Kabanata 2
Sybil Park
"Kung gayon, ginang. Ano ang inyong pakiusap? Ang bigyan ka ng pagkakataong makapag-aral? Hindi ko maibibigay sa iyo iyan." Hindi ko man ibinahagi ang aking pakiusap ngunit tinanggihan agad ako ng Baron.
"Baron, hindi n'yo po kailangang ibigay sa akin sapagkat ang aking hinihiling ay maibigay iyon sa aking musmos na anak." Kagaya ng sinabi ko, lahat ay aking gagawin basta para sa aking anak. Ito ang nais ni Mazimaze, ang makapag-aral kaya't ibibigay ko sa kaniya ito.
"Sa ngayon pa lamang ay humihingi agad ako ng pasensya, ginang, ngunit hindi ko iyan bibigyan ng pahintulot." Ang kaniyang isinaad ay nakapagdismaya sa akin nang lubos.
Ano pa nga ba ang aking aasahan? Maliit lamang ang tiyansang pumayag ang baron ngunit akin pa ring sinubukan para sa aking anak. Ito na ang aking inaasahan ngunit hindi ako makakapayag!
"Baron! Ako'y nagsusumao sa inyo. Para lamang sa aking anak. Baron, pagbigyan n'yo na ako!" Halos luhudan ko na siya at kulang nalang ay halikan ko ang mga paa niya.
"Ako'y nagdesisiyon na. Hindi mo na iyon mababago pa." Hinawakan ko ang kaniyang hanbok ngunit agad niyang nabawi iyon. Ako'y namomoblema na hindi ko kayang matupad ang hiling ng aking anak.
"Ina?" Agad nawala ang aking pagkakataranta nang marinig ang mala anghel na boses ng aking anak. Pinunasan ko ang aking mga luha at nilingon ito.
"Bakit, anak? Hindi ba't gabi na? Bakit gising ka pa?" Pinilit kong ngumiti para hindi ito magtaka.
"Bakit, ina?" tanong nito. Hindi ko maintindahan ang kaniyang pinupunto.
"Anong ibig mong sabihin aking anak?" tinanong ko ito dahil hindi ko talaga siya maintindihan.
"Bakit, ina? Hindi ba't kuntento na ako sa mga bagay na mayroon ako? Bakit nagmakaawa ka pa sa Baron?" wika nito na tila'y naiintindihan ang mga nangyayari sa paligid. Mamasa-masa ang kaniyang mga mata at salubong ang kilay niya nang ako'y tingnan. Halos ginaya niya ang aking pananalita kanina. At isa pa, nakita niya ang ginawa kong pagmamakaawa sa mahal na baron.
"N-nakita mo, anak?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Opo, ina. Ako'y nagising dahil sa liwanag nang hindi sinasadyang marinig ang ingay rito sa teresa. At nakita ko po kayo—agmamakaawa at lumuluhod sa Baron. Ngunit, ina—hindi mo kailangang gawin iyon. Sapat na sa akin ang lahat ng binibigay mo para sa iyong anak. Marunong akong makuntento at sana naman po ay maunawaan n'yo iyon. Handa akong maghintay ng tamang panahon upang ako'y makapag-aral nang hindi ko kayo nagkikitang nawawalan ng dangal sa harap ng mga tao. Nang hindi kayo nasasaktan ng sinuman, ina dahil hindi ko alam kung ano ang aking magagawa kapag nalaman kong kayo ay nasaktan, aking ina." Natigilan ako sa sinabi nito. Ni hindi niya ako matingnan sa mata dala ng konsensiyang kaniyang nararamdaman.
"Anak, hindi mo kailangang sabihin iyan," nag-aalala kong wika. Baka sa simpleng pangyayaring ito ay magbago na agad siya. Sensetibo pa naman ang mga kabataan ngayon.
"Kailangan ko po. Alam kong bilang aking ina, ay gagawin n'yo ang lahat para sa akin na inyong anak ngunit hindi po ba parang ika'y sumosobra na? Halos ipinawalangbahala mo na ang iyong karangalan at kaakuhan para sa akin." Ngayon ko lamang siyang narinig na pagsabihan ako. Kung tutuusin ako dapat ang gumawa sa kaniya nito.
"Ina, kahit gusto mo akong mapalaki ng maayos at hindi nahihirapan—magpahinga ka rin naman kahit minsan. Hindi n'yo alam na nasasaktan ako sa tuwing magsasakripisyo kayo para sa akin. At bilang iyong anak, gusto ko rin namang asikasuhin ang sarili ko nang wala ka. Nang sa gayon ay ikaw naman ang alagaa't protektahan ko. Ina, magpahinga ka muna." Ako'y natigilan sa mga sinabi nito. Tama nga siya. Naratamdaman niyang mas nakatutok akong alagaan siya ng maayos at nakalimutan na ang sarili ko. Naintindihan ko ang pinupunto niya. Kailangang balanse ako. Balanse sa pag-aalaga sa aking anak at balanse sa sarili ko.
PANIBAGONG araw ng paninitili sa impyernong lugar na ito. Impyerno dahil sobra ang kahirapan ang aming nadadanas. Pero kahit aning hirap pa iyan, nawawala lamang dahil pinapagaan ng aking anak na si Maze ang loob ko.
Hanggang ngayon ay wala pa ring aksiyon ang pamahalaan sa mga pang-aaping ginagawa ng baron hindi lamang sa amin dito sa iisang barrio kundi maging sa ibang barrio. Wala akong balita o kaalam-alam tungkol sa ibang barrio sapagkat wala naman akong pera pambili ng diyaryo. Mahal ang diyaryo rito sa Normous at pangarap kong magkaroon kahit iisa lamang.
Tinatanaw ko ang aking anak na masayang nagdidilig sa aming hardin. Ang laki ng ngiti nito at halata sa kanyang mga kinikilos na sobrang saya nito. Parang wala siyang pinoproblema o di kaya walang problema. Nakakatunaw ng puso ang sayang mayroon siya.
"Ahh! Tama na po pakiusap. Baron! Pakiusap tama na po! Baron! Pakiusaap! Magbabayad din po ako—pakiusap!" sumigaw ang isang lalaki sa 'di kalayuan. Siya ay nilalatigo ng mga guwardiya ng Baron. Punit-punit ang damit nito at dinudugo dahil sa paglalatigo. Nakakaawa ngunit wala akong magawa dahil tulad ng dati, ako'y nangangamba sa kaligtasan ng anak.
"Ina!" sigaw ni Maze. Agad itong tumakbo papalapit sa akin nang makita ang nangyayari. Ito'y natatakot kata niyakap ko ito ng napakahigpit upang hindi niya makita ang nasa aming harapan.
"Ilang beses ka nang nangako na magbabayad ng upa ngunit binigo mo na naman ang Baron! Nararapat lamang sa iyo iyan!" asik ng trethovia. Palit-ulit nagmakaawa ang lalaki ngunit hindi ito tumatalab sa Baron bagkus pinagpatuloy ang paglalatigo rito.
"Vepro ca! Hindi sapat ang paglalatigo sa kanya. Sunugin ang kanyang tahanan. Maiiwan ang naiwan sa loob. Bagay man o hayop o maging mga tao, buhay man o patay," seryosong wika ng Baron na ikinagulat ng lahat. Hindi na talaga sila patas!
Kumalas sa pagkayakap si Maze sa akin at sinubukang tumakbo ngunit agad ko ring itong nahuli. "Anong sa tingin mo ang ginagawa mo, Maze?!" suway ko rito. Hinigpitan ko ang aking pagkakahawak sa kaniyang braso.
"Tutulungan ko sila, ina!" Nakikita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Isang galit na hindi ko talaga magugustuhang maramdaman. Parehas sila ng kaniyang ama.
"Ngunit masyadong mapanganib, anak! Masasaktan ka't maaring mamatay!" Punong-puno ako ng pag-aalala para sa aking anak. Hindi ko na nagugustuhan ang kaniyang mga desisyon. Maaari naman siyang tumulong ngunit hindi sa delikadong sitwasyon. Mauunawaan niya rin ako, alam ko iyon.
"Mas gugustuhin kong mamatay na may pinaglalaban kaysa sa manahimik at ginagawa tayong sunod-sunuran, uto-uto, at madalas inaapi! Ina, huwag kayong padadala sa makulay na paraisong ito sapagkat ang lahat ng iyong nakikita, ina, ay hindi totoo." Saka siya kumuha ng basang kumot at ibinalot sa kaniyang sarili. Tumakbo siya papalayo ngunit sa ibang dureksiyon. Ano ang pinaplano ng aking anak? Pero kahit ano pa iyon, nangangamba pa rin ako. Ayokong matulad siya sa kaniyang ama na ilang taon na naming hindi nakakasama. Hindi ko alam kung ano ang aking magagawa sa oras na may manakit sa aking anak.
Ilang minuto ang lumipas, hindi ko na siya nakita. Hindi ko rin alam kung nasaan siya. Ako'y puno ng pag-aalala. Hindi ko na alam. Hinding-hindi ko na alam. Natatakot ako na baka maulit ang nangyari noon. Mangyari sa kaniya ang nangyari kay Vishton.
Nakarinig ako ng mga komento mula sa mga dayo, ang aking mga kasamahan at hindi tumitingin kay Maze. Sila ay pumipikit at umiiwas nang tingin na para bang alam na nila kung ako ang mangyayari. Tumingin ako sa nagkomento, napakaelegante ng kaniyang suot. Wari ko'y isa siyang nakatataas dahil sa suot-suot niya, siga nga lang kumilos kahit na babae ito.
Pumunta ako sa lugar kung saan nagkakagulo sila. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Si Maze ay nasa sentro, nakataklob ang kumot dito at may buhat-buhat na sanggol. Nanginginig siya habang tumitingin sa mga taong nakatingin sa kaniya. Ito'y hingal na hingal at mukhang mayroong hinahanap. Nakaligtas siya at may nailigtas pa ito.
Hangang-hanga ako sa aking anak dahil nagawa niyang magpakabayani at maging matapang. Hindi tulad ko na tanging pangangamba lamang ang iniisip. Inaamin ko, isa akong duwag. Nadala na ako sa nangyari kay Vishton, hindi ko kakayaning mawalay pa sa piling ng aking anak.
"Pakielamera!" saad ng Baron akma na sana niyang lalatiguhin si Maze nang mayroong pumigil dito.
Nasulyapan ko ang isang lalaki na pumigil sa baron. Ito'y matipuno at medyo may katandaan. Maaaring kasing-edad ko lamang siya. "Vepro ca! Baron, sumosobra ka na!" Hindi ko mawari kung sino ang lalaking ito. Gayunpaman, ako'y nagpapasalamat sa kaniya dahil iniligtas niya ang aking anak.
"H-heneral?!" Nanlaki ang mga mata ng baron. Agad itong lumuhod at ang kaniyang mga lingkod sa tinatawag nilang heneral bilang pagbibigay galang. Ito'y nanginginig at umiiwas ng tingin.
"Masasaktan mo ang bata at bilang parusa, ikaw naman ang lalatiguhin ng aking mga guwardiya," kalmado niyang wika. Malamig niyang tiningnan ang baron, base sa aking nakikita. Nanindig ang aking mga balahibo dahil doon. Ang boses ng heneral ay pamilyar ngunit hindi ko makilala dahil malayo ito.
Itutuloy . . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro