon," Sagot niya. Shit, it means napahaba pala ang tulog ko! "Magluluto na ako."

"You know how to cook?" Puno ng pagkamangha kong tanong.

"Yeah," Tipid niyang sagot.

Plus pogi points 'yan! He knows how to cook! Pero parang nakaka-abala naman sa kanya kung ipapagluto niya pa ako ng pagkain.

"I'll cook," Pag-volunteer ko.

"No. You have to rest, Zaya. Nahimatay ka."

"Nakabawi na ako ng lakas, MK. Don't worry about me."

"Don't be a pain in the ass. Go upstairs and rest. Tatawagin na lang kita mamaya kapag kakain na.".

Ouch. Pain in the ass, huh.

"Okay, fine." Sabi ko sabay irap at umakyat na ako sa hagdan.

Nang nakarating na ako sa pangalawang palapag ng dorm ni MK, nilibot ko kaagad ang aking tingin. Kahit dito sa pangalawang palapag, may sofa. Sa tapat ng sofa, may beanbag.

May different paintings din na nakapaskil sa kanyang mga dingding. There's a forest type of painting, an ocean type of painting, and a sunrise type of painting. He likes paintings, huh?

Ilang minuto na akong pasikot-sikot dito sa pangalawang palapag ng dorm ni MK at nagulat ako dahil sa masarap na aroma na aking naaamoy. Biglang kumalam ang aking sikmura.

Wow, amoy pa lang, masarap na! Paano pa kaya kung kakain na ako? My stomach is growling! Damn, based on the aroma of MK's cooking, masarap siyang magluto! He has talent in cooking!

Ilang minuto ang nakalipas nang tawagin niya na ako.

Bumaba na ako at umupo na agad sa hapag-kainan dahil na-prepare niya naman na lahat ng kakailanganin naming dalawa sa pag-kain. Ako na lang mamaya ang maghuhugas ng pinggan upang makatulong na rin sa kanya.

Ang ulam na kanyang niluto ay shrimp sinigang and damn, he cooks so good! His sinigang is one of the best sinigangs I have ever tasted in my entire life! He really has talent in cooking!

After we ate, I think naparami ako ng kain! And gosh, I'm so full! Ang sarap niya talagang magluto! He needs to be my chef to cook for me for a lifetime, kung pwede lang.

Dinala ko sa sink ang aming mga plato at nang tangka ko ng hugasan ang mga ito, bigla niya akong pinigilan.

"No, ako ang maghuhugas ng pinggan. Just rest—"

"I can handle this. Hindi naman ako embalido." Putol ko sa sinasabi niya.

Hindi na siya nakaimik dahil sa sinabi ko.

Nang matapos kong hugasan ang pinagkainan namin, pinatuyo ko muna bago ilagay sa cabinet.

Biglang sumagi sa isip ko, kung dito ako magpapalipas ng gabi, saang kwarto ako matutulog? Sa kwarto ba ni MK? Magkatabi kami doon sa malaki niyang kama?

No way! Hindi pwede. Hindi talaga pwede 'yun! Kailangan ko na siyang tanungin kung magkatabi kaming matutulog!

"Umm, s-saan ako matutulog nito? Hindi naman kasi pwedeng magkatabi tayong matulog." Mahina kong sabi sa kanya.

"Sa kabilang kwarto ka matutulog. There's a vacant room upstairs." Sagot niya. Thank goodness! Akala ko kung magkatabi kaming matutulog mamaya. Nakahinga ako ng maluwag.

Nanlalagkit na ako sa katawan ko. Kailangan ko na talagang maligo! Pero ang problema, wala akong pamalit na damit.

"U-Umm... MK, wala akong damit pantulog."

"Not a problem. Meron ako ritong damit na maliit sa'kin. Pwede mong suotin." Sagot niya. "Wait here."

Tumango lang ako bilang sagot.

After a few minutes, he's back. Agad niyang ibinigay sa akin ang isang blue t-shirt at isang white shorts na ang hangganan ay malapit na sa tuhod ko. Para nga siyang pedal kung titignan sa akin.

"Salamat,"

Tumango siya. "May banyo rito sa baba, malapit sa kitchen. Doon ka na maligo. May sabon na roon at shampoo. Lahat ng kakailanganin mo ay nandoon na kaya you have nothing to worry about."

Tumango ako at dumiretso na sa kung saan ang banyong tinutukoy niya. When I entered the bathroom, namangha ako. It looks luxurious! Parang 'yung bathroom sa mga expensive hotels! Damn officers!

Agad-agad kong isinara ang pintuan at naghubad na ng damit. Pumasok pa ako sa isa pang pintuan, which is leading to the shower. The door leading to the shower room is made of glass!

Sa shower, may tatlong buttons na magkakatabi. Cold, hot, and warm. I tried the cold button and shit, ang lamig-lamig ng tubig! Agad-agad kong pinatay ang shower. Hmm, ayaw ko naman ng 'hot' dahil alam kong masyadong mainit ang tubig. So, I'll choose warm. I clicked the 'warm' button and the water feels so good. I saw a white body wash and I got some of it and I spread it on my skin.

Pagkatapos kong maligo at magpatuyo ng katawan, sinuot ko na ang damit na ipinahiram ni MK. Napag-desisyunan ko na ring lumabas na ng banyo.

"Follow me. I'll show you to the room where you'll sleep in." Sabi ni MK. Hinintay niya pala akong matapos maligo.

I just nodded as an answer, then I followed him.

Nang makaakyat na kami sa pangalawang palapag ng dorm niya, iginiya niya ako sa kaharap na pintuan ng kwarto niya. It must be the room he's talking about.

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa akin ang malinis at organisadong kwarto at sa gitna, merong isang king-size bed na sa tingin ko'y kasing-laki ng kama niya na tinulugan ko kanina nang nawalan ako ng malay. Ang nag-iba lang, 'yung kulay ng beddings. 'Yung beddings ni MK ay may hint ng kulay gray. Dito naman, kulay puti lahat.

"Have a good night," He coldy said before he left and went to his room.

Napabuntong hininga na lamang ako. Bakit ba ang cold niya? Did I do something wrong? What did I do? May nasabi ba akong masama? Arg, nakakainis!

Umiling na lamang ako at tuluyan ng pumasok sa kwartong ipinahiram niya sa akin at isinara ko ang pinto. Agad-agad akong sumampa sa sobrang lambot na kama.

Bigla akong nakaramdam ng antok. Gosh, I really need to rest this out!

Tumayo muna ako upang hinaan ang temperatura ng air conditioner. At dire-diretso akong sumampa sa kama and after a few minutes, I already fell asleep.

*****

I woke up early in the morning. I heard the chirping birds outside the window. I stretched my arms and legs first before I jumped out of the bed. I then combed my hair with my fingers.

Lumabas muna ako ng kwarto at dumiretso ako sa baba kung saan ang kusina upang makapag-hilamos ng mukha.

After I rinsed my face, I thought of cooking breakfast for MK and I. I just wanna cook for him as a 'thank you' to him because of his kindness to me. I want to thank him for letting me stay here in his dorm. Mukhang tulog pa siya dahil wala akong nararamdamang presensya.

I opened his refrigerator to see what ingredients he has. Then, I saw lots of food. His refrigerator is so big,too! And it looks like magtatagal ang mga pagkain dito for months and months!

Kinuha ko ang isang pack ng hotdog mula sa freezer at kinuha ko ang isang can ng meatloaf. I then prepared everything that I need for cooking. After preparing the ingredients I needed, nilagyan ko na ng cooking oil ang pan.

Nang uminit na ang mantika, I put the hotdogs inside the pan. Nang matapos ko ng maluto ang hotdogs, isinunod ko na ang meatloaf na na-slice ko na.

*****

Pagkatapos kong malagay sa plato ang mga niluto ko, inilagay ko na ito sa lamesa at isinerve ko na rin ang kanin. I then took two plates, spoons, and forks for the both of us. Kumuha na rn ako ng dalawang baso at tsaka pitsel ng tubig.

After I was done, tinignan ko ang aking mga niluto. Well, it's all perfect. I have nothing to worry about.

Walang ano-ano'y nakarinig ako ng mga yapak sa hagdanan. Bigla akong nakaramdam ng kaba. What would be his reaction? Damn it!

Nagtaas siya ng kilay. "Why did you cook? You should have rested."

"Uulitin ko, hindi ako embalido, MK." Naiirita kong sabi sa kanya.

Bakit ba embalido ang tingin niya sa akin? I'm not a person with disability! Can't he just thank me for cooking our breakfast?

"Alright, I'm sorry... I'm just worried about you and I hope you understand that."

Worried. Worried. Worried. My heart is beating so fast! Shit, why is he worried about me?

"Why are you worried of me? Just tell me the damn truth! Anong meron sa akin at bakit mo ako kailangang protektahan?"

Bumuntong hininga siya. "Come on, let's eat."

"No! Gusto kong malaman kung bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to. Bakit mo ba ako tinutulungan? Bakit mo ba ako pinoprotektahan?"

"Let's eat," Umiwas lang siya ng tingin at dumiretso na sa dining table.

"Come on, answer me!"

"Fine. You want an answer? Okay, I'll give it you." He answered, sending dagger looks on me. "I'm... not protecting you. I just offered you. Magpasalamat ka na lang at buhay ka pa ngayon dahil sa akin! I offered you my dorm dahil naaawa ako sayo and that's it!"

Sa sinabi niya, doon ako natauhan. Shit. I was overacting again. He was not protecting me. He just offered dahil naaawa siya sa akin.

"When you asked me yesterday about this matter, hindi kita sinagot. Dahil... masasaktan ka lang sa sasabihin ko na naaawa lang ako sayo. I just offered you, Zaya. Nothing more, nothing less."

That was it. What he said was like a knife that keeps on stabbing my heart and I don't know why I'm hurt. But then, ang sakit lang sa pakiramdam ng sinabi niya. So, it was just out of pity, huh?

I should really stay away from him for my own good. Parang napapalapit at napapalapit na ako sa kanya and this is not good.

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro