Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

Sybil Park

"H-heneral, patawad! Patawad! Nadala lamang ako sa aking damdamin! Kung maaari nawa ay ako'y inyong patawarin!" Ngayon lamang nakita ng mga tao rito na nagmakaawa ang Baron dahil kadalasan ay kami ang nagmamakaawa sa kaniya.

"Kung hihingi ka ng tawad dapat alam mong pinagsisihan mo na. Pero mukhang hindi, at dahil diyan dadagdagan ko ang iyong parusa, ibabalik mo ang mga perang kinuha mo sa kanila at ipapaayos ang pinasunog mong tahanan. Naintindihan mo?!" Kaniyang hinablot ang buhok ng baron at iningudngod ito sa lupa.

"O-opo, Heneral. Masusunod," nanginginig na aniya. Kung ang baron ay takot na, malamang takot na rin ang kanyang mga lingkod. At dahil sa takot, nanginginig silang tumayo sa pagkakaluhod at sabay-sabay na dumeretso sa kanilang mga kabayo.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon bagkus ay lumapit na ako sa aking anak na ngayon ay pinagkakaguluhan ng madla. Maraming papuri ang natanggap nito ngunit siya ay parang hindi kuntento. Tipid lamang ang ngiti nito at hindi katulad nung dati, makatanggap lamang siya ng isang magandang salita sa sinuman ay abot langit na ang kaniyang ngiti.

Maze . . .

Hindi, hindi ako dapat malungkot bagkus ay kailangan kong maging matatag. Ngunit ang kaniyang mga mata ay mayroong sinasabi. Sa isang ihip ng hangin, biglang nag-iba ang paligid. Ang nakita ko lamang ay liwanag at talsik ng isang likido, pagkatapos ay bumalik na sa dati. Namamalik-mata lamang ata ako kung kayaʼt iyon ay aking binalewala.

Hindi na ako nag-atubili pang binuhat siyang pauwi ngunit may biglang humawak sa aking braso. "Sybil, salamat at muli tayong nagkita." Ngumiti ang heneral sa akin. Nangunot ang aking noo. Pamilyar siya ngunit hindi ko ito matandaan.

"Heneral, anong maipaglilingkod ko?" Sa halip na sumagot ang heneral ay ipinasok niya kami sa loob ng aming siheyuan. Hindi naman ako nadismaya sapagkat maginoo niya kaming pinasok sa aming tahanan.

"Heneral ano pong maipa—" Agad niyang pinutol ang aking pananalita sa pamamagitan ng paglagay niya ng kaniuang daliri sa tapat ng aking bibig.

"Hindi mo na ako kailangang tawagin pang heneral sapagkat ako ay . . . " Kaniyang tinanggal ang takip sa kaniyang mukha na dahilan ng pagkagulat ko " . . . ang iyong kaibigan, si Cladius Won." Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Si Claudius ang isa naming pinakamatalik na kaibigan. Ilang taon na ang nakakalipas nang kami ay magkahiwalay sa kadahilanang nais nitong unahin ang kaniyang ambisyon. Sa aming magkakaibigan, siya ang mayroong marangyang pamumuhay. Ngayong nagkita muli kami, masasabi kong marami itong pinagbago.

"Isa ka nang heneral?" paniniguro ko. Hindi sa pamamaliit ngunit nang kami ay mga bata pa ay siya ang pinakamahina. Ayaw nito sa gulo kung kaya't ganito na lamang ako magulat.

"Oo, Sybil. Bakit ayaw mong maniwala? Hindi na ito ang duwag na Cladius na iyong kilala. Aking sinisiguro sa iyo na ako ang pinakamagaling na heneral sa ating rehiyon." Natawa na lamang ako. Hanggang ngayon ay mayabang pa rin siya.

Ang rehiyong kaniyang sinasabi ay ang nasyong aming tinitirhan. Sa mundong ito na kung tawagin ay Gaia ay mayroong apat na rehiyon: Defrecia, Normous, Bandalia Cifalia, at isla ng anino.

Normous ang rehiyong aming tinitirhan. Sa nasyong ito ay may iba't ibang uri ng antas. Kami ay nasa uri ng pinakamababang antas sa sibilisasyong ito, mga alipin lamang. Ang mga nasa pinakamataas na antas ay karaniwang mga gobernador, ministro, o parte ng Imperial Family.

Akoʼy napahigikgik. " Claudius, anong sadya mo rito sa aming bario?" deretsahan kong tanong dito.

"Ang totoo niyan ay may hinahanap akong bata, nakita ko siya sa Palasyo ng Xida ngunit nabalitaan ko na dito sa inyong bario siya nakatira."Kinamot niya ang kaniyang batok.

"Anong mayroon sa batang iyon at bakit mo siya hinahanap?" Nagkaroon ako ng kaunting interes sa pinag-uusapan namin. Sa totoo lang, kapag si Claudius ang nagbahagi ng mga bagay-bagay ay magkakainteres Depende nalang sa iyo yan kung makikinig ka.

"Nabalitaan ko kasi na ang batang iyon daw ay may angking katalinuhan. Magalang din ito't may pusong mamon. Kaya nagkaroon ako ng interes dito at may gustong ialok sa batang iyon." nakangiti nitong wika

"Kamangha-mangha naman iyang batang iyan! Sino ba iyan at gusto kong makilala." Kung sinuman ang kaniyang magulang ay dapat nilang ipagmalaki ang kanilang anak. Bibihira na lamang ang mga mababait na tao, at akoʼy hanga sa kanila sa pagpapaalaki ng kanilang anak sa tamang paraan.

"Kilala mo na siya." Nangunot ang aking noo. Sa aming barrio, wala akong masyadong kakilalang bata. Akoʼy abala sa mga gawaing bahay at sa pagbabantay sa aking anak. Wala namang masyadong kaibigan si Maze.

"Uhuh? Sino naman Cladius?" Ngumiti ako, wala talaga akong ideya sa kaniyang timutukoy.

"Ang iyong anak." Hindi ko mawari na ang batang tinutukoy niyang matalino, magalang, at may pusong mamon ay ang aking anak. Bagaman sinabi na niya ang katangian ng bata ay hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya. Anong klaseng alok ang kaniyang sinasabi?

"Nakakatawa ang iyong naging reaksiyon, Sybil." Ganoon ba ako kahalata? Tiningnan ko ang aking anak na nakaupo nasa upuan at walang reaksiyon. Anong nangyayari sa batang ito? Sinaniban ba ito ng demonyo?

"Noong una ay hindi ko alam na anak mo siya kaya patuloy ko siyang sinundan nang makita ko ang Baron na sinasaktan ang kaniyang mga alipin, at umakto na lamang ako noong ang anak mo na ang sasaktan niya, ngunit nang makita kita na lumapit sa kaniya—nagtaka ako. Akin na lamang ikinagulat nang malamang siya pala ay ang iyong anak," kuwento niya. Bumuntong-hininga ako, papaano na lamang kung masamang tao ang sumunod sa aking anak?

Tumango-tango ako."Kung gayon, ano pala ang sadya mo sa aking anak? Anong alok ang ibibigay mo sa kanya?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Halika muna." Inaya niya akong umupo sa silya kasama ng aking anak. Mukhang seryoso ang aming pag-uusapan.

"Sa totoo lang ay hanga ako sa talino ng iyong anak. Nakita ko rin ang kaniyang katapangan kanina noong iniligtas niya ang sanggol na nasa loob ng bahay na nasusunog. Malakas siyang bata Sybil." Sa kaniyang pagkakasabi ay mukhang mayroon siyang gustong sabihin sa akin.

"Cladius, ano ba talaga ang pakay mo sa aking anak?"

"Nanghihina na ang Emperor. Kailangan na ng Death Judge ng Normous." Ibinaba niya ang kaniyang tingin.

Ang Death Judge ang pinakamataas na posisyon na maaaring makamtan ng isang tao sa isang rehiyon. Bawat rehiyon ay may Death Judge maliban nga lang sa Normous sapagkat wala ni isa ang nagnais na maupo sa posisyon na iyon kung kaya't ang emperor ang umako ng posisyon.

Maraming nagagawa ang isang Death Judge. Mas malawak pa nga ang kapangyarihan nito kaysa sa emperor. Marami ang magagawa sa oras na makaupo ang isang tao sa posisyon na iyon, ngunit ang mga hakbang patungo sa puwestong iyon ay kalianman hindi magiging madali. Marami ang namatay, marami ang sumuko, kung kaya't ang iba ay hindi na nagsayang pa ng oras para maabot iyon.

Hindi ko nanaising umabot sa puntong halos mamatay na ang aking anak sa murang edad pa lamang. Alam ko namang bibigyan siya ng sapat na ensayo ng heneral bago isubok sa paglalakbay ngunit hindi ako naniniwala sa kaniyang kakayanin niya iyon. Masyadong mahina ang kaniyang katawan at siya'y musmos pa lamang.

"A-ang ibig sabihin ba nito ay—"

"Oo, Sybil. Isa siya sa mga nais kong maging kandidato upang maging isang Death Judge." Bumilis ang tibok ng aking puso. Parang hindi ko yata kakayaning makita siyang nasasaktan.

"N-ngunit hindi ako makakapayag diyan, Cladius! P-papaano kung mamatay siya habang nasa pagsubok siya?! Paano ako mabubuhay kapag wala na siya, Cladius—papaano?!" Hindi ko maiwasang sigawan ito. Ngayon pa lamang ay naiisip ko na ang maaaring mangyari. Isa lamang siyang bata, maaari niyang ikamatay ang paglalakbay.

"Sybil, kumalma ka! Magtiwala ka lamang sa iyong anak. Ako ang bahala." May inabot sa akin si Maze na tubig, saka siya bumalik sa pagkakaupo at nanatiling tahimik. Hindi siya kagaya kanina na para bang sinaniban ng kabayanihan, naaalala ko ang kaniyang ama sa kaniya.

"Bago ko siya turuan ng mga depensa at pag-atake . . . " Bumuntong-hininga ang heneral. " . . . balak kong turuan siyang magbasa't magsula—"

"T-talaga po? Tuturuan n'yo po akong magbasa at saka magsulat, ginoong heneral?!" Agad na nabuhayan ang aking anak pagkatapos marinig ang sinabi ni Cladius. Nakabalik na siguro ito sa realidad, masyadong malalim ang kaniyang iniisip kanina.

"Haha. Oo naman, Maze. Tuturuan kita hanggang sa mahasa ka." Lumapit ang heneral kay Maze at ginulo ang buhok nito.

Ako'y nagagalak na matututo siyang magbasa't magsulat at hindi na ako makapaghintay namatupad ang kaniyang mga pangarap. Sa kabilang banda, hindi ko alam kung makakapayag ba ako sapagkat ang kapalit ng kaniyang libreng pag-aaral ay paghihirap. Nais ko lamang bigyan siya ng pagkakataong makapag-aral sapagkat kahit kalian ay hindi ako nabigyan ng pagkakataon.

Itutuloy . . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro