Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Chapter 26: Chasing Cars

Bigla akong naalarma sa pagpihit ng pinto kaya dali-dali kong itiniklop at itinago ang papel sa aking bulsa.

"Zee, bakit mukhang tense na tense ka? May humabol ba sayo or something? May nangyari bang masama?" Tanong agad ni Julia ng makapasok na siya sa dorm namin. And I can feel that she is worried based on her voice.

"A-Ah, w-wala naman... Tumakbo lang ako kanina dahil naiihi na ako kaya mukhang tense ako." Pasisinungaling ko sa kanya.

I'm really sorry if I'm lying to you, Julia. Masasabi ko rin ang nga katotohanan na nalaman ko sa tamang panahon. Ayokong dumagdag pa 'to sa mga iniisip mo.

"Are you sure?"

"Oo naman," Sabi ko sabay ngiti ng pilit.

"Sige, akyat muna 'ko."

"S-Sige, Juls." 

When finally, nang nawala na sa paningin ko si Julia, lumuwag ang aking pakiramdam. Kinuha at binuklat ko ulit ang papel na may stamp.

Shit, whose blood is this? Is this animal blood or human blood? Why would Mr. Leonsio use blood as ink of the stamp? Nang maisip ko na ang tinta ay gawa sa dugo ng tao, kumulo ang dugo ko. Mga walang puso sila! Kikitil ng buhay ng tao upang makakuha ng dugo bilang tinta!

Hindi ko namalayan na nasiko ko pala ang vase dahilan para mabasag ito. Crap. Dali-dali akong lumuhod para pulutin ang mga bubog ng nabasag na vase na dapat hindi ko pala pinulot dahil alam ko namang masusugatan ako!

Dumugo ang aking dalawang daliri dahil sa nahawakan ko ang matulis na parte ng nawasak na vase. Ugh.

"Zaya, hey, are you okay?" Biglang sabi ni Julia habang dali-daling bumababa sa hagdan.

"O-Okay lang ako, Juls," Sabi ko sabay tayo at kuha ng walis at dustpan.

"Bakit mo naman hinawakan? Nagkasugat ka tuloy. Ako na ang magwawalis niyan. Hugasan mo muna 'yang kamay mo." 

"Kaya ko naman—"

"Sige na, Zaya, hugasan mo na 'yang kamay mo at baka maimpeksyon pa." Aniya, sabay kuha ng walis at dustpan sa kamay ko at winalis niya na ang nabasag na vase.

"T-Thanks, Juls."

"Walang anuman. What are friends for, diba?"

Ngumiti na lamang ako at hinugasan ko ang kamay ko and shit, it hurts like hell! Parang mapapaiyak ako dahil sa sakit na aking nararamdaman. Sobrang hapdi!

"Masakit lang talaga pero mawawala rin naman 'yan," Aniya at ipinasok sa basurahan ang nabasag na vase.

"Sandali, kukunin ko muna 'yung first aid kit sa taas." Sabi ko.

Pumunta na ako sa pangalawang palapag ng dorm namin ni Julia at kinuha ko ang first aid kit. Kumuha ako ng betadine at bulak.

Pinatakan ko ng betadine ang bulak at ipinahid ito sa aking sugat. Mabuti naman at hindi masyadong malalim.

Dapat hindi muna ako maglilikot dahil ang hapdi-hapdi pa nitong kamay ko. Pinalibutan ko na rin ito ng maliit na benda na tamang-tama lang ang sukat sa aking dalawang daliring may sugat.

Pero paano ako makakasulat kung ganito ang kalagayan ko? Hays, nakakainis naman. Baka hindi pa maniwala ang mga prof ko na may sugat ako sa kamay. Baka sabihin nila, pwerket may benda 'yung daliri ko, maniniwala na sila. Sasabihin nila nagpapalusot lang ako.

"Zaya, okay na ba 'yang kamay mo? Nalagyan mo na ng benda?" Nagulat ako nag biglang nagsalita si Julia. Akala ko ay nandoon pa siya sa baba pero nakaakyat na pala siya rito.

"Yeah, it's done." 

"Good, then. You better rest. At ako na ang magluluto ng dinner natin mamaya."

Napatayo agad ako, "Kaya ko namang magluto, Juls. Ako na lang... at diba, hindi mo pa natapos ang ten-thousand word essay mo?"

"Don't you worry about the essay, Zee. Matagal pa ang deadline 'non. Ako na ang magluluto ngayon. May sugat 'yang kamay mo at baka lumala lang."

"Fine. Thanks, Julia." Nakangiti kong sabi. Pero sana ako na lang talagaang magluluto dahil alam ko gagawin niya pa ang ten-thousand word essay niya. But then, she insisted. Ano pa ba ang magagawa ko?

Napag-desisyunan ko ng maligo muna para maging maginhawa ang pakiramdam ko. At para na rin diretso-diretso na mamaya ang tulog ko.

Nang ako'y nasa bathtub na, I feel kind of relax dahil hindi masyadong maginaw ang tubig. The water is just so warm. Napag-isipan kong umidlip muna sandali.

Napamulat ako nang aking mga mata ng marinig ko ang katok mula sa bathroom door.

"Zaya, uy, buhay ka pa ba? Huwag mo 'kong takutin." Si Julia iyon.

"Oo, buhay pa ako. Sandali lang magpapatuyo lang ako at magbibihis."

"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo riyan sa loob! Nag-alala ako. Oh sige na, magbihis ka na riyan at kumain na tayo."

This conversation happened before. Déjà vu.

"Okay, Juls." Huling sagot ko at nagpatuyo na ako ng aking katawan at nagbihis.

Sinuot ko ang aking pambahay na damit at sinuklay ko ang aking mahabang buhok. At pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng banyo. Pagkatapos kong masampay ang tuwalya, bumaba na kaagad ako at dumiretso na ako sa dining room upang kumain kasama ang best friend ko.

I saw a fried salmon and rice served on the dining table. 'Yung grocery store nitong Death University ay may lahat-lahat na uri ng isda. Isa na roon ang pating. Shark, whale slices, dolfin slices, name it. Meron doon. Ang weird nga. 

Habang kumakain kami, naalala ko na naman ang dugo na sumisilbing ink sa stamp ni Prof Leonsio. I can still remember the smell and nasusuka ako!

"Zee? What's the matter?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Julia.

"Nothing," Inubos ko na lang ang natitirang kanin sa plato ko at agad-agad akong tumayo upang hugasan ang pinagkainan ko.

"Uy, ako na ang maghuhugas ng pinggan. Leave it there."

"Juls, ayos lang naman. Kanina 'nung naligo ako, hindi naman nakapasok ang tubig sa daliri ko dahil napalibutan talaga ng benda ang sugat." Totoo naman kasi. At kaya ko naman. Ayaw kong iasa 'yung mga gawain kay Julia pwerket may sugat ako.

"Oh sige na nga," Sabi niya at dinala niya na rin sa sink ang plato niya. "Sigurado ka bang kaya mo?"

"Oo naman. Konti lang naman 'to." Panatag na sagot ko sa kanya.

"Okay, sige. Aakyat lang ako sa taas para madagdagan ko ang essay ko."

"Sige, good luck on that." Sabi ko at hinugasan ko na ang pinagkainan namin at umakyat naman si Julia sa taas.

Pagkatapos kong maghugas ng mga plato, pinatuyo ko muna ang mga iyon bago ko ilagay sa lalagyan. Tapos napaisip ako, hindi ko pa pala talaga nakikita ang presidente nitong Death University. 22 years old president, huh... I wonder what he looks like. I'm just curious.

Pero imbis na siya pa isipin ko, ang dapat kong isipin ay kung ano ba ang kakantahin ko sa music fest. Nakakainis, ang dami nilang kaartehan. Umakyat na ako sa taas sa at pumasok na ako sa kwarto. Agad na bumungad sa akin si Julia na nakasuot na ng kanyang pantulog at nakadapa siya sa kanyang kama habang nagsusulat para sa essay niya.

"Oh, kamusta na 'yang essay mo, Juls?" Pangungumusta ko sa gawa niya.

"Hmm, okay naman. Pero three thousand words pa nga lang 'to." Sagot niya at ngumuso.

"Malalampasan mo rin 'yan, Juls. Ako nga oh, namromroblema din sa kakantahin ko." Sabi ko at bumuntong hininga ako.

"Kaya natin 'to," 

Ang mga sumunod na pangyayari eh abala kaming dalawa sa kanya-kanya naming gawain. Siya, nagsusulat ng essay. Ako naman, abala sa pagpili ng kakantahin ko sa music fest.

*****

Gumising ako ng maaga. This is the day of the music fest. Walang pasok ngayon dahil ang music fest ay gaganapin sa buong araw na 'to. Maaga akong gumising dahil magpra-praktis pa ako.
Napag-desisyunan ko ng maligo.

Pagkatapos maligo, sinuot ko ang blue off-shoulder body-hugging dress ko at tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Sinuot ko ang aking blue flats. Pagkatapos ko ring maligo, sumunod na gumamit ng banyo si Julia upang makaligo na rin. Nagsuklay na ako ng aking buhok.

Hindi naman na masyadong mahapdi ang sugat ko sa daliri kaya ako na ang nagluto ng agahan. Labag sa loob ni Julia na ako ang magluluto but I insisted.

Nang matapos na akong kumain, nag-toothbrush na ako at hinanda ko na ang aking sarili para sa music fest. Students should gather at the school dome. Time check, it's 9:30 in the morning. 10 magsta-start ang programa. May speech pa si Madame Selina at ayaw kong makinig pero kailangan daw nandoon lahat ng estudyante.

Sabay kaming pumunta ni Julia sa school dome at mabuti dahil may mga bakante pang upuan sa likuran kaya roon kami naupo.

"Good morning to all students! It's me of course, the headmistress of Death University... I want you to enjoy this day dahil minsan lang nagaganap itong event na 'to. At baka last na 'to." Panimula ni Madame. "Kasi itong music fest, maliit na kasiyahan lamang. Because after this, killing will continue. No limitations. It means na kahit ilan pang tao ang mapatay mo, bahala ka. It's up to you. You're free to do so."

Biglang kumulo ang dugo ko at nakuyom ko ang dalawa kong mga kamay dahil sa galit na aking kinikimkim. Demonyo talaga siya!

Biglang nagdilim ang langit na ikinagulat ng mga estudyante at mga guro. Pati si Madame Selina, nagulat din ng kaonti. Sino ba ang hindi magugulat? Eh maaliwalas kanina ang langit at bigla na lang dumilim.

"Relax ka lang, Zee. Alam kong parang pinapatay mo na sa isipan mo si Madame Selina..... At bakit kaya nagdilim bigla ang langit?" Ani Julia.

"Don't entertain the sky, students. Dito niyo e-focus ang atensyon ninyo sa akin dahil ako ang nagsasalita. Simpleng pagdilim lamang ng langit 'yan." Sabi ni Madame. "Mag-enjoy tayong lahat sa araw na 'to. And without further ado, let's start the music fest!"

Nagpalakpakan ang mga tao maliban sa akin. That lady doesn't deserve a clap from me. Demonyo siya. Nang kumalma na ako, biglang umaliwalas ang langit. I really don't understand this.

After half an hour, 10 students are done performing. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo dahil 12th ako. Bago pa ako makapaglakad papunta sa backstage, hinawakan ni Julia ang kamay ko.

"Go, go, go! Kaya mo yan, Zee!" Pag-cheer ni Julia sa'kin. Natawa na lang ako at dumiretso na sa backstage.

After kumanta 'nung nauna sa'kin, which is the 11th contestant, binigay na sa akin ang microphone. Nandito ako syempre nakatago sa backstage dahil ayoko ngang magpakita sa publiko.

I started to sing...

🎶We'll do it all
Everything
On our own🎶

Napansin ko 'yung nga estudyante kaninang nag-iingay, biglang tumahimik. Nakakahiya naman 'to, pero mabuti lang at hindi nakikita ang mukha ko. Namamawis na rin ako, eh.

🎶 We don't need
Anything
Or anyone🎶

🎶If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world?🎶

🎶I don't quite know
How to say
How I feel🎶

🎶Those three words
Are said too much
They're not enough🎶

🎶If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world?🎶

🎶Forget what we're told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life🎶

🎶Lets waste time
Chasing cars
Around our heads🎶.

🎶I need your grace
To remind me
To find my own🎶

🎶If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world?🎶

🎶Forget what we're told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life🎶

🎶All that I am
All that I ever was
Is here in your perfect eyes
They're all I can see🎶

🎶I don't know where
Confused about how as well
Just know that these things will never change for us at all🎶

Then I paused a bit before singing the last part of the song.

🎶If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world?🎶

After I was done with the song, I didn't expect people to clap for me! Hinayaan ko na lang at mabuti'y tapos na. This was such a hassle.

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro