Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

TYRALIQUE HUAVEN

"GOOD EVENING, EVERYONE! My name is Tyralique Huaven. But please do call me Tyra for your own good." Pakilala ko sa huling beses para sa araw na ito.

Kaloka. Paulit-ulit na lang ang linya ko ngayong araw. Kaunti na lang at ibabaon ko na ang sarili sa sobrang kahihiyan.

Bumalik ako sa aking upuan at tiningnan si Harmony na payapang nakaupo sa aking tabi. Laking pagtataka ko kung nasaan ang iba naming mga kaklase. Alam kong unang araw ngayon ng klase, pero hindi naman siguro tama na sampong estudyante na lang ang pumasok sa huling asignatura.

Mang-iiwan naman, o.

"Samahan mo akong kumain ng dinner, please? Gutom na gutom na talaga ako, Tyra." Pangungulit ni Harmony pagkatapos ng aming klase.

Ngintian ko siya bago tumango. "Tara na nga't gusto ko ring kumain ng ice cream."

"Do not worry, my friend, libre ko ang ice cream mo sa gabing ito."

"Huwag na, nakakahiya naman sa 'yo, Harmony." Pagtanggi ko sabay iling nang paulit-ulit.

Hindi man makita sa mukha ko, pero nahihiya talaga ako.

Umakbay si Harmony sa akin bago ginulo ang medyo makulot kong buhok. "Hey, it's okay. Isipin mo na lang na welcome treat ko ito sa 'yo, okay ba 'yon? This will be the start of our friendship, Tyra."

"Friendship," tumango ako habang sinundan si Harmony patungong canteen.

Tuwing gabi ay censored lights ang ginagamit sa bawat hallway. Ilang beses akong napasigaw sa takot tuwing may nadadaanan kaming censored light ni Harmony. Hindi ako sanay at mas lalong nakakatakot, lalo na't pinaglalaruan ako ng aking isipan.

Damn it, my imaginations are going wild right now.

First time kong magkaroon ng night classes at tumira sa isang dorm. Hindi siya madali, pero masaya naman. It's one of a kind feeling na minsan mo lang mararanasan sa buhay. Sabi nga nila, lahat ng mga kalokohan ay nangyayari sa loob ng dorm.

I don't think so.

Or maybe I am wrong after all.

"So, what is your favorite flavor? Or I'll buy you each flavor in here. What do you think?" tanong ni Harmony nang marating namin ang isang ice cream stall.

"Coffee crumble will do, Harmony. I really love coffee," sabi ko bago kumuha ng tray at inilagay roon ang inorder naming pagkain. "Ikaw, anong paborito mong flavor?"

"Any guess?" kinuha ni Harmony ang inorder niyang ice cream para sa aming dalawa. "Three spoons please, para po sa ice cream."

"Ube?"

Tiningnan niya ako sabay kuha ng dalawa pang ice cream cup. "How did you know? Ube is my all time favorite, coffee crumble is third in my list."

"Napansin kong kulay violet ang mga gamit mo, pati nga higaan. Naisip ko na baka favorite mo ang kulay violet and ube is violet, then I assumed you like the ube flavor."

Tumango siya at naunang maglakad papunta sa isang bakanteng table. "I love ube, not because it's violet, Tyra. It's because of how it taste so good sa tuwing natutunaw ito sa aking dila."

"You're right," tiningnan ko ang isang flavor ng ice cream na kanyang binili. "You love strawberry, too?"

Umiling siya bago tumingin sa aking likuran at kumaway. "Strawberry will be sixth in my list-Jade's favorite."

"Hey, what are you two doing?"

Kinawayan ko si Jade na siyang umupo sa tabi si Harmony. Sa pagkakatanda ko'y isa si Jade sa hindi pumasok sa panghuli naming klase. Hindi naman sa nangingialam ako, pero wala akong nakikita na tambayan sa paaralan. Hindi rin kami pwedeng lumabas ng campus, maliban na lang kung weekends.

"May nasagap akong balita," sabi ni Jade at inubos ang kanyang ice cream. Pinaikot niya ang hawak na kutsara sa lamesa bago kami tiningnan ni Harmony.

"At anong tsismis na naman iyan?" tanong ni Harmony habang itinuro ang kutsara sa akin. "Experto sa pangangalap ng impormasyon itong kaibigan natin. Lahat ay alam niya, walang nakakalusot sa mga mata at tainga ni Jade."

Hindi ko alam kung bakit ako pinagpawisan sa narinig ko kay Harmony. Walang mapaglalagyan ang kaba na aking naramdaman habang nakatuon ang buong atensyon ni Jade sa akin.

This is why I hate attentions.

Tumawa ako kahit kinakabahan at sinalubong ang mga mapagmatyag na mata ni Jade. "Ano pala ang nasagap mong balita? School activites? Or rumors about our professors?"

Umiling siya at uminom ng tubig. "Hindi ko alam kung good news or bad news itong maririnig niyong dalawa, pero may upcoming activity tayo. Alam niyo namang may dalawang seksyon ang paaralan, 'di ba?"

Umiling ako sa pagkakataon na ito. "Hindi ko alam 'yan, pero bakit dalawang seksyon lang? The school is big and," tiningnan ko ang harden sa labas ng canteen at bumuntong hininga. "It's not that affordable, is that the reason?"

Tumawa si Jade habang hinahampas ang lamesa. Napatingin ang ibang estudyante sa aming gawi, lalo na ang grupo ni Arius. Hindi ko namalayan na nandito pala ang grupo niya sa canteen.

Speaking of them, hindi rin sila pumasok kanina.

Mga tambayers nga naman, o.

"Aside sa mahal ang tuition fee at wala sa syudad itong paaralan natin," inilapit ni Jade ang kanyang mukha sa akin at bumulong. "Ang paaralan mismo ang pumipili ng mga estudyante. In short, may qualification standard sila at hindi ka basta-bastang makakapasok ng 64 Academia."

Umupo ako nang maayos at tiningnan ang bawat estudyante sa canteen. Base sa kanilang pananamit ay sobrang mamahalin ito. Gucci? LV? Parang isang buwan ko nang savings iyan noong highschool. Isa pa, branded shirts will never define who I am.

Pero may napapansin akong kakaiba sa bawat estudyante sa paaralan na ito. Hindi ko alam kung ano, pero ramdam kong hindi sila mga ordinaryong estudyante.

Never mind, walang patutunguhan itong iniisip ko ngayon.

It's too early to judge them, anyway.

"Nakikinig ka ba sa amin, Tyra?"

Napalingon ako kay Harmony at tumango, kahit wala akong narinig. Shit, mas lalong wala akong naintindihan. I am spacing out again from my judgemental thoughts.

"Sabi ko naman sa inyo, retreat house will be great. Pero mas gusto ko rito sa campus. Home is here and I think, mas gusto kong gawin ang activity sa campus." Sabi ni Jade bago kinagat ang kutsara at nginunguya-nguya ito.

"Retreat house-what?" nagtataka kong tanong.

Natampal ko ang aking noo nang hindi ko lubos maintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Sorry naman kung hindi ako nakinig sa pinag-uusapan ng dalawa.

"You were not listening sa amin kanina," natatawang saad ni Jade bago ako mahinang binatukan sa ulo. "We will be having an opening activity, but it will be a separate activity. Gets mo? Either one of the sections will stay here or go on a trip sa isang retreat house-or I don't know where it will be."

Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang buong canteen at ngumiti.

It will be fun, I know it.

"Camping is fun, more than going to a retreat house. Agree with me?"

Tweet your thoughts and use #DGSLies on Instagram, Facebook, or TikTok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro