Chapter 17
NIKKO DENVER
"SA LARONG ITO ay kailangan nating maghiwalay, pero hindi tayo puwedeng gumalaw na tayo lang mag-isa. May dalawang tao sa isang grupo. May rooftop din na hindi natin mapupuntahan. Pero madali lang naman tumawid sa bawat rooftop ng paaralan, maliban na lang sa dormitoryo at gymnasium. Mag-ingat kayong lahat—si Nikkadin ang sasamahan ko." Sabi ni Gaeyl.
"Sa main building kami ni Restie. Wala na akong pakialam kung saang rooftop kayo. Bahala na kayo sa mga buhay niyo." Sabi ko at saka hinila palabas ng science laboratory si Restie.
Halos takbuhin ko ang main building sa sobrang kabang naramdaman. Pinipilit kong huwag maging paranoid at maging positibo lamang para sa kaibigan ko, pero hindi ko kaya. Makita ko lang siyang nakagapos sa makapal na lubid habang may lubid din na nakatali sa kanyang leeg, natatakot na ako para sa kanya.
Nang tingnan ko si Restie sa aking likuran. Parang wala siya sa kanyang isipan. Malalim ang kanyang iniisip at hindi man lang napansin na nasa hagdanan na kaming dalawa papuntang rooftop, kaya sa huli ay natalisod siya. Binalikan ko ang lampa kong kaibigan at tinulungan siyang tumayo.
Parang bata naman, e.
"Dalian mo nga, Nikko. Nanganganib ang buhay ni Warren. Wala akong oras para sa katangahan mo." Inis kong sigaw sa kanya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang mapansin kong hindi siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Wala akong nagawa kung hindi ang balikan siya.
At ano na naman ang problema ng lokong ito? Kita niyang nasa panganib ang kaibigan namin, nakuha niya pang kumilos na parang isang pagong. Buwesit. Ang sarap lang naman batukan.
"Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Hali ka na at hanapin na natin si Warren." Mas lalo akong nainis nang tiningnan lamang niya ako na para bang nawawalan ng pag-asa.
Umtras si Restie habang malalaking buntong hininga ang pinakawalan. Malikot ang kanyang mga mata at hindi man lang ako matingnan ng diretso sa mata.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Pinipigilan ang inis na naramdaman. Ubos na ubos na ang oras namin, pati na ang pasensya ko.
"Ano ba ang problema mo, Restie? Sabihan mo lang ako kung hindi mo ako sasamahan sa paghahanap kay Warren, kaya ko naman siyang hanapin mag-isa. Manigas ka riyan kung gusto mo. Buwesit!" Tinalikuran ko si Restie at aalis na sana nang marinig ko ang kanyang sinabi.
"Wala na akong pakialam, Nikko. Mukhang kilala ko kung sino ang may kagagawin nito sa ating lahat. Kabayaran na siguro ito sa mga ginawa namin dati sa kanya, naghihiganti na siya." Halata ang takot at panginginig sa kanyang boses habang patuloy sa pag-atras.
Tiningnan ko siya na may pagtataka sa mukha. "Anong sinasabi mo? Nahihibang ka na ba? Sino naman ang tinutukoy mong naghihiganti? Si Loreley ba? Sino ba siya at para katakutan mo ng husto?"
Nginitian niya ako na parang nawawala sa kanyang katinuan. Mas nakakatakot pa ang itsura ni Restie ngayon kaysa sa kay Loreley.
"Una niyang pinatay si Harmony dahil siya mismo ang mastermind ng lahat, Nikko. Damay-damay lang ang nangyari. Wala akong kasalanan sa kanya, e. Ginawa lang namin iyon ni Warren upang iligtas si Domique. Wala akong kasalanan sa kanya, pero naghihiganti siya sa nangyari sa kanya noon."
"Naguguluhan ako sa mga sinasabi mo, Restie. Ipaliwanag mo nga sa akin nang maayos kung ano talaga ang nangyari at kung sino itong si Loreley na tinutukoy—"
Buwesit. Huwag niyang sabihin na si Kaori ang tinutukoy niyang si Loreley?
"Bahala ka na sa buhay mo. Aalis na ako sa paaralang ito."
Tinalikuran ako ni Restie at iksaktong dumating sina Phoeb at Kyla. Tiningnan ako sa huling pagkakataon ni Restie bago tuluyang umalis. Magtatanong na sana si Phoeb nang umalis din ako upang sundan si Restie.
Ang gulo ng mga impormasyong nakuha ko. Kahit isa ay wala akong maintindihan.
Buhay ba si Kaori? Pero dumalo kaming lahat sa kanyang libing noon. Nakita ko ang mukha niya nang nilagyan ko ng isang pirasong rosas ang kanyang libingan. Hindi ako maaaring magkamali, pero kung buhay man siya—sino iyong inilibing? Ang gulo.
Kasalanan to ni Restie, e.
Nakasunod lamang ako kay Restie pababa ng hagdanan hanggang sa marating namin ang main lobby. Wala siyang tigil katatakbo at hindi man lang lumingon sa aking gawi.
"Sandali lang, Restie!"
Ilang ulit kong isinigaw ang pangalan niya, pero hindi siya natinag. Bukas ang front door papuntang open field. Tuloy sa pagtakbo si Restie at kitang-kita ng dalawa kong mga mata nang makalabas ng open field ang matalik kong kaibigan.
Walang nangyari.
At iyon ang akala ko.
Nang malapit na siya sa bukana ng gate na hanggang ngayon ay napapalibutan ng mga bakal ay nahulog sa isang patibong si Restie. Hindi ko alam kong namamalikmata lang ba ako, pero umalingawngaw ang sigaw ko sa buong paligid.
"RESTIE!"
Sa gitna ng field ay may maraming mga patay na dahon. Sa oras na umapak ang paa ni Restie sa mga ito ay bigla na lamang siyang nahulog sa isang bangin. Shit. Shit. Shit. Nang magsimula ang summer class ay nakita ko na ang mga dahon sa field sa tuwing magpupunta ako ng canteen na katapat lamang ng mga gusali.
Hindi ko alam na isang bangin pala ang nakatago.
Ibig bang sabihin nito ay plantsado na ang mga plano ni Loreley upang patayin kaming lahat?
Tumakbo ako papunta sa gitna ng open field. Hindi ko mapigilang tumingin sa aking tinatakbuhan sa sobrang takot na baka ako ang isusunod.
"Two minutes left. . ."
Damn. Shit. Fuck. Nakalimutan ko na si Warren. Buwesit. Wala akong nagawa para kay Warren, kaya ililigtas ko si Restie kahit anong mangyari. Wala na akong pakialam kung ano ang mangyari sa akin basta mailigtas ko lang si Restie.
"Sandali lang, Nikko!"
Huminto ako sa paglalakd at nakitang nakasunod pala sa akin si Phoeb. Sa likuran niya ay si Kyla na halatang nahihirapan sa pagtakbo.
Lumulubog na ang araw. Mas delikdo ang paglubog ng araw sa aming lahat. Umiling ako at nagpatuloy sa pagtakbo. Hindi ko muna po-problemahin ang natitira naming oras dahil kailangan ko pang iligtas ang kaibigan ko.
"Restie? Restie? Naririnig mo ba ako?" paulit-ulit kong sigaw habang tinitingnan ang ilalim ng bangin.
Kinuha ko ang aking telepono at binuksan ang flashlight nito, pero sa sobrang taranta ay aksidenti ko itong nabitawan. Buwesit talaga. Hindi masyadong malalim ang bangin at iksaktong nahulog ang aking telepono malapit sa katawan ni Restie habang nakatuon ang ilaw nito sa kanya.
Bumilog ang aking mga mata sa aking nakita.
"RESTIE! Shit! Paano nangyari ito? Bakit may mga ganyan diyan?"
Umatras ako sa aking kinatatayuan. Natatakot ako sa maaaring mangyari kay Warren kung ganito ka brutal si Loreley sa kanyang mga laro.
Sa loob ng bangin ay mga matutulis na kahoy na siyang nakabaon sa lupa. Patay na si Restie. Patay na ang matalik kong kaibigan. Maraming kahoy ang tumusok sa kanyang katawan at bumaon pa talaga ito hanggang sa kadulo-duluhan.
"Shit! Sino ang naglagay ng mga ganitong patibong sa open field?" rinig kong tanong ni Phoeb nang marating niya ang kinaruruonan ko.
Iyan din mismo ang katanungan ko.
"Congratulations!" saad muli ni Loreley. "Warren Hyera is finally out of the game. Better luck next time, my dear players."
Tweet your thoughts and use #DGSLies on Instagram, Facebook, or TikTok.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro