Chapter 16
Chapter 16: Umbrella
The next thing I saw was tumihaya na si Mr. Lagdayola sa lupa at may kadena na siya sa kanyang leeg. He screamed in pain. Oh my God, ang bilis ng mga pangyayari! Blood came gushing from his neck!
"Oh my God!" Hindi ko na-control ang sarili ko! I shouted!
Shit, Demi turned around, so I hid myself on a tree. Shit, ang tanga-tanga mo talaga, Zaya! Alam mo namang delikado ito, nagawa mo pa ring mag-eavesdrop!
Pero nangyari na 'to at wala na akong magagawa pa. Hindi ko alam bakit ako ipinanganak na masyadong kyuryoso. Me, a curious person that will do everything, whatever it takes, just to find answers to the questions that I have...
Tinignan ko ulit kung ano na ang nangyayari dahil parang balot na sa katahimikan ang buong kakahuyan. At nakita ko ang walang buhay na si Mr. Lagdayola at wala na roon si Demi! Thank God!
Tumalikod ako at pagkatalikod na pagkatalikod ko, nakita ko si Demi.
She gave me a dagger look. "Hilig mo talagang makialam, ano?"
"I-I didn't mean t-to i-intrude—" Shit, I didn't know what to say! I was caught off guard at dahil na rin sa kaba.
She cuts me, "Seriously, you didn't mean to? I am not fucking dumb like you! You always intrude in everything! Nangingialam ka palagi sa lahat ng bagay na hindi ka naman involved! You know what? I can't believe that you're still alive here. You're not even a special person to live for a long time."
Parang sinaksak ako sa mga salitang binitawan niya. Kumuyom ang aking mga palad. Halong sakit at galit ang nararamdan ko ngayon. Bakit? Sobrang talino niya na ba para sabihan akong "dumb"? At grabe rin ha, kailangan mo palang maging espesyal na tao para mabuhay ka ng matagal? What a bitch of her to say that!
"Papalakpakan na ba kita?" I sarcastically said and her expression hardened. "And you are saying that special people are the only ones that can live for a long time... Ikaw ba, sa tingin mo espesyal ka? Sa tingin mo espesyal ka dahil matagal ka ng nabubuhay?"
"Grabe naman yang tabas ng dila mo, Dawnt. It's like you already feel so at home here. Sino ka ba rito para pagsabihan ako ng ganyan? Are you an officer here? Are you someone valuable?"
Hindi ako naka-imik agad. Napaawang ang labi ko. Ano nga ba ako rito? I'm just a nobody. Isa lang akong ordinaryong estudyante. Wala akong maipapagmalaki.
"I can see that what I said really hit you... Wala kang maipapagmalaki rito. Wala kang kwenta! You are worthless!" She snapped.
I was about to slap her, but, thank goodness, I managed to stop it mid-air. Ayaw kong masaktan siya ulit.
"Bakit hindi mo itinuloy ang sampal mo, ha? Tutal, that's what you're good at... And tama naman ako diba? Alam mo sa sarili mo na wala kang maipagmamalaki dito! You are just one of the ordinary students here with no value!" Giit niya. "If you'd die, no one would care!"
Okay, I had enough! Hindi ko na matiis. Ang sakit-sakit sa pakiramdam na marinig ko ang mga sinasabi niya. Tears fell on my cheeks. Tao pa rin naman ako kahit papaano! Ipaglalandakan niya talaga na wala akong kwentang tao! Na wala akong halaga!
The clouds that were white turned black. Why did it turn black all of a sudden? Anong oras na ba? Hindi pa naman gabi, ah. Then, raindrops fell from the sky. Ang lakas-lakas ng buhos ng ulan. What in the world? Why did it rain all of a sudden? Basang-basa na ako, pati na rin si Demi. Like me, nagulat din siya dahil sa pag-itim ng mga ulap at pagbuhos ng malakas na ulan.
"Tao pa rin ako, Demi! Hindi mo kailangang ipaglandakan sa akin na wala akong kwenta rito, na wala akong halaga!" Singhal ko habang umiiyak parin. I paused for a second to wipe my tears away. "Pero bakit naman ako nilikha ng Diyos kung wala naman akong kwenta, diba? What is my role here in this world at bakit niya ako binigyan ng buhay para mamuhay dito sa daigdig? I think God has a reason why he made me live! Wala kang karapatang ipaglandakan na wala akong kwenta!"
Her expression kind of softened, pero hindi pa rin siya nagpatalo. "Bakit hindi ko ipaglalandakan? Tutal, tama naman ako. He gave you life, but come on, that doesn't mean you're valuable."
She turned her back on me at bago siya makaalis, nilingon niya ako at nagsabing, "You will die sooner or later, I'm telling you."
Nabigla ako sa sinabi niya. Then, I felt anger again. Why does she keep on telling me that I'll die? She wants me to die, huh? Siguradong mauuna siya! Such a bitch!
"Mauuna ka," I whispered, which made her stop walking away. Narinig niya rin ba iyon? Are you kidding me? Does she have this special hearing power?
"I will not die. I can protect my fucking self. And you, you should know how to protect yourself para mabuhay ka pa. You wouldn't last for a week if you don't do self-defense. Huwag kang umasa na may sasagip sayo in times of trouble." Seryoso niyang sabi at umalis na.
Medyo naguluhan ako sa mga sinabi niya. Kanina, sabi niya na mamamatay na ako tapos ngayon, sinabi niya na para mabuhay ako, dapat kong protektahan ang sarili ko. Seriously, what's with her? Ang gulo-gulo niya!
At sa sinabi niyang 'huwag kang umasa na may sasagip sayo in times of trouble', sino ba ang tinutukoy niya? Sa tingin ko'y wala siyang tinutukoy na tao roon. She just wants me to know na walang sasagip sa akin dito sa DU, kundi sarili ko lang.
Nandito pa rin ako sa kakahuyan kung saan pinatay si Mr. Lagdayola at kung saan kami nag-usap ni Demi.
Medyo humina na ang ulan, pero hindi pa rin tumitila. Umupo muna ako sa isang bench. Wala itong silong kaya patuloy akong nababasa. It's okay, though. Tutal basa naman na ako, hahayaan ko na lang na mabasa pa ako ng mabasa ng ulan.
Habang malalim akong nag-iisip, naramdaman kong hindi na ako nababasa ng ulan. That's weird. Umuulan naman tapos hindi ako nababasa.
Tumingala ako at nakita ko ang isang naka-three-piece suit na lalake at nakasuot ng itim na hat. May dala siyang payong na ginamit niya para isilong sa akin.
"A-Anong ginagawa mo rito, MK?" Taka kong tanong sa kanya at tumayo na ako. Pero kahit nakatayo na ako, hindi niya parin isinara ang payong. Isinilong niya pa rin ito sa akin.
"Syempre, pinapayungan ka. It's obvious."
Ang tindi ng tibok ng puso ko. Hindi na ito normal! Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang puso ko bigla-bigla. After a moment, the clouds turned back to their normal color.
"H-Hindi mo naman kailangang gawin yan, eh." Sagot ko.
"Why not?" Matigas na ingles niyang tanong.
"K-Kasi tignan mo oh, basang basa na ako." Sabi ko at yumuko para matignan ang sarili.
"Baka magkasakit ka na naman niyan," He says, which made my attention turn to him again.
"Na naman?" Naguguluhan kong tanong. Bakit 'na naman'?
"I just... heard it from your friend, Julia." He answered that made me direct all my attention to him.
Ano raw? Narinig niya kay Julia? Close ba sila?
"K-Kay Julia? Kilala mo siya?" Taka kong tanong.
"Of course, silly." Sabi niya na nag-nagpagulat sa akin. "Of course I know her. I know every student here. Tinanong ko lang naman siya kung bakit ang magaling na kaibigan niya ay hindi na naman pumasok sa klase. Baka kasi nag-skip ka na naman. Alam mo naman na pinaparusahan ang mga nags-skip diba?"
"Oh, so that's why..." 'Yan lang ang nasabi ko. Akala ko magkakilala sila.
"Sa tingin ko'y kailangan mo ng pumunta sa dorm mo para makapagpalit ng damit. Baka magkasakit ka ulit." aniya.
"U-Umm, oo nga... Uhh, m-may I hold the umbrella? Baka kasi pagod na 'yang kamay mo kakasilong sa akin." I said at nag-stutter pa ako! Hindi pa rin ako makapaniwala, bakit ang bait niya ngayon?
"It's okay, but I think that I should give this to you para habang pauwi ka sa dorm mo, hindi ka lalong mabasa."
My heart is beating really fast. Hindi ako makapaniwala sa puso ko ngayon. My heart stopped beating like this a long time ago... After he left me... But right now, why is my heart beating like this again? And because of this guy?
"W-Why are you doing this?" Hindi ko mapigilang magtanong.
"What do you mean?"
"Eto... kasi... you're being kind to me."
"I'm doing this para hindi ka na mag-absent sa mga klase mo." Sabi niya na nagpadismaya sa akin.
Ginagawa niya lang pala ang tungkulin niya bilang officer ng unibersidad. I thought it's something deeper than that... I don't know why I feel really disappointed and sad at the same time. Ano ba itong nararamdaman ko? Whatever this is, I don't like it. I really don't. This can't be something serious.
"A-Ah... ganoon ba?"
Nang kinuha ko na ang payong, I gripped the handle at dumampi ang aking kamay sa kamay niya at pakiramdam ko'y milyon-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kamay ko, spreading through my entire body. It's like a... familiar feeling that I felt once again.
"U-Umm... hihiramin ko muna ang payong mo ha? Ibabalik ko rin kapag nagkita tayo ulit."
"No need to return it," Sabi niya sabay bigay sa akin ng payong. Pero unti-unti ng humina ang ulan.
"Oh, mahina naman na ang ulan. Hindi ko na lang hihiramin itong payong mo. Salamat na lang." Sabi ko at tangka kong ibabalik sa kanya ang payong pero hindi niya ito tinanggap.
"No, take it. Baka mamaya bumuhos na naman ang malakas na ulan at mababasa ka lang ng mababasa."
Ang tindi talaga ang tibok ng puso ko. Why does he talk like that? He talks seriously, but warm. Gosh, Zaya! Why do you care of his goddamn voice when he talks?!
"O-Okay, sige. Salamat sa payong. Bye." Sabi ko at dali-dali na akong umalis. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa.
Nang makarating na ako sa dorm, naligo na kaagad ako. And after I took a bath and after drying myself, sinuot ko na ang aking maong shorts at ang aking crop top dahil dito lang naman na ako sa dorm.
Gosh, I can't stand talking to him for a long time. Para akong sasabog! And shit, I don't know why I feel that I'm gonna explode when he's there! This is something serious...
-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro