Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

TYRALIQUE HUAVEN

NAGSIMULA ANG KASIYAHAN sa dorm ni Daemon. Nakaupo ako sa isang sulok habang tinitingnan ang bawat estudyante sa silid. Kumunot ang aking noo nang makita ang mga nerd naming kaklase, pati na sina Cessqua at Kyla ay dumalo rin.

Kung hindi ako pumunta rito, matatawag ko talagang kill joy ang aking sarili.

But it doesn't seem right.

Namatay ang isa sa aming kaklase kaya wala kaming karapatan upang magsaya. Dapat nasa bahay kami ni Harmony at nagluluksa. Kahit ngayon lang kami nagkakilala ay inaamin kong naapektuhan din ako sa nangyari. Kung hindi man kaibigan, kaklase na lang o hindi kaya bilang seatmate sa bawat asignaturang pinasukan namin.

Ilang ulit kong tiningnan ang mga kaklase ko. Wala silang mga pakialam, maliban na lang siguro kay Cole na tumakas ng paaralan upang pumunta sa bahay ni Harmony. Kung magagawa ko lang sana iyon, edi matagal na akong nanalangin sa bangkay ng kaibigan ko.

"Each one of us has their own secrets, you know." Tiningnan ko si Kyla na tumabi na pala sa akin. Nginitian niya ako bago ininom ang kanyang orange juice.

Hindi ako sumagot sa kanyang sinabi, dahil alam kong tama siya. Lahat ng tao ay may sikretong pilit itinatago at minsan, hinihiling mong ibaon ito panghabang-buhay.

"Did you know I killed my dad for the sake of my mom? He was too abusive and I couldn't take it anymore, that's why I killed him for mom."

Agad akong lumingon sa gawi ni Kyla habang nanginginig ang aking mga kamay. Nagbibiro ba siya, o sadyang totoo ang kanyang sinabi? Hindi ko alam.

Ayaw kong malaman ang kasagutan.

"But she hates now me because I killed dad. What is more interesting than killing my dad? She killed herself and I'm left all alone. It's partly my fault though. So, I disguised everything like I was just a victim of my parents."

Nanatili akong tahimik habang tumatango sa kanyang sinasabi. I guess, nalasing si Kyla sa ininom niyang orange juice at kung anu-ano ang sinasabi, o baka naman ay nagbibiro lang siya-isang hindi magandang biro.

Umalis ako at saka tinungo ang kusina. Malaki para sa tatlong tao ang dorm ni Daemon. I'm not jealous because of the special treatment, sadyang humanga lang ako sa laki ng dorm. Kumuha ako ng canned soda at diretso itong nilagok. Kasalanan ito ni Kyla, e. Hindi mawala sa aking isipan ang sinabi niya. Kung totoo ang kanyang sinabi, e, ano pa kaya ang mga sikreto ng ibang estudyante rito? Buwesit.

Ilang minuto akong tumambay sa kusina bago bumalik sa sala. Tulog na ang iba sa sobrang kalasingan habang ang iba naman ay nagsasayaw sa gitna kahit wala nang tunog. Mga baliw kong kaklase.

"Ano'ng rason mo at pinili mong mag-enroll dito sa 64 Academia?"

Tiningnan ko si Arius saglit bago ipinakita sa kanya ang dala kong baso. Kung ano man ang balak niya upang may masabi akong hindi kaaya-aya, hindi siya magtatagumpay ngayong gabi. I'm not drunk, dahil tubig lang ang ininom ko simula kanina.

Mukhang kailangan kong pumunta ng bathroom. Speaking of bathroom, parang hindi ko na mapigilan.

"Excuse me lang, pero bathroom lang ako." Paalam ko kay Arius bago umalis at saka tinungo ang bathroom.

Madali lang naman mahanap, dahil hindi naman isang mansyon itong pinasukan ko. Pero hindi kaaya-aya ang narinig ko nang marating ang banyo. Tsismosa na kung tsismosa, pero nakuha nila ang buo kong atensyon.

"So, who do you think killed our dearest and most sweetest Harmony?" tanong ni May at kitang-kita ko kung paano gumapang ang kanyang kamay sa dibdib ni Brit.

"Probably my friend, Cole. He hates her, and it's the only way he can get rid of her." Malamig na sagot ni Brit. Pinaglaruan niya ang bewang ni May na siyang nasisiyahan naman sa ginagawa ni Brit.

"Well, she's a brat and an attention seeker. Serves her right!"

Nang tumigil sila sa kanilang ginagawa ay agad akong umalis bago pa nila ako makita. Tama nga ang mga nakalap kung impormasyon, mas masama pa sa pangalan ng paaralan ang mga estudyante riro. Mali yata ang naging desisyon ko sa pagkakataon na ito.

Pero wala na akong magagawa. Nandito na ako sa 64 Academy. Wala na itong atrasan.

Isa lang ang pwede kong gawin, kundi ang tapusin ang summer class-kahit anong mangyari. Simula bukas ay babalik ako sa pagiging loner. Walang kakaibiganin kung gusto kong makaligtas sa mga mapagmatyag na estudyante ng 64 Academy. Wala akong ideya kung ano ang pinagdadaanan nilang lahat, pero sapat na ang narinig ko kay Kyla at kina May at Brit.

Wala akong kawala rito.

"Okay ka lang, Tyra? Namumutla ka at pinagpawisan din."

Lumingon ako sa aking likuran at nakita si May na inaayos ang kanyang palda. Tumango ako at pilit na ngumiti sa kanya, pati na kay Brit na halatang nagmamatyag sa bawat galaw ko.

Ang hirap maging paranoid. Baka lalabas ako ng paaralang ito na wala sa tamang katinuan. Hindi maaari itong iniisip ko ngayon.

"Alis na ako," pagpaalam ko sa dalawa at hindi na hinintay ang kanilang sagot.

Dali-dali akong umalis ng dorm. Sinuri ko ng mabuti ang hallway bago nagsimulang maglakad sa gitna ng kadiliman. Ayaw kong ma-detention bukas kaya dapat hindi ako mahuli ng mga guro. Nang marating ko ang sariling dorm ay gustong-gusto kong sabunutan ang aking sarili sa inis. Buwesit, wala akong susi.

Hindi ko pala binalikan ang bag ko sa silid, at dumiretso lamang sa dorm ni Daemon-kaming lahat.

Now, what should I do? Kainis naman, e.

Nagpasya akong hintayin si Jade at nagbabaka-sakaling nasa bulsa niya ang kanyang susi. Alam ko ring matatagalan ang babaeng iyon kaya matatagalan din ako sa paghihintay. Well, okay na rin ito kaysa bumalik sa dorm ni Daemon at maging paranoid na naman sa mga walang kuwentang bagay na naririnig ko sa paligid.

"May susi sa ilalim ng carpet. Malilimutan kasi si Harmony kaya pinili niyang itago ang kanyang susi riyan."

Tumingala ako upang tingnan kung sino ang nagsasalita. Sa sobrang dilim ay wala akong makita, pero alam ko kung kanino ang boses na 'yon. Kakasigaw niya lang kanina kaya alam kong siya ang kausap ko ngayon.

"Akala ko ba tumakas ka ng paaralan? Bakit ka nandito?" tanong ko, and hoping he will not ignore me.

Tumikhim siya at umupo sa aking tabi. "I did, pero hindi ko pinuntahan si Harmony."

"Why is that?"

"Because. . ."

Naramdaman ko ang tingin niya sa akin kaya lumingon ako sa kanyang gawi. Para akong nakikipag-usap sa isang anino. Wala akong nakikita, maliban na lang sa mahinang ilaw galing sa kanyang cellphone.

Tumigil ako kakatanong. Takot ko lang masigawan sa pagiging tsismosa. Naramdaman kong may inabot siya sa akin bago tumayo at umalis na parang walang nangyari.

Hello, may kausap pa siya rito.

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago pinakiramdaman ang ibinigay niya sa akin. Agad akong natigilan sa aking kinauupuan habang pinipigilan ang sarili na hindi sumigaw sa takot. Hindi maaari itong nangyayari ngayon.

Isang envelope lang naman ang hawak ko ngayon.

Tweet your thoughts and use #DGSLies on Instagram, Facebook, or TikTok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro