Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

DAELAN HUWART

PABALIK-BALIK AKONG naglakad sa harap ng pinto. Kahit isang malaking bato man lang upang ihampas sa doorknob ay wala akong makita. Ilang minuto na ang lumipas at palubog na ang araw. Nagsasayang kami ng oras sa walang kuwentang rooftop na ito. Ilang ulit dinamba ni Daemon ang pinto pero hindi ito natitinag. Matibay ang pintuan at kung ito man ang nangyayari sa aming tatlo, wala na akong ibang ideya kung paano namin ililigtas si Warren.

Umupo ako sa malamig na semento at tiningnan kung ano ang gagawin ni Tyra. Tinanggal niya ang suot na sapatos at hinampas ito nang paulit-ulit sa doorknob. Isa-isang natatanggal ang parte ng doorknob at ilang hampas na lang ay tuluyan itong matatanggal sa kanyang pagkakabit. Tumayo ako at sinubukan ulit dambahin ang pinto pero katulad kanina ay wala itong epekto. Sa huling hampas ni Tyra ay siyang sabayan naming pagdamba ni Daemon.

At sa awa ng Diyos ay bumukas ang pinto. Nagmamadali kaming tumakbo pababa ng building at agad tinungo ang rooftop sa aming dormitoryo.

Ilang minuto na lang ay magtatapos na ang laro. Ayaw kong makakita ng isang bangkay. May tiwala ako sa mga kaklase ko. Alam kong ililigtas din nila si Warren katulad ng gagawin naming tatlo. Habang tinatahak ang rooftop ay nasa likuran lamang ako nina Tyra at Daemon.

Ngumiti ako habang nakatitig sa likuran ni Daemon. Hindi ko akalain na tutulong siya upang iligtas si Warren. Iba ang Daemon na nasa harapan ko ngayon, sobrang magkaiba sila sa Daemon na kilala for the past two years na magkaklase kami.

Isang arogante at walang pakialam sa bawat taong nakasasalamuha niya. Ang kanyang mga kaibigan lamang ang kinakausap niya nang matino, ang Lucky 7. Wala rin akong ideya kung bakit siya naging Vice President ng student council. Sino kaya ang bumoto sa kanya noong eleksyon? Kung sabagay, sikat si Daemon sa campus kaya hindi na nakapagtataka.

Nang marating naming tatlo ang rooftop ay nadatnan namin sina Sty, Sperry, at Jade. Abala ang tatlo sa paghahanap ng mga red envelope sa paligid, kagaya kung ano ang nangyari sa gymnasium.

Agad akong tumakbo kay Warren. Gulat ko siyang tiningnan nang makita ang kanyang bibig. Buwesit. Walang awang tinahi ang kanyang bibig at sa nakikita ko ay malalaking karayom ang ginamit ni Loreley sa pagtahi.

"Nasaan ang red envelope?" tanong ni Tyralique.

Iniwas ko ang tingin kay Warren at hinanap kaagad ang red envelope sa paligid. Walang laman ang envelope. Hinanap ko sa paligid ang sulat at sa kasamaang palad ay lumipad ito sa ere. Sabay kaming tumakbo ni Tyra at sinubukan itong abutin.

Gotcha!

Ipinakita ko kay Tyra kung ano ang nakasulat sa papel nang matapos ko itong basahin.

Nang ituon ko ang atensyon kay Warren. Nakita kong unti-unting nahihila ang lubid papunta sa railings ng rooftop. Kung tama ang iniisip ko ay may balak si Loreley na ihulog ng katawan ni Warren pababa ng building. No, not on my watch.

"Ano ba ang hinahanap niyo? Sino ba kasi si itong Loreley?" paulit-ulit na tanong ni Tyralique.

May hinahanap ang tatlo sa rooftop habang wala akong ideya kung ano ang kanilang hinahanap. Red envelopes? I don't think so. May hawak na letter 'R' si Sperry habang letter 'A' naman si Jade.

"Teka lang, ano ba ang hinahanap natin, ha?" tanong ko nang hindi ko talaga makuha kung ano ang ginagawa naming lahat sa rooftop.

Tiningnan ko ulit ang sulat at nahanap ko sa ibaba kung ano ang pinapahanap sa amin. Mga letra na bubuo ng isang pangalan, ngunit ano ang pangalan niya?

Ano ang totoong pangalan ni Loreley?

"Kaori, okay na ba? Kaori ang pangalan niya. Si Loreley at Kaori Santos, ang kaklase natin noon ay iisa. Gets mo na? Palayaw niya ang pangalan na Loreley. Kaya hanapin mo ang ibang letra na nakatago sa rooftop at ilagay mo sa gitna." Sigaw ni Jade.

Galit na galit siya habang nakatingin sa aking direksyon.

"Sorry naman, hindi ko alam na may palayaw pala itong si Kaori." Sabi ko at saka padabog na naghahanap ng letra sa buong rooftop.

Kaori Santos, kaklase namin last year. Katulad ni Tyralique ay bagong salta rin siya sa aming seksyon. Wala akong alam kung ano ang totoong nangyari sa kanya, wala akong ideya kung bakit siya namatay.

Kung totoo ba talagang namatay si Kaori—o sadyang pinatay.

"Ano ba ang nangyari kay Kaori?" tanong ni Tyralique sa gitna ng paghahanap.

Natigilan ang lahat sa paghahanap at nakatingin lamang kay Tyralique. Nang tingnan ko si Daemon ay seryeoso lang ang kanyang mukha habang pinaglalaruan ang letrang 'K' sa kanyang palad. Ang iba naman ay hindi maipinta ang kani-kanilang mga mukha.

Ano ba ang nangyari kay Kaori? Hindi ko alam. Wala akong alam sa nangyari sa kanya. Sino ba naman ako at mangingialam sa babaeng iyon na walang ibang inatupag kung hindi ang mapalapit sa grupo nina May. Ang alam ko lang ay may namamagitan sa kanila ni Daemon.

Bukod sa mga nasabi ko ay wala na akong alam at wala akong balak upang alamin ang buong kuwento. Ang gusto ko lang ay makalabas ng buhay sa paaralan na ito.

"Two minutes left, everone."

Tiningnan ko ulit ang gawi ni Warren. Nakatingin lang siya sa aming lahat habang nangingiusap ang kanyang mga mata.

Nagpasya akong magpatuloy sa paghahanap. Ilang ulit kong nilibot ang buong paligid, pero hindi ko mahanap ang letrang 'I' habang nahanap naman ni Sty ang letrang 'O' sa isang tabi.

"Wala ba talaga kayong plano na sabihin sa akin kung sino at kung ano ang nangyari kay Kaori?" rinig kong tanong ni Tyralique.

Binaliwala ko ang kanyang katanungan. Nilapitan ko ulit si Warren at sinuri nang mabuti ang lubid na nakatali sa kanyang leeg. Hindi ko alam kung saan nakahanap ng sobrang kapal na lubid si Loreley, pero hindi ko matanggal ang lubid. Sobrang sikip din ng pagkatali ng lubid sa buong katawan at para bang isang langaw na lumilipad si Warren at nadakip ng isang gagamba.

Habang minamasdan at nagsasayang ng oras kay Warren. May isang bagay akong napansin sa kanyang ilalim. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang kanina pa naming hinahanap na letra.

Kaya pala ilang ulit kong narinig ang bawat pagdaing at ungol ni Warren. Nang kunin ko na sana ito ay biglang gumalaw ang katawan ni Warren at sa isang iglap lang ay nasa gilid na ng railings ang kanyang katawan.

"Sandali lang! Sandali lang naman! Kompleto na ang mga letra, huwag mo namang gawin ito, Kaori!"

Hindi ko alam kung bakit ako nagmamakaawa, pero ito lang ang natatanging magagawa ko. Hawak naming lahat si Warren habang hinihila ang katawan niya pabalik, ngunit sa bawat paghila namin sa kanya ay siyang unti-unting pagkawala ng kanyang buhay.

Nawala sa aking isipan na nasa kanyang leeg pala ang tali—kami mismo ang pumatay kay Warren.

Tweet your thoughts and use #DGSLies on Instagram, Facebook, or TikTok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro