Chapter 29
Chapter 29: Onyx
I'm all yours right now
I'm all yours right now
I'm all yours right now
Shit, why does his last sentence playing in my mind again and again like a broken record?
"I'm all yours right now, Demerine. Nandito ako ngayon para damayan ka... Mabuti lang at napadaan ako rito at narinig kita."
Oh, 'yun pala 'yun. Akala ko kung ano na. Parang ang husky kasi ng pagkakasabi niya nung 'I'm all yours right now'. Nakakapanindig balahibo. Mabuti naman at naliwanagan na ako.
"S-Salamat sa panyo, Selton, ha? Labhan ko muna 'to bago ko ibalik."
"Kahit hindi mo na labhan, Demerine, pwede mong ibalik." Naka-smirk niyang sabi na nagpabigla sa akin.
"Ikaw talaga," Nakangiti kong sabi sabay hampas ng dibdib niya.
"I'm just kidding. Gusto lang kitang patawanin."
"Thank you for being here, Selton. I feel relieved somehow." I said with a warm smile.
"You're always welcome, Demerine. Always welcome..." He said with his signature smile. "Bili kaya tayo ng pagkain?"
"Eh? Kakakain ko lang 'nung sushi,"
"Ay, oo nga pala. Edi samahan mo na lang akong bumili." Nakangisi niyang sabi.
Of course I can't say no to him. Sasama ako sa kanya upang makabawi sa pagmamagandang-loob niya sa akin. Bago kami umalis, pumunta muna ako sa fountain mismo upang maghilamos ng mukha because I look like a mess! Malinis naman ang tubig doon kaya no worries.
Dumiretso kami sa grocery store at pumili si Selton ng makakain. Pumunta siya sa Korean food section. Hindi ko akalain na interesado pala si Selton sa Korean foods kagaya ko.
"Kumakain ka rin pala ng Korean foods?" Natanong ko.
"Yeah, my dad was the one who influenced me to eat Korean foods when I was a kid." Sagot niya habang pumipili ng pagkain.
Pero nagtataka ako. Kung parehong nandito si Selton at Madame Selina, nasaan ang padre de pamilya nila?
"Nasaan 'yung dad mo, Selton? Kasi diba, pareho kayo ng mom mo ang nandito."
"He's dead," Sagot niya nagpagulat sa akin. Na-guilty tuloy ako dahil sa tinanong ko pa sa kanya.
"I-I'm sorry if I asked. H-Hindi ko alam. Sorry talaga."
"It's okay, Demerine. You don't need to apologize. Nagtanong ka lang naman so nothing's wrong with that." He said with a smile that didn't reach his eyes. "My Dad died when I was only twelve. He's been gone for ten years."
Wait, kung 12 years old siya 'nung namatay ang dad niya, and then ten years na ang nakalipas, it means na 22 years old na si Selton ngayon?
Pareho sila ng edad ng presidente nitong Death University? Eh... paano kaya kung siya ang presidente at hindi niya lang sinasabi sa akin? Shit, parang kinakabahan ako... Pero sandali, ang labo yata kung siya ang presidente ng DU. 'Yung pangalan ng President, Dark Damier Syracuse. Paanong naging si Selton 'yun? Pero kasi pwedeng si Selton 'yung presidente kasi 'yung headmistress ng DU ay 'yung nanay niya kaya fit na fit sa kanya ang posisyon.
"Demerine, are you okay? Mukhang ang lalim yata ng iniisip mo."
I snapped out of my thoughts immediately and faced him. "A-Ah, w-wala to. May naisip lang akong walang kwentang bagay."
"Okay, then." Sabi niya sabay kuha ng dolsot bibimbap na nasa styro... At dalawa pa talaga ang kinuha niya. Parang alam ko na 'to.
"Wait, 'wag na, Selton!" Pag-ayaw ko. Nakakahiya kasi talaga sa kanya!
"Demerine, I insist." He said and I sighed in defeat. Hindi talaga siya magpapatalo sa'kin, ano?
Napabuntong hininga na lamang ako. Why is he doing this? Bakit palagi siyang nagmamagandang loob sa'kin? Bakit ang bait niya masyado?
"Demerine, let's go? Bayaran ko na 'to or may bibilhin ka pa?"
"Halika na, wala naman na akong bibilhin."
"Oh, okay. Let's go pay, then." Sabi niya sabay hatak sa akin papuntang kahera.
Pagkatapos niyang bayaran ang pagkain namin, lumabas na kami ng grocery store. At pagkalabas na pagkalabas namin, ibinigay niya sa akin ang isang styro ng bibimbap.
"Selton, please, huwag mo akong palaging ililibre," Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Why? You know, you're so different from other girls. They don't reject my offer every time. That's why I like you. You're unique than any other." He said that it made me freeze.
Like? He likes me? Hindi ako makaimik sa kanya.
"I like you... as a friend, Demerine."
Oh, that's it. Akala ko kung ano ng 'like'. Mabuti naman at naliwanagan na ako. He likes me as a friend and well, I'm flattered.
"Thank you for liking me as your friend. But really, don't keep on buying me stuff 'cause I can buy it my own. Marami na akong utang na loob sayo, Selton. Nakakahiya na talaga."
"Okay, okay. If that makes you happy, then fine."
We were interrupted by a lady in her 40s and I think she is one of the officers here in DU.
"Selton, pinapatawag ka ng headmistress. Sasamahan kita papunta sa kanya ngayon. Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala." Sabi 'nung babae.
"Oh. Can't that wait? I'm with my friend—"
"Selton, it's okay. Just go ahead." I said with an assuring smile.
"But you have a problem—"
"I'm okay now. Thanks to you."
"Are you sure?"
"Yes. Sige na baka mainip na si Madame Selina kakahintay sayo."
"Okay, see you when I see you." Sabi niya sabay kindat at umalis na sila ng officer.
Nang mawala na sila sa paningin ko, pansamantala akong naupo sa isang bench sa labas ng grocery store. I'm thinking about what happened to Julia and I today. This is a tough day.
Bigla kong naalala si Coal... Coal, the black horse. The majestic horse that I saw inside the woods.
Hala, hindi ko na pala siya nabisita ulit! Nakalimutan ko! Sabi ko pa naman sa kanya na babalik ako.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at naglakad na ako sa kung saan ko siya nakita last time. Akala ko eh wala na siya rito at baka tinransfer siya ng nagmamay-ari sa kanya. But I was wrong... He's still here. I hurriedly went towards him. Wow, he's majestic as always. Hindi siya nagbabago. Ang ganda-ganda talaga ng kabayong 'to.
He's sparkling when he's black skin is hit by sunlight. I love it. Sana ako na lang ang nagmamay-ari sa kanya. I think his owner is so lucky to have him. And I can see na palagi siyang inaalagaan ng owner niya dahil ang ganda-ganda at healthy niya.
Kung sino man ang nagmamay-ari kay Coal, I must say that he/she is so responsible...
Habang hinihimas ko ang makinis na balat ni Coal, biglang may umubo sa likod ko. Napatingin agad ako kung sino ang umubo.
My heart skipped a bit when I saw who the person was.
MK...
Shit, why is he here?! Is he following me or something?
"A-Anong ginagawa mo rito?" Natataranta kong tanong sa kanya.
"I should be the one who's asking you that, Miss Dawnt. What are you doing here?" He said in a cold voice.
"N-Nandito ako para... uhh... p-para bisitahin ang magandang kabayo na 'to." Sabi ko sabay iwas ng tingin. Mukhang wala siya sa mood ngayon, ah?
"How did you know him?" Maginaw niya pa ring tanong.
"W-Well, aksidenteng napadpad ako rito kaya nakita ko siya noon. Nagandahan ako sa kanya kaya bumalik ako ngayon." I said. What I said is true at walang halong pagsisinungaling. "U-Uhh, kilala mo ba ang nagmamay-ari sa kanya?"
He raised a brow. "Why are you interested with the owner, hmm?"
"Kasi, I must say na he or she is a good and responsible owner because this black horse right here, is so beautiful and healthy."
"If I say that I am the owner, will you believe me?" He asked, which made my heart beat fast.
"W-What?" Hindi ko makapaniwalang anas.
"I am the owner of that black horse, Miss Dawnt... And his name is Onyx."
Pagkasabi niya 'nun, parang gusto kong lamunin na ako ng lupa! Shit, why didn't I think about that in the first place? Bakit hindi ko kaagad na isip na siya ang nagmamay-ari kay Coal? Darn it!
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro