Chapter 2
Chapter 2: Girl With The Cloak
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumampi sa mukha ko. Tumayo na ako at naalala ko naman ang nangyari kagabi. Patay na siguro ako ngayon kung hindi ako niligtas ni Mr. Pres daw.
Nang matapos na akong maligo ay nagbihis na ako ng aking damit at sinuklay ko ang aking mahabang buhok.
*****
"Miss Dawnt, pakilagay nga ito sa desk ng President." Utos sa akin ni Mrs. Suldivar.
"Saan nga po yung opisina niya?" Tanong ko. Duh, I'm a newbie here.
"Sa tabi ng opisina ng tagapangalagang Madame Selina." Sagot nito at ngumiti.
"A-Ah, sige po." Sabi ko at kinuha ko na ang folder na ipinapabigay niya.
'THE PRESIDENT'S OFFICE'
Yan ang sign na nakita ko sa tabing opisina ni Madame Selina. At kinakabahan akong pumasok. Nasa loob ang presidente!
Dumungaw muna ako sa pintuan at nakita kong walang tao sa loob ng opisina. Nangangahulugan na, wala ang presidente. Thank goodness!
Pumasok na ako kaagad at nakita ko doon ang isang rectangular wooden block na may naka-ukit na:
'President Dark Damier Syracuse'
Ang gara naman ng pangalan ng Presidente! Syempre, presidente yan kaya ang gara ng pangalan.
Naiisip ko, matanda na kaya ang presidente? O 'di kaya, binata? Malamang matanda na 'to.
Pagkalagay ko ng folder sa desk, umalis na kaagad ako.
*****
Nandito ako ngayon sa cafeteria at nakita kong kumakaway si Julia sa akin. Mag-isa siya sa isang mesa sa cafeteria.
I headed to her at umupo ako sa kaharap niyang upuan.
"Kumusta?" Masaya niyang tanong sa akin.
"U-Umm...okay lang?" Patanong kong sagot. Great!
"Nagdadalawang-isip ka yata sa magiging sagot mo." She chuckled.
"Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong maramdaman. I'm trapped in this hell for pete's sake." Nabasag ang boses ko, and tears started falling from my eyes. The truth is, I miss my parents, and I miss my friends!
"Huwag kang umiyak, Zaya. Masasanay ka rin dito." Sabi ni Julia na nakangiti.
Anong masasanay? I'll die here!
"M-Mamamatay ako rito, Julia! I-Ikaw, hindi ka ba natatakot na mamamatay ka rito?"
Naglaho ang ngiti niya sa labi. "Pasensya ka na, Zaya. Wala kasi ako sa sitwasyon mo kaya iba itong nararamdaman ko. Alam kong emotional ka ngayon kasi walang oras na pinipili ang kamatayan at sigurado akong namimiss mo na ang pamilya mo. But listen, you can survive here."
Napukaw ng atensyon ko ang mga huling salitang sinabi niya. "H-How to survive in this hell?"
"You can survive if you only fight for your life. If you are brave, sigurado akong maproprotektahan mo ang sarili mo."
Be brave. Ang tanong, matapang ba ako?
"B-But I am not brave enough—"
"You can be brave enough to fight for your life. And also, I can feel that you have bravery in you, Zaya. Hindi mo lang kayang ipalabas ang katapangan ng loob mo."
Is she some kind of wizard? She is kinda weird.
"Naguguluhan ako, Julia. How can you say these things?" Tanong ko sa kanya. Naguguluhan kasi talaga ako.
"Basta," Sabi niya at ngumiti siya. Basta? Is she joking? Anong klaseng sagot yan?
"By the way, may tanong sana ako, Julia." Sabi ko.
"Ano yun?" Sagot niya na nakangiti.
"Wala ka bang mga kaibigan dito?" Tanong ko sa kanya. Napawi na naman ang ngiti niya at yumuko siya.
"O-Okay lang naman kung hindi mo sasagutin ang tanong ko. Pasensya ka na."
"Okay lang, ano ka ba! Wala akong mga kaibigan dito, eh. Ikaw lang ang kaibigan ko."
"Matagal ka na ba rito sa Death University?"
"A-Ah, medyo. Hindi ko na matandaan kung k-kailan ako napadpad dito." Sagot niya sa akin at ngumiti siya ng pilit.
"Naligaw ka rin ba kaya nakapasok ka dito sa DU?" Tanong ko pa. Baka pareho kaming naligaw sa impyernong ito. Nacu-curious lang talaga ako kung paano siya nakapasok dito.
Hindi siya umimik.
"Okay lang kung hindi mo masagot. Pasensya ka na kung ang dami kong tanong, ha?"
"Ayos lang 'yun,"
"Nga pala, kailangan ko ng umalis, Julia. May klase pa kami sa Science.".
"Sino ba ang Science teacher mo?"
"Si Mrs. Evelyn Kang."
"Oh my gosh, magkaklase tayo!" Tili niya.
"Ha? Talaga? Eh bakit hindi tayo nagkita nung first day ko dito?" Tanong ko. Hindi ko siya nakita eh.
"Kasi pinatawag ako ni Madame Selina nung time na yun eh." Sagot niya at ngumuso siya.
Ano ba ang balak ni Madame Selina kay Julia? Bakit tinawag si Julia kahapon? Sekretarya ba siya? Kinakabahan ako para kay Julia. Baka papatayin siya ni Madame Selina!
"Ah, okay." Tipid kong sagot. Baka may masamang balak talaga si Madame kay Julia. Dapat kung malaman ang binabalak niya!
"Halika na—" Naputol ang sasabihin sana ni Julia ng dumating si Mrs. Suldivar.
"Julia, pinapatawag ka ng kuya mo." Sabi ni Mrs. Suldivar na ikinapawi ang ngiti sa labi ni Julia.
Nagulat ako sa sinabi ni Mrs. Suldivar. Kuya? May kuya si Julia?
"Ah, eh, Zaya, p-pasensya ka na, ah?Pinapatawag ako, eh. Mauna ka na lang sa room." Sabi ni Julia na para bang binabasa ang ekspresyon ko.
Marami pa sana akong itatanong sa kanya pero hindi ito ang tamang oras.
Tumango na lang ako at ngumiti ako ng pilit. Napagdesisyunan ko na pumunta na sa science class.
*****
Naglalakad ako papuntang room ni Mrs. Kang nang may biglang humablot sa braso ko. Hindi ko maaninaw ang itsura niya dahil naka-itim na cloak siya.
Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. What's worse than last time? This time, mamamatay na ba talaga ako?
Dinala ako ng naka-itim na cloak sa likod ng unibersidad, kung saan may mga pine trees.
"A-Anong k-kailangan mo sa akin? Sino ka?!" Nanginginig kong tanong.
"Don't trust anyone here. Kinaibigan mo, pero hindi mo pa pala kilala ang buong pagkatao niya. Hindi mo pa pala siya lubusang kilala. That person might be dangerous." Sabi ng naka-cloak. Pambabae ang boses nito.
Ibinaba niya ang cloak niya pagkatapos magsalita. Laking gulat ko ng makita ang babae. Siya ang babaeng nagsabi sa'kin na 'newbie' daw ako noong first day ko! I'm pretty sure siya iyon!
"I-Ikaw? Bakit mo ba sinasabi sa akin ang mga salitang 'yan? At sino ka ba?!" My voice raised.
Hinigpitan pa ng babae ang pagkahawak sa braso ko. Para bang sinisigurado niya na hindi ako makakawala.
"I just want you to be aware, Dawnt. And who am I? It's none of your business."
"S-Sino ba ang taong tinutukoy mo, ha?! And excuse me, wala kang karapatang pangaralan ako! Hindi nga kita kilala, paano kita paniniwalaan?" Sigaw ko sa kanya. Mas-hinigpitan niya pa ang paghawak sa braso ko at ibinaon niya ang mahahaba niyang kuko roon. Damn, it hurts! "Aray, bitiwan mo nga ako! Bitch!" Sigaw ko dahil sa sakit.
"Hindi kita pinapangaralan, Dawnt. I just want you to be aware sa mga taong nakakasalamuha mo. Kinaibigan mo at hindi mo alam na may itinatago pala 'to sayo! At sino ang tinutukoy ko? Well, it's for you to find out." Sarkastiko niyang sabi at nag-evil smile pa!
Binitawan niya na ako at tumakbo siya ng mabilis. Tumakbo siya hanggang hindi ko na siya makita kahit saan. Who's that girl? Kailangan kong malaman kung ano ang pangalan ng babaeng iyon!
At sino ba ang tinutukoy niyang dangerous? Sandali, isa lang naman ang kaibigan ko rito... si Julia. Posible bang si Julia ang tinutukoy ng babae? Ano ang tinatagong sikreto Julia at bakit mapanganib daw siya?
Gulong-gulo ang isipan ko ngayon!
-----------------
Pronunciations:
Damier (Deym-yir)
Syracuse (Say-ra-kyus)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro