Kabanata 5
Sybil Park
Bigla ko na lamang naalala na si Maze ay aalis sa aking piling upang maglakbay. Kinakabahan ako para sa kaniya dahil baka hindi ko na muling makita ang mga ngiti niya pagbalik dito. Akin na lamang hihilingin na sana ay maging ligtas siya at sa kaniyang pagbalik ay mamumuhay kami nang payapa. Ayos lamang sa akin kung hindi siya ang napiling Death Judge. Ang importante ay makabalik siya sa aking piling.
"Halina kayo at ipapakita ko sa inyo ang inyong mga kwarto. Sigurado akong magugustuhan n'yo iyon." Ang heneral ay ngumiti. "Dito muna kayo mananatili pansamantala habang ginagawa pa ang maliit n'yong palasyo."
Tinapos namin ang hinanda niyang mga pagkain at saka kami naglibot sa kaniyang palasyo. Masasabi kong ito'y maganda at maayos ang pagkakagawa. Sa tingin ko'y walang bagyo na makakasira rito. Hindi imposibleng magkaroon ng ganito si Cladius sapagkat simula pagkabata ay marangya na ang kaniyang buhay.
"Sybil, narito ang iyong kwarto." Binuksan nito ang pinto at nakakita ng maraming kagamitan na aking kailangan at gusto. Mga gamit sa pagbuburda, pagluluto, at may mga damit na nakahanda. Maayos na maayos ang kwarto na kaniyang ipinakita. May sapat na lawak at laki.
"Halina kayo. Akin namang ipapakita ang kwarto ng iyong anak, Sybil," anito at agad na naglakad patungong kabilang kwarto. "Sana ay matuwa ka sa aking mumunting mga regalo, Maze." wika ng heneral saka niya kami pinagbuksan ng pinto.
Agad na nakahakbang ang aking anak sa loob at namangha sa kaniyang mga nakita. Nasa loob ang limpak-limpak na mga libro, buong kagamitan sa pag-aaral. Kabilang na roon ang mga panulat, papel, at iba pa.
Mayroong mga nakahandang mga damit at hanbok sa kaniyang aparador. Mayroon ding lamesa upang doon siya mag-aral. Isama na ang isang malaking kama na may malalambot na unan at makakapal ngunit kumportableng mga kumot.
Nasa gilid naman ang mga laruan na inihanda ng heneral para sa kaniya. Mga manika't saranggola. Bola't mga lobo. Lahat ng kaniyang mga libangan ay naandon na.
Sa isang gilid naman ay makikita mo ang isang aparador na may mga lamang mga sapatos. Sapatos na sapat lamang sa sukat ng kaniyang mga paa at mga sapatos na sobra sa sukat ng kaniyang paa.
Mayroong pampainit at pampalamig ang kuwarto. Maaari niyang magamit ang mga iyon sa oras na kailangan niya ng init o dikaya ng lamig.
Ilang oras ang lumipas naihanda na namin ni Maze lahat ng aming kailangan. Lahat ng mga natitirang damit at mga kagamitan ay aming inilipat. Inabutan kami ng paglubog ng araw sapagkat malayo ang dati naming tinitirhan na barrio sa palasyo ni Heneral Cladius.
"Sybil! Maze! Tayo'y kakain na!" pagtawag sa amin ni Heneral kaya dali-dali kaming bumaba at pumunta sa hapag-kainan. Masyado akong napagod na paglilipat ng mga kagamitan, gayundin ang aking anak. Ako'y nagpapasalamat at kami ay makakakain na.
Umubo ang heneral. "Pasensiya na. Maupo na kayo."
"Heneral. Ayos lang po ba kayo?" anang ko sa heneral
"Oo. M-m-medyo makati lamang ang aking lalamunan, Sybil." Uminom siya sa baso.
"Ina, Mukhang may karamdaman ang heneral. Kailangan nating tumawag ng manggagamot," suhestiyon ng aking anak. Akin siyang tiningnan.
"'Wag na, Maze. Hindi pa naman malala." Kaniyang pinapalitan ang tubig sa kaniyang baso. Hindi niya nais uminom ng malamig na tubig ngayon.
"Heneral Cladius! Mayroon kang karamdaman. Hindi dapat palampasin iyan. Subukan mong uminom ng loquat. Nang sa gayon ay magamot nito ang iyong ubo." dumating ang isa niyang tagapaglingkod na may bahid ng sarkasmo sa kaniyang bibig. May sarkasmo rin sa kaniyang tono ng pananalita. Hindi ko maiwasang mag-alala sa mangyayari. Tinatakot ako ng boses ng treyhovia o baka ay ganoon lang talaga siya magsalita.
"Hebeias vashda, Leonardo." Tipid na ngiti lamang ang ibinigay ng heneral dito. Hindi ko maiwas ang aking tingin sa kaniyang tagapaglingkod. Nakikita ko kung gaano ito ngumiti. Isang malaking ngiti na may kasamang sarkasmo. Para bang nasisiyahan ito na iinumin ng heneral ang ibinigay niyang loquat.
"Heneral! Huwag mong inumin iyan!" Biglang nagpakita sa amin ang isang guwardiya. "Heneral, h-hindi iyan loquat! Lason iyan! Huwag mo iyang inumin," pasigaw na babala ng guwardiya.
Agad na ibinaba ng heneral ang mangkok na ang laman ay loquat. Galit itong tumingin sa kaniyang treyhovia. "Totoo ba ito, Leonardo?!" bakas ang pagkadismaya sa boses ng heneral.
"H-hindi po heneral! Bakit ko naman iyon gagawin sa iyo?" agad na pagtanggi ng tagapaglingkod.
Tiningnan ko ang aking anak. Tuloy-tuloy lamang ito sa pagkain at parang walang pakialam sa mga nangyayari. Isang mangkok ng kanin, isang sipit ng intsik (chopsticks) ng mga bihon, at samahan mo pa ng prinitong manok. Kay rami ng kaniyang kinakain. O kay takaw ng aking anak . . .
"Huwag kang maniwala sa tagapaglingkod na iyan, Heneral! Lason ang ipinapainom niya sa iyo!" babala ng guwardiya. Pawis na pawis ito at hinihingal. Mukhang sinikap niyang tumakbo nang mabilis. Ito'y nanginginig din na parang isang dahon.
"Paano mo naman nasabi iyan? Isa ka lamang hamak na guwardiya. Alam mong nasa batas natin ang bawal magbintang ng kasalanang hindi ginawa! Kay lakas ng loob mong pagsabihan ako niyan!" asik ng tagapaglingkod
"Malakas ang aking loob sapagkat alam kong ako'y tama! Heneral! Huwag kang maniwala sa kaniya!" saad ng guwardiya. Nagbangayan ang dalawa hanggang sa marindi ang heneral . . .
Read the full chapter on GoodNovel
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro