Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25: Blood

"It's delicious, Zaya... very delicious. The most delicious cake I have ever tasted in my entire life."

What he just said echoed in my mind. I was stunned. I didn't expect that response from him.

The most delicious cake he ever tasted in his entire life. Sa lahat ng pwede niyang sabihin, bakit 'yon pa? I feel the warmth spread across my heart. Na-touch talaga ako roon!

"H-Huwag mo akong bolahin," Nauutal kong sabi sabay iwas ng tingin.

"I am not joking around, Zaya. Your cake really tastes so good, and I can't believe I will say this, but... can I bring some?"

Dahil sa sinabi niya ay natawa ako. Ganon ba talaga kasarap para sa kanya ang cake? Gusto niyang magbaon? But then I felt... happy. Why are you happy, Zaya?! Because he appreciates your cake? Ang babaw ata talaga ng kaligayahan ko...

Natigil na ako sa pagtawa at nagasabing, "Are you sure?"

"Yes, I'm one hundred percent sure, Miss Dawnt." Seryoso nga talaga siya.

"O-Okay, then?" Patanong kong sagot. Parang hindi kasi ako makapaniwala sa lalakeng 'to.

Kumuha ako ng disposable transparent container at naglagay ako ng dalawang malalaking slice ng cake. Pagkatapos kong mailagay ang dalawang slice ng cake sa container, isinarado ko na ito. I sealed it very well.

"Here," Sabi ko sa kanya sabay abot ng container na kanya ring kinuha.

"Thank you," Sabi niya nang makuha niya na ang container na may lamang cake tapos inayos niya ang kanyang black hat.

"Walang anuman. 'Wag mong sayangin ah?"

"Why would I even do that when it's very delicious?" Biglang tumunog ang kanyang relo at tinignan niya ito. "I have to go now. See you around. Thank you again."

"Y-You're welcome," Sabi ko na hindi makatingin sa kanya. Pakiramdam ko ang init-init ko! I just can't believe that he complimented my cake and also brought some!

When he finally left, napahawak ako sa countertop para masuportahan ang sarili ko dahil pakiramdam ko eh matutumba ako!

*****

Lunch time na at nandito kami ngayon ni Julia sa cafeteria. I ordered sinigang na baboy and rice for lunch.

"Hmm... Nakakaamoy ako ng cake." Sabi niya habang kumakain ng afritada at kanin niya. Grabe talaga ang pang-amoy ng babaeng 'to. Natawa naman ako sa kanya.

"Oo nga pala, I almost forgot! Ipapa-try ko sana 'tong cake na ginawa ko." Sabi ko sabay kuha ng malaking disposable tupperware sa bag ko na siyang naglalaman ng cake.

"Wow, ikaw talaga gumawa niyan? Marunong ka palang mag-bake? Hindi ka nagsasabi, ah!"

"Hindi naman ako expert. Namangha lang kasi ako sa culinary room kaya nakapag-bake ako."

Nang matapos na kaming kumain ni Julia ay kinain namin ang cake for dessert. Actually, nagtira kami para mamaya sa dorm.

"Zaya Demerine Dawnt, ang sarap ng cake na ginawa mo! Hindi expert? Talaga ba? Eh anong tawag mo diyan, ha?" Sabi niya at napatawa na lang ako.

*****

Nandito ako ngayon sa klase ni Prof Lona at nagsasalita siya tungkol sa program na gaganapin on the next two weeks. As usual, maraming nagrereklamong estudyante. It's either you'll perform music or write a ten-thousand word essay.

"Eto na lang, sa mga kakanta, pwedeng hindi niyo ipakita ang mukha niyo. That means na sa backstage kayo kakanta. The crowd will only hear your voice but they will not see your face... Sumasang-ayon ba kayo? 'Yan lang ang maibibigay ko sa inyong konsiderasyon." Sabi ni Prof Lona na nakapagpabuhay sa aking sistema.

Pwede talaga 'yon? Then I'm in! Ayokong mahati ang ulo ko kakaisip ng isusulat na ten-thousand words para sa essay, and my only choice is to sing backstage.

"Agree kayo, students?" Tanong ni Prof Lona.

Hindi kami umimik kaya napabuntong hininga si Prof Lona at nagsabing, "Basta, that's the only consideration I can give you. Class dismissed."

Tumayo na kami kaagad at niligpit na namin ang aming mga gamit sabay labas sa room ni Prof Lona. Nakita ko si Julia na naghihintay sa akin.

"Juls, nasabihan na rin ba kayo tungkol sa program?" Tanong ko kay Julia habang naglalakad kami.

"Yes! Nakakaloka kaya, Zee! Naiinis ako." Hysterical na sabi niya.

"Eh ano ang gagawin mo para sa program? Kakanta?" Tanong ko.

"I'll write a ten-thousand word essay rather than sing or dance or whatever."

Nagulat ako sa sinabi niya. Tell me she isn't serious?! She will write a ten-thousand word essay? No way!

"What? Tell me you're joking!" Sabi ko. I'm concerned for her. Why would she rather be stressed with the essay than to sing or dance?

"Oo nga, Zaya. Alam kong mahirap pero hayaan mo na. I already started writing the essay. Sayang naman ang pinaghirapan ko kung hindi ko tatapusin diba?"

Nabigla ako sa sinabi niya. She already started writing the essay? My God, hindi ko talaga kakayaning magsulat ng ten-thousand word essay at malapit na ang deadline! Pero si Julia, kinakaya niya talaga! I'm so proud of her!

"Okay, I respect your decision. Pero bakit ayaw mong mag-perform?"

Natigilan siya at nagsabing, "I-I just don't want to. Sabihin na lang natin na I lack confidence, and writing is so much better for me."

"Oh, I see. Kahit anumang gusto mong gawin, susuportahan kita." Sabi ko na may ngiti.

Ngumiti naman siya pabalik. "Thank you, best friend."

Ako? I have to prepare for the program. But what song should I sing? Okay, sigurado akong mahihirapan ako sa pagpili ng kantang kakantahin. There's a lot of beautiful songs I know. Dapat talaga mag-isip na ako ng kantang bagay para sa boses ko habang maaga pa. At kapag nakapili na ako ng kanta habang mahaba pa ang oras ko, magprapraktis na lang ako.

"Ikaw, Zee? Kakanta ka?"

"O-Oo. No choice ako Juls, eh. Ayaw ko namang magsulat ng essay edi eto na lang." Sabi ko kasi totoo namang wala akong choice.

"I'm so proud of you, bestie! My gosh, papanoorin talaga kita!" Tili niya.

"Napilitan lang ako Juls kaya kakanta ako. Tapos hindi mo naman makikita ang itsura ko kasi binigyan kami ng consideration ni Prof."

"What consideration?"

"Kung gusto namin, sa backstage lang kami kakanta. Depende sayo if gusto mo sa backstage ka kakanta or sa stage na talaga."

"Whoa, ang galing naman! And I'm sure na maraming hahanga sayo. Ang ganda kaya ng boses mo!"

"Tsk, nambola ka pa."

"Deny deny ka pa riyan!"

Hindi na ako sumagot at hinayaan na lang siya.

*****

Julia and I separated ways. Hindi kasi pareho ang prof namin. So, magkikita na lang kami mamaya pag-dismissal na.

I attended my Calculus class at si Mr. Leonsio ang prof. This is considered the last subject this afternoon, dahil balita ko, may sakit si Mrs. Magallanes kaya hindi siya makakapagturo.

Ngayon, kinokopya ko ang pinapakopya sa'min. May consequence na haharapin ang hindi makakatapos sa pagkopya. Minamadali ko ang pagsusulat para makaalis agad ako.

"Sorry, Prof, I'm late."

Napatingala ako sa bagong dating at si Reena iyon.

"You are twenty minutes late in my class, Miss Atrevala."

"Sorry po talaga. Nakatulog po ako." Sabi niya sabay tampal sa nuo.

"Take your seat and don't be late again. Copy what you have to copy today." Sabi ni Prof na ikinatango lamang ni Reena.

Umupo na si Reena sa tabi ko. Ako naman, tuloy tuloy lang sa pagkopya.

"Hi, Zaya," Sabi niya sabay kuha ng susulatang papel at ballpen mula sa kanyang bag.

"Hello," Sagot ko habang abala sa pagsusulat.

"Hindi ako nakapag-attend ng dalawang nauna kong klase. Patay ako neto sa mga prof ko." Sabi niya sabay iling.

"Bakit naman?"

"Kasi nga wala akong proper excuse. Hindi naman kasi ako nagkasakit. Nakatulog lang. Pagod na pagod kasi ako kasi naglinis pa ako ng dorm. Hays." Sabi niya sabay tampal ulit sa nuo niya.

"Bakit ka ba kasi naglinis, eh alam mong may klase?"

"Wala na kasi akong oras sa mga sumusunod na araw eh kaya naglinis na lang ako para matapos na."

"Ah, ganon ba? Whatever they say, just don't take it to heart. Lilipas din naman 'yan."

Pagkatapos kong kumopya ay ipinakita ko ito kay prof. He stamped something on it. Kulay pula ang kulay ng tinta nito. Ibinalik niya agad sa akin ang aking papel.

Natulala ako sa stamp. The ink is dark red, and it makes me think about blood.

Umalis na kaagad ako sa harap ni prof at kinuha ko na ang mga gamit ko. Hindi pa tapos kumopya si Reena, kaya pinauna niya na lang ako.

*****

Nandito na ako sa dorm at lumagok ako ng tubig dahil hanggang ngayon, sinusuri ko ang kulay pulang stamp. The redness is really like blood... Paano kaya kung dugo nga talaga ang ink nitong stamp?

It makes me want to gag, thinking that the ink of the stamp is blood! Half of my brain is telling me that it's impossible, because why would Prof Leonsio use blood as ink, right? And the other half of my brain is telling me it's blood. Saan ako papanig?!

Should I smell it? Darn it, why did that come to my mind?!

Kinakabahan ako pero kyuryoso talaga ako, kaya... I smelled the paper where the stamp is located.

And shit, nasusuka ako sa amoy! I immediately ran towards the kitchen sink to vomit. Hinilamos ko ang tubig sa aking palad na nakuha ko sa gripo.

Grabe ang panginginig ng kalamnan ko. My whole body is shaking!

Nang medyo ako ay naka-recover na, tinignan kong muli ang papel na nasa sahig na dahil sa pagtapon ko kanina.

It smells disgusting! And confirmed, it really is blood. The stamp's red ink is blood. Ganoon na ba talaga kasama at kadiri ang mga tao rito? Na pati ang stamp, dugo ang nagsisilbing tinta?

And could it possibly be human blood?

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro