Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22: Responsibility

Pagpasok ko sa dorm ay hinanap kaagad ng mga mata ko si Julia. But she's not here, and there's no sign of her.

I feel sad. Sana naman bumalik na siya rito. Nami-miss ko na siya at nag-aalala ako sa kanya. Paano na lang kapag hindi siya umuwi mamaya?

Yumuko ako. Sana naman nasa ligtas siyang lugar dito sa DU.

Ibinaling ko ang aking atensyon sa isang metallic vase sa kusina. Lumapit agad ako roon para ilagay ang mga rosas na aking nakuha sa fountain area.

Napaisip ako habang inaayos sa paso ang mga rosas.

Paanong may mga rosas dito sa DU? I haven't seen any white roses here, except for this bouquet. It's been a long time since I've seen this kind of flower. Ang mga bulaklak na nage-exist sa lugar na 'to ay tanging black gumamelas lang, and I didn't expect that this kind of flower existed! It's the strangest flower I have ever seen in my entire life!

Diniligan ko ang mga rosas at inayos ko siya sa lamesang kinalalagyan.

Sabi ng iba, may lason daw ang iba sa mga itim na gumamela. So, make sure na kung hahawak o pipitas ka ng isa, dapat handa ka sa pwedeng mangyari sayo. This poison from the gumamelas can lead you to death.

Maraming estudyante na raw ang namatay dahil sa humawak o di kaya'y pumitas sila nito. Ang iba, pinapalad dahil 'yung napipitas nilang gumamela ay walang lason. But mostly, maraming namamatay dahil ang napitas o nahawakan nila ay may lason. You really can't determine if the black gumamela has poison or doesn't have. Kaya ako, hindi ako humawak ng kahit isa.

Tears fell on the petal of one of the white roses on the vase. Miss na miss ko na ang pamilya ko tapos dadagdag pa itong pag-aaway namin ni Julia. She's like a sister to me. Hindi ako sanay na nag-aaway kami. I don't want us to be this way. Ayokong matapos ang araw na ito ng hindi kami nagkakabati.

And then a sudden idea popped from my mind.

Maybe Julia is with Godwin! Yes, she might be with him! Bakit hindi ko kaagad naisip 'yon? But the problem is, saan ko naman matatagpuan si Godwin? Malikot 'yung taong 'yun. Kung saan-saan pumupunta. Merong sa greenhouse, sa kakahuyan, at sa kung saan pang tahimik at may mga tanim na lugar. Yes, Godwin likes plants, and unfortunately, there aren't so many here. Ewan ko ba parang gustong maging botanist ng lalakeng 'yun.

Bahala na kung hindi ako makakapasok sa next class ko dahil sa kakahanap kung saan siya. Gusto kong malaman kung saan ang best friend ko.

Pumunta ako sa greenhouse at sa kasamaang-palad, wala si Godwin doon. Sinuyod ko din ang kakahuyang alam ko ang daan pasikot-sikot pero wala rin siya doon.

Where could he be?

Another idea popped from my mind... Si Mrs. Kang! I should ask her where her son is!

I hurriedly went to Mrs. Kang's classroom. Nakita ko siyang nagsusulat at mukhang kakatapos lang ng isang klase.

"Ano ang maipaglilingkod ko, Miss Dawnt?" Tanong ni Mrs. Kang nang makapasok na ako sa classroom niya.

"Good afternoon po, Mrs. Kang, gusto ko lang po sanang itanong kung saan ang anak ninyo?"

"Bakit? Ah, nevermind, hindi ko na dapat malaman kung bakit. I think that you have something to talk with my son, privately... Well anyways, nasa dorm namin siya, Miss Dawnt." Sabi ni Mrs. Kang.

"Ah, saan po 'yung dorm ninyo?" Tanong ko.

She then gave me the directions, and I hoped I wouldn't forget them.

"Sige, po. Salamat." Sagot ko sa kanya.

"Walang anuman, hija." Nakangiti pa ring sabi ni Mrs. Kang at umalis na ako.

I followed the directions that she gave me, and thank goodness at hindi ko nakalimutan! Nakarating na ako sa dorm nina Mrs. Kang at Godwin. Ang mga dorm dito ay magkaparehas lang lahat ang anyo. May terrace at may second floor.

Nagdadalawang isip akong kumatok. I took a deep breath before I knocked at the front door.

Tatlong katok ang lumipas bago mabuksan ang pinto at bumungad sa akin si Godwin.

"Oh, Zaya, bakit naparito ka?" Tanong sa akin ni Godwin na halatang gulat dahil nakita ako.

"N-Nandito ba si Julia?" Tanong ko.

"Y-Yes, she's here. She said that she needs time to think." Ani Godwin.

"I-I really want to talk to her. I-I just want to apologize."

"Okay, come in. Mag-usap muna kayong dalawa. I'll leave you two alone. Nasa kwarto ko siya." Sabi ni Godwin at tinuro niya ang kwarto niya.

Pero napaisip ako. May nangyari na ba sa dalawang 'to?

Ano ba 'tong iniisip ko? Nandito ako para mag-apologize sa best friend ko at hindi 'yung mag-iisip ako ng ganito! Pero hindi ko lang kasi maiwasang mapaisip. Baka wala namang nangyayari at ako lang ang nagmamalisya! Ang green ko!

I took a deep breath and walked directly to the door of Godwin's room. After a few moments, I mustered the courage to knock.

"Pasok ka, Godwin." Shit, akala ni Julia si Godwin! Parang ayaw ko na yatang tumuloy!

Wala ng atrasan 'to. I opened the door and said, "Julia, si Zaya 'to."

Halatang nagulat siya at humarap siya sa akin. "B-Bakit ka nandito?"

"I-I know you don't want me here. Alam kong gusto mo munang mapag-isa but I just wanna say that I'm sorry. I know, I'm stupid for not thinking of your feelings when you're just concerned for me." Sabi ko sa kanya. Tears started pouring from my eyes.

"I-It's okay, Zaya. I'm at fault, too. Nilalayo kita sa pakikipag-halubilo sa iba." Sabi niya at may mga luha na ring lumandas sa pisngi niya.

"I know you need more time... I'm just at the dorm." Sabi ko at pilit akong ngumiti. Lumabas na ako sa kwarto ni Godwin kung saan ko nakausap si Julia.

Naiyak ako ng naiyak. I don't want to lose my best friend, and I know she needs more time to think about things.

Pumunta na ako sa sala kung saan si Godwin. Pinalis ko ang mga luha ko."Godwin, s-salamat. Thank you for letting me talk to her."

"You're welcome. Alam ko na kailangan niyo talagang mag-usap ng masinsinan."

"I have to go now. Salamat ulit."

"Again, you're welcome." Sabi niya at tuluyan na akong umalis.

When I started walking, may nakita na naman akong nagpapatayan sa isang bahagi. Mukhang lasing ang dalawang lalakeng nagpapatayan.

The next thing I saw was blood dripping from the both of them, dahil sabay silang nagsaksakan! Shit! Ang daming dugo. Ayoko sa dugo!

Parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I can't manage to go walk away. Natataranta ako at parang hindi ko na alam ang gagawin. Kahit pagpikit, hindi ko magawa.

Hindi ko nasubaybayan ang pagdanak muli ng dugo ng dalawang lalake nang may humatak sa akin para mayakap at para hindi na ako makatingin pa roon.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko dahil sa mabilis na pangyayari. His scent and his presence are very familiar to me... After a few moments, pinakawalan niya na ako sa pagkakayakap niya. I immediately faced him to see his face.

"MK, a-anong ginagawa mo r-rito?" Nauutal kong tanong sa kanya. Pagkatapos ba niya akong yakapin ng ganon, hindi ako mauutal?

"You're scared of blood," He stated, not entertaining my question.

"Y-Yes, I am." Sabi ko at yumuko.

"I'm sorry if you had to see that bloody mess,"

Natigilan ako at mula sa pagkakayuko, inangat ko ang aking paningin. Nagulat ako sa pinagsasabi niya. And there is sincerity in his eyes.

"H-Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa'kin. We both didn't expect that this will happen." Sabi ko, but then, naguguluhan talaga ako sa kanya. "B-But why are you so concerned? We don't even know each other."

"Concerned ako sayo dahil may next class ka pang pupuntahan, Miss Dawnt. Kanina ka pa tulala, eh." Aniya at tinignan ang relo.

Ah ganon pala. Akala ko kung ano na. I felt disappointed and irritated at the same time! Nakakairita siya!

He was just doing his responsibility as an officer. Parang bumagsak ang puso ko.

"A-Ah ganon ba? Kanina pa pala ako tulala rito? Sorry, ha." Walang emosyon kong sabi.

I really thought he was concerned for me in a different way. Pero ginagawa niya lang pala ang dapat... Ginagawa niya lang ito dahil sa tungkulin niya. Pinapangalagaan niya talaga ang kanyang posisyon bilang isang officer dito sa DU.

Pero bakit parang may nararamdaman akong pag-aalala sa mga kilos niya? And I don't know why I expect too much! I shouldn't be feeling this way...

Parang nababaliw na ako! Siguro nga nababaliw na ako!

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro