Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

TYRALIQUE HUAVEN

SA PAGKAKATAONG BINUKSAN ko ang envelope ay agad akong naestatuwa sa aking kinatatayuan. Kung si Harmony ang tinutukoy sa sulat, isa lang ang ibig sabihin sa nangyari-may pumatay sa kaibigan ko. Pero kung ibang tao naman ang tinutukoy sa sulat, baka may ibang pinatay kung sinumang may paka ng larong ito.

Inilagay ko sa higaan ang papel at dali-daling tinungo ang pintuan ng aking silid. Sa kasamaang palad ay hindi ko ito mabuksan at napagtantong may sumira ng doorknob. Buwesit, walang pag-asang makalabas ako gamit ang bintana sa higpit ng seguridad ng paaralan.

Paano ko masasabi sa kanila ang tungkol sa red envelope?

Bakit ito ibinigay ni Cole na hindi man lang binubuksan?

Ilang ulit kong sinubukang buksan at sirain ang pinto, pero walang pag-asa. Matibay ang kinakalaban ako at nag-umpisa na ring sumasakit ang aking mga kamay. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng silid hanggang sa mahagip ng aking mga mata ang cellphone kong payapang nakalagay sa sariling higaan.

Genius.

Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang cellphone, pero agad naman nawalan ng pag-asa nang makitang walang signal. Paano nangyari ito? Kahapon lang ay sobrang bilis ng internet connection at nakapag-download pa nga ako ng maraming Thai series. Ramdam kong may kakaibang nangyayari sa loob ng campus at kahit gusto kong alamin, pero hindi ko magawa kung hindi ako makakalabas dito.

Bumalik ako sa pintuan at sinubukan ulit itong buksan nang biglang tumunog ang alarm sa buong paaralan. Nanatili lamang akong nakatayo sa harap ng pinto habang pinakikinggan ang bawat sigaw ng aking mga kaklase sa labas.

Ano ba talagang nangyayari?

Ano'ng ibig sabihin ng alarm?

Nasusunog ba ang paaralan? Huwag naman sana. Ayaw kong matagpuan na walang buhay sa loob ng dorm habang sunog-sunog ang katawan.

"Nandiyan ka ba, Tyra? Sumagot ka."

Bumalik ako sa katinuan nang marinig ang sigaw na iyon. Walang humpay akong kumatok sa pintuan upang humingi ng tulong.

"Help me out, please."

"Lumayo ka muna sa pintuan," sigaw niya na agad ko namang sinunod. Agad akong tumakbo sa aking higaan hanggang sa makita ng dalawa kong mata ang paglipad ng pinto sa kabilang bahagi ng silid. "Ano pang hinihintay mo riyan? Tara na."

Kinuha ko ang sulat sa aking higaan bago tumakbo palabas ng silid. Hindi naman ako galing sa priso, pero nagagalak ang puso kong makalabas nang payapa.

"Saan tayo pupunta? Ano bang nangyayari?" sunod-sunod kong kay Arius habang tumatakbo kasama ang iba naming mga kaklase.

Lumingon siya sa aking gawi na para bang hindi ako nag-aaral sa paaralang ito. "Hindi mo ba narinig ang alarm?"

"Narinig, pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng alarm. May nasusunog ba? Hindi rin naman lumindol, a."

"Fire drill," kalmado niyang sagot sa akin. "Ang nakapagtataka lang ay kung bakit gabi nila isinagawa itong fire drill."

Tumango ako sa kanyang sinabi. Nagpatuloy kaming tumakbo papunta sa open field. Madilim ang dinaanan naming lugar at dumagdag ang malamig na hangin sa kaba't takot na aking naramdaman. Tama ang sinabi ni Arius sa akin. Nakapagtataka itong nangyayari, dahil kung kailan tulog na ang lahat ay tumunog ang alarm para sa isang fire drill.

Nang marating namin ang open field ay nandoon na ang aming mga kaklase. Nakaupo at nag-uusap na para bang hindi ito isang fire drill. Nakakatawa lang at nakasuot ng night gown sina May at Nikkadin at sa lagay ng panahon, sobra-sobrang panlalamig ang kanilang maramdaman.

Ilang minuto ang hinintay naming lahat. Nakaupo at walang may alam kung ano ang kasunod na mangyayari. Tahimik ang paligid at kahit isang guro ay walang nagpakita. Sabi ng mga kaklase ko ay nakatira ang lahat ng mga guro namin sa syudad kaya mayroon silang sariling silid dito sa paaralan. Tama nga naman, ang inconvenient kapag uuwi sila gabi-gabi sa syudad at babalik ulit dito tuwing umaga.

Hassle, I know that feeling very well. Dalawang oras ang byahe kapag walang trapik at mahigit tatlong oras naman kapag may trapik.

"Ilang minuto na tayong nakaupo rito, a. Bakit wala pang lumalabas na guro? May nangyari kaya sa kanila?" Rinig kong sunod-sunod na tanong ni Gaeyl sa kanyang mga kaibigan. Halata sa kanyang boses ang pag-alala.

"Natatakot na ako, Gaeyl." Saad ni Nikkadin at saka niyakap si May na nakaupo sa kanyang tabi.

"Baka naman binibiro lang tayo," sambit ni May bago tumayo at humarap sa amin. "Kung bumalik na lang kaya tayong lahat at matulog? Natatakot pa rin ako sa nangyari kay Harmony at ito tayo ngayon, nasa labas at walang gurong nagbabantay."

"Baka aksidenting napindot lang 'yong button sa lobby." Saad ni Cessqua.

Hindi ko inaasahan na marinig ang kanyang boses sa gabing ito. Magandang pakinggan sa tainga at nakapagtataka kung bakit hindi siya nagsasalita tuwing klase.

Naunang umalis si Cessqua at sumunod na naman ang iba, maliban sa akin. Masama pa rin ang kutob ko sa nangyaring fire drill. Kung tulog na ang mga guro, sino naman ang pumindot ng emergency button sa lobby? Multo? Fuck. Hindi ako naniniwala sa mga ganyang bagay, puwera na lang kung magpapakita sa akin ang ligaw na kaluluwa ni Harmony.

To see is to believe, iyan ang paniniwala ko.

"Alis na tayo, Arius." Rinig kong pag-aya ni Daemon sa kanyang kaibigan.

"Susunod ako sa inyo mamaya. May kukunin lang ako sa locker."

"Huwag kang gumawa ng gulo, a. Babatukan talaga kita pagbalik mo sa dorm." Pagbabanta ni Chaevon.

"Trust me, walang gulong mangyayari ngayong gabi, maliban na lang kung kasama ko si Phoeb. Pangalan palang, magulo na, 'di ba?"

"Bahala ka sa buhay mo. Wala na akong lakas upang awayin ka, Arius." Mahinang saad ni Phoeb sa kanyang kaibigan.

"Mauna na kami, patutulugin lang namin itong bata at si Cole." Pagpaalam ni Chaevon at saka hinatak ang dalawa bago sumunod sa kanilang mga kaibigan.

Aalis na sana ako nang may humawak sa aking kamay. Nang tumingala ako ay ang malalim na mga mata ni Arius ang sumalubong sa akin. Kung hindi ako nagha-hallucinate sa kakulangan ng tulog ay parang kumikinang ang kanyang mga mata.

Para bang mga bituin sa kalangitan.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong ko bago ko masabi nang tuluyan ang mga bagay na naglalaro sa aking isipan.

"Samahan mo ako sa faculty room, may titingnan lang ako saglit doon." Sabi niya bago naunang tumakbo papasok ng main building-at ako naman itong si tanga ay sumunod kay Arius.

"Akala ko ba may kukunin ka sa locker? Bakit naging faculty room? Puwera na lang kung may sarili kang locker doon." Agad kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. Ang daldal mo talaga, Tyralique.

Tiningnan niya ako at saka ngumiti bago nagpatuloy sa pagtakbo. "Nakikinig ka pala sa usapan namin, Tyra."

"Hindi ko sinasadya," depensa ko sa aking sarili. "Ang ingay niyo kasi kanina."

"So, sino ang nagugustuhan mo sa barkada ko? Si Daemon ba? Available ang taong iyon, pero mahirap sungkitin, e. Huwag si Cole, okay? Kahit nahihirapan iyon kay Harmony, mahal na mahal niya ang babaeng iyon. Si Yukiro naman, walang pag-asa. Maninigas ka na lang ay hindi magsasalita ang lalaking iyon. Huwag rin si Phoeb, sobrang tarantado at babaerong lalaking iyon, pati na si Brint. Well, single and ready to mingle naman si Chaevon, bagay kayong dalawa."

"Baliw!"

Tumigil kami sa paglalakad at nagtago sa isang malaking vase sa gitna ng lobby. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar bago sinundan sa pagtakbo papuntang faculty room si Arius. Nang marating namin ang faculty room ay lumingon sa akin si Arius at saka kinuha ang suot kong hairpin.

"Pahiram nito saglit, Tyra."

Binuksan ni Arius ang pinto gamit ang hairpin. Nang tuluyan itong mabuksan ay agad kaming nagtago sa ilalim ng lamesa nang makarinig kami ng kakaibang ingay sa labas. Nagkatinginan lang kami ni Arius hanggang sa makasigurado kaming wala nang tao sa labas.

"Alam mo ba kung sino ang mas bagay sa 'yo, Tyra?" bulong niya sa akin.

Lumabas ako atat pinagpagan ang suot kong jeans. "Sino naman sa tingin mo? Si kupido ka ba?"

Nginitian niya ako bago may kinuha sa lamesa ni Sir Chin. Isa itong brown envelope na naglalaman ng mga papeles. Wala akong ideya kung bakit niya kinukuha ang isang bagay na hindi sa kanya, pero wala akong pakialam.

Buhay niya iyan, e.

"Ako."

0Tweet your thoughts and use #DGSLies on Instagram, Facebook, or TikTok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro