Chapter 31
Chapter 31: Stop
Nagising ako dahil sa ingay ng malakas na pagbuhos ng ulan. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata para maging malinaw ang paligid.
Nang magising na ng tuluyan ang diwa ko, nagitla ako at napaupo. Shit, where am I?! Nasa isang kama ako ngayon at kulay puti ang bedsheet nito, gray ang kumot, at kulay puti ang mga unan. I can smell the muscular scent all over the bed. Wait... where the hell am I?
Shit, did I get raped?! Oh my God!
Agad-agad kong kinapa ang buong katawan ko para malaman kung may damit ako. And thank God, meron! But whose bedroom am I in? Kaninong kwarto 'to? Batay sa pag-amoy ko sa mga unan, kwarto ito ng lalake! Shit!
Inamoy-amoy ko ulit ang unan and the scent is very familiar. Umalis ako mula sa kama at inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng kwarto ni lalakeng-hindi-ko-alam-kung-sino.
Nang nakalabas na ako ng kwarto ni lalakeng-hindi-ko-alam-kung-sino, maingat at nanginginig kong isinara ang pinto ng kwarto.
Tinignan ko ang kabuuan ng dorm niya at na-realize ko na kung nasaan ako.
I'm here at MK's dorm!
Ang kaba sa puso ko ay unti-unting nawawala. Bakit nawala ang kaba sa dibdib ko? Bakit nang nalaman kong nasa dorm pala ako ni MK, bakit nawala 'yung takot ko?
Maingat akong bumaba sa hagdan at nakita ko si MK na may niluluto sa kusina.
Nang nakababa na ako ng tuluyan, nalanghap ko kaagad ang masarap na amoy ng chicken soup. Sandali... Why is the smell of the chicken soup so familiar?
Nang mukhang naramdaman ako ni MK na nasa likod niya ako, he immediately turned to me and gosh, I couldn't believe I will say that he looks like a Greek God! Parang si Selton lang, eh. Selton looks like a God too based on his looks. Habulin pa naman ng mga babae 'yun. I think habulin din ng mga babae 'tong si MK. He looks so attractive with his white long-sleeved polo!
Gosh, Zaya, are you drooling?! I immediately snapped out of it.
"That's a good thing that you're awake para makakain ka na. I need to talk to you, but before that, eat this chicken soup first." Malamig niyang sabi. Shit, ano na naman ang pagkakamali ko para tratuhin niya ako ng ganito?
"A-Aalis na ko," Mahina kong sabi.
Tumiim naman ang kanyang bagang. "No, you won't leave. The rain is pouring so hard."
"K-Kaya ko naman 'tong ulan, eh." Sabi ko at nang nakita kong may galit sa nga mata niya, napayuko kaagad ako. Shit.
"Zaya, nahimatay ka kanina! Tapos kung hahayaan kitang umalis ngayon, magkakalagnat ka!" His voice raised.
Nararamdaman kong nag-aalala siya pero hindi ako sigurado kung nag-aalala talaga siya o pakiramdam ko lang 'yun.
"Just eat, Zaya. We will talk after you eat." Sabi niya sabay turo sa chicken soup sa lamesa.
"O-Okay. T-Thank you." Sabi ko at umupo na ako sa upuan para kumain ng chicken soup na niluto niya.
Nang tinikman ko ang chicken soup, wow, the taste is so familiar! At ang sarap talaga! Parang natikman ko na 'to dati! Hindi ko lang maalala kung saan ko 'to natikman.
Ilang minuto ang nakalipas nang natapos kong kainin ang chicken soup and as in, walang natira! Simot na simot ko ang bowl kasi nga ang sarap talaga!
Hinugasan ko ang pinagkainan ko at kumuha ako ng baso tsaka nilagyan ng tubig. Pumunta na kaagad ako sa living room ni MK kung saan siya ngayon. Nakaupo siya sa sofa at naka-dekwatro pa.
Umupo ako sa harap niyang sofa. I failed to mention, dalawa 'yung sofa niya at ang lalaki pa ng mga ito! Ganon ba talaga ka-espesyal kapag officer ka?
"So, ano ang pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako sa mga mata kaya agad akong umiwas. "I told you to stay here, right? Why did you fucking leave?"
Shit, nag-aalab sa galit ang mga mata niya. Parang may apoy sa loob!
"K-Kasi may narinig a-akong kalabog sa labas." Sabi ko at pinaglaruan ko ang aking mga daliri para hindi ako kabahan ng todo.
"Dahil may kalabog, lumabas ka? How stupid!" Naiinis niyang sabi.
"You don't have to lecture me—"
"But you have to be lectured!" Sigaw niya.
Bigla akong natakot sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko. Napayuko ako.
"You have to be lectured, Zaya. Mapanganib ang ginawa mong paglabas ng dorm ko! I told you to stay, but you didn't! The worst is, nahimatay ka pa, Zaya! Mabuti at nandoon ako para saluhin ka!" He said to me, raising his voice.
"W-Why are you protecting me, anyways?" Naiirita kong tanong, facing him.
Hindi siya nakaimik.
"Bakit mo ba ako pinoprotektahan? Bakit hindi mo ako hayaang mamatay at pumatay?" Tanong ko pa kasi hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit siya nagkakaganito.
Hindi ulit siya umimik. Oh, come on! Bakit hindi niya ako sinasagot?! I need answers now!
"Answer me, MK! I beg you! Naguguluhan na talaga kasi ako!" Nagmamakaawa kong sabi sa kanya. "You have to explain because—"
Hindi ko napatuloy ang sinasabi ko ng may kumatok sa pintuan ni MK. Tumayo agad siya para makita kung sino ang kumatok. Sinundan ko siya ng tingin. Tumingin siya sa peephole.
Nang binuksan niya ang pinto, nakita ko ang isang naka-cloak na lalake. Hindi kita ang kanyang buong mukha pero malalaman mo agad na lalake ito dahil maskulado ang dating at kita ang balbas nito.
"Ayos lang po kayo?" Tanong nang naka-cloak na lalake na ipinagtaka ko.
'Po'? Is MK royal or something? Hindi naman siya matanda eh bakit may 'po'? Ganon ba kapag officer ka? Tinatanong ka kung ayos ka lang?
"Yes, I'm perfectly fine. You can go now." Sagot ni MK na ikinatango lamang ng naka-cloak na lalake at umalis na ito. Agad na isinara ni MK ang pintuan.
"Wow, grabe naman kayong mga officer. Kinukumusta kayo kung ayos lang kayo." Sabi ko sa kanya.
"Stay here for the night."
Stay here for the night
Stay here for the night
Stay
My heart is beating so fucking fast that I can't contain it!
"H-Hindi pwede," I disagreed.
"Why not?"
"M-May dorm ako, MK."
"It's too dangerous outside, Zaya." Seryoso niyang sabi sa'kin.
"Y-You're creeping me out. Bakit ba concern ka sa akin?" Sabi ko. "I don't care if it's dangerous! Kaya ko ang sarili ko!"
He sighed. "You can't go out. I know you're scared, and that's the truth. Marami pang estudyante ang naglalakad-lakad para maghanap ng papatayin, Zaya. You can be their victim if you'll insist to go. Ang dami kaya nila. A lot of them versus you? Hindi mo sila kakayanin."
Bigla naman akong natakot sa sinabi niya. Parang nawalan ako ng lakas na umalma. That hit me to the bone.
"O-Okay, fine." Nakayuko kong sagot. He's right. If I go out, I'll be dead! Ako na isa lang, laban sa marami? Shit, I'll be dead immediately!
"P-Pero MK, s-saan ako matutulog nito? Kailangan kong umuwi sa dorm ko." Sabi ko at kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.
"Obviously, you're sleeping in one of my rooms."
"A-Ayoko," Pag-hindi ko. I should disagree because it's the right thing! At bakit ba ako kinakabahan ng sobra?!
"Why not?" Nakataas kilay niyang tanong.
"N-Nakaka-abala sayo," Nauutal kong sagot habang nakayuko pa rin.
"Hindi ka nakakaabala, okay? Just accept my offer. No rejections." Masungit niyang sabi.
Naalala ko bigla si Selton. Ayaw niya rin na tinatanggihan ko siya. Pareho silang dalawa.
"Stop thinking of anyone or anything while you're with me," Biglang sabi ni MK na ikinagulat ko.
I froze. Paano niya 'yon nalaman? Mind reader ba siya?
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro