Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24: Delicious

'Use this golden knife to protect yourself. Huwag mong kalimutang dalhin palagi.'

What the heck? Kanino naman kaya galing 'to? Ngayon, matindi ang kabog ng aking dibdib. Hinanap ko ang pangalan ng nagbigay sa papel, pero ni pangalan niya ay wala! Sino ba ang nagbigay nito? Nananaginip ba ako?

Hinawakan ko ang gintong kutsilyo at hindi nga ako nananaginip. This is real. I feel that this golden knife is curved from real gold. And this knife is shining as if it's newly-polished.

I can't believe that I'm holding this weapon right now! Damn! Pero talagang inaantok ako. Parang nabuhay lamang ng kaunti ang aking sistema dahil sa pagkabigla. Parang gusto ng pumikit ng mga mata ko. I just felt my eyelids closing...

*****

Kinabukasan, paggising ko, tumayo kaagad ako mula sa pagkakahiga at tinignan ko ang bedside table ko. So it was really true? Totoong may kutsilyo dito sa bedside table ko? Hindi pala panaginip.

Hinawakan ko ang gintong kutsilyo na binigay ng kung sino man. I touched the edge of the knif, and it's really sharp.

I diverted my attention to the other bed, which is Julia's. Nakita ko siya na mahimbing pa rin ang tulog. And gosh, five pa lang ng umaga! Bakit naman maaga akong nagising? Dapat natutulog pa ako ngayon, eh! Kailangang kong lubus-lubusin itong oras na meron ako dahil wala akong klase sa first period class.

After sleeping a bit more, I woke up and it's 7 already. 8:30 pa yung next class ko kaya may oras pa akong gawin ang gusto kong gawin. Tumayo na ako sa pagkakahiga at napag-desisyunan kong maligo na, pero nang makapunta ako sa harap ng banyo ay nadinig ko ang agos ng tubig sa loob.

Naliligo na sa loob si Julia. Mamaya na lang ako maliligo pagkatapos niya at oo nga pala dahil hindi vacant ang first period niya, kaya ang aga niya na ngayon. At masaya akong bumalik na siya rito. The dorm feels empty without her.

Napag-desisyunan ko munang magluto ng almusal namin. I went to the kitchen, and I opened the fridge. Konti na lang ang stock ng pagkain. Makabili nga mamaya. Meron din kasi ritong food shop. And whenever we buy something, we use money to pay for it. Meron akong 10K cash na dala 'nung naglayas ako sa bahay. And I used my money to buy my needs here.

At dito sa Death University, binibigyan kami ng 3K cash every month. Believe me. Kasi naman diba, hindi na kami makakalabas mula sa impyernong ito, kaya paanong makaka-produce kami ng pera?

This school gives three thousand pesos to every student each month. pero sayang lang ang perang natanggap ng estudyante kung mamamatay naman 'to. Yeah, binibigyan ka nga ng pera ng paaralang ito, pero nasa alanganin naman ang buhay mo. But still, Lubus-lubusin mo na lang ang natitira mong oras dito habang nabubuhay ka. Try to prolong your life.

Nagluto ako ng bacon at sunny side up eggs. Bakit ang sarap ng bacon? Masarap talaga ang bacon at ito ang paborito kong kainin sa almusal. It's not good to often eat it though, kaya nga twice a week lang ako kumakain nito.

Pagkatapos kong magluto ay inilagay ko na sa plato ang aking niluto at inilapag ko ito sa hapag-kainan.

Bumukas ang banyo at nakita ko si Julia na nakasuot ng black jumpsuit niya.

"Kumain na tayo, Juls." Yaya ko sabay upo na.

Habang kumakain kami ng almusal, naalala ko muli ang mga pangyayari. Una, nakapatay ako. Pangalawa, sino naman ang nagbigay ng gintong kutsilyo na iyon?

"Julia, nabigyan mo ba ako ng isang bagay kahapon?" Tanong ko sa kanya.

Natigil siya sa pag-kain para maharap ako."Bagay? Anong bagay? Wala naman?"

Based on her expression, and based on the note that I have read, parang hindi nga si Julia. It was not her handwriting.

Who the hell would give me such weapon?

"Zaya, okay ka lang? Parang wala ka sa sarili mo." Tanong bigla ni Julia na ikinabalik ko sa aking huwisyo.

"A-Ah w-wala. Gutom lang talaga ako." Pasisinungaling ko.

"Kumain ka ng marami... By the way, sabay tayong kakain ng lunch?"

"Oo naman," Sabi ko at ngumiti ako ng pilit. Hindi talaga mawala-wala sa aking isipan ang nagbigay ng kutsilyo.

Pagkatapos kong kumain ay ako na ang naghugas ng plato naming dalawa dahil may klase pa siya.

"Una na 'ko. Kita na lang tayo sa next class. Bye, Zee."

"Zee? Bago yan, ha." Nakangiting sabi ko. I admit, ang gandang pakinggan.

"Nag-iisip kasi ako kagabi, then boom, I thought of that. I find it cute. I'll call you 'Zee' often."

"Okay, then... Ingat ka." Nakangiti ko pa ring sabi. Whatever you want, Juls.

"Bye! See you later." Huling sabi ni Julia bago siya makaalis.

Naligo na kaagad ako pagkatapos kong hugasan at patuyuin ang aming mga plato.

Pagkatapos kong maligo at magpatuyo, sinuot ko na ang aking yellow crop top at maong pants. I paired it with my yellow doll shoes. Habang inaayos ko ang aking sarili, nasulyapan ko ang gintong kutsilyo. Should I bring it?

Napag-desisyunan kong dalhin iyon at ilagay sa aking bag. I brought some cream laid papers and the pens, which I'm going to use.

Bago ako umalis na ng tuluyan sa dorm, sinecure ko muna ang pintuan at mga bintana.

*****

Nang makarating na ako sa second period class ko, nagkita kami ni Julia doon dahil pareho ang subject teacher namin for this day. In other words, magkaklase kami.

Habang nagl-lecture si Prof, madami sa amin ang humikab. Damn, boring kasi talaga ang klase niya. At 'yung boses niya, sobrang hina na parang sa second row lang out of five ang nakakadinig sa kanya. Eh nasa fourth row kami ni Julia edi hindi kami nakakarinig ng maayos! Nag-take down notes ako and thank goodness dahil walang quiz! Parang walang pumasok sa isip ko dahil hindi ko talaga marinig ang pinagsasabi ni Prof. Pero syempre, tiis-tiis lang.

"Salamat naman at tapos na!" Sabi ni Julia nang makalabas na kami sa classroom ni Prof Wena.

"Freedom," I said with relief.

"Punta na tayo sa cafeteria, Zee. Nagugutom na ako." Tumango naman ako.

Nang nasa cafeteria na kami, bumili lang ako ng cheeseburger at coke, ganon din si Julia.

"Shet, wala talagang pumasok kanina sa isip ko tungkol sa lesson ni Prof." Sabi ni Julia pagkatapos niyang uminom ng coke.

"Sinabi mo pa! The worst is baka mag-quiz siya sa next meeting natin sa kanya." Sagot ko habang ngumunguya.

Pagkatapos naming kumain ni Julia ay umattend na kami sa kanya-kanya naming klase.

Pinagawa naman kami ulit ng essay ng aming research teacher, and the worst and the shitiest part is, 2K ang minimum words! And our teacher just gave us thirty minutes to write such essay! Bwiset talaga!

Haggard na haggard ako habang sumusulat dahil ang bilis ng takbo ng oras! I hate it when I'm this pressured!

Nang natapos ko na ay ipinasa ko na sa Prof ang naisulat ko. 'Yung iba kong kaklase, parang ihahampas nila sa mukha ni Prof ang papel nila dahil sa galit. Itong si Prof, mukhang alam niya na galit ang mga estudyante niya sa kanya, pero hindi siya umiimik.

Pagkalabas ko sa classroom, narinig kong sumigaw ang kaklase ko. "Tangina niya rin, ano! Grabe makapag-demand sa mga estudyante niya!"

Naglakad na ako palayo at habang naglalakad ako, napadaan ako sa culinary station nitong DU. Yes, may culinary statipn dito and what for? Of course, if you want to cook something, you can cook here.

Magf-five months na ako rito pero hindi pa ako nakapasok dito, as in! Maybe I should try to go inside. Wala namang mawawala kung susubukan ko ring magluto sa loob, diba?

Nang makapasok na ako sa loob ng culinary station ay namangha agad ako.
Ang linis-linis nito. Malapad ito, has tiled floors, and white-colored walls.

Binuksan ko ang malaking ref at bumungad sa akin ang mga ingeredients na patong-patong at well organized. Parang lahat ng ingredients na kakailanganin mo ay nandito na! Tapos ang mga kagamitan sa pagluluto ay kumpleto rin! Nakasabit ang ilan sa mga kagamitan sa stainless steel na hook. There is also a microwave, an oven, a toaster, mixer, etcetera. May malinis ding lababo kung saan ka pwedeng maghugas.

Subukan ko kaya talagang magluto rito? Tutal, wala namang tao, ako lang naman ang nandito. Mukhang mas prefer ng mga estudyante na magluto sa dorm nila kesa dito kaya walang tao.

Napag-desisyunan kong mag-bake na lang. Hmm... Cake? Yeah, cake. Pwede 'yun. 'Yun na lang kasi medyo matagal na rin akong hindi nakapag-bake 'non.

I decided to make a choco-strawberry cake. My mother used to make that for us. Siya ang nagturo sa akin ng lahat about baking. Damn, I miss them so much. At para hindi maiyak, inabala ko na lamang ang sarili.

Hinanda ko na ang mga kakailanganin ko. The ingredients are flour, vanilla, sugar, strawberries, chocolates, at iba pa. I also prepared the mixer and the different kinds of spoons and measuring cups that I will be using.

Nang malagay ko na lahat ng ingredients sa isang stainless steel na bowl, ipinwesto ko na ito sa mixer at umikot na ng kusa ito. Habang nagm-mix pa ay hinanda ko na ang toppings para sa cake, which are the sliced strawberries and chocolate kisses.

After the batter's done, nilagay ko na siya sa isa pang round-shaped stainless steel na container. Pagkatapos kong mailagay ang cake mixture sa round-shaped container, ipinasok ko na sa oven ang cake para ito'y ma-bake. Gusto kong matikman ito ni Julia mamaya.

"You bake?"

Nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko. Tinignan ko kaagad kung sino 'yun.

My heart is beating so damn fast. MK is standing there, looking at me.

"M-MK, w-why are you here?" Nauutal kong tanong at gulat na gulat ako sa presensya niya.

"I smelled something nice from here," He said with a smile.

Ayan na naman 'yung ngiti niya! Shit, my heart is beating so fast as if it would go out of my chest!

"Well y-yeah, I-I bake." Mahina kong sagot dahil sa nahihiya na nakita niya pa talaga ako rito sa culinary station. "C-Can you please leave?" Sabi ko dahil hindi ako makakapag-concentrate rito dahil nandito siya!

"Don't push me away 'cause I'm an officer here. I just really want to taste your cake. That must be delicious. Sa amoy pa lang..."

How dare he remind me that he's an officer?! Ang kapal ng mukha niya, ha! Parang gusto niya pa akong e-threaten dahil officer siya! Ang kapal talaga. Bwiset!

"This cake's result will be bad! I promise you, panget ang magiging lasa nito." Sabi ko sa kanya na may halong inis. Sinasabi ko lang sa kanya na panget ang lasa ng cake ko para umalis na siya.

He chuckled then said, "Try me, Miss Dawnt."

His chuckle and him saying my name bring shivers to my spine, and my heart is still beating so fast. Agad ko namang binalewala ang nararamdaman.

"I don't believe that your cake will taste bad," Sabi niya pa.

"Bakit ba hindi ka maniwala sa'kin, ha?!" My voice raised a bit. I'm very pissed right now!

"Easy there, Zaya. Bakit ba naiinis ka sa'kin?"

"I-I swear, this cake will taste really bad." Mahina kong sabi ngayon.

Tumaas ang kilay niya at nagsabing, "Try harder, Zaya. You can't lie to me. I was watching you while you were making the cake."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. That means kanina pa siya andito at tumitingin sa akin habang ginagawa ang cake? Luh!

"T-That means k-kanina ka pa n-nandito?" Nauutal kong tanong.

Tumango lamang siya. Shit, bakit hindi siya nagparamdam agad sa akin ng nandiyan na siya?! Nakakabwiset! I probably looked haggard!

"Bakit hindi ka nagparamdam kaagad?!"

"Dahil kung magpaparamdam ako sayo, maiistorbo ko ang ginagawa mo, and I'm sure that you'll push me away just like what you're doing now." Aniya.

Well, that's true. I'll surely get distracted by his presence, and I'll eventually push him away.

"Look, if you're here to piss me off or to tease me, please stop. Marami pa akong ginagawa at nananahimik ako rito."

"I'm not here to piss you off or to tease you. I just wanna try your cake."

Why does he want to try my cake?! Wait... does he... like sweets?

"Wait a minute... you like sweets?" I asked him, which made his eyes wide.

Medyo pumula ang pisngi niya at nagkamot siya ng kanyang ulo.
"I-I... n-not really,"

Natawa ako sa ekspresyon niya. Ayaw pa niyang aminin! This guy in front of me, the cold officer, likes sweets! Hindi obvious sa itsura niya na mahilig pala siyang kumain ng matatamis.

"Stop laughing, Miss Dawnt, or I will suspend you!" Sabi niya at pumupula pa rin ang pisngi.

Natawa pa ako ng natawa sa kanya. I don't care if he suspends me! He's so cute when blushing! Gosh!

"Stop it, Miss Dawnt! Ang sarap mong parusahan." He said, and when I heard his last sentence, napatigil ako sa pagtawa.

Parang iba ang pagkakasabi niya ng last sentence niya na 'yun. I don't know what punishment he's talking about, pero tumindig ang balahibo ko. Napalunok ako.

"O-Okay, fine." Sabi ko at tamang-tamang lang nang tumunog ang oven. It means na luto na ang cake ko.

Sinuot ko ang kitchen gloves at binuksan ko ang oven sabay kuha ng cake.

Damn, the cake I made really smells so good. I'm improving.

Ipinatong ko ang lalagyang na may lamang cake sa marmol na mesa, and I gently took the cake out of the container, transferring it to a big plate.

Tinignan ko si MK at inoobserbahan niya lamang ako.

"Stop staring," I said. Nakaka-ilang kasi.

"I just want to see the cake... Why? Do you feel... bothered? By me?" He said, and that made me blush! Punyeta naman, oh.

"Hindi ako makapag-concentrate rito! Huwag ka nga kasing tumitig! Alam mo, kanina pa ako naiinis sayo! Hindi ka talaga makakatikim nitong cake kung titingin-tingin ka riyan!"

Bigla siyang nabuhayan. "So that means you'll let me try your cake?"

"Ano pa ba ang magagawa ko? Nandito ka na, eh. Alam kong magpupumilit ka." Sabi ko at kinuha ko na ang icing bags.

Pinalibutan ko ng icing ang cake na aking ginawa at pagkatapos kong lagyan ng icing ang lahat ng parte na dapat lagyan, ini-organize ko na ang chocolates at strawberry slices. Nilagyan ko rin ng chocolate sprinkles at strawberry sprinkles para mas kaaya-aya tignan.

Habang naglalagay ako ng sprinkles, I can see from my peripheral vision na titig na titig si MK sa akin. He is looking at me intently while leaning on the other table. Hinayaan ko na lang siya.

Nang matapos ko ng mailagay ang final touches ng cake, tinignan ko ang kabuuang itsura nito. For me, it looks good. I think it turned out well! I wish I had a phone to take a picture of my cake. Pinaghirapan ko 'to and this is worth it!

"It's done. Pwede ka ng kumuha ng slice." Sabi ko sabay harap kay MK.

"Okay," aniya, sabay kuha ng dalawang plato at dalawang tinidor. Huh? Bakit dalawa?

"Bakit dalawa? May iba pa bang kakain?" Taka kong tanong.

"Tss, it's obvious, para sayo 'tong isa."

"Thank you," I said, and I took the plate and the fork from his hand.

Kumuha rin siya ng kutsilyo sabay lahad sa akin. Kinuha ko naman at nang kinuha ko, dumampi na naman ang kamay ko sa kamay niya.

My heartbeat quickened again, and I felt like the world spun slowly. Parang may kuryenteng gumapang sa aking katawan at parang napapaso ako dahil dito.

Kinuha ko na ng tuluyan ang kutsilyo at iniwas ko ang tingin kay MK. I slowly sliced two portions of the cake at inilagay ko ang isa sa plato niya at ang isa ay sa plato ko naman.

He looked at me, then he tasted the cake on his plate. Kinakabahan ako dahil baka pangit ang lasa! Maybe it'll taste sour or bland!

And even when he is licking the fork, crap, he looks sexy as hell! Uy, Zaya, 'wag kang ganito! Bawal 'yan, bawal!

"S-So h-how does it taste?" I managed to ask him even though I'm nervous.

Hindi siya kumibo. Shit, hindi ata masarap ang cake ko!

"S-Sabi ko na nga sayo! Pangit 'yung lasa but you still insisted to taste it!" Naiinis kong sabi.

He chuckled and said, "It's delicious, Zaya... very delicious. The most delicious cake I have ever tasted in my entire life."

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro