Chapter 3
TYRALIQUE HUAVEN
"WHAT'S INSIDE THE red envelope? Is it money? Sa pagkakaalam ko'y may eight months pa bago ang pasko." Tanong ni Sty habang sinusuri ang red envelope na nakapatong sa teacher's table.
"Baka isa itong liham para sa kanyang minamahal. Ang makaluma naman," inakbayan ni Sperry ang kanyang kaibigan kasabay ang pag-agaw nito sa red enevelope at inamoy-amoy. "Too plain for me. Walang taste ang nagmamay-ari ng envelope na ito. Kung ako ang makakatanggap sa liham na ito-sa basurahan ang bagsak nito."
"Baka naman isa itong-"
"Isang anunsyo para sa seksyon niyo. Kung ako sa 'yo ay bitawan mo ang red envelope, Mr. Govart."
Napalingon ang dalawa sa bukana ng pintuan at naging istatuwa nang makita si Miss Choi. Seryeoso itong nakatingin sa dalawa habang nasa bewang ang kamay.
Oh, someone's already in trouble.
Agad ibinalik ni Sperry kay Sty ang envelope at dali-dali naman itong inilagay ni Sty sa lamesa. Magkasabay bumalik ang dalawa sa kanya-kanyang upuan habang ang iba naman ay nagsibalikan sa kanilang mga puwesto. Like, ang gulo ng klase namin. Parang mga walang pakialam sa kanilang paligid.
May pakialam, ngunit hindi mo makikita. Siguro? Ewan.
"Vanessa, ikaw na ang bahala sa red envelope," saad ni Miss Choi sa isa naming kaklase. "Pumili na ang kabilang seksyon at ito ang naiwan para sa inyo. Sana'y masisiyahan kayo sa kinalabasan ng larong ito."
Kinuha ni Vanessa ang red envelope at bubuksan na sana ito nang pigilan siya ni Miss Choi. Nakatuon ang atensyon naming lahat sa kanilang dalawa at naghihintay kung ano ang laman ng envelope.
We're all excited and scared at the same time.
"Mamayang ala-una mo buksan ang envelope at ipaalam sa klase ang laman nito." Saad ni Miss Choi bago umalis sa aming silid.
"Buksan mo," saad ni Daelan.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Miss Choi? Mamayang ala-una pa raw. Kung hindi mo alam kung anong oras ngayon, may malaking orasan sa main building. Kung gusto mo, puntahan mo."
"Harsh naman," sambit ni Sty at saka inakbayan ang kanyang kaibigan.
"If you don't have any other concerns, you may all go," puna ni Vanessa bago tumayo sa kanyang kinauupuan. "Mamayang hapon pa magsisimula ang klase natin-absent si Miss Oui."
Umalis nang tuluyan si Vanessa. Pinuntahan ni Sperry ang kanyang mga kaibigan at binatukan si Daelan.
"Hina mo naman, pre."
Second day, pero marami na akong nalaman sa mga kaklase ko. Ang tatlong ugok kanina ay magkakaibigan at puro na lang kalokohan ang ginagawa sa buhay. Hindi ko alam kung may matino ba sa klase namin, maliban na lang kay Cessqua. Tahimik siya at sobrang misteryoso. Sa loob ng isang araw at kalahati ay wala pa siyang nasasabing salita sa akin o sa buong klase man lang.
Pero walang mas kakaiba kay Kyla. Kung anu-ano ang lumalabas sa bibig ng babaeng iyon. I hate analysis kaya siguro hindi ko siya maintindihan, 'no?
Ang sabi ko'y walang matino. Bakit? Sino ba ang matinong tao na magdadala ng mga gamit sa isang beauty salon at bibigyan ng free service ang mga kaklase namin? No other than May and Nikkadin. May dala silang manicure set kahapon at ngayon ay may dala silang hair curler. Like, that the hell? Hindi ko alam kung paano sila natatagalan ni Gaeyl-kaibigan din ng dalawa.
Sa isang klase ay hindi talaga mawawala ang mga nerd freaks, right? Ang dami lang nila. At kahit isa sa kanila ay hindi ko pa nakakausap sa takot na hindi mapansin. Please don't get the wrong idea, what I mean is being ignored.
The same meaning, I know, I know.
Sabi nga naman nila, books before-girls?
Ang grupo naman ni Arius. Hindi ko inakalang totoong gangster pala ang mga lalaking iyon. Alam kong full packaged ang grupo nila, sa mukha at pananamit palang. Pero gulo ang hanap nila, e. Ayaw ko sa gulo. Kaya lalayuan ko ang mga lalaking iyon, lalo na ang leader nila na walang ibang ginawa kundi ang matulog buong klase.
"Hey, you're the new girl. Am I right?"
Napalingon ako sa taong humawak sa aking balikat. Nang makita ko kung sino ang nasa aking harapan ay gusto ko na lang tumakbo at magtago sa dorm. Kakasabi ko lang na lalayuan ko ang grupo nila, 'di ba? Shit. Masakit sila sa bangs.
"May problema ba?" manginginig man o hindi ang aking boses ay nakakahiya pa rin.
Nasa akin na naman ang atensyon ng buong klase.
"My name is Cole, and I just want to invite you for a party tonight. Everyone's coming and I thought, no one should be left behind." Sabi niya at saka tinapik ang aking balikat bago bumalik sa kanyang grupo.
Sinundan ko siya ng tingin. Nakita ko si Arius na nakatingin din sa akin habang naka-thumbs up. Nginitian ko siya pabalik bago tinapik ang balikat ni Harmony.
"Alis na tayo?" pag-aya ko sa kanya.
"Si Jade muna ang sasama sa 'yo, Tyra. May pupuntahan pa kasi ako," sabi niya at dali-daling kinuha ang kanyang mamahaling bag. "Mauna na ako sa 'yo, mag-ingat kayong dalawa."
"Mag-ingat ka rin, Harmony."
Inaya ko si Jade na pumunta ng canteen. Mukhang sa pagkain muna namin uubusin ang oras bago magsimula ang klase sa hapon. Antok na antok pa naman ako. Nagandahan ako sa pinanuod kong Thai series kaya tinapos ko ito kagabi.
At maleta lang naman sa aking mata ang nakuha ko sa pagpupuyat.
Nang mag-ala una na ng hapon ay mag-isa kong tinungo ang aming silid. May pinuntahan si Jade at mukhang importante kaya hinayaan ko na lang.
Pagdating ko ng silid ay nasa loob na ang lahat, maliban kina Harmony at Jade. Nanlumo ako sa aking kinauupuan habang tinatanaw kung ano ang ginagawa ng iba. Isa lang naman ang masasabi ko ngayon-magulo. Sobrang gulo ng lahat.
"Binuksan ko na ang red envelope. Ang nakasulat lamang ay ang pangalan ng paaralan natin-64 Academia. Umalis naman papuntang, ewan, ang kabilang seksyon." Anunsyo ni Vanessa sa klase.
Walang may pakialam sa anunsyo, maliban sa tatlong magugulong magkakaibigan. Or should I say, mas may pakialam sila kay Vanessa.
Nang tingnan ko sina May ay abala ito sa buhok ni Gaeyl. Naghahanap ng walis si Nikkadin hanggang sa matunton niya ang isang pahabang kahon na gawa sa kahoy. Naiisip ko talaga na hindi pa nakapag-linis ng silid ang babaeng iyon. Bakit ko nasabi? Ang tanga lang, hindi agad nakilala ang lalagyan ng mga walis at lampaso.
Rick kid be like, 'no? Sana lahat.
Matutulog na sana ako sa aking upuan nang umalingawngaw ang sigaw ni Nikkadin sa buong silid. Hawak niya ang isang walis habang yakap-yakap ang isa naming kaklase. Iisipin ko sanang prank lamang ang lahat upang takutin kaming lahat-not until I saw bloodstains from her plain white shirt.
It can't be true, right?
Tweet your thoughts and use #DGSLies on Instagram, Facebook, or TikTok.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro